Fuck and Run/C1 Kabanata 1
+ Add to Library
Fuck and Run/C1 Kabanata 1
+ Add to Library
The following content is only suitable for user over 18 years old. Please make sure your age meets the requirement.

C1 Kabanata 1

Dumampi ang malamig na simoy ng hangin sa aking balat kasama ang haring-araw. Nag-uunat ako ng katawan dahil magsisimula na kaming magtanim ng palay maya-maya lamang.

Suot 'koy isang lumang itim na slacks na pinaglumaan ng aming kapit-bahay at ang paborito kong camisa de-chinong kulay puti. Nakatali ang buhok kong hanggang beywang ang haba at gamit ko ang sombrerong gawa sa anahaw.

Alas 7 na ng umaga ay diretso agad ako sa sinasakang palayan namin. Elementary pa lang ako ng mamulat sa pagsasaka dahil sa hirap ng buhay.

"GG!" Tawag ni Amalia sa akin. Siya ang aking matalik na kaibigan. Lumingon ako sa gawing likuran at nakita siyang nagtatakbo. Siya ang hihintay ko.

"Ang aga mong nagising ah?" Tonog sarkasmo iyon sabay tawa ko.

"Ang daming labahan kagabi at ginabi na kami sa ilog. Ayan tuloy, pagod na pagod ako. Pasensya ka na. Tara na?" Aniya at tumango agad ako.

Napatigil siya sa paglalakad ng papunta na sana kami sa palayan upang magtanim ng palay.

"Nag-agahan ka na, GG?" Tanong niya. Ngumiti lang ako sa kanya. At alam kong alam na niya ang sagot. Palagi namang ganito.

Kumunot ang noo niya at may kinuha siya sa bulsa niya. Inilahad niya sa akin ang isang supot ngunit di ko makita ang laman.

"Ito oh, meryenda ko sana yan. Sayo na lang." Ngumisi siya sabay abot sa akin ng supot.

Umiling agad ako. "Naku Amalia, h'wag na. Sayo yan, itago mo yan para mamaya." Sabi ko

Umiling din siya. "Kainin mo muna ito bago tayo magsimulang magtanim. Hindi ka na naman tinirhan ng agahan ng madrasta mo, no?" Ani Amalia.

"Hayaan mo na." Ang tanging nasabi ko. May isang anak na babae ang madrasta ko sa una nitong asawa. Mas matanda ito sa akin ng 5 taon at mas pinapaburan ni Tatay kaysa sa akin.

Ito ang palaging nagsasaing ng agahan dahil maaga siya'ng umaalis at parang kunti lang ang ulam at nasaing niyang kanin. Kaya hindi na umabot sa akin.

Palagi naman.

Kolehiyo na siya samantalang kaka-First year ko lang. Araw ngayon ng sabado kaya tumutulong ako sa aming palayang sinasaka.

Namatay si Nanay sa panganganak sa akin at matapos ang dalawang taon ay nag-asawa ulit si Tatay sa isang may anak na.

Nahihiya na ako kay Amalia dahil palagi siyang ganito sa akin. Pero mas may malasakit pa sa akin ang ibang tao kaysa kay Tatay.

Kinain ko ang ibinigay ni Amalia dahil ayaw niya talagang magtanim kami nang hindi pa ako nag-aagahan.

Nakaupo ako sa isang upuang maliit na gawa sa kahoy. Ganun din si Amali.

"Yang atribidang anak ng madrasta mo, sana pagtrabahuin din nila yan dito sa palayan! Hindi yung, ikaw lang at ang Tatay mo." Sikmat ni Amalia.

Hindi kasi kailanman nakaapak dito sa palayan si Chloe. Ayaw niya din naman kahit na inaya ko siya. Napagalitan pa tuloy ako ng Tatay.

"Okay lang. Kaya ko naman." Sagot ko kay Amalia na umismid.

"Yan, bawas-bawasan mo kasi ang pagiging mabait mo. Kaya ka inaabuso, e." Napailing na lang ako kay Amalia habang pinapangaralan ako sa gitna ng palayan.

Alas 10:55 na sabi ni Amalia pagtingin niya sa relong pambisig niya. Hudyat na malapit na kaming umuwi. Nagugutom na din ako.

"Tara GG, alas onse na. Ang init-init na, baka mahimatay tayo dito." Ani Amalia at tumango naman ko.

Nagkwekwentuhan kami ni Amalia pauwi habang punong puno kami ng putik galing sa palayan. Magkatabi lang ang bahay namin kaya kung bakit kami matalik na mag kaibigan.

"Oh, GG! Nagluto ako ng nilagang baboy. Dito ka na mananghalian." Sabi ng Mama ni Amalia na ninang ko din.

"Salamat na lang po ninang. Doon na na 'po sa bahay." Sabi ko

"Ay, o sige. Kung magbago isip mo punta ka lang dito, ha?" Aniya at tumango ako sabay paalam ko din kay Amalia.

Pagod na pagod ako at sumasakit ang likod ko sa pagtatanim ng palay. Plano kong maligo muna at magbihis bago kumain ng pananghalian.

Bukas ang pintuan ng aming bahay, ibig sabihin nakauwi na si Tiya Olivia at si Tatay galing sa lungsod, o di kayay si Chloe.

Ang bahay namin ay gawa sa kalahating semento at amakan. Pinagawa ito noon ng mga magulang ko noong nabubuhay pa si Nanay.

"Oh, GG. Andyan kana pala. Mag tanghalian ka na. Andun sa mesa, at pagkatapos mong kumain, maglaba ka na. Ang daming labahan." Ani Tiya Olivia habang nakatingin sa salamin, sukat-sukat ang binili niyang damit.

"Ay, bagay na bagay sa akin ang binili mo Hernan." Aniya at lumabas si Tatay galing sa kanilang kwarto.

Agad akong tumalikod at nagpunta ng banyo upang makaligo na dahil kumakalam na ang aking sikmura. Gusto ko sanang matulog na muna pagkatapos kong kumain dahil masakit ang likod ko, ngunit kailangan kong maglaba.

Magagalit sa akin si Tatay kong hindi ko susundin ang utos ni Tiya Olivia.

Habang kumakain ay biglang dumating si Chloe na pagod na pagod ang mukha. Pasalampak siyang naupo sa upuan naming gawa sa kawayan.

"Mama! Igawa mo 'ko ng juice, nauuhaw ako!" Sigaw niya at agad lumabas ng kwarto si Tatay at Tiya at dinaluhan si Chloe.

"Kamustang exam mo, anak? Pasado ba?" Si Tatay dahil entrance exam ngayon ng mga magko-kolehiyo.

"Hindi ko pa alam pa." ani Chloe habang pinapaypayan si ni Tatay animoy prinsesa.

Minsan nakakaramdam ako ng inggit kay Chloe dahil alagang-alaga siya ni Tatay at Tiya. Pero hindi ko masyadong iniisip yun dahil marami akong pangarap sa buhay na kailangang unahin.

Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral at pupunta akong Maynila at doon na magtatrabaho. Ako mismo ang naghahanap ng paraan para pag-aralin ang sarili ko mula nag first year ako dahil mahal daw ang kursong kukunin ni Chloe ani Tatay at Tiya kung kaya't hindi nila ako matutulungan sa pag-aaral ko.

Lahat ng kinikita ko sa pagsasaka ay iniipon ko. Hindi ako bumibili ng kahit anong bagay na sa tingin ko ay hindi kailangan. Malaki pa ang kailangan kong pag-ipunan para sa pagko-kolehiyo ko pagdating ng panahon.

"Oh, ito na ang juice mo iha." Ani Tiya sabay abot kay Chloe ang juice na ginawa niya at ininom naman agad ito ni Chloe.

Bumaling si Chloe kay Tatay at yumakap na parang batang may hihingin.

"Papa, gusto ko ng sapatos na mataas ang takong at sa mall tayo bumili ng uniform ko, please." Pagmamakaawa niya kay Tatay.

Agad namang tumango si Tatay at sobrang saya ni Chloe.

Ang swerte swerte ni Chloe dahil binibigay sa kanya lahat ng gusto niya. Ni minsan, hindi ko naalalang may binigay sa akin si Tatay na anumang bagay.

Nagpapasalamat na lang ako at binibigay sa akin ni Tiya ang mga pinaglumaang mga damit ni Chloe.

"Ang tagal mo naman yatang matapos kumain diyan, GG?! Paano pa matutuyo ang labahan niyan!" Sikmat sa akin ni Tiya kaya agad na akong tumayo at hinugasan ang platong pinagkainan ko.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height