Fuck and Run/C3 Kabanata 3
+ Add to Library
Fuck and Run/C3 Kabanata 3
+ Add to Library

C3 Kabanata 3

Alas 4 pa lang ay inaabangan na namin ang jeep pabalik sa baryo namin. Hanggang alas-singko lang ang last trip papunta sa amin. Nag-alala na tuloy ako kapag may mga activity sa school at kailangang manatili. Siguradong hindi ako makakaabot sa last trip. Hindi rin namang pwedeng lakarin ko ang amin pauwi, dahil sobrang layo.

"GG, bili muna ako ng fishball, libre na kita. Sandali lang!" papalayong sabi ni Amalia. Ang babaeng 'to talaga masyadong marupok pagdating sa pagkain.

Nasa kabilang kalye katapat ng school namin ang nagtitinda ng mga street foods. Kaya kung sakali mang dumating na ang jeep para sa amin, ay madali ko lang matatawag si Amalia.

"Itong sayo, GG." sabay abot ni Amalia sa akin ng fishball na nakalagay sa isang plastic cup at may sauce na doon.

"Salamat." sabi ko. Nahihiya na talaga ako kay Amalia dahil palagi na lang niya akong nililibre. May pera naman ako, pero matitiis ko pa naman ang gutom. Kailangan kong isipin ang bukas kaysa ang kasalukuyan.

"Okay lang 'yan. Palagi mo kaya akong pinapakopya." aniya habang tinitira na ang fishball. Dalawang plastic cups pa talaga 'yong sa kanya. Kaya hindi nangangayayat ang kaibigan kong 'to.

Nang natatanaw na namin ang jeep na sasakyan, ay agad nagkumpulan ang mga sasakay. Buti na lang at kami ang naunang makasakay sa front seat ng jeep ni Amalia. Nagkakagulo sa likod dahil nagtutulakan na sila sa pagpasok.

Nasa gitna si Amalia at ako naman sa gilid. Habang hinihintay naming makapasok ang lahat ay napailing ang driver at nakatingin ito kay Amalia.

"Amalia, hinay-hinay sa paglamon, ang taba mo na." komento ni Kuya Mon. Hindi ko nagustuhan ang tono ng pagkasabi niya. At nakikita kong nainsulto doon si Amalia.

"Grabe naman kayo kuya Mon. Bata pa naman ako, papayat din ako pag nag college na ako." sagot ni Amalia pero humalakhak lang si kuya Mon.

"Naku, ibu-bully ka niyan. Alam mo naman mas gusto ng mga lalaki ang katawan kagaya ng kay GG." sagot niya kay Amalia.

Napayuko si Amalia at bahagyang tiningnan ang sarili habang pinapaandar na ni kuya Mon ang jeep. Hindi na rin naman nagsalita si Amalia. Alam kong naapektuhan siya sa sinabi ni kuya Mon.

Ilang taon ng driver ng jeep si kuya Mon sa baryo namin. Kaya kilala na namin siya, at mukhang kilala na rin yata lahat ni kuya Mon ang mga taga baryo. Gano'n kaliit lang ang baryo namin, siguro nasa isang daan o mahigit lang ang taong naninirahan doon.

Malapit na naming marating ang sapa ng may humarurot na magarang sasakyang kulay itim. Malaki ito at sobrang ganda. Ngayon lang ako nakakita ng gano'ng klasing sasakyan, at mukhang papunta ito sa baryo namin. May nakasulat na 'Roux' sa likod nito, sa may salamin. Halatang pinasadya iyong ilagay.

Halos lahat yata kaming sakay sa jeep ay sinundan ng tingin ang magarang sasakyan. Sino kaya 'yon? Baka may taga aming nakapag-asawa ng foreigner!

Nang makababa kami sa waiting shed ay biglang umulan. Ang ganda naman ng panahon kanina, pero bigla na lang umulan. Mabilis kaming sumilong sa tumakbo papunta sa waiting shed.

"Paano na 'yan GG, wala tayong payong." malungkot na sabi ni Amalia.

"Titila din 'to." sagot ko at tumingala sa langit. Maglalakad pa naman kami ng ilang minuto. Kailangan ko pa namang mag handa ng hapunan pagka-uwi ko.

Nalingunan ko ang mga puno ng saging.

"Dito ka lang Amalia." saad ko at nilapag ang bag sa upuan ng shed at tumakbo sa puno ng saging. Kumuha ako ng dalawang dahon. Medyo nahirapan pa akong kumuha no'n kaya kinagat ko iyon. Napangiwi ako ng malasahang medyo mapait ito at napagtagumpayan ko namang makakuha ng dalawang dahon.

Tumakbo ako pabalik sa waiting shed at pinagpag ang sarili dahil basang-basa na ako. Baka matagal pa bago tumila ang ulan, hindi kami pwedeng gabihin dito.

Sumuong kami sa ulan at niyakap ang bag namin sa harapan upang masigurong hindi ito mabasa. Matapos ang maraming minuto ay tumila nga ang ulan, pero nabasa pa rin kami.

"Dumidilim na GG, tara bilisan na natin." ani Amalia at lakad takbo na ang ginagawa namin. Wala pa namang street lights ang aming lugar kaya mahihirapan kami kung maabutan kami ng dilim.

Bigla kaming napatingin sa may unahan ng may malakas na ilaw na nanggagaling sa isang sasakyan. Malakas ang takbo nito, kaya naman ng dumaan ito sa amin ni Amalia ay saktong tumalsik ang putik hanggang sa mukha namin.

Nagkatinginan kami ni Amalia at nilingon ang sasakyan na huminto naman. Bumaba ang bintana nito at napalapit ako sa nagmamaneho.

Grabeng pag-iingat namin sa bag namin upang hindi ito mabasa sa ulan, tapos mababasa lang pala ito sa putik?Ngayon, kailangan ko pa itong labhan at baka pa nga, hindi na matuyo.

"Nakita mo ba ang ginawa mo?!" galit na galit kong sinabi sa lalaki na nakatingin lang sa akin, mali, sa damit ko, pababa sa palda ko bago lumunok siya ng makailang ulit.

Hindi siya nagsalita at mas lalo lang akong nainis!

"Hoy kuya! Bingi ka ba? Hindi ka ba man lang hihingi ng tawad?" inis kong sinabi sa kanya. Napatitig ako sa kanya. Ito 'yong magarang sasakyan na mabilis ang takbo kanina.

"Sorry mga bata. Hindi ko kayo napansin." aniya

"GG! Tara na, gagabihin na tayo!" sigaw ni Amalia. Gusto ko pa sanang makipag away sa lalaking 'yon pero gagabihin na kami sa daan. Kaya ang ginawa ko, bago pa ako umalis ay sinipa ko ang gulong ng sasakyan niya at halatang nagulat siya sa ginawa ko.

"Hey kid! Bakit mo ginawa 'yon?!" aniya at natuwa ako ng makita ang inis sa mukha niya. Itinaas ko ang gitna daliri ko at napanganga siya.

Tumakbo ako agad dahil nagsisimula ng maglakad si Amalia. Dapat lang 'yon sa kanya. Sinong hindi makakakita sa amin e ang liit lang ng kalsada? Sa sobrang lakas ng ilaw ng sasakyan niya, hindi niya kami nakita? Sinong niloloko niya?

"Anong etsura ng driver GG? Hindi ko nakita e." tanong ni Amalia.

"Pangit Amalia, kasing pangit ng ugali niya." sabi ko habang lakad takbo ang ginagawa namin.

"Talaga? Foreigner ba?" tanong niya ulit.

Inisip ko ulit ang etsura ng lalaki at ngumiwi sa sobrang inis.

"Mukhang taga bukid, walang ka aya-aya sa mukha." giit ko

Kinakabahan na ako dahil madilim na nga ng makarating kami sa bahay. Nauna na si Amalia sa kanila at ako naman ay pumasok na sa bahay.

"Bakit ngayon ka lang? Anong oras na?! Magluluto ka pa!" sigaw ni Tiya Olivia.

"Naabutan po kami ng ulan sa daan." sagot ko at pumunta sa kusina upang makapagsaing agad bago pa ako magbihis.

"Edi sana, tumakbo ka ng hindi ka ginabi! Ano? Sumilong ka pa? Hindi ba nabasa ka pa din?" dugtong na sermon ni Tiya at inilabas ko lang iyon sa kabilang teynga.

Sanay na ako.

Hindi na lang ako umimik at nagpatuloy na lang sa ginagawa dahil giniginaw na ako. Nang matapos akong magsaing ay diretso ako sa banyo upang hubarin ang basa kong uniform at agad nilabhan iyon. Ito lang ang nag-iisa kong uniform kaya dapat matuyo ito.

Ganun din ang ginawa ko sa bag ko. Nilabhan ko iyon dahil sa dami ng potek na dumikit dito.

Bweset na lalaking 'yon. Kasalan niya kung hindi 'to matutuyo bukas at maka absent ako!

"Pumunta kanina dito ang anak ng may-ari ng lupa. Nagpapagawa ng maliit na bahay na matutuluyan dahil mamamalagi daw muna iyon dito para tingnan ang takbo ng sinasaka natin." ani Tatay.

Nakikinig lang ako sa usapan nila Tiya habang kumakain kami.

"Gano'n ba? Saan naman siya banda gagawan ng bahay?" si Tiya Olivia.

"Diyan sa bakanteng lote sa gawing likod ng bahay natin. Doon daw ang itinuro e." sagot naman ni Tatay.

Ano kayang etsura ng anak ng may-ari ng lupang sinasaka namin? Ni minsan hindi ko nakitang bumisita dito ang may-ari ng lupa. Hindi ko rin alam kung sino ang may-ari dahil hindi naman din ako nagtanong kay Tatay.

"GG, agahan mong gumising sa sabado. Dahil manunuod ang may-ari sa pagtatanim natin." ani Tatay at tumango ako.

"Excited na akong bumalik siya Mama. Ang gwapo niya." kilig na kilig na sabi ni Chloe. Habang ako naman ay kumakain lang at nakatingin sa plato.

"Naku anak, bagay na bagay kayo no'n. Kaibiganin mo ha? Sigurado akong magugustuhan ka no'n." konsente ni Tiya. Maganda naman talaga si Chloe, flat chested nga lang, at wala pang ka hulma-hulma ang pwet.

Buti pa akong first year pa, e, malaki na ang dibdib ko at sakto lang din ang laki ng pwet ko. Namana niya siguro kay Tiya ang katawan niya.

"Ang ganda pa ng sasakyan niya, Mama. Nakita mo 'yon? Ang laki at ang kintab. Bagay na bagay sa etsura niya. Gusto kong makasakay do'n!" ani Chloe

Tumikhim naman si Tatay. "Ipapakilala kita kay Elton anak. Mabait 'yon." ani Tatay

Nagsimula ng kumunot ang noo ko dahil napagtagpi-tagpi ko ang pinag-uusapan nila. Pero kailangan ko pa ding makasigurado kong tama nga ako.

"Talaga Papa?! Yay!" tuwang-tuwa si Chloe sa sinabi ni Tatay.

Para makumpirma ko ang aking iniisip ay nagtanong na ako kay Tatay.

"Anong kulay ng sasakyan niya, Tay?" tanong ko.

Napalingon sa akin ang lahat sa biglang pagsasalita ko.

"Itim." tanging sagot ni Tatay at napayuko ako agad sabay pikit ng mariin.

Siya nga.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height