Fuck and Run/C7 Kabanata 7
+ Add to Library
Fuck and Run/C7 Kabanata 7
+ Add to Library

C7 Kabanata 7

Habang nasa byahe kami ay napapansin ko ang paminsan-minsan niyang pag baling sa akin. Pero diretso lang ang tingin ko sa daan.

Nabasag lang ang katahimikan sa loob ng sasakyan ng tumunog ang cellphone ng lalaki. Napabaling ako sa kanya at nakakunot ang noo niyang sinagot ito pero nakaharap pa rin sa kanya ang cellphone. Video call yata.

"What?" nakakunot noo niyang sabi sa kausap.

"Where the hell are you?" tanong ng lalaki sa kabilang linya. Sa daanan na ulit ang titig niya. Nakikita kong nahihirapan siyang mag drive habang hawak niya ang cellphone.

"Pwede paki hawak?" aniya sa akin at inabot sa akin ang cellphone. Tinanggap ko naman iyon dahil ayaw ko namang mabangga kami.

"Wtf! Who are you? Kinidnap ka ba ng kaibigan ko bata? Gago! Tama nga si Taiden, isa kang pedo!" sabi ng lalaki na masama ang tingin sa kaibigan ng iharap ko ito sa kanya.

"Stupid. Hinahatid ko sila sa skwelahan." kalmado niyang sinabi.

"Sila? Ilan ba sila? Uh... miss may kasama ka?" tanong niya kaya iniharap ko sa akin ang cellphone screen.

"Uh... oo si Amalia." sabi ko at pinakita si Amalia sa video call.

"Hi! I'm Amalia." magiliw na bati niya sa lalaki.

"You're cute. I like you." saad ng lalaki.

Nakita kong namula ang pisngi ni Amalia doon. Mukhang sasagot pa yata si Amalia pero kinuha na ni Elton sa kamay ko ang cellphone.

"Ano ba'ng kailangan mo?" aniya gamit ang iritadong boses.

"Si Suzie, hinihingi ang number mo. Binigay ko. Wala lang, gusto ko lang sabihin sayo." sagot ng lalaki.

Sino naman kaya si Suzie?

Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Kung kanina mukha siyang naiirita, pero ngayon, nangingiti na siya. Mukhang natutuwa siya sa binalita ng hula ko'y kaibigan niya.

"Finally. May ginawa ka ring tama." aniya at pinatay agad ang video call. Bakas na sa mukha niya ang saya matapos ang tawag na iyon.

Kung sino man si Suzie na nagpapa aliwalas sa mukha niya ngayon, ay wala akong pakealam.

"Salamat Kuya." saad ni Amalia ng makababa na kami. Humalukipkip ang lalaki at naka tingin sa akin na para bang may ginagaawa akong masama dahil magka salubong na ang mga kilay niya.

"Wanna say thank you?" aniya sa akin. Iyon naman pala, gusto niyang magpa salamat ako sa kanya.

"Thanks... Kuya." sinadya ko talagang pabitin na bigkasin ang huli. Mas lalo lang nag salubong ang kilay niya at sumama ang timpla ng mukha niya.

Tumalikod na ako at hinigit ko ang braso ni Amalia ng magsalita siya.

"Don't call me, Kuya." giit niya at nagtaka ako sa sinabi niya, kaya napa baling ako sa kanya ngunit pumasok na siya sa loob ng sasakyan at pinaharurot ito.

"Ano raw? Ayaw niyang magpa tawag ng Kuya sayo?" pabirong tumawa si Amalia na parang namamangha ito sa sinabi ng lalaki.

"Siraulo. Ano naman gusto niyang itawag ko sa kanya? First name basis ba? Close kami? Magka edad?" umiling ako habang naglalakad kami ni Amalia papasok sa skwelahan.

"Baka pati ako ayaw niya ring tawagin siyang Kuya?" tanong ni Amalia.

Bakit niya naman kaya sinabi 'yon? Alangan namang hindi ko siya respetuhin. Mas matanda kaya siya sa akin ng maraming taon, base sa etsura niya siyempre. Ilang taon na kaya siya?

"Paano kung may gusto siya sayo, GG?" napatigil ako sa paglalakad at binigyan si Amalia ng isang hindi makapaniwalang mukha.

"Seryoso? Naisip mo yan, Amalia? Mukhang kasing edad nga niya ang Papa ni Joseph, e." sabi ko.

Kaklase namin si Joseph at minsan na siyang sinundo ng Papa niya. At mukhang magka edad lang sila ng Elton na iyon.

Kinikilabutan ako sa sinabi ni Amalia. Isipin mo 'yon, magkakagusto siya sa isang first year highschool pa lang? Doon na lang siya kay Chloe, bagay sila.

Malapit na ang intramurals sa school namin kaya wala masyadong matinong klase dahil puro paghahanda na ang ginagawa ng mga estudyante at guro.

"Pagbobotohan natin kung sino ang magiging Muse para sa mga freshmen. Voting is now open." sabi ng adviser namin.

"I will vote Georgina for the Muse." sabi ni Joseph at nagulat ako roon! Ayaw kong sumali sa mga ganyan-ganyan. Pero huli na, naisulat na ito ng teacher namin sa pisara.

Sunod sunod na nagbigay ng mga pangalan ang mga kaklase namin at tatlo na kami ngayong pagpipilian nila. Kumpyansa akong hindi ako mananalo dahil 'di hamak na mas kilala ang mga kalaban ko.

"Congratulations, Georgina." bati ng guro sa akin. Mali pala ang kumpyansa ko.

"Oy, sorry na. Bagay naman sayo maging muse, e." pag-aalo sa akin ni Joseph.

"Bakit mo naman 'yon ginawa. Alam mo namang mas gusto ko pa ang maging treasurer kaysa sa muse." iritado kong sinabi dahil sa isip ko, mas maganda kong ako ang maging tresurer dahil walang mangungulit sa akin sa mga bayarin. Naiinis kasi ako roon.

Ngumuso si Joseph at nagpakurap-kurap na parang nagpapaawa ang etsura nito.

"H'wag ka ng magalit, GG. Bagay naman sayo maging muse. At isa pa, siguradong mananalo tayo sa pagandahan sa magdadala ng banner." komento ni Amalia ng makabalik na ito galing sa pag-order sa akin ng tanghalian.

"Alam mo naman na kailangan kong gumastos para sa susuotin ko. Wala akong budget para diyan, Amalia." giit ko. Isa naman talaga ito sa mga rason, bukod sa gusto kong maging treasurer.

"Tutulungan ka namin diyan, GG. Hindi ba?" ani Joseph kay Amalia at malaki ang ngisi nitong tumango.

Wala na akong magagawa. Kung tutulungan din naman nila ako, ang gagawin ko na lang ay pag-igihan ito.

Kagaya ng dati, pagkatapos ng klase ay dumiretso na kami ni Amalia sa waiting shed sa labas ng skwelahan. Siguro naman magaling na si Kuya Mon.

Laking gulat ko ng makita ang isang pamilyar na sasakyan. Dali-dali kong hinigit si Amalia at nagtago sa likod ng waiting shed. Bakas naman sa mukha ni Amalia ang pagtataka pero nagpatianod lang siya sa paghigit ko sa kanya.

"Bakit tayo nagtatago, GG? Sino ang pinagtataguan natin?" takang tanong ni Amalia.

"Shhh. Saglit lang." sabi ko at dahan-dahang sumilip sa gilid ng waiting shed. Tama nga ang hula ko! Mukhang kami na naman ang inaabangan niya. Parang nagiging taga hatid sundo na namin siya.

Bukod sa ayaw ko sa kanya, nakakahiya rin. Wala ba siyang ibang gagawin? At bakit niya naman ito ginagawa?

Biglang kinurot ni Amalia ang tagiliran ko kaya napaimpit ako sa gulat.

"Si Kuya 'yan, ah. Bakit natin siya pinagtataguan? At anong ginagawa niya rito?" tanong ni Amalia na nakisilip na rin.

"Iyan nga ang dahilan kung bakit tayo nagtatago, Amalia. Bakit siya nandito 'di ba? Obvious naman na tayo na naman ang sinusundo niya." giit ko.

"Oyy. Parang tama yata ang hinala ko, GG. Parang may gusto 'yan sayo. Crush ka niya, sigurado ako diyan." sabi ni Amalia at napangiwi ako sa sinabi niya.

Nakakadiri. Ang tanda-tanda na niya para magka crush ng kasing edad ko. Kikiligin pa siguro ako kong si Joseph 'yan.

Humilig ang lalaki sa sasakyan ng lumabas ito sa sasakyan niya. Bawat estudyanteng lumalabas sa gate ay tinitingnan niya at gano'n din sila sa kanya. Nakakarinig pa nga ako ng mga tili galing sa mga babaeng estudyante.

Bakit naman sila kikiligin sa kanya? Kaklase ko pa man din ang ibang tumili. Hindi ko sila maintindihan.

"Wala yatang balak umalis 'yan kung hindi tayo makikita, GG. Paano na tayo uuwi niyan kung dumaan na pala si Kuya Mon?!" diing sinabi ni Amalia at ngayon ko lang naisip 'yon!

Paano nga kong nakadaan na si Kuya Mon at hindi namin namalayan dahil nagtatago kami?

Nakita kong kinausap ng lalaki ang isang babae. Sobrang laki ng ngiti ng babae habang nakikipag-usap ito sa kanya. Ano naman kayang pinag-uusapan nila at gano'n na lang kalaki ang ngiti ng babae? Senior namin ang kinakausap niya.

"GG, alas-5 na. Siguradong nakadaan na si Kuya Mon. Lumabas na lang tayo, wala na tayong choice kundi ang sumakay sa kanya." ani Amalia at lumabas nga siya sa pagkakatago namin.

Kaya nga kami nagtatago dahil ayaw kong sumakay ulit sa sasakyan niya. Pero and ending, sa kanya tuloy ang bagsak namin.

Umaliwalas ang mukha ng lalaki ng makita kami ni Amalia. Hindi na rin niya kinausap ang babae at naka busangot itong umalis sa harapan niya.

"Hi Kuya! Sinusundo mo ba kami?" magiliw na tanong ni Amalia sa kanya. Nakatitig siya sa akin at nakataas ang isang kilay.

"Looks like it." sabay pilyong ngiti niya sa akin bago kay Amalia.

"Saan ka ba galing, Kuya?" usyosong tanong ni Amalia.

"Sa amin. Pabalik na ako sa baryo niyo para tingnan ang bahay ko. Naisip ko kayo...kaya ito." aniya

Maniwala. Kung gusto niyang e-check ang bahay niyang pinapagawa ay dapat bumalik siya agad kanina. Hindi 'yong ngayong hapon na. So, kapag umulan ulit, sa amin na naman siya matutulog, gano'n?

Masama talaga ang kutob sa ginagawa ng lalaking 'to. At kung ano man iyon ay aalamin ko!

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height