Fuck and Run/C9 Kabanata 9
+ Add to Library
Fuck and Run/C9 Kabanata 9
+ Add to Library

C9 Kabanata 9

"Ibaba mo ako! Ibaba mo!" sigaw ko sa kanya habang inaalis ko ang seatbelt ko.

"Geez. Could you please calm down?" aniya at tuloy tuloy pa rin ang takbo namin.

Mas lalo namang lumalakas ang ulan at hangin. Parang may bagyo na yata. Pero maayos lang naman ang panahon kanina ah.

Matapos ang maraming minuto ay lumiko kami sa isang building na hula ko'y isang hotel. Mas lalo akong kinutuban ng ma realize iyon.

Bakit niya ako dinala rito? May balak siyang masama sa akin? Tama ba ang iniisip ko?

"Kuya... please... Iuwi mo na ako." pagmamakaawa ko sa kanya at lumingon siya sa akin at bumuntong hininga.

"GG... may bagyo. Signal number 1 tayo rito at kahit pa malaki itong sasakyan ko, I won't take the risk. Ihahatid kita kapag humupa na ang ulan. Pero kailangan pa rin nating manuod sa news." marahan niyang sinabi sa akin.

Kaya pala ganito kalakas ang hangin at ulan. Kapag ganitong may bagyo ay hindi nga kami nakakaluwas dito sa bayan. Medyo napanatag ako sa dahilan niya kung bakit niya ako dinala rito.

Pero ibig bang sabihin... makakasama ko siya habang may bagyo pa? Nakaramdam ako ng kaunting kaba sa dibdib dahil sa naiisip.

Bumaba siya at umikot bago pa ako pinag buksan ng pinto ng sasakyan.

Nagkatinginan kami at ako na mismo ang nag-iwas ng tingin.

Nauna na siyang naglakad at nakasunod lang ako. Sumakay kami sa elevator at pinindot niya ang pang-apat na palapag. Tinitingnan ko ang bawat galaw niya. Natatakot ako baka may gawin siya sa akin.

Hindi pa nakatulong na namamalisyahan ako sa mga titig niya.

Nang huminto sa tamang palapag ang elevator ay naglakad kami ulit at huminto sa isang pintuan. Apat na kwarto lang ang layo nito sa elevator.

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Namangha ako sa disenyo ng lugar. Sobrang ganda nito, at halatang mamahalin. Ngayon lang ako nakapasok sa isang hotel.

"Here." aniya at inabot sa akin ang tuwalya. "Gamitin mo ang kwarto na 'yon, at doon ang sa akin." turo niya sa dalawang magka-ibang kwarto.

Tumango ako agad at pumunta na sa nasabing kwarto dahil nilalamig na ako. Hindi pa natatapos ang pagkamangha ko sa paligid. Pero mamaya na ako ulit magmamasid at maliligo na muna ako.

Agad kong hinubad ang basang uniform at nilagay sa katawan ko ang tuwalya. Nagpalinga-linga ako at nakitang wala namang pintuan sa loob ng kwarto. Walang banyo?

Nasa labas yata, kaya lumabas ako ng kwarto at hahanapin ko kung nasaan ba ang banyo.

Pagkalabas ko pa lang ay laking gulat ko ng akmang kakatok na sana siya. Halatang nagulat din siya sa biglang pagbubukas ng pintuan.

"There's no bathroom in your room, at walang heater ang common bathroom. Gamitin mo na lang muna 'yong sa akin... 'yong bathroom sa kwarto ko." sabi niya at tinalikuran ako agad.

Naka tuwalya lang ako. Pero hindi ko nakitang dumako ang mga mata niya sa katawan ko gaya ng dati. Siguro, ako lang talaga itong masyadong judgemental at dinagdagan pa ni Amalia ang pagpaparumi sa isip ko.

Pumunta ako sa kwarto niya at naamoy ko agad siya... ang amoy niya.

Ang sarap nito sa ilong. Ito rin ang amoy ng sasakyan niya, pero mas gusto ko itong sa kwarto niya.

Dire-diretso ako papuntang banyo. Maganda ito, may hot tub pa! Magara ang mwebles roon at transparent naman ang parte ng banyo kung saan ka maliligo. Na excite tuloy akong maligo dahil ngayon ko pa lang mararanasan 'to!

Pinaandar ko agad ang shower at napatili ako sa lamig nito. Ang lamig! Anong klasing tubig mayro'n ang lugar na ito at para itong yelo sa sobrang lamig! Mas lalo lang tuloy akong gininaw.

"GG?! Are you okay?!" sigaw ng lalaki sa labas ng banyo.

"Kuya... ang tubig...malamig." sabi ko.

Hndi ko kaya ang lamig ng tubig. Mas okay pa 'yong tubig sa amin, e.

"Nakikita mo ba 'yang parang napipindot sa taas? Click mo ang hot." sabi niya at napatingin naman ako sa taas. Nakita ko ang sinabi niya pero hindi ko iyon maabot!

Sinubukan kong tumalon pero muntik pa akong madulas. Wala na akong ibang choice kundi ang magpa tulong sa kanya.

"H-Hindi ko maabot...Kuya." nahihiya kong sinabi.

"Oh... uh... are you naked?.. I mean... papasok ako kaya mag tuwalya ka... kung nakahubad ka." aniya at nagmadali akong itapis ulit sa katawan ang tuwalya.

Pumunta ajo sa likod ng pintuan bago ko pa binuksan ito.

Nagkatinginan kami at bumaba ang mga titig niya... sa balikat ko... bago pa siya pumunta sa shower area. Pinindot niya agad ang button nito at dinama ang tubig sa kamay niya.

"Okay na." aniya at tumango ako. Nagtatago pa rin sa likod ng pinto.

Lumabas naman siya agad at saka pa lang ako huminga. Hindi ko alam kung bakit ko pinigilan ang paghinga ko habang nandito siya kanina!

Matapos kong maka paligo, saka ko pa napagtanto na wala akong masusuot na damit! Alangan namang itong tuwalya lang ang susuotin ko habang nandito ako 'di ba?

Kahit nakakahiya man, wala naman akong pwedeng gawin kundi ang manghiram na muna sa kanya.

Lumabas ako sa kwarto niya at hinanap siya. Nakita ko naman agad siya sa kusina... nagluluto.

Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya at nag tagumpay naman ako roon.

Bumaling siya sa akin at ngayon, napatingin na siya... sa katawan ko.

Natural lang naman siguro na tingnan niya ako dahil sa ayos kong ito.

"W-Wala akong... uh... damit." sabi ko.

"Yeah." sagot niya at yumuko siya sabay bahagyang umiling. Anong problema niya? Dahil ba sa panghihiram ko ng damit?

"Pumili ka sa cabinet ko." sabi niya at binasa ang kanyang labi.

Dahan-dahan naman akong tumango at bumalik sa kwarto niya. Natutop ko ang bibig ko dahil sa kalabog ng dibdib ko ng makita siyang dinilaan niya ang labi niya. Bakit... nagustuhan ko pa yata ang ginawa niya?

Umiling ako at sa halip kumuha na lang ng damit sa cabinet niya. Nakita kong naka ayos ang lahat. Pati sa bawat kulay ng damit ay pinagsama-sama.

Kumunot ang noo ko ng makitang wala naman siyang tshirt doon. Puro pang business attire ang naro'n. Saka ko pa naisip na hindi pala siya rito nakatira kaya ganito lang kaliit ang damit niya.

Kinuha ko ang puting polo niya at namili din ako sa boxers niya. Uminit ang pisngi ko ng mahawakan ko ito. Seryoso ba talaga 'to? Gagamitin ko ang pang-ibaba niyang damit? Parang.... parang nakakahiya at hindi dapat. Pero wala naman akong magagawa!

Sinuot ko na lang iyon at hanggang gitna ng hita ang taas ng polo. Napatakip ako sa didib ko. Wala pala akong bra! Mahahalata niya ito dahil may kalakihan ang dibdib ko.

Nilagay ko na lang ang takas ng buhok ko sa harapan upang matabunan ang nanunuro kong tuktok. Parang ang sagwa-sagwa ng pakiramdam ko dahil sa damit na suot... o baka dahil sa damit niya itong suot ko.

Pagkalabas ko ng kwarto ay nalingunan niya ako agad habang inaayos ang mesa. Taas baba ang tingin niya sa akin sabay tikhim.

"Let's eat." anyaya niya sa akin. Lumapit naman ako at naupo sa harap kung nasaan siya.

Napansin kong ang dami niyang niluto. Para namang ang daming kakain, e, kaming dalawa lang naman.

"B-Bakit ang dami ng pagkain?" taka kong tanong at ngumiti siya ng bahagya.

"Birthday mo no'ng linggo 'di ba?" oo nga pala, kaarawan ko no'ng linggo pero wala man lang bumati sa akin maliban kay Amalia at Ninang. Kahit si Tatay ay hindi rin ako binati.

"Oo." sagot ko.

"Well, this is for you." aniya at nagulat ako sa sinabi niya. Para sa akin ang lahat ng pagkain na niluto niya? Ngayon lang ako nagkaroon ng handa sa kaarawan ko! Natutuwa ako, pero bakit niya naman ginawa 'to?

"P-Para sa akin?" paninigurado kong tanong at tumango siya ng makailang ulit.

"There should be a cake. Pero sarado na ang mga tindahan dahil sa bagyo. Sorry walang cake." lungkot niyang sinabi.

Kahit pa walang cake ay sobra sobra na ito para sa akin. Ang maisip na may taong naghanda para sa kaarawan ko kahit late na, ay laking tuwa na ito para sa akin, hindi dahil sa mga pagkain kundi sa pagiging thoughtful...niya.

"Salamat... Kuya." sabay ngisi ko ng malaki. Mali yata ako sa pagsasabing manyak siya. Baka gano'n lang siya tumingin. Ngayon, dahil sa ginawa niya parang nawala ang pagdududa ko sa kanya pati na rin ang inis ko.

"Don't call me Kuya." seryoso niyang sinabi. Napawi tuloy sa mukha ko ang ngiti dahil seryoso ang mukha niya. Bakit ba kasi ayaw niyang tawagin ko siyang Kuya?

"Bakit?" tanong ko.

"Just don't...please." aniya at tumango na lang ako. Sa ano mang dahilan, kung bakit ayaw niyang tawagin ko siyang Kuya ay hindi ko na aalamin.

"Anong itatawag ko sayo kung gano'n?

"Elton." sagot niya agad.

"Elton." ulit ko sa sinabi niya at napangiti na siya.

Matapos 'yon ay kumain na kami agad. Nanibago ako sa mga pagkain na hinanda niya. Hindi ko kilala ang mga iyon, pero ang sarap nila.

Pinakita niya rin sa akin ang balita sa cellphone niya. Mukhang bukas pa yata ako makakauwi nito at kinakabahan na ako dahil sigurado akong babatiin ako ng sermon. Pero saka ko na iyon iisipin, ang importante ay ligtas ako.

Habang nagbabasa ako ng news sa cellphone niya ay biglang may tumawag. Dale ang pangalan nito kaya binigay ko sa kanya ang cellphone niya habang nanunuod kami ng TV.

"What?" aniya. Hindi ko marinig ang sinasabi ng kabilang linya dahil sa lakas ng TV. Naalala ko naman bigla ang sinabi ni Amalia sa akin.

"Ang clingy niyo. Sabi ng bukas pa ako babalik diyan." sabi niya at pinatay ang tawag.

Ito na yata ang tamang pagkakataon para sabihin ko sa kanya ang gusto ni Amalia.

"Uh... yong kaibigan mo." sabi ko at bumaling siya sa akin na nakataas ang isang kilay. Bakit biglang naging masungit naman yata agad ang mukha niya?

"Ipakilala mo kaya siya kay... Amalia." dugtong kong sinabi.

"Why?" aniya at gano'n pa rin ang mukha niya.

"W-Wala lang. Baka lang naman gusto niyang makilala si Amalia?" hindi sigurado kong sinabi. Ang hirap naman nitong gusto ni Amalia! Kung sana pumayag siyang sabihin kong crush niya 'yong Dale ay madali pa sana.

"Sure. No problem. Si Amalia lang ang ipapakilala ko sa kanya, hindi ka kasali. Dahil... manyak 'yon." aniya

Kumunot ang noo ko roon. Hindi sa gusto kong makilala si Dale. Pero bakit kay Amalia okay lang na ipakilala niya at sa akin hindi?

Ibig sabihin ba ... may pake siya sa akin at kay Amalia wala? Gano'n ba 'yon?

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height