C11 Sayaw
[COLEEN’S POINT OF VIEW]
Sinubukan ko ng hanapin si Cios sa buong campus ngunit wala siya. Kasalukuyan akong naglalakad ngayon papunta sa gymnasium. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang mga estudyanteng naglalaro ng basketball at volleyball. Malaki naman ang gymnasium, private school kasi ito. Sa kabilang side ay may naglalaro ng basketball, at sa kabila naman ay may mga naglalaro ng volleyball