C12 Day 5
Day 5 of 14
[CIOS’ POINT OF VIEW]
Kasalukuyan akong nagda-drive papunta sa company ni Mommy. May pasok kami ngayon pero nagpaalam naman na ako sa aming adviser. Naiintindihan niya naman daw ako at nagboluntaryo pa nga na siya na mismo ang kakausap sa iba ko pang mga subject teachers para ngayong araw, kung sakali man raw na matagalan ang pag-uusap namin ni Mom