+ Add to Library
+ Add to Library

C2 Camera

[CIOS’ POINT OF VIEW]

I opened my eyes as I felt the sun touching my face. I reached for my phone on my side table to check the time. There’s so many message notifications my phone received, some of them are from my cousin ーRed.

"Meow."

I jumped out of bed to find Zoey. I saw her laying next to the fridge. I smiled and walked towards her, she approached me.

"Good morning, baby. How's your sleep?" The cat meowed, "Hm. Let's cook some breakfast na so that we can fetch your Ate Camila, okay?"

Binitawan ko na si Zoey and made my way into the kitchen to officially start my day.

-------------------------------------------

"Kuya! Good morning!" bati sa akin ni Camila bago siya sumakay. Pagkasakay niya ay nag-seatbelt agad siya at inilabas na ang kaniyang phone.

"Morning. Don't be too loud." Ini-start ko na ang kotse. "Kumain ka na?" I asked.

"Yes po. You?" she answered, not taking her eyes away from her phone.

I

sighed, "Kumain na ako. Kumusta ang studies?" tanong ko.

"Maayos naman po. Sayo?" Once again, she answered but still too-focused on her phone. I raised a brow, sino ang kausap niya?

"Ah, Kuya? Pwede po bang sa may Jollibee mo nalang ako ibaba?" magalang niyang tanong. Tumango na lamang ako, it's her life anyways.

She won't hide anything from me, right? Yup, Camila will never hide anything from me.

"There. Ingat pagpasok ha? Don't be late, Camila." Ibinaba ko siya sa Jollibee, katulad ng pakiusap niya kanina. Nakangiti siyang yumakap sa akin bago bumaba, mukhang hindi mapakali at parang may hinihintay.

----------------------------------------

"That's all, class dismissed."

After the dismissal, students of STEM-1 are already in chaos. Naririnig ko na ang boses ni Red habang nag-aayos ako ng gamit.

"Boss Kyo! Nakita mo na ba locker mo?" Red shouted.

"Why?" I answered, not giving him a single glance.

"May lollipoー", hindi na naituloy ni Red ang sasabihin. I wonder if binatukan na naman siya ni Sho for being too loud.

"You should check it yourself, Cios." mahinahong sabi ni Sho.

Kunot-noo akong pumunta sa mga locker at chineck ang locker ko.

"Oh sabi sayo may lollipop at lettー", again, he's not able to continue his words.

"May mata si Kyo, okay? Hindi ka naman siguro tanga, Red?" Sho said. "Kanino raw galing?" dugtong niya pa.

"Tamo curious ka din eh!" hiyaw ni Red.

Tatlong lollipop and a letter saying, "Have a nice day, sungit." Kinuha ko iyon at itinago sa bag ko, hindi ko siya pwedeng iwanan sa locker at baka langgamin.

When I turned around, I saw Camila laughing while walking with the Basketball Team's Captain ー Vega. Camila saw me which made her fix herself and walk towards me fast.

"A-Ah, hehe, hi! Naglunch ka na po, Kuya?" Camila asked, hindi mapakali.

"Hindi paー" Well, guess who interupted me.

"Uy alam mo ba na may naglagay ng lollipop at letter sa locker ng Kuya mo?" masiglang pasok ni Red.

"Alam mo din ba, Pula, na ang hilig mong sumabat? Kaunti nalang malalagot ka na sa akin," ani Sho.

"Ay hala ka, Kuya! Sino yan ha? Secret Admirer? Ikaw ha! Baka may girlfriend kaー" Once again, the one and only 'Red Antonius Montereal ' on the scene.

"Paano ‘yan magkaka-girlfriend e puro aral? Are you seriously serious?" daiing ni Red. And there he goes again, too much phrasing .

"Ewan ko sa ‘yo, Kuya Red! Ah basta, bawal ang secrets ha? Let's eat na, Kuya." nakangiting sabi ni Camila.

Naglakad na kami papunta sa cafeteria. Hm? Tumigil ako sa paglalakad at nagmasid sa paligid.

"What's wrong, Kuya?" tanong niya.

"Nothing, let's go." sagot ko.

And we started walking again.

--------------------------------------

"Kuya, are you sure na ayaw mo talagang sumali sa liga?"

Padabog kong ibinaba ang hawak kong tray at umupo. "God, Camila. 3 days mo nang itinatanong yan. Hindi ka ba nagsasawa? Iisa lang din naman ang isasagot ko, A-YO-KO."

"Pero, Kuya. We all know na mahilig kang maglaro, at magaling ka rin! Sayang naman kung hindi ka sasali, ‘di ba?" kalmado niyang sabi.

"Ayoko nga, Cam. You can't force me to do something na ayokong gawin. Hindi ako magiging masaya riyan." kalmado ko ring sabi.

"At sa mga utos ni Mom? Magiging masaya ka? Masaya ka ba, Kuya?"

Am I?

Hurry up and answer her, Cios!

"Ah! Kain na lang tayo, Camila. Kaya na ‘yan ng Kuya mo, kumain ka na." Sho saved me, again. Tinapik niya ang braso ko.

Obvious naman sa circle of friends namin kung sino ang seryoso at ang masiyahin. Red is the life of the group while Sho is the heart, and I am the brain. As the brain, we are not doing any decisions na hindi sunod sa maayos na plano. But Red is just dumb and does whatever he thinks is right without a concrete plan. Although he really is the ray of sunshine to all of us. He's also annoying but he's the strongest. The happiest.

As for Sho, he's the calmest. He's the heart who gaves the three of us the support we all need. And he's the only one who can stand still whenever a bad situation strikes and we can't pull ourselves back up. He's our secret foundation and he saves me. Always.

"I'm done eating." walang gana kong sabi. Tumayo na ako dala ang aking bag at naglakad palayo. Heto na naman ang weird feeling na nararamdaman ko kanina.

I tried to look around but I see no one. Not until a sound has made.

A camera.

I looked at the direction where the sound came.

It's her?

**********

[COLEEN’S POINT OF VIEW]

I rushed my way up to the 3rd floor to reach the Photography Club’s meeting. When I entered the club room, our terror teacher is already discussing a new project for us to do this Sports Fest.

“Bakit ngayon ka lang, Cola? Mabuti at di ka nakita ni Sir, baliw ka!”

Inilapat ko ang hintuturo ko sa aking labi habang nakatingin kay Camila. Dumukot ako ng panyo at ipinunas iyon sa aking pawis, nanatiling mabilis ang tibok ng aking puso dahil sa pagtakbo.

“Bakit ka hinihingal diyan sa likod, Ms. Fabian? Hindi kita nakita rito kanina noong dumating ako.” ani Sir. Ako na naman, bwisit na matandang ito!

Tumayo ako. “Nag-CR lang po ako saglit kanina, Sir. Nagulat nga po ako na nandito na po kayo, pasensiya na po.” paliwanag ko.

He raised a brow. “Okay, then. Let’s continue.” he said. I sighed and sit down.

“This year’s Sports Fest will be different. I’m planning on having a little competition for all club members. Napag-usapan narin namin ito ng President and Vice President niyo, at pumayag naman sila.” he explained.

Kinalabit ako ni Camila. “Ano kayang competition ‘yon? Madaya, alam agad natin sinong mananalo dito eh!” reklamo niya.

Sinaway ko siya, “Shh, makinig ka muna, ‘te!”

Tumikhim si Sir. “I want you all to have a subject to focus on, at iyon ang ilalagay niyo sa inyong portfolio. Your subject may be food, places, sceneries, or even a person.”

A person, hm?

“I’m expecting your portfolios before the second week of the Sports fest. Can you all do it?” he asked, grinning.

“Sure, Sir! Kami pa ba?” malakas na sabi ni Camila. Tumingin sa akin si Sir at tinaasan ako ng kilay.

“Kayang-kaya, Sir.” nakangiti kong sabi. Ngumiti rin si Sir at umalis na.

Hinila ni Camila ang buhok ko. “Saan ka ba galing? Buti nakapagdahilan ka kanina, kung hindi ay masasabon ka na naman no’n!”

I laughed. “Mukha ngang hindi naman siya naniwala sa sinabi ko kanina eh.”

“Sabagay,” she wrapped her arms around my arms. Parang naka-cross, ganoon. “Anong subject ang sa ‘yo?”

“Hm? Ewan. Hindi ko pa alam,” nakatingala sa langit kong sabi. We’re now walking pababa ng building upang kumain.

“Hi,” said a manly voice.

Nanlaki ang mga mata ko. “Uy, Cam. Hanap ka ata oh,” bulong ko kay Camila na tulala rin.

“Lunch...?” nag-aalangan pa niyang tanong.

Naramdaman ko ang pasimpleng pagkurot ni Camila sa braso ko. Itinulak ko na siya agad kay Captain Vega.

“Yes daw po, sabi niya hehe. Una na ako, Cam! Enjoy kayo,” sabi ko saka agad na tumakbo pababa. Narinig ko pa ang hindi pagsang-ayon ni Camila sa akin pero nagpatuloy lang ako sa pagbaba.

Pagdating ko sa baba ay nakita ko na si Jonas na naglalakad papalapit sa building namin, sasabay din siguro.

“Jonas!” sigaw ko. Nagliwanag ang mukha niya at hinintay na lang akong makalapit sa kaniya.

“San si gaga?” Tumingin siya sa building, bago ibalik ang mga mata sa akin.

“Kasama si Kuya Vero.” sagot ko saka siya hinila upang makapunta na kami sa cafeteria.

“Eh?! As in ‘yong si Cap Vega? Wow, kainggit!” maingay niyang sabi, tinanguan ko lang siya.

“Uy shaddup ka muna!” Hinila ko agad siya upang magtago.

“Aray teka, ano ba yun?! Sino ba.... oh! Sige shaddup muna me.” Parehas kaming sumilip. Agad kong inilabas ang aking camera.

“Ano ba ‘yan! Puro stolen naman, ayaw mo bang lapitan?” iritadong tanong ni Jonas.

“Ayoko, nakakahiya. Ay ayan may lumapit, ssh.” saway ko sa kaniya.

Teka.

Si VP?

“Ay iniwan. Napaka-snob talaga niyang crush mo!” maktol ni Jonas na may kasama pang pagtadyak.

“Ingay mo! Tara na nga,” hinila ko siya at nagsimula na kaming maglakad papunta sa cafeteria.

--------------------------

“Hindi ba illegal ‘yang ginagawa mo? Andami niyang pictures oh, wala pang consent.” ani Jonas na kakalapag lamang ng hawak niyang food tray. Tama naman si Jonas, pero kasi! Nahihiya ako.

“Teka, bakit parang inis siya?” Napatigil ako sa pag-iisip at tumingin sa direksiyon na tinitingnan ni Jonas.

Is he galit?

“Ay luh, nagwalk out! ‘Te, sundan mo bilis!” utos ni Jonas.

Itinulak-tulak pa ako ni Jonas kaya talagang sinundan ko nga. Malay mo it’s my time to shine na, ‘di ba?! Lord, guide m—

Agad akong nagtago. Ano ba yan, bakit ba siya lingon nang lingon? Crush din ba niya ako? Char! Asa.

Inilabas ko ang aking camera at kinuhanan siya. Hm? E kung siya na lang kaya ang kuhanin kong model?

“Sh*t!”

I ran as fast as I can.

“Gags! Nakita niya ata ako? OMG! OMG! Ano’ng agawin ko?” hindi magkaintindihan kong tanong.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height