14 Days of Journey/C3 Confrontation
+ Add to Library
14 Days of Journey/C3 Confrontation
+ Add to Library

C3 Confrontation

A day before the Sports Fest

[COLEEN’S POINT OF VIEW]

Hinawakan ko ang tiyan ko na kanina pa kumukulo. Argh, hindi pa ba matatapos itong discussion ni Ma’am? 5 minutes na siyang over time.

Tiningnan ko si Camila na gumagamit ng kaniyang cellphone. Agad kong sinipa ang paa niya , siyempre mahina lang. Pinanlakihan niya lang ako ng mata.

Kinuha ko rin ang aking cellphone at itinakip sa akin ang libro upang hindi ako mahuli. Tinext ko siya, “Umakto kang masakit ang tiyan tapos sasabihin ko kay Ma’am na sasamahan kita papuntang clinic. Bilis, nagugutom na ako!”

Malaki ang ngiting tumango siya sa akin. Inihulog niya ang mga librong nasa desk niya saka humawak sa kaniyang tiyan.

“Miss Montereal! Ano’ng problema diyan sa likod?” malakas ang sigaw na tanong ni Ma’am.

“Hala, Ma’am! Masakit po ata ang tiyan ni Camila, tingnan niyo po oh.” nag-aalalang sabi ko. Binitawan namang agad ni Ma’am ang chalk at eraser, saka siya pumunta sa gawi namin.

Chineck niya si Camila. “Iha? Ayos ka lang ba? Gusto mo bang magpatingin muna sa clinic?” ani Ma’am. Tumango naman si Camila.

Lumingon-lingon si Ma’am sa paligid at biglang nagliwanag ang mukha. “Mr. Vega! Come here for a minute,” utos niya habang tinatawag ang lalaking kadaraan lamang sa corridor ng room namin.

Nilingon ko si Camila na mamula-mula habang nakayuko. Anak ng!

“Vero, pakisamahan mo muna si Ms. Montereal sa clinic. Masakit daw ang tiyan, pwede ba?” tanong ng teacher namin.

Tiningnan ni Kuya Vero si Camila, nakakunot ang noo. “Sure, Ma’am. Ako na ho ang bahala,” nakangiting sagot niya. Kinuha niya ang bag ni Camila at inalalayan siya papalabas.

Nilingon ako ni Camila kaya pinandilatan ko siya. Pucha! Ako dapat ang kasamang lumabas at ideya ko iyon! This is so unfair.

Wala na akong nagawa kundi makinig sa lesson ni Ma’am kahit na kanina pang nag-aalburoto ang aking tiyan.

--------------------------

“Cola!”

Kunot-noo akong lumingon sa letseng tumawag sa akin. Malaki ang ngiting hinila niya ako palapit sa table kung saan nadoon na si Jonas.

“Hello. Kumusta ang klase mo, Ms. Fabian?” tanong ni Jonas sa mapang-asar na tono. Ipinalo ko sa kaniya ang camera kong dala. Napakalakas mang-asar, nakakainis!

“Ah, nga pala, Cola. Sasabay pala sa ‘tin ngayon sina Kuya Sho. Ayos lang naman sayo, ‘di ba?” nakangiting tanong ni Camila. Kumunot ang noo ko.

“Sino? ‘Yong pinsan mo ba yan?” naguguluhan kong tanong, tumango naman siya. Tumango na lang din ako pabalik at masama pa rin ang loob na yumuko.

Halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang may marinig akong sigaw papalapit sa amin. Lumingon ako at nakita ko ang mga pinsan ni Camila na naglalakad papunta sa direksiyon kung nasaan kami. Ang bilis, nandito na agad sila?

“Jonas, pare! Ano’ng kakainin natin? Dapat pare-parehas para masaya!” Poging lalaki ang tumabi agad kay Jonas at inakbayan ito. Ah, so siya si Red. Ayon sa pagkakalarawan ni Camila sa akin, makulit at maingay ang pinsan niyang iyon.

“Ew, grow up naman, Red. Ano’ng gusto niyo? Ako na ang bibili.” nakangiti namang tanong ng isa pa. Keishon Montereal. So, siya ‘yong ‘matino’ daw, ika ni Camila.

“I want fries, and water. Dito mo na kunin iyong magagastos nating lahat,” ani Cios sabay abot ng pera kay Kuya Keishon. At siya naman ang Kuya ni Camila. Cios Montereal, ang pinakapoging nilalang sa kasaysayan ng lupa.

Isiningit ko talaga ‘yong ‘pinakapogi’ kasi true naman iyon, walang halong biro! Siya kaya ang crush ko, hmph.

“Kuya Keishon, fries and water na lang din po ang akin.” singit ko. Siyempre dapat bida-bida tayo rito, ‘di ba?

“Keishon amp! Parang matandang gurang lang!” malakas ang tawa ni Kuya Red. Kaya binatukan siya ni Kuya Keishon.

“Sho nalang, Miss. Ikaw? Ano’ng name mo?” tanong ni Kuya ‘Sho’ raw. Ngumiti ako at inihanda ang sarili na sabihin ang napakaganda kong pangalan.

“Co—”, hindi ko naituloy ang aking sasabihin dahil may sumingit.

“Coleen Fabian, am I right? What club are you from?” singit ng kapatid ni Camila na si Cios.

Muntik na akong mabulunan kahit wala naman akong iniinom na tubig. Napakurap ako at tumingin sa napakagandang nilalang na siyang nagsalita. Eme!

“Photography Club siya, Kuya. Bakit mo naitanong?” kunot-noong tanong ni Camila.

“Hm, kaya mo ba ako pinipicture-an?” nakataas ang kilay na tanong ni Cios. Nanlaki ang mga mata ko.

Nahuli niya ako?! Sh*t!

“Ha, ano?! Crush mo ba si Boss Kyo kaya mo siya kinukunan?!” sigaw ni Kuya Red at napatayo pa siya.

“Ingay ng bunganga mo, Kuya Red. Teka nga, wait! Ano ba’ng nangyayari? Ano’ng sinasabi mo riyan, Kuya Cios?” gulong-gulo na ang buhay na tanong ni Camila.

Tumikhim si Cios. “Nahuli ko siyang kinukuhanan ako. Care to explain, Miss Fabian?”

Umubo ako. “C-Cola nalang.”

“Gagi, ano ka coke?!” hagikhik ni Kuya Red.

“Isa pa talaga, Red. Gagawin na kitang green,” nanlalaki ang matang sabi ni Kuya Sho.

“Ano, Coleen? Hindi mo ba alam na you are invading my privacy?” Cios again. Hindi ko mahagilap ang dila ko, para bang gusto ko nalang magpalamon sa lupa.

Pick me up, Mom. I’m scared :(

“Sorry....” nakatungo kong sabi. “Alam ko kasing hindi ka naman papayag e. Nakita ko ‘yong ibang ka-club members ko, tinanggihan mo sila.” paliwanag ko.

“Kaya nag-decide kang kuhanan na lang ako nang patago, ganoon ba?” tanong ni Cios.

Lihim akong kinurot ni Jonas sa siko. “Ba’t naman kasi nagpahuli ka, beh?” bulong niya. Kinurot ko siya pabalik at tumingin kay Cios.

“B-Bakit? Kapag ba tinanong kita tungkol doon, papayag ka ba?” lakas-loob kong tanong. Napabuntong-hininga siya.

“That’s not the point here, Fabian.” medyo kunot ang noo niyang sabi, he looks so disappointed.

“I’m sorry talaga. I’ll delete the pictures I’ve taken na lang. Or kung gusto mo, ikaw pa mismo ang mag-delete.” nagpapanic kong sabi. Iniabot ko sa kaniya ang aking camera, tiningnan niya lamang ito.

Hinablot ni Kuya Red sa kamay ko ang camera. “Bwisit, Antonio! Pakialamero ka talaga!” inis na inis na saway ni Kuya Sho. Tumawa naman si Kuya Red.

“Shh, titingnan ko. Hala! Ang ganda naman pala nito,” malakas ang boses na sabi ni Kuya Red. Nagsitayuan na ang mga kaibigan namin para tingnan ang sinasabi ni Kuya Red. Nanatili lamang kaming nakaupo ni Cios, nakayuko lang ako ngunit ramdam ko ang pagtitig niya sa akin.

“Bro, tingnan mo ang ganda talaga niya! Aray ko, Camila!” siaw na naman ni Kuya Red, binatukan kasi siya ni Camila. “What I mean is yung mga pictures kasi!” dugtong niya.

Halos mailuwa ko ang lahat ng kinain ko mula kaninang umaga dahil sa kaba nang kinuha na ni Cios ang aking camera upang tingnan.

“You may delete it na if you want,” nakayuko ko pading sabi. Kanina ko pa dinadasal na sana ay mag-ring na ang bell para makatakbo na ako kaagad kasi hindi ko na talaga kayang manatili pa rito.

“Hala wag, Miss! Ang ganda-ganda mo kaya—”

“Pre, isa pa talaga. Ipapalo ko na ‘tong lamesa sa ‘yo,” hawak ang lamesang sabi ni Kuya Sho kay Kuya Red. Bahagya akong napangiti dahil sa kulitan nila.

“Coleen.” Nasamid na naman ako kahit wala akong iniinom na tubig. “Bakit ako ang gusto mong maging model?”

Nanlalaki ang matang tiningnan ko siya. “W-What?”

“May dalawa nang lumapit sa akin at sinabing crush nila ako kaya gusto nila akong kuhaning model. Malay ko ba kung ganiyan ka rin—”

Napatayo ako sa aking kinauupuan. “H-Hoy! Hindi kita crush, ah! I-I mean... medyo crush kita pero hindi ganoon ‘yon!”

“Gaga! Crush mo si Kuya?!” Napatayo na rin si Camila. Napanganga ako at saka lang na-realize kung ano ang sinabi ko.

Mahinang hinila ni Jonas ang aking buhok. “OMG, t*nga!”

“Edi lumabas rin ang totoo, crush mo rin ako.” Nilingon ko si Cios na mukha na namang disappointed.

“Hindi nga dahil do’n kung bakit gusto kitang magmodel for me, kulit mo.” nawawalan na ng pasensiyang sabi ko. Bakit ba ipinipilit niya na crush ko siya? Oo, crush ko siya! Pero hindi nga ganoon ‘yon.

“Tell me about it, then. What makes your excuses different from theirs? What makes you different from them?” mukhang naghahamon na tanong niya. Huminga ako ng malalim. Ah, bahala na!

“Ang expressive kasi ng mukha mo. Kapag naiinis ka, nakalantad ‘yon sa face mo. Madaling basahin ‘yong nararamdaman mo through your face. At magandang gawing model iyong mga taong ganoon, pwede pa ngang gawing artista!” nakangiting paliwanag ko. Narinig ko ang bulungan sa paligid, maging ang kina Kuya Red.

“Pinsang Camila Blanca, pakisalo naman oh.”

“Ang alin, Kuya Red?”

“’Yong luha ko, nakaka-saddening eh.”

“Lagot ka sa akin mamaya, Pula.”

“Joke lang, Daddy Sho! Ito naman ‘di na mabiro, halika, kiss kita ‘yong may tunog.”

Tumikhim si Cios. “Ang dami mong sinabi. By the way—”

“Hindi pa ako tapos,” confident kong sabi. Nagkahagikhikan ang mga kaibigan namin. Narinig ko pang bumulong si Jonas, “Shuta, barado!”

“Okay, continue.” kalmadong sabi ni Cios.

“Iyong iba ay natatakot kapag kausap ka, kasi palagi kang tumatanggi sa alok nila o di kaya ay hindi mo naman sila pinapansin. Kaya tinitigilan ka nila agad.”

“Bakit siya nags-speech e alam na yan ng lahat?” ani Jonas.

“Ewan ko din, p’re.” sagot ni Kuya Red.

“Pero hindi kita titigilan, Cios. Kasi gusto talaga kita—”

Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil nag-iritan na ang halos lahat ng nasa cafeteria. Gagi, nakikinig pala sila?

“Nababading ako, Boss Kyo! Bakit kasi ang pogi mo? Pa-kiss nga ‘yong may tunog!” maingay na sabi ni Kuya Red.

Tumikhim ako. “I-I mean, gusto kitang maging model.”

“Duwag, pucha.” May pasimpleng kurot na sabi ni Jonas.

“Pero crush rin kita! Ah ano hehe...” Hindi ako makatingin kay Cios ng ayos kaya nanatili akong nakayuko. Muntik pa akong mahulog sa aking kinauupuan dahil sa biglaang pag-ring ng bell. Bakit ngayon pa nag-ring kung kailan umamin na ako?!

Nanghinayang ang lahat, at siyempre, ako rin. Ang pag-ring na iyon ay hudyat na tapos na ang lunch. Pero wala pang umaalis, lahat ay nakatingin kay Cios, liban sa akin na nakayuko at nagsimula ng magligpit ng gamit.

Sh*t, ni hindi ako nakakain!

“Coleen—”

Pinutol ko ang sasabihin niya. Alam ko namang tatanggihan niya rin ako kaya bakit pa ako mag-aabala, ‘di ba? “Okay lang naman kung ayaw mo, Cios. Buburahin ko naman ‘yong mga pictures, sorry ulit—”

“I’ll do it.”

Ha?

Nakanganga akong tumingin kay Cios na ngumiti muna sa akin ng bahagya bago naglakad papalayo.

Halos lahat ng mga estudyante sa cafeteria ay gulat din. Feel ko ay masusuka ako sa mga pangyayari at hindi pa rin ako makapaniwala. Ni hindi rin ako makahinga.

I’ll do it.

I’ll do it.

Paulit-ulit kong naririnig ang sinabing iyon ni Cios. Totoo ba ito? Hindi ba ito panaginip?

“P-Papi Sho....”

“Ano, Red? Tara na— gagi, ano ‘yan?!”

“Alalayan mo ako, Sho. Nanghihina ako sa sinabi ni Boss Kyo....”

“Bahala ka, nahihiya ako sayo.”

Naramdaman ko ang paghila sa akin ni Camila. Binitawan niya lamang ako nang makarating kami sa classroom.

*****************

[CIOS’ POINT OF VIEW]

All of my classes for today are done. I am now packing my things so that makakapunta na ako sa Adviser namin upang magreview para sa gaganaping Quiz Bee. Natigil lang ako sa pag-aayos nang lapitan ako ni Sho, kunot ang noo at halatang nagtataka.

“Ano ‘yon, Kyo? Mukha naman talagang mabait si Cola pero kasi nakakapanibago na pumayag ka kaagad.” panimula niya. Lumapit na rin si Red sa amin at takang tumingin kay Sho.

“Hindi, ah? Hindi ako pumayag agad, Sho. Tinanong ko muna siya, ‘di ba? And she have her reasons naman.” I replied, at ipinagpatuloy ko ang pag-aayos ng aking mga gamit.

“At ‘yong mga naunang lumapit sa iyo ay wala, Cios?” Sho asked. Natahimik ako. Akma na akong sasagot nang tapikin ako ni Red sa balikat.

“Ano ba ‘yan, Sho? Napakakontrabida mo talaga!” singhal niya kay Sho na nakangiti na ngayon. Ibinaling sa akin ni Red ang kaniyang tingin. “’Wag mo isipin itong si Sho, Kyo. Mag-model ka for Cola’s portfolio, tama ‘yang ginagawa mo, bro.”

Ngumiti ako sa kanila. Nagvibrate ang phone ko kaya dinukot ko ito sa aking bulsa. “Where are you, Montereal? Nandito na ako to review, ikaw nalang ang kulang.”

“Sh*t!” And with that, I ran as fast as I can papunta sa room na pagr-review-han namin ng Adviser ko.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height