+ Add to Library
+ Add to Library

C4 Day 1

Day 1 of 14

[CIOS’ POINT OF VIEW]

Padabog akong bumangon upang buksan ang pinto ng aking kwarto. Bumungad sa akin ang naka-pajamas pang si Camila.

“Kuya, ano’ng mas bagay? Mag-cheer kasi kami nina Cola sa VBT mamaya, hindi ako sure kung ano ang susuotin ko.” naka-pout niyang sabi.

“Why are you here ba? What do you need?” kunot-noo kong tanong. Napapadyak siya at itinaas ang dalawang damit na hawak niya sa magkabilang kamay.

“Make pili nga nang mabilis kasi baka ma-late ako,” utos ni Camila.

Tiningnan ko ng maayos ang dalawang damit na ipinapakita niya sa akin ngayon. Parehas lamang naman na T-shirt ang mga iyon, bakit hirap na hirap siya?

“Hindi ka na bata para magsuot niyang may Mickey Mouse na design, kaya iyang plain ang isuot mo. ‘Wag kang magsuot ng shorts,” seryoso kong sabi saka isinara ang pinto at bumalik na sa pagkakahiga.

Magc-cheer sa Volleyball Team? Sino-sino ba ang naroon?

Kinuha ko ang aking phone at chineck kung anong mayroon sa schedule ko. Magr-review lamang pala ako buong hapon. Plano ko sanang matulog muli, kaso may asungot na namang katok nang katok sa pintuan ko. I ignored it at first pero mukhang walang balak tumigil ang kumakatok. Kung kaya’t padabog akong tumayo at binuksan ang pinto without opening my eyes wide. Wala pa akong balak bumangon kaya hindi pwedeng mawala ang antok ko.

“What else do you want, Camila? Stop knocking na, may balak ka bang sirain ang pinto? Can’t you see na I’m trying to sleep here?” nawawalan na ng pasensiya kong tanong.

Katahimikan.

“Kung wala kang kailangan, pwede ka nang umalis. ‘Wag mong guluhin ang tulog ko,” akma ko nang isasara ang pinto.

“H-Hindi po ako si Camila.”

Inayos ko ang pagkakamulat ng aking mga mata at tiningnan ng ayos ang kaharap. Coleen Fabian, Camila’s friend since 9th Grade. Naka-Mickey Mouse na damit at naka-headband pa, nakaterno.

“What are you doing here? Sinusundo mo ba si Camila? This isn’t her room, doon sa kabila.” mabilis kong sabi. Bahagya siyang naubo. Is she sick?

“Ah, actually nakaalis na po si Camila. I-Iniwan ako...” nakayuko niyang sabi.

Taka ko siyang tiningnan. Lumabas ako ng kwarto ko upang i-check kung totoo ba ang sinasabi niya.

The hell?

“Bakit ka naman iniwan ni Camila? Umalis siya mag-isa? Sino ang kasama?” sunod-sunod kong tanong, nakatitig lamang sa kaniya. Naghihintay ng sagot.

“Kasama po si Kuya Vero.” inosente niyang sagot.

“Si Vero? ‘Yong Team Captain ng Basketball Team?” kunot-noo kong tanong.

“Ay? May iba pa bang Vero sa school natin?” pabalang niyang sagot. Inis akong pumasok ng kwarto upang kunin ang cellphone ko.

“Si Vero Vega ba ang kasama?” paninigurado ko.

“Oo nga! Kulit,” nagpapadyak niyang sagot. Inirapan pa ako. She also keeps on doing that when I confronted her last time. Kung makairap pa siya ay 360°. Paano kaya kapag nahipan iyan ng hangin at hindi na bumalik pang muli sa unahan?

Agad kong tinawagan si Camila. Thank God, sumagot naman ito kaagad.

“Where are you?”

[Kuya Cios? Nandito na ako sa school, why?]

“Saan ka sumakay?”

[Po? Ah, sinundo po ako ni Vero.]

“What do you mean by ‘Vero’, mas matanda siya sayo, ah?”

[Ha? Ah, Kuya! Sorry start na yung laro, bye bye!]

At binabaan niya na ako. Bastos na bata.

Papasok na sana ako ng kwarto nang mapansin kong wala na ang kaibigan ni Camila sa harapan ko. Nandito lang ‘yon kanina, ah?

May narinig akong hagikhik sa baba kaya padabog akong pumunta roon. Marahil ay nandoon ang kaibigan ni Camila, wala namang ibang hahagikhik dito dahil kaming dalawa lang naman ang natira sa bahay.

I saw her laying beside Zoey. She’s caressing Zoey’s head and surprisingly, Zoey seems to like it a lot as she keep on clinging to Camila’s friend.

“Excuse me? May plano ka bang pumasok pa? May pamasahe ka ba?” ta!nong ko.

Napatalon pa siya at nahihiyang tumayo. “Hindi mo ba ako ihahatid?”

The house was filled with silence. For a minute, no one dared to speak.

“I-I mean, hindi ka ba papasok? First day ng Sports Fest ngayon, ‘di ba? S-Sasabay nalang ako sa ‘yo!” taranta niyang sabi.

“May review ako ngayon. Send me your sched pala,” kinuha ko ang cellphone ko.

“Ha? Bakit? Para saan?” naguguluhan niyang tanong.

“Sa portfolio mo. We need to fix our schedules para mag-fit. Busy ako kaya kailangan kong malaman ang schedule mo kung kailan ka free para maisingit ko yan sa sched ko,” mahaba kong paliwanag.

Napanganga siya. “K-Kung super busy ka, okay lang naman sa ‘kin na maghintay! What if sa ‘kin mo na lang ibigay ang schedule mo? Para ako na lang mag-adjust!”

I sighed. “Can you please calm down? Ang hilig mong mag-panic. Give me your number, I’ll send you my sched. Bigay mo rin sa ‘kin ang sayo in return,” utos ko.

Sinave ko ang number niya sa cellphone. Kagaya ng napag-usapan, sinend namin sa isa’t-isa ang aming schedule.

“Hindi ka ba talaga papasok?” tanong niya na naman.

“Hindi. I’ll book you a grab na lang, will you be okay?” Hinintay ko muna ang sagot niya bago ako nag-book.

Agad siyang umiling, sabay tango. “Sure! Thank you.” Saka tumakbo palabas ng bahay. Nagbook na ako ng grab for her saka matamlay na pumasok sa kwarto upang matulog ulit. Sobrang energetic, I can’t stand people like that.

-----------------------------------

2 PM na nang matapos ako sa pagre-review. Tamad kong binuksan ang aking cellphone para naman i-check ang schedule namin ng kaibigan ni Camila. Magkaiba ang schedule namin dahil hindi naman kami parehas ng Strand. Events are supposed to be a pahinga for the students, ewan ko ba kung bakit may klase padin sa school namin. Mabuti nga at mabait ang ibang teachers, hindi na nagka-klase. Pero ang iba talaga ay walang awa, may klase padin.

1 hour break sa hapon, iyon lang ang oras na parehas kami. Unless, i-ditch ko yung solo-review namin ng ini-hire ni Mom. Na namang hinding-hindi ko gagawin.

Bakit nga ba ako pumayag ulit? This is so stressful.

Tumayo na ako upang maligo, ngunit bago pa ako makapasok ng banyo ay tumunog na ang cellphone ko. Bumalik tuloy ulit ako sa kama upang i-check ito.

From: Camila

Kuya, kakain kami ni Vero sa labas ngayon. Pwede ba?

Kumunot ang noo ko. Kailan pa naging close ang kapatid ko at si Captain Vega?

To: Camila

Kayong dalawa lang?

Naghintay ako ng kaunti sa reply niya. Mabuti naman at hindi mabagal mag-reply itong si Camila.

From: Camila

Hindi po. Kasama namin si Cola hehe. Sama ka rin?

Ita-type ko na sana na ayoko pero naisip ko rin na ngayon namin pwedeng simulan ang portfolio ng kaibigan ni Camila. Nagtipa ako sa aking cellphone at sinagot na ang tanong ng kapatid ko.

**********

[COLEEN’S POINT OF VIEW]

Inirap-irapan ko si Camila na patingin-tingin sa table kung saan ako nakaupo. Nagk-kwentuhan sila ni Kuya Vero habang kumakain. Ako naman ay mag-isang nakaupo rito sa table na medyo malayo sa dalawa.

Date ata ito ni ‘gaga’, eh! Bakit pa ako isinama?

Walang tigil ang pag-irap at pagpadyak ko dahil hindi ko ma-take. Natigil lamang ang pag-aalburoto ko nang naglapag ang waiter ng Jollibee ng pagkain sa lamesa ko.

“Hala, ano ‘yan? K-Kuya, wala po akong ino-order!” kabado kong sabi. Tumawa ang waiter at saka umalis na. “H-Hoy, wala akong pambayad di—”

“Hinaan mo ang boses mo. Nakakahiya sa mga tao.”

Nilingon ko ang nagsalita. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang maupo siya sa harap ko.

“Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba ako?” kunot-noong tanong ko. Bumuntong-hininga naman siya at nagsimula nang kumain.

Dinukot ko ang cellphone ko sa aking bag at nagtipa roon. “Bakit nandito ang Kuya mo?! Hindi ako prepared, crush din ba ako nito???????” At ini-sent ko ito kay Camila.

“Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo? Lalamig yan,” kalmado niyang sabi habang sumusubo ng fries. Tiningnan ko ang spaghetti at fries na nasa harap ko. Hindi ako kumakain ng spaghetti huhu.

“A-Ayoko. Hindi ako gutom,” nakayuko kong sabi. Tiningnan ko ang pagkain niya. Mas gusto ko pa iyong chicken na order niya kesa sa spaghetti na ito!

Nahalata niya yata ang pagtitig ko sa chicken niya at ang pagbalik ng tingin ko sa spaghetti ko kaya pinagpalit niya ito. Taka akong tumingin sa kaniya.

“Hindi ka pa ba kumakain ng kanin? Ayan, sige. Sayo na ‘yang chicken, at akin naman itong spaghetti.” sabi niya habang kumakain ng fries. Tumango ako saka nilantakan ang chicken and rice. Mabait naman pala itong crush ko!

Pagkatapos kong kumain ay pinuntahan na namin sina Camila sa table nila.

“Umuwi ka bago mag 6 PM,” ani Cios. Tumango naman si Camila. Nagtanguan rin si Kuya Vero at si Cios, habang ako ay hindi mapakali. Uuwi ba akong mag-isa? Bwisit!

Nagsimula nang maglakad papalayo si Cios, nakatingin lang ako sa kaniya. Tinapik ako ni Camila. “Bakit hindi ka magpahatid kay Kuya?” nakangising tanong ni Camila.

Agad akong umiling. “Hindi na! Kaya ko namang magbyahe. Ikaw ba?” tanong ko. Hindi ko ikakaila na umaasa akong sa akin siya sasabay sa pag-uwi.

Si Kuya Vero ang sumagot. “Ako ang maghahatid,” malaki ang kaniyang ngiti. Ngumiti rin ako pabalik. Bahagya akong napatalon nang may mag-angat sa strap ng sakbit kong bag.

“Hindi ka ba sasabay sa akin?” Nakanganga kong tiningnan si Cios. Bumuntong-hininga siya at nagsimula na uling maglakad. Taranta akong tumakbo upang sumabay sa kaniya.

**********

[CIOS’ POINT OF VIEW]

Kanina ko pa napapansin ang lalim ng paghinga ng kasama ko ngayon. Kanina parin siyang nakatayo sa pinto ng condo ko. Nakapagbanyo na ako pero hindi parin siya umaalis doon.

“Tatayo ka na lang ba diyan?” iritado kong tanong. Tila nagulat pa siya at dahan-dahang tumango. “Bakit ba parang kabadong-kabado ka diyan? Wala akong gagawin sa ‘yo, Fabian. Nandito tayo sa condo ko para mapag-usapan ‘yang portfolio mo. Ano ba ang plano mo?” naiinis ko pang dugtong.

Umubo siya saka nakangiting lumapit. “Hindi ko rin sure, eh. Mas maganda kasi ‘pag hindi planado ‘yong pagkuha, mas makatotohanan.” mahinhin niyang sabi.

I raised a brow, “Eh, paano ang gusto mong mangyari?” tanong ko.

Inilabas niya ang camera at inilapag ang bag niya sa couch. “Pwede ba nating hawiin ‘yong kurtina sa magkabilang gilid? Tapos tumayo ka riyan sa gitna at mag-pose,” mahinahon niyang paliwanag. Sinunod ko ang mga sinabi niya, ngunit hindi ko alam kung paano magp-pose.

Narinig ko ang hagikhik niya saka lumapit sa akin. Napaatras ako nang tumingkayad siya at abutin ang buhok ko. Medyo ginulo niya ito, saka humakbang papalayo at ineksamina ako. Humakbang ulit siya palapit, “Ilagay mo na lang sa bulsa ‘yang isang kamay mo tas ‘yong isa naman ay sa bewang,” utos niya.

Sinunod ko naman ang sinabi niya at madali kaming natapos sa pose na iyon. Nag-instruct pa siya ng ibang pose at sinusunod ko lang siya.

Tumagal kami at parang hindi pa siya satisfied, may mga shots daw na hindi natural. Kaya sa next session namin, gusto raw niya na magkwentuhan na lang kami. Hindi ko na tuloy alam kung gusto niya ba talaga akong maging model para sa portfolio niya or gusto niya lang akong maging kaibigan.

“Kaya mo bang umuwi? Book na lang ulit kita ng grab,” tanong ko habang pinapanood siyang magligpit ng kaniyang gamit.

Umiling siya. “’Wag na! Dito na nga ako kumain eh, mamamasahe nalang ako. Kaya ko naman,” malaki ang ngiting sabi niya. I smiled back. Tila nagulat pa siya pero mabilis akong kinuhanan. “Ayan, natural.”

Napakamot na lang ako sa batok ko saka siya pinagbuksan ng pinto. “Mag-review pa ako kaya hindi na kita maihahatid sa lobby. Kaya mo na ba?” tanong ko.

“Yes po. Thank you talaga, Cios. Alis na ako, good night!” masigla niyang paalam saka nagtatakbo palabas. Bahagya pa akong natawa nang muntik pa siyang madulas sa sobrang bilis niyang tumakbo.

Nakahinga ako nang malalim ng mawala na siya sa paningin ko. Isinara ko ang pinto ng condo at nahiga sa kama. Hay, nakakapagod.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height