+ Add to Library
+ Add to Library

C5 Day 2

Day 2 of 14

[CIOS’ POINT OF VIEW]

“Wow, second honor ang Cios namin!” malaki ang ngiting salubong sa akin ni Lola. Niyakap niya agad ako at bahagyang ginulo ang aking buhok.

Kadadating lang namin galing sa school, kanina rin ginanap ang aming Recognition Day. Magc-celebrate raw kami ngayon dahil lahat kaming magpipinsan ay may Honor. May mga handa pa sa lamesa at mga balloons.

“Lola, panis po kayong lahat dahil Top 3 ako! Hehe, galing ko po, ‘di ba?” maingay na sabi ni Red. Binatukan siya ni Sho, saka ipinaliwanag na tie naman silang dalawa ni Red sa pagiging Top 3.

“Kuya Kyo, ikaw po pang-ilan?” tanong ng kapatid kong si Camila. Umupo ako upang magka-lebel ang aming paningin.

“Top 2 ako, Camila. Ang galing ko, ‘di ba?” proud kong sabi. Tuwang-tuwa naman si Camila at pinagyayakap pa ako. Natigil lamang ang katuwaan namin nang dumating si Mommy at Daddy.

“Why are you so happy, Cios? Kakaunti lamang naman ang agwat ninyo ni Seah , ah? Bakit Top 2 lang ang naabot mo?” disappointed na tanong ni Mom. Wala akong nagawa kundi ang yumuko.

Right, Mom’s always saying na I have to be at the top.

“Fiona! Bakit hindi mo na lang i-congratulate ang anak mo? Magaling nga at nakasama siya. Napakadami niya pang awards, kaya ano ba’t nagagalit ka?” Halata na sa boses ni Dad ang pagkainis.

“Ha! At kakampihan mo pa ang bata?! Hindi siya magiging successful kung hindi siya ang mananalo! Mas maganda kapag nasa taas ka! Mas maraming oppurtunities! I’m being strict to him because he’s the oldest child, and he should be a role model for Camila so that Camila will also be a good child. Hindi sapat ang mga awards na’ yan kung hindi naman niya makukuha ang main goal niya na maging pinakamataas sa lahat!” mahabang litanya ni Mommy. Kaming magpi-pinsan ay agad inilayo ni Lola roon. Malayo sa nagtatalo kong Mommy at Daddy.

I opened my eyes and reached my side table to get my phone. It was 4 in the morning. Bumaling ako sa kabilang side ng kama at naramdaman ang lamig. I was alone but the wind almost felt like staying on my side. It was cold yet refreshing.

**********

[COLEEN’S POINT OF VIEW]

Nagising ako dahil sa sigawan sa baba. Nag-aaway na naman siguro ang Inay at Tatay. Maingat akong bumangon at nagtipa sa aking phone.

To: huliCAM.

loe. Gcing k na b?

Marahan kong sinuklay ang aking buhok habang naghihintay sa reply ni Camila.

From: huliCAM.

new no. hu dis?

Bahagya akong natawa, hindi lang dahil sa reply niya. Kundi dahil narin sa pangalang inilagay ko sa kaniya. huliCAM. Naalala ko rin kung anong name naman ang inilagay niya sa akin, COLAngot. At kung gusto niyong malaman kung ganito ba talaga kami mag-type ng kaibigan kong si Camila, isa lamang ang gusto kong sabihin, uso naman ang ganitong typings.

To: huliCAM.

tinatamad aq pumasok beh, ra kaehn??

From: huliCAM.

ay xori, teh. Kaka-text lang din sakin ni Kuya, eh! May date nga sana kami ni Vero, kaso nagpapasama naman itong si Kuya, hmph.

Kunot-noo kong binasa ang reply niya. May date sila ulit ni Kuya Vero? Napapadalas naman ata ang friendly date ‘ika’ nila?

From: huliCAM.

shocks fren, alam ko na!!!!!!!! Punta ka sementeryo mamayang 9 AM ha??

To: huliCAM.

whyket? Anu gagawin q sa sementeryo, aber???

Nagtataka padin ako kung bakit niya ako pinapapunta sa sementeryo. Doon na ba ang bagong galaan? Ah, basta! Pupunta na lang ako at baka importante naman.

**********

[CIOS’ POINT OF VIEW]

From: Camila.

Kuya, 9 AM po ha?

Akala ko ba’y busy siya? Napailing ako saka nagsimulang mag-ayos para makaalis na. Hindi na ako nag-abala pang magsuot ng kung ano. Humarap ako sa salamin at ineksamina ang sarili ko. Hindi naman siguro uulan at hindi naman siguro madudumihan ang puti kong T-shirt, ‘di ba? Nang masagot ko na ang sarili kong tanong, dinampot ko ang aking cellphone at nagsuot na ng face mask at sumbrero.

Pagkarating ko roon ay halos iilan lang ang tao. Sabagay, hindi naman ito ang araw na madalas bumibisita ang mga tao sa mga nangamatay na nilang kaanak. Tinext ko agad si Camila at sinabing nandito na ako sa sementeryo.

Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang may maingay na babaeng tila nawawala dahil sa paglingon-lingon niya sa paligid ang nagsalita, “Naknampucha naman, oh! Nasaan na ba ang babaeng ‘yon? Ano bang gagawin ko rito? Bwisit!”

Napaawang ang bibig ko nang makita kung sino iyon. Nagulat rin siya nang dumako ang mga mata niya sa akin. “O-Oy! Bakit ka nandito?” maingay niyang tanong habang lumalapit sa akin.

“Hinihintay ko si Camila. Ikaw? Why are you here? May bibisitahin ka rin ba?” tanong ko. Nanlaki ang mga mata niya at napatakip pa ng bibig. She’s not calm na naman.

“Paksh*t! Wala akong bibisitahin dito. Si Camila kasi, sabi niya pumunta raw ako rito ng 9 AM!” natataranta niyang sigaw. Naiirita na ako sa kakasigaw niya, may iilang bumisita at napapatingin na sila sa amin.

“So, this was planned? Are you sure na hindi ka katulong ni Camila rito?” nagdududa kong tanong. Agresibo naman siyang umiling. Bumuntong-hininga ako saka nagsimulang maglakad.

“H-Hoy! Saan ka pupunta? Teka, sama ako!” Mas binilisan ko pa ang aking lakad dahil sa pagsigaw-sigaw niya. Pero kahit mabilis akong maglakad ay tinitingnan-tingnan ko rin naman kung nakakasunod pa rin ba siya sa akin. Mahirap na, baka maligaw pa ang bwisit.

Tumigil ako sa paglalakad nang marating ko na ang puntod ni Lola. Nakita ko ring tumigil ang kasama ko at takang tumingin sa akin.

“Bakit ka tumigil—” Kumorba ang labi niya ng pa- ‘O’ at dahan-dahan nang lumapit sa akin. “A-Ah, sino siya? Mama mo?”

“Lola,” maikli kong sagot.

“Ah. Buhay pa pala ang Mama mo. E ang Lolo mo? Ang Papa mo? Buhay pa ba?” sunod-sunod niyang tanong.

Iritado akong tumingin sa kaniya. “Siya lang ang bibisitahin ko ngayon. So, yes. Buhay pa ang mga itinanong mo,” sagot ko. Napatango-tango naman siya.

Napatingala ako nang maramdaman ang tila pagyakap sa akin ng hangin. Nandito ka rin ba, Lola?

I opened my eyes as I heard the sound of her camera. Tiningnan ko siya at nakita kong nakatingin din siya sa akin.

“’Wag mo akong kuhanan ngayon. Wala ako sa mood,” simple kong sabi.

“Malungkot ka ba?” tanong niya. Bakas sa boses niya ang pag-aalala.

I raised a brow. Bakit bigla ata siyang naging seryoso? “Hindi,” sagot ko.

“Psh, sinungaling.” Umiiling niyang sabi. Ako? Sinungaling? Ha! “Alam mo? Hindi mo naman ikamamatay kung aaminin mo na nalulungkot ka,” tumatango-tango niyang sabi.

And with that, napaiwas ako ng tingin. Nalulungkot nga ba ako? Hindi. 5 years had passed, I’ve already moved on. “Hindi nga ako malungkot,” taas-noo kong sabi. Sigurado akong hindi na ako nalulungkot.

“E bakit ka nandito?” Napakurap ako sa tanong niya. Yeah, why am I here nga ba?

Lumapit siya sa akin at kinuha ang aking sumbrero saka isinuot ito. Aangal pa sana ako pero naisip ko na hindi niya ako titigilan at pahahabain niya lang ng pahahabain ang usapan.

“Smile ka nga sa camera kung ‘di ka sad,” natatawa niyang hamon. Umiling ako pero tinanggal ko rin ang aking mask upang magpose para sa kaniya. “Sabi ko smile.”

“I don’t want,” sabi ko, may pag-iling-iling pa.

Pinanliitan niya ako ng mata saka tumingin sa paligid, at ibinalik din sa akin ang tingin. Itinaas niya ang kaniyang camera, at umaktong kukuhanan ako.

“Takot ka ba sa gagamba?” Kunot-noo ko siyang tiningnan.

“Ha? Hindi, why?” sagot ko. Napatango-tango siya at saka ini-ready ang kaniyang camera.

“Kung ganoon, okay lang naman siguro na may gagamba sa buhok mo?” nakangisi niyang sabi. Pinanlakihan ko siya ng mata saka umayos sa pagkakatayo.

“A-Alisin mo.”

“Hmm? Ayoko nga. Akala ko ba hindi ka takot?” mapang-asar niyang tanong.

Huminga ako nang malalim saka dahan-dahang kinapa ang aking buhok. Naiirita ako sa mahina niyang hagikhik. Nahugot ko ang aking hininga nang maramdaman kong mayroon ngang gagamba. Agresibo ko itong ipinagpag at inis na napapadyak.

Narinig ko ang malakas niyang tawa kaya masama ko siyang tiningnan. Agad niya naman akong kinuhanan saka nagpatuloy sa pagtawa.

“Akala ko ba hindi ka takot sa gagamba? Ang funny ng itsura mo kanina!” walang hanggang pang-aasar niya sa akin habang naglalakad na kami palabas ng sementeryo. “SM tayo! Libre kita ng pamasahe!” masaya niyang sabi at humarang pa sa daraanan ko.

“Ayoko. May review ako. Pumasok ka nalang sa school o mag-aral,” seryoso kong sabi at patuloy padin sa paglalakad.

“Ang boring ng buhay mo, ‘no? Puro ka aral! Tara na, SM!” Hindi na siya nag-aksaya ng oras at hinila na niya ako upang mag-abang ng sasakyan.

“May kotse akong dala. ‘Wag na tayong mamasahe,” seryoso kong sabi. Tumango naman siya at sumunod sa akin.

-------------------------

“Saan tayo kakain? Masarap sa Mang Inasal kaso baka naman ayaw mo doon. Hmm, saan mo ba gusto? Chowking? KFC? O gusto mo Jollibee ulit?”

Napabuntong-hininga ako sa sobrang dami ng nasabi niya. Kakababa pa lamang namin ng kotse at kasalukuyang naglalakad papasok sa SM. Heto at hindi na siya matahimik kakaisip kung saan kami kakain na para bang hindi siya kumakain kanina habang nagd-drive ako.

“Uy! Ano na? Naisip mo na ba kung saan tayo kakain? May pera naman akong dala, gusto mo bang ilibre kita?” maingat niyang tanong at humarang-harang pa sa harapan ko.

Hindi ko na siya pinansin at nagdire-diretso nalang sa pagpasok. Napatigil lang ako nang mag-vibrate ang cellphone ko. Dinukot ko ito at tiningnan.

monterealcamila: sa’n ka, kuya?

Kunot-noo akong nag-reply.

kyomntrl: SM.

“Uy, sino yan? Ay si Camila! Friends pala kayo sa IG? Ako din, add mo ako bilis!” Iritado akong tumingin sa kaniya na ngayo’y sobrang lapit sa akin at nakadungaw pa sa cellphone ko.

monterealcamila: ay??? kasama mo pa ba si Cola??

kyomntrl: yup.

monterealcamila: yieh, enjoy, kuya kyo!!

Hindi ko na siya nireply-an at itinago ko na ang cellphone ko. Nagtaka ako nang makitang wala na sa tabi ko ang bata. Iritado akong nagmasid sa paligid. Napakaraming tao, saan ko naman hahanapin ang babaeng iyon?!

Napapadyak ako nang makita siyang bumibili ng cotton candy at mukhang nakikipag-kwentuhan pa sa nagtitinda. Lumapit ako sa kaniya at binayaran ang binili niya.

“Gusto mo? Bili ka din!” masaya niyang alok sabay pakita sa ‘kin ng binili niyang cotton candy na kulay pink.

Napabuntong-hininga ako nang mapansing hindi niya matanggal ang plastic na pinaglalagyan ng cotton candy. Walang gana ko itong kinuha sa kaniya at binuksan.

“Thank you!” Tumango ako at umiwas ng tingin. Nagulat ako nang bigla siyang tumakbo palayo kaya madali ko siyang sinundan.

“Hello, bata! Bakit ka umiiyak?” Umupo siya upang magkalebel ang paningin nila ng batang umiiyak.

“S-Si Mama po, i-iniwan ako. ‘Di ko po a-alam kung nasaan na s-siya,” walang tigil ang iyak ng bata. Nag-aalalang tumingala sa akin ang isa pang batang paslit.

“What? Bakit ka nakatingin sa ‘kin?” nakanguso kong tanong. Sinamaan niya ako ng tingin at lumapit sa akin. “Ano nga? Bakit? Ano’ng gusto mong gawin ko diyan?” maiinis ko nang tanong. Mas lalo siyang lumapit at mas lalong sumama ang tingin niya sa akin.

Iritado akong umupo at humarap sa bata. “Let’s go there sa may guard. What’s your Mom’s name?” Mas lalong lumakas ang iyak ng bata kaya medyo nataranta ako.

“Tagalugin mo kasi, Cios! My gosh, ano namang alam ng bata e mukhang four pa nga lang yan!” Binatukan niya pa ako. Umubo ako at humarap sa bata.

“Ano’ng pangalan ng Mama mo?” tanong ko. Sumagot naman ang bata. Naglakad na kami papunta sa may guard at sinabi ang problema. Umiiyak padin ang bata pero tumahan din naman nang ibigay ng isa pang batang paslit o isip-bata ang kaniyang cotton candy.

Nang makarating ang Mama ng bata ay todo pasalamat siya sa amin kaya todo iling lang kami at sinasabing “Okay lang po! Maliit na bagay.” Kung hindi ko pa hinila palayo ang natirang bata—este, si Coleen ay hindi na matatapos pa ang pagpapasalamatan nilang dalawa.

“Ang ganda no’ng Mama no’ng bata, ‘no? Ako rin, ‘di ba? ‘Di ba?” Paharang-harang niyang tanong. Marahan ko siyang itinulak upang gumilid siya at hindi na harangan pang muli ang daraanan ko. Napatigil lang kaming muli nang tumunog na ang kaniyang tiyan. Humawak siya sa kaniyang tiyan at malambot ang mukhang tumingin sa akin. Pinanliitan ko siya ng mata at tumalikod.

Nanlaki ang mata ko nang hilahin niya ang laylayan ng suot kong T-shirt, at naupo sa sahig. Nagmasid ako sa paligid upang siguraduhing hindi namin nakukuha ang atensiyon ng iba. Hinila ko agad siya patayo pero nagpabigat siya at masama pa ang tingin sa akin.

“Fine. I’ll buy you a cotton candy ulit, ‘yong color pink.” Napapadyak ako nang hindi parin siya natitinag sa pagkakaupo. “Come on. What do you want ba? ‘Yong color blue?”

Agresibo siyang umiling at ipinagkrus ang kaniyang mga braso. “Argh, okay. We’ll eat, ikaw na ang mamili kung saan. Okay na? Come on. Tayo na, Coleen. It’s embarassing.”

Tila nagliwanag ang mukha niya, “Ngayon mo lang ulit ako tinawag sa pangalan ko, ah! You should call me by my name more often,” malaki ang ngiting sabi niya. Saka tumayo at mabilis na naglakad palayo. Napansin niya na hindi pa ako naglalakad upang sumunod sa kaniya. Kung kaya’t tumakbo siya pabalik at hinila ako upang makasabay niya sa paglalakad.

I can’t control her, so f*cking stubborn.

---------------------

“Ano ba ‘yan? Nakakabwisit! Madaya naman, ayaw magpakuha!”

Inip akong nanonood kay Coleen na naglalaro sa Claw Machine. Halos maubos na ang binili niyang token dahil simula no’ng mabili niya ito ay dumiretso na siya sa Claw Machine. Nagandahan daw kasi siya do’n sa pink na teddy bear.

Muntik pa kaming mapaalis ng staff dahil kanina niya pa pinupukpok ang machine. Marahan ko siyang itinulak at humingi ng token sa kaniya.

“Ayusin mo, ha! Sayang ang token, iisa nalang yan.” masama ang tingin niyang sabi sa akin. Inihulog ko ang huling token at sinubukang kunin ang teddy bear na gusto niya.

“Ayan, ayan! Malapit na!” Iritado akong tumingin sa kaniya na panay ang sigaw. Natigil lamang ito nang malaglag ang teddy bear. Aba! Mukhang may daya nga ang Claw Machine!

“Wala na tayong token,” malungkot niyang sabi. Umiling ako at nagsimulang maglakad palabas ng palaruan. Tiningnan ko ang relo ko at nanlaki ang mga mata.

“4 PM na?! Sh*t, may review ako ng 2 PM!” Agaran kong dinukot ang cellphone ko sa bag at nakitang andami nitong missed calls at messages.

“Uy! Okay ka lang? Bakit nagmamadali ka?” nag-aalalang tanong niya habang nagmamadaling sumunod sa akin.

Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang parking at tumigil lamang sa harap ng aking kotse. Nilingon ko si Coleen na hinihingal at nakahawak sa kaniyang tuhod.

“I really have to go, Miss. May pamasahe ka ba? Kaya mo bang umuwi mag-isa?” nagmamadali kong tanong. Tumango naman siya at malaki ang ngiti. Napabuntong-hininga ako at nagtipa sa aking cellphone. Tinawagan ko si Sho.

[Sup—]

“Are you busy? Punta ka dito sa SM. Main Entrance, pakihatid mo itong kasama ko.”

[Ha? Sinong kasama? Bakit ka nasa SM, Kyo? Diba may review ka? Ano’ng—]

“I know, I know. Papunta na nga ako do’n, baka mahabol ko pa. Bilisan mo rin ang pagpunta rito.”

[Sige. Sino ba ‘yang kasama mo?]

“Si Coleen.”

Nilingon ko si Coleen. “Susunduin ka ni Sho. Doon ka nalang maghintay sa Main Entrance.” Tumango siya at nag-thumbs up.

[Sige, Tol. Punta na ako, ingat ka.]

“Yes, Thanks.”

Sumakay na ako sa kotse ko. Itinigil ko ito sa harap ni Coleen, saka ibinaba ang bintana. “Una na ako. Hintayin mo na lang si Sho.”

“Okay po! Salamat, ingat ka.”malaki ang ngiting sabi niya. Iwinagayway niya rin ang kaniyang kamay kaya tinanguan ko siya saka nagdrive ng madali.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height