C11 10: Bully
Bully
Pagkarating namin sa cafeteria agad naming napansin si Jez. Nasa dulo siya sa katabing bintana. May iilan na bumabati sa kanya pero ang iba ay hindi niya pinapansin.
Meron namang grupo ng mga babaeng nagtatakang lumapit sa kanya. Sobrang ganda nung isa sa kanila. Apat silang kababaihan na nagtutulukan. Pero 'yung babaeng may hairclip ang talaga namang iba ang mukha sa kanila