C22 21: Ikaw
Ikaw
Sa loob ng dalawang linggo pangkaraniwan ang nangyari. Walang araw na hindi ako iniinis ni Latrelle. May araw naman na si T.H naman ang galit sa akin katulad ngayon.
"Anong ginawa mo sa damit ko?" mahinahon ang boses niya ngunit labis ang galit sa mga mata niyang nag-aapoy.
Puyat kasi ako kagabi kaya hindi ko naayos ang laba ko kaninang umaga. Tumawag kasi si Lucky