+ Add to Library
+ Add to Library

C10 Kabanata 9

Kabanata 9

Mula sa paghihila ng kalabaw ay huminto ako at pinahid ang pawis sa noo gamit ang likod ng aking palad. Heat licked at my sunburned face and coiled around my limbs like a great hot-blooded serpent. Mabigat na ang mga bota ko dahil sa putik kaya naman medyo hirap na rin ako sa paglakad.

Tiningnan ko ang kubo kung saan naroon ang ilan kong kasamahan. Blush seared through my cheeks when I saw Dashiel standing while talking to Mang Abner. Nakikipagusap man ay nasa akin naman ang paningin niya. He's staring at me like he could burn me through his eyes. They look so dark even if we're under the scorching sun.

Ako na ang nagbawi ng tingin at itinuon na lang ito sa pagaararo. Nakatoka akong gawin ito ngayon dahil wala sila Nanay at Tatay. Kinailangan nilang bumisita ng Badian para bantayan ang ina ni Tatay na may sakit ngayon. They will be staying there for three days. Ako muna ang gagawa ng ilan sa trabaho nila sa palayan kung wala naman akong pasok.

Kulang isang oras pa ang itinagal ko sa palayan bago naisipang magpahinga na muna. Naglakad ako patungong kubo. Naroon pa rin si Dashiel, ngayon ay may kausap naman sa cellphone niya. His back was facing me, hand resting on his waist. Saktong pagkarating ko sa kubo ay siyang pagsilip niya sa gawi ko.

Hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin at hinihingal na naupo sa kahoy na upuan. Pakiramdam ko ay doble ang pagod ko ngayon kumpara sa mga nakalipas na araw. Siguro ay dahil masiyadong tirik ang araw.

Tinanggal ko ang suot na sumblero. Pagkalapag ko no'n sa mesa ay siyang pagsulpot ni Dashiel sa tabi ko. Nilingon ko siya, nakatitig na kaagad siya sa akin. Iniusod niya ang isang baso ng tubig sa tapat ko. Tiningnan ko iyon saglit saka ibinalik sa kanya ang mga mata.

"Salamat..." sabi ko.

Hindi siya sumagot agad. Sa halip ay pinagmasdan niya lang ako, partikular sa aking mukha. Nakaramdam ako ng pagkailang dahil alam kong halos maligo na ako sa sariling pawis.

"Basa ka ng pawis," aniya. "May dala kang towel?"

Tumango ako. "Oo, naroon sa bag ko. Sandali lang at kukunin ko—"

Asta akong tatayo para sana kuhanin na ang gamit ko nang pigilin niya ang kamay ko at muli akong hilahin paupo sa tabi niya. Taka ko siyang tiningnan. I even look at our hands that look so different together. Sa sandaling pagdidikit ng mga balat namin, pakiramdam ko ay may kung anong kuryente na dumadaloy sa amin.

"Ako na ang kukuha. Which one?"

Suminghap ako, hindi nakatingin ng tuwid sa kanya.

"Iyong k-kulay pink na bag pack." sabi ko at itinuro ang lugar kung saan naroon ang mga kagamitan namin dito.

Naramdaman ko ang pagbitaw ni Dashiel sa kamay ko. I saw him stand up from my peripheral vision. Nang tumalikod na siya para magtungo sa lugar na itunuro ko ay saka ko lang pinakawalan ang hininga na kanina ko pa pala pinipigilan.

Watching his back as he amble meters away from me brought the words that keep on lingering in my head since yesterday.

"Don't mind them, Dreya. It's the other way around."

He didn't tell it straightforwardly but I want to assume that what I think is right. Na baka gusto niya ako, dahil iyon ang sinabi niya. Gusto kong umasa na maaaring ganoon nga. Pero baka ako lang ang nagiisip at nagbibigay ng kahulugan. Baka pinatitripan niya lang ako dahil natutuwa siya sa akin.

Even if I am having doubt towards him, that he might be tripping me or whatever, I still want to defend him against myself. Na hindi naman siguro siya ganoong klase ng lalaki. Na pakiramdam ko, marunong naman siyang rumespeto sa nararamdaman ng ibang tao, lalo na pagdating sa mga babae. Hindi porque galing Maynila ay mangloloko na.

Hindi ko na namalayan na nakabalik na si Dashiel sa tabi ko kung hindi ko pa naramdaman ang marahang pagdampi ng towel sa aking mukha. Kaagad naginit ang batok ko dahil sa galaw niyang iyon.

"A-Ako na, Dashiel." naiilang na sabi ko saka pasimpleng tumingin sa paligid. Nakahinga ako ng maluwag nang mapansin na wala namang nakakita sa amin.

Nakuha ko ang towel sa kanya saka pinunasan ang mukha. I'm aware that he's staring closely at me the reason why I never dared to look at him. Natanaw ko pa siyang pumangalumbaba at mas seryoso akong tinitigan.

Hindi na nakatiis pa, tiningnan ko siya. Tama nga ako nang isiping masiyado niya akong pinagmamasdan. Ngumuso ako.

"Bakit mo ba ako tinititigan?"

Huminga siya ng malalim, hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Ang ganda mo..."

Sa mga oras na 'to, gusto kong panawan ng malay dahil sa sinabi niyang iyon. Lumunok ako... kumurap-kurap... lumunok ulit.

Sa eskwelahan namin, lagi akong nasasabihan ng ganoong klase ng papuri pero hindi kailanman naging big deal sa akin 'yon. They keep on saying that I have a pair of soft and angelic eyes. Even my tan complexion, they find it attractive.

"Niloloko mo ako. Paano ako magiging maganda kung puno ako ng pawis at dumi?" naiiling na sabi ko, pilit pinagmumukhang normal ang sarili.

"Maganda ka pa rin. Hindi nagbago."

Bumuntong hininga ako at hilaw na natawa. Kinuha ko ang bag saka hinanap doon ang cellphone.

"Baka may marinig sa'yo at kung ano ang isipin." sabi ko.

"Would someone get mad if I'm being like this to you?" he asked. "Perhaps, a boyfriend?"

Mabilis ko siyang nilingon. "Wala, ah! Wala pa sa isip ko 'yan."

He nodded. "How about that Rommel? Is he courting you?"

"Hindi rin. Magkaibigan lang kami.

A satisfied smirk blossomed in his lips.

"Glad to hear you're free."

Natawa ako, naiiling kasabay ng kilig na dumadaloy sa mga ugat ko ngayon. Tumungo ako at binuhay ang cellphone.

"How old are you, Dreya?"

Sandali ko siyang pinaglaanan ng tingin.

"Bente anyos na ako."

"Hmm... Graduating, right?"

Tumango ako bilang tugon kahit ang atensyon ay nasa cellophone ko. Nagtungo ako sa playstore at sinubukan muling i-download ang Instagram. Kaninang umaga ay nagbura ako ng ilang pictures at kanta, nagbabaka sakaling magkaroon na ako no'n.

"Just the perfect time to be in a relationship, huh?" Dashiel said that made me look at him with a bit rounded eyes.

"A-Ano?"

His lips twitched sexily.

"Don't worry, I won't be a hindrance to your study. Makakatapos ka..." sabi niya. "At hindi ako magiging sagabal sa'yo."

Natawa ako, nagiinit na ang pisngi at batok. I glanced at my phone, bit my lower lip as I try to calm my heart that's now about to burst.

"Kung ano-ano ang sinasabi mo. Huwag mo akong pagtripan." sabi ko na lang, bahagyang may ngiti sa labi.

Ilang segundo lang nang maramdaman ko ang pag usod niya palapit sa akin at bahagyang dumukwang sa may tainga ko.

"I'm not up for trippings, Dreya..." he whispered making all the hair on my nape rise. "I like you," Those words came out like a fire ready to burn my innocence. "And I'm serious about that."

Pumikit ako ng mariin kasabay ng paghigpit ng hawak ko sa aking cellphone. Huminga ako ng malalim, marahan at hindi naglikha ng anumang ingay.

There you go, Dreya. He already said that he likes you. Malinaw na malinaw. Nasa sayo na lang kung paano mo tatratuhin iyon. Kung maniniwala ka ba... o kalilimutan mo ang takot mong baka niloloko ka lang niya.

Nag angat ako ng tingin sa kanya at tipid na ngiti lang ang isinagot. Pakiramdam ko ay hindi magagawang iproseso ng utak ko ang tungkol sa bagay na 'yon. It's too beyond my imagination. Hindi kapani-paniwala. Ang hirap isipin na puwede iyong mangyari sa reyalidad.

I put my eyes back to my phone. Napasimangot ako nang hindi tanggapin ng memory ko ang Instagram dahil puno na daw ito.

Bumuntong hininga ako, biglang nakaramdam ng pagkainis.

"Ano ba yan..." wala sa sariling sabi ko.

"What's wrong?"

Nang sipatin ko si Dashiel ay sa cellphone ko na siya nakatingin. His brows were a bit furrowed as if he's looking to some piece of a trash.

Halos muntik ko nang itago ang cellphone ko nang maalalang pipitsugin lang ito kumpara sa kanya. Pero bago ko pa 'yon magawa ay nakuha niya na ang ito sa kamay ko.

"Hala, Dashiel! Akin na 'yan!" wika ko sa natatarantang boses.

Iniiwas niya sa akin ang cellphone at bahagya pang tumalikod. He became silent for a couple of seconds before drilling his eyes on mine.

"Instagram?" he asked.

Ngumuso ako bago bagsak ang balikat na bumuntong hininga.

"Gitry nako pag download pero insufficient memory na diay."

Dashiel let out a chuckle. "Tagalog, Dreya. I don't fully understand your dialect."

Maging ako ay natawa na rin. "Sorry. Ang sabi ko ay insufficient memory na 'yung memory ng cellphone ko kaya hindi ako makapag-download."

"Why do you want to download it? There's nothing even special there."

Kasi gusto kong makita ang account mo roon. Gusto kong makita iyong sinasabi ng mga kaklase ko na buhok raw ng babae na pinost mo.

Bakit ganoon? Wala pa man ay parang may nararamdaman na akong kirot. Baka dapat ay hindi ko muna paniwalaang gusto niya ako.

"Wala lang. Gusto ko lang." patay-malisyang sabi ko.

His eyes narrowed a bit, making him look strict.

"Stalking someone there?"

"W-Wala, ah! Curious lang ako. Pero hindi bali na. Kukunin ko na 'yang cellphone ko."

Astang aabutin ko na nang muli niyang iiwas sa akin ito. Pilit ko itong kinukuha ngunit itinaas lang niya ang cellphone ko habang nakatuon doon ang tingin at tila may tinitipa.

It's seconds later when he finally gave it back to me with a grin on his face.

"Here..."

Kinuha ko 'yon sa kanya, sinilip at tiningnan siya. Wala namang kakaiba sa cellphone ko pero bakit parang nangingisi siya? Baka naman pinagtatawanan niya ito dahil mumurahin lang?

Ngumuso ako. Pumangalumbaba ulit siya at tinitigan ako.

"Bakit ka nangingisi?" tanong ko.

Umiling siya saka dinilaan ang ibabang parte ng kanyang labi.

"Anong mayroon sa Instagram?"

"Wala naman. Curious lang talaga ako."

Nagtaas siya ng kilay. "Saan?"

"Kung paano iyon gamitin."

Tumango-tango siya. Hindi kalaunan ay binunot niya ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng pantalon niya at nagtipa roon. Bigla akong nakaramdam ng hiya nang mapansin kung gaano kasunod sa uso ang cellphone niya. Kung hindi ako nagkakamali ay Iphone 'yon.

Not so long ago when he handed me his phone.

"Here..."

"Ano 'yan?" tanong ko, nakakunot ang noo.

"You can explore Instagram there. My account is already logged in. Take your time."

Already feeling tempted, I stared at his phone and then at him. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa cellphone niya.

He chuckled. "Take it, Dreya. I want to feed your curiosity."

My lips protruded. Kinuha ko ang cellphone niya at pinagmasdan ito.

"Hindi ako marunong dito sa cellphone mo. Masiyadong high-tech."

"Hmm, what do you want to know about it then?" he asked and then moved closer to me that I can smell his fresh-from-the-shower scent.

Hindi ako nakasagot agad habang titig na titig sa cellphone niya. I can see his picture, there's a red ring around it.

"Scroll it up if you want to see my gallery..." he said, his face was already inches away from me.

Sinunod ko ang sinabi niya. Dito ko ba makikita ang litrato na sinasabi ng mga kaklase ko?

We've been scrolling for nearly a minute when I noticed that the pictures were already taken from Manila.

Mukhang wala naman dito iyong sinasabi ng mga kaklase ko.

"A-Ano pang mayroon diyan sa Instagram?" tanong ko.

Nag angat siya ng tingin sa akin at halos dumampi na sa aking ilong ang amoy ng mabango niyang hininga.

"You mean some of its features?"

Tumango ako. He swiped down the screen and suddenly tapped his profile picture.

"This is what you call My Story, or My day. You can post here whatever's special on your day," he explained. "Here's mine..."

My heart thumped aggressively when I saw a familiar hair flowing freely as if it's being blown by the calm wind. Kahit nakatalikod ay kilalang-kilala ko ang nagmamay-ari noon. He holds the screen.

"Do you know who owns that hair?" he asked.

Hindi ako nakasagot agad, nananatiling nakatitig sa screen ng cellphone niya at mabilis ang tibok ng puso. Pakiramdam ko ay may kung anong kumikiliti sa sikmura ko.

Nang walang marinig na sagot mula sa akin ay nag angat siya ng tingin sa akin. I anchored my eyes on him and we both stared at each other. From my eyes, his gaze went down my lips and then back to my eyes again. Mabilis na lumamlam ang mga mata niya.

"You, baby." he whispered huskily.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height