+ Add to Library
+ Add to Library

C11 Kabanata 10

Kabanata 10

Unknown number:

Where are you?

Ibinaba ko ang hawak na libro sa ibabaw ng lamesa matapos marinig ang pagtunog ng cellphone ko. There's a text message from an unknown number. Dinampot ko ito at binasa ang mensahe. My forehead wrinkled after reading it.

Sino 'to? Hindi kaya wrong number lang?

Ako:

Kinsa ka?

Pagkatipa ng mensahe na 'yon ay ibinaba ko na ang cellphone at tumayo. Tanaw ko na ang munting usok na nagmumula sa kawali na pinapainit ko. Nang makitang nakulo na ang mantika ay dinampot ko na ang siyanse at iginisa ang bawang.

I heard my phone beep again. Sinilip ko ito ngunit hindi gaanong pinagtuunan ng pansin. Ang mabangong aroma ng bawang ang bumalot sa buong kusina. Sinunod ko ang sibuyas, hindi kalaunan ay toyo at kaunting tubig. Nang kumulo ay kaunting suka naman ang ibinuhos ko. Huli na ang kangkong. Kaunting pampalasa ay tinakpan ko na 'to at hinayaang kumulo muli.

Bumalik ako sa lamesa saka tamad na dinampot ang cellphone. May mensahe na ulit mula sa numerong iyon.

Unknown number:

I had to ask Mang Abner what that means. Damn, looks like I have to learn how to speak that way for you.

Kumurap-kurap ako. Mang Abner? Hindi kaya si...

Ako:

Dashiel?

Not so long ago when my phone ring, indicating the unknown number. Wala pa man ay nagsimula nang bumilis ang ritmo ng tibok ng puso ko. Heto na naman, para na naman akong kinukuryente.

Sinagot ko ang tawag, biglang nanglamig ang mga kamay.

"H-Hello?" bungad ko.

"Hi..."

Sa mga oras na 'to, hindi ko na kailangan pang kwestyunin kung sino ang nagtetext sa akin at kung sino ang kausap ko. Within a short span of time, I have already recognised his voice.

"D-Dashiel..."

"Hmm. I haven't seen you this morning in the field. Busy?"

"Ah, nagre-review kasi a-ako. Pasensya na. M-Marami bang ginagawa? Kailangan ba ako doon?" sunod-sunod na tanong ko.

"Hindi ka nila kailangan roon..." aniya sa seryosong boses. "Pero ako, kailangan kita."

Humigpit ang hawak ko sa aking cellphone, biglang nanglamig ang palad.

"Dashiel naman..." ungot ko, pilit pinipigil ang kakaibang emosyon sa puso ko na gustong kumawala.

Simula nang harap-harapan siyang umamin sa akin na gusto niya ako, simula nang sabihin niyang ako ang nagmamay-ari ng buhok sa Instagram account niya na siyang napatunayan ko naman, pakiramdam ko ay inalis noon ang pagdududa at takot ko na baka niloloko niya lang ako.

Kung sa bagay, ano ba ang mapapala niya kung pagtitripan niya ako? Why would he waste his time on someone like me if he doesn't truly have the feelings... for me?

At sa tingin ko, wala nang mas sasaya pa sa pakiramdam ng magustuhan rin ng taong gusto mo. I don't know when exactly I have developed this feelings towards him. Maaaring nung una ko pa lang siyang makita at hawakan niya ang mapuputik kong kamay. Hindi ko alam. Hindi ako sigurado.

Isa lang ang alam ko... masaya ako sa tuwing nakikita ko siya. Sa tuwing iisipin kong imposibleng magustuhan niya ako, sarili ko na rin mismo ang kumokontra sa akin.

Dashiel's deep chuckle pulled me out of my deep thoughts.

"Kilig ka po?" tanong niya.

Natawa ako. "Hindi, ah. Bakit ka napatawag?"

"Kumain ka na?"

Naupo ako sa silya, nagpipigil ng ngiti.

"Hindi pa. Kakaluto ko pa lang kasi. Ikaw, kumain ka na?"

"Not yet. Can I join you for lunch?"

Namilog ang mga mata ko. "H-Huh?"

"Pupuntahan kita. Sabay tayong kumain."

"Pero adobong kangkong lang ang ulam ko, Dashiel. Hindi ka kumakain nito—"

"I can eat whatever's on the table, Dreya. Don't worry about me."

"S-Sigurado ka ba?"

He chuckled. "I'm on my way."

As soon as our call put to an end, I removed my books from the table and set it up. Kumuha ako ng dalawang plato, kanin at ulam para sa amin. Napabuntong hininga ako nang makita ang iniluto ko. Duda akong kumakain siya nito, pero sana ay magustuhan niya pa rin.

Walang pang limang minuto nang makarinig ako ng tatlong magkakasunod na katok mula sa pintuan namin. Already sure that it's Dashiel, I walked towards the door and opened it.

Ang gwapong mukha ni Dashiel ang bumungad sa akin pagkabukas ko. Sa ibang direksyon siya nakatingin ngunit agad rin naman bumaling sa akin hindi kalaunan.

Tumaas ang sulok ng labi niya pagkakita sa akin.

"P-Pasok ka..." alok ko saka niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan.

Napansin ko si Browny na nakasunod sa kanya at panay ang kawag ng buntot. Umalis rin naman ito na tila ba inihatid lang si Dashiel sa akin.

Bahagyang yumuko si Dashiel pagkapasok sa pinto. Naiintindihan ko 'yon dahil malaking tao siya at maliit lang ang pintuan na mayroon kami. Hindi ko na 'yon isinara pa at hinarap siya. He's already looking at me and suddenly shot his brow up. He really got this menacing look that intimidates me. Tipid akong ngumiti at iminiwestra ang loob ng bahay.

"Pasok ka ulit..." alok ko.

He chuckled and then nodded his head. "After you."

Nauna akong pumasok sa loob kagaya ng gusto niya. Mabuti na lang pala at nakapaglinis ako ng bahay. Hindi nakakahiya ang itsura lalo na at narito siya.

Dumiretso ako ng kusina, sa mismong hapagkainan.

"Pasensya ka na, ito lang ang ulam na mayroon ako ngayon," sabi ko nang makarating kami sa kusina at hinila ang upuan para sa kanya. "Baka hindi ka mabusog dito."

Pinanood ko siyang maupo roon. He looked at the food in front of him, giving them a lazy glance. Naupo ako sa harapan niya. He then anchored his eyes on me.

"Do you really think I came here just because of these food?" he asked. "Puwedeng sa bahay na lang ako kumain kung iyon lang ang habol ko."

Ngumuso ako. "Bakit nga ba kasi dito ka manananghalian? Hindi mo ba gusto ang ulam niyo roon? Dapat ay doon ka na lang kumain."

He shrugged his shoulders as he leaned his back against the backrest. Ipinagkrus niya ang mga braso sa ibabaw ng kanyang dibdib at pinagmasdan ako sa ilalim na makakapal niyang pilikmata.

"Masasayang ang niluto mo kung ganoon."

Tumaas ang dalawa kong kilay. "B-Bakit naman?"

"Dahil sasama ka sa akin at doon tayo sa bahay manananghalian..." the corners of his lip rose, creating an evil smirk. "I'm giving you time to decide."

Kailangan bang sabay pa kami kumain? Puwede namang doon siya at dito ako. It's not that I don't like the idea of eating with him. Nahihiya lang ako kumain sa harapan niya lalo pa at kaming dalawa lang ang narito. The last time we ate together, we were in the field with some of the farmers.

Bumuntong hininga ako. "Sige na nga. Dito na tayo kumain."

He chuckled. "Dali kausap."

Natawa ako na sinabayan pa ng pag iling. Ang sabi ni nanay sa akin noon, maging maasikaso ako sa kahit na sinong bisita kaya naman ako pa mismo ang naglagay ng kanin sa plato ni Dashiel. I even felt him staring at me as I put some food on his plate, intently and very carefully.

"Huwag mo akong titigan. Ayan ka na naman." sabi ko, sinusubukan pagaanin ang atmospera kahit pa gusto ko nang panglambutan ng mga tuhod.

"That's not possible," he replied. "You stop being so beautiful first."

Sunod kong inilagay ang adobong kangkong sa plato niya saka siya sinilip.

"Pero sa tuwing titingnan kita noon, ikaw naman ang umiiwas sa akin." sabi ko, wala ng preno pa.

Humalakhak siya. "I thought you didn't notice that."

"Napapansin ko."

Bumalik na ako sa upuan ko at tiningnan siyang muli sa mga mata. Matapang na ako dahil medyo malayo na ang distansiya namin sa isa't-isa hindi katulad kanina.

"Hmm. Tama ka, malakas lang ang loob ko titigan ka kapag hindi ka nakatingin sa akin. Pero kapag lumaban ka na, ako na mismo ang tumitiklop."

The fingers on my feet curled up after hearing those words from him. Mas lalo niya pang idiniin ang titig niya sa akin na tila ba mawawala ako sa paningin niya oras na kumurap siya.

Nagkamali ako nang isipin kong hindi ako makakakain ng ayos dahil kaharap at kasabay ko si Dashiel. Dahil ang totoo, mas ginanahan akong kumain dahil nakita kong nagustuhan niya rin naman ang nakahain. Sa mga sandaling iyon, pakiramdam ko ay pantay lang ang estado naming dalawa. Walang mahirap, walang mayaman. He even helped me wash the dishes even though I tried to reject his help a few times.

Inakala kong iyon na ang huli naming pagkikita sa araw na 'yon pero heto at naglalakad kami patungo sa mansyon dahil may ibibigay raw siya sa akin.

"Ano 'yong ibibigay mo?" tanong ko sa pangalawang pagkakataon habang papalapit na kami sa mansyon nila. Kanina kasi ay hindi niya ako sinagot ng maayos.

"It's not actually from me. Galing iyon kay Mama. It's a home made cake. Siya mismo ang gumawa."

Nilingon ko siya, kunot ang noo dahil sa matalim na sikat ng araw. He looks so cool as if the hot weather do not affect him. Ni hindi siya pinagpapawisan at presko pa rin tingnan kahit pa ilang oras na ang lumipas.

"T-Talaga? Ang bait talaga ni Ma'am Cheska. Maganda na, maganda pa ang ugali."

I had a glimpse of his smile — the kind of smile from a son who admires his mother so much.

"She is. She's a perfect mother for me. Wouldn't trade her for anything."

Ngumiti ako. "Pero bakit niya pala ako binigyan?"

Nilingon niya ako. "Maybe we have the same feelings towards you."

Hindi ako nakasagot agad, naiwan sa ereng nakatitig sa kanya. May hinala na ako sa maaari niyang sabihin sa akin pagkatapos ng mga katagang iyon. A soft but sexy smile spread across his handsome face.

"Maybe she likes you as much as I do."

Ngumuso ako at agad na inalis ang tingin sa kanya.

"Ayan ka na naman. Hindi ko na talaga alam ang iisipin tungkol sa'yo." bulong ko, hindi na dapat pa isasatinig iyon.

Lihim akong napasinghap nang maramdaman ko ang pagdidikit ng mga kamay namin. Aksidente man o sadya, hind ko alam.

He soon intertwined our fingers that made me look at them. Nag angat ako ng tingin sa kanya, sa daanan siya nakatingin — seryoso at walang bahid ng pangloloko.

"Don't pressure yourself, Dreya. I'll give you enough time for this. Maghihintay ako."

No words have escaped my lips. Instead, we continue walking towards their mansion. Kaunti na lang talaga ay iisipin kong gusto niya nga ako. Kaunti na lang ay maniniwala na akong hindi ito panaginip at nasa reyalidad ako.

Nakarating kami sa loob ng mansyon at agad na dumiretso sa kusina. He pulled the stool from me and helped me sit on there. Walang tao sa kusina at kaming dalawa lang. He soon walked towards the refrigerator and grabbed a medium size white box.

Dumiretso siya sa akin at naupo sa tabi ko.

"Here. Do you want to taste it?" he asked.

"Hindi na. Busog pa naman ako," sabi ko at nginitian siya. "Pakisabi sa Mama mo maraming salamat dito."

Imbes na sagutin ako ay tinitigan niya lang ako ng mariin, partikular sa aking labi. Kumurap-kurap ako, taka siyang pinagmasdan.

"D-Dashiel..."

Hindi siya sumagot, nakatingin pa rin sa mga labi ko.

"Dashiel!"

"Hmm?"

Tumuwid siya mula sa pagkakaupo at iniiwas ang tingin sa akin kasabay ng paghagod niya sa buhok niya pababa. I heard him mutter under his breath but couldn't be able to understand it. Nilingon niya ako hindi kalaunan.

"You were saying, baby?"

Sa hindi mabilang na beses ay nag init ang mga tainga ko dahil sa paraan ng pagtawag niya sa akin. Noon ko pa gusto itanong sa kanya kung bakit tinatawag niya ako ng ganoon ngunit nahihiya naman ako.

"Ayos ka lang ba? Natutulala ka kasi."

Hilaw siyang natawa. "Guess I'm having it so bad, huh?"

What he just said seems like a puzzle to me. Bago pa ako tuluyang makapagisip sa ibig niyang sabihin ay tumayo siya mula sa stool.

"Just have to get something. Hintayin mo ako."

Tumalikod na siya at lumabas ng kusina. Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa tuluyan na itong mawala. I anchored my eyes on the box. There's a little card attached at the side of it.

Dreya,

This is for you. Hope you like it!

Cheska :)

Napangit ako nang mabasa ang maiksing mensahe na 'yon. Until now, I'm still amazed by the attitude she's showing towards me. Hindi pala lahat ng mayaman ay matapobre. Ma'am Cheska is the example of the living angel. Para bang hindi siya mayamang tao, nakatapak pa rin sa lupa ang mga paa niya. No wonder Dashiel acts this way. May pinagmanahan. Kahit naman si Sir Daniel ay mabait rin sa amin.

Bumalik si Dashiel sa tabi ko matapos ang ilang sandali.

"Here..."

I automatically fixed my eyes down when he placed something there. My forehead crinkled after seeing what that is.

"Ano 'to?" tanong ko habang nakatingin sa kahon kung saan sigurado akong cellphone na kagaya ng sa kanya ang laman.

"That's for you."

Mabilis kong inusod pabalik sa kanya ang kahon ng iPhone at tiningnan siya.

"Bakit mo ako binibigyan niyan?"

"Why not? You need that," he responded and moved the phone back to me. "Take it, Dreya. I don't accept a no for an answer—"

"Pero hindi rin ako basta tumatanggap ng isang gamit mula sa ibang tao nang walang dahilan—"

"Ibang tao pa rin ba ako?" tanong niya dahilan para matahimik ako. "What reason do you still need just for you to accept this?"

"Bakit mo nga ako bibigyan niyan? Hindi ka naman sugar daddy."

Isang malakas na hagalpak ang binitawan niya. Like a devil roaring of laughter. He stared at me with amusement swimming in dark brown eyes.

"Sugar daddy, huh? Where did you learn that word, Dreya?"

Nanulis ang nguso ko at iniusod ulit ang kahon sa gawin niya. "Hindi naman ako ganoon ka-inosente para hindi iyon malaman."

He looked at the phone and placed his eyes back to me.

"I don't mind you being innocent. I actually like my woman that way..." he smirked at me. "Just take this. It will help you on your studies. And I already installed Instagram there. Ayos na ang lahat, gagamitin mo na lang."

I sighed.

"M-Magkano ito? Baka hindi ko kaagad mabayaran. Alam kong m-mahal ang ganitong klase ng cellphone." ungot ko, hindi na rin siya gustong tanggihan pa dahil halatang hahaba lang ang diskusyon namin.

Dashiel let out an audible smirk. He then slouched near me and suddenly placed his hand on my waist. Halos mapakislot ako dahil sa init ng palad niya sa aking bewang. Our faces are just centimeters away from each other that I can smell his bubble mint breath. Titig na titig siya sa mga mata ko, sari-saring emosyon ang naroon.

"Sigurado kang gusto mo akong bayaran?" tanong niya, namamaos ang boses. Mas inilapit pa ang mukha sa akin na halos pigilin ko na ang sariling paghinga. "Mahal akong maningil, Dreya. Baka mabigla ka."

"M-Magkano nga?"

A dangerous smirk slowy appeared on his lips.

"Saka ko na sasabihin. Kapag handa ka na..."

Pagkasabi niya no'n ay lumayo na siya sa akin at bumalik sa orihinal na pwesto. My eyes remained staring at him as I watched him looking at me with those brown orbs. Nakangisi siya, tila nasisiyahan sa reaksyon na nakikita sa akin.

Ilang minuto pa ang itinagal ko sa mansyon nila bago ko naisipan ang umuwi na. Sinabi ni Dashiel na ihahatid niya pa ako sa bahay. Tumanggi ako nung una, dahil nagpumilit ay hinayaan na rin. Papalabas na ako sa gate nila habang siya ay naiwan sa loob. Someone called him and he needs to answer it. Susunod rin daw siya agad pagkatapos.

Kusa akong napahinto sa paghakbang nang matanaw si Maricel na dadaan sana ngunit napadpad sa akin ang paningin. Huminto siya, taas ang kilay.

"Anong ginagawa mo riyan?" tanong niya.

I hid the box of phone behind me and smiled, a bit nervous.

"Uh, may inuutos lang si Dashiel sa akin."

Mas lalong tumaas ang kilay niya. "Dashiel? Kailan ka pa natutong mawalan ng respeto sa kanya?"

Nakagat ko ang ibabang parte ng aking labi nang mapagtantong walang pag galang ang naging paraan ng pagtawag ko kay Dashiel. Walang nakakaalam dito ng nangyayari sa pagitan namin. Wala silang ideya, lalo na si Maricel. Kung sakaling malaman niya, siguradong hindi niya iyon magugustuhan.

"Pasensya na. N-Nakalimutan ko lang."

She rolled her eyes at me. "Nagiging ambisyosa ka ata, Dreya. Ipapaalala ko lang sa'yo na hindi ka magugustuhan ni Sir Dashiel kung iyon ang inaakala mo. Kung ako nga hindi pinansin, ikaw pa kaya?"

Tumungo ako at nagbuntong hininga. "Hindi naman ako nangangarap ng ganoon, Maricel. A-Alam ko kung saan ako lulugar. Hindi ako kagaya mo..."

Umayos siya ng tayo.

"Anong sinabi mo?" mataray na aniya. Nakita kong napunta sa bandang likuran ko ang mga mata niya. "Nariyan na si Sir Dashiel."

Bumuntong hininga ako. Hindi nagtagal ay nasa tabi ko na nga si Dashiel.

"Magandang hapon, Sir Dashiel." si Maricel, naroon pa rin ang pang aakit sa boses niya.

Nanatili akong nakatingin sa kawalan, bahagyang apektado sa sinabi niya kanina tungkol sa akin. Hindi naman ako nangangarap, umpisa pa lang ay alam ko na ang limitasyon ko. Pero si Dashiel mismo ang kusang nagparamdam sa akin na hindi ko kailangan mangarap dahil siya mismo ang lumalapit sa akin.

"Afternoon. May kailangan ka?" tamad na sagot sa kanya ni Dashiel.

"Wala naman po. Pinagsasabihan ko lang itong si Dreya. Tinawag niya kasi ikaw sa pangalan mo at alam kong ayaw mo no'n." sumbong ni Maricel.

"Says who?"

Agad akong napatingala kay Dashiel matapos marinig 'yon. He's looking coldly at Maricel, eyes burning with pure boredom.

"P-Po?" si Maricel.

"I was the one who asked her to call me by my first name. Got a problem with that?"

Mariin akong napapikit. Siguradong iba ang magiging interpretasyon ni Maricel sa sinabing iyon ni Dashiel. She's not dumb. She knows how this kind of situation works.

"Hindi ba at ayaw mo nang tinawag kita sa pangalan mo no'n—"

"You are not her. That's why."

Namilog ang mga mata ni Maricel saka napatingin sa akin. Kalakip noon ang iritasyon at alam ko na kaagad kung para saan 'yon. I avoided her eyes and looked into somewhere else.

"Excuse us..."

Lantarang hinawakan ni Dashiel ang kamay ko at hinila ako paalis roon. I was holding my breath for a little while until we finally passed by Maricel. Hindi na ako nag abala pang balikan siya ng tingin dahil siguradong may kalakip na panghuhusga ang tingin na igagawad niya sa akin.

Sigurado rin akong ipagkakalat niya sa mga taga rito ang tungkol sa nasaksihan niya sa amin ni Dashiel. Ang malala ay makarating pa kela nanay.

"What did she tell you?" tanong ni Dashiel nang nasa daan na kami pauwi sa bahay.

Nilingon ko siya at tipid na nginitian. "Wala naman. Kaya lang sana ay hindi ka nagsalita sa kanya ng ganoon. Baka bigyan niya lang ng kahulugan."

"And it does matter?"

"Oo. Maaaring gumawa siya ng kwento tungkol sa atin. Makakarating iyon kela nanay at pagagalitan ako."

"Bakit sila magagalit?" Ngayon ay nasa sa akin na ang buo niyang atensyon.

"Dahil hindi puwede ang amo sa isang tauhan na katulad ko..." malungkot na amin ko.

Tumaas ang kilay niya, pinagmumukha siyang literal na strikto.

"That's bullshit. That belief only happens in novels, Dreya. We're in reality and that means I can like whoever I want..." he said, his voice was hard as steel.

Nakarating kami ng bahay. Sa gate pa lang ay huminto na kami. Hinarap ko siya, mataman siyang nakatitig sa akin. Bumuntong hininga ako.

"Salamat dito sa mga bigay mo." pilit pinapasigla ang sarili na sabi ko kahit pa apektado sa nangyari kanina.

His face void of any emotions. Pakiramdam ko pa nga ay bigla siyang nawala sa magandang mood niya. Kasalanan ko ata dahil masiyado akong maarte sa mga pinagsasasabi ko.

"Nagaalala ka?" tanong niya.

"Saan?"

"Sa mga magulang mo."

"Ayos lang. Itatanggi ko na lang—"

"Don't..." He cut me off. "Let them know. That way I can ask for their permission, too."

Gumuhit ang ilang linya sa aking noo.

"Tungkol saan?"

Mas lumapit siya sa akin. Dinala niya ang kamay niya sa buhok ko at marahan itong hinaplos pababa. He tucked some of my hair against my ear and slouched a bit, his lips leveling my ear.

"Tungkol sa'yo..." bulong niya saka pinasadahan ng marahang haplos ang pisngi ko. "Kung puwede akong manligaw sa'yo."

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height