+ Add to Library
+ Add to Library

C12 Kabanata 11

Kabanata 11

Dashiel:

I'll see you later. Susunduin kita.

Paulit-ulit kong binabasa ang text na 'yon ni Dashiel sa akin habang nakaupo ako dito sa canteen at kumakain ng tanghalian. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang nakatanaw roon.

I'm already using the phone he gave me and I'm still familiarizing myself with it. Mahirap dahil hindi naman ako sanay rito. Marami pang pinipindot kumpara roon sa luma ko. Kanina ko lang rin ito nagawang kalikutin dahil ibinuhos ko ang oras sa pagaaral.

When I unboxed it earlier, Dashiel's number was already registered here. Tama nga siya nang sabihing ayos na ang lahat, gagamitin na lang.

Ako:

Ikaw ang bahala.

Pagkatapos ipadala ang text na 'yon ay nagsimula akong busisiin ang laman ng cellphone. My lips held a smile when I saw the application I've been dying to download before but couldn't be able to make it.

Binuksan ko ang Instagram sa unang pagkakataon. Ang sabi ni Dashiel ay naigawa na raw niya ako ng account doon. Tama nga siya dahil madali akong nakapasok. The username he even put was @LucindaDelaCruz. Mayroon na rin akong profile picture, litrato na siya pa ang kumuha sa akin nang hindi ko namamalayan dahil naka-side view ako.

Ibinaba ko ang hawak na tinidor at nag-focus sa pagkalikot ng cellphone. Ayon sa account ko, mayroon akong isang follower at isa lang rin ang taong sinusundan ko - siya iyon. I clicked his picture and his personal account instantly showed up.

Dashiel looks so sophisticatedly handsome in his profile picture. He seems to be in some social place, certainly not in their mansion here in Argao. He has hundred thousands of followers but he only follows six people. Tiningnan ko kung sino ang mga sinusundan niya at pangalan ko kaagad ang bumungad sa akin.

Mera Francheska Monasterio

Adrianna Grace Monasterio

Zadriel Monasterio

Tatiana Follosco

Lauren Cassandra Ricaforte

Halos puro kamag anak lang pala niya ang pina-follow niya. Pero nakakasurpresa pa rin na madami siyang followers. Kung sa bagay, kilala siyang tao at siguradong maraming kuneksyon. And I bet his followers are mostly women.

"Hi, Dreya! Puwede akong tumabi sa'yo?"

Nag angat ako ng tingin at nabungaran si Marcus na nasa akin ang atensyon habang may hawak na tray. Tipid akong ngumiti sa kanya.

"Sige lang. Wala naman akong kasabay."

Hindi na siya nagsayang pa ng oras at naupo na sa harapan ko. I anchored my eyes back to my phone and received a message from Dashiel again.

Dashiel:

No more rejections. That's good.

Natawa ako, napapailing dahil sa mga sagot niya. Ramdam ko ang literal na kilig sa puso ko sa mga simpleng kilos niya sa akin. Wala akong maramdaman na pagdududa. Pawang totoo nga ata ang lahat.

"Mukhang masaya ka ngayon."

I diverted my eyes to Marcus who's now staring at me while holding his fork. He brought his gaze on my phone and stared there for a little while.

"Ang ganda ng cellphone mo. Bagong bili mo?"

I gulped. Mabilis akong nagisip ng alibi na puwede kong gamitin tungkol sa cellphone na ito. He knew the kind of life I have. Isa lang akong magsasaka kapag hindi nagaaral. Mahirap makabili ng ganitong kamahal na cellphone lalo pa kung iyon lang ang trabaho na mayroon ang mga magulang ko.

"Ah... hindi. Galing ito sa tiyahin ko, ipinahiram m-muna sa akin dahil nakabili na siya ng bago." sabi ko at itinabi na ang cellphone.

Mamaya ko na lang sasagutin ang text ni Dashiel.

Tumango-tango siya. "Ihahatid kita mamaya sa bahay ninyo, kung ayos lang?"

"Hindi na kailangan, Marcus. Pagagalitan kasi talaga ako nila nanay oras na makita nilang nagpapahatid ako sa iba-"

"Hindi ka pa rin ba puwede pumasok sa isang relasyon? Magtatapos na tayo ngayong taon, Dreya." kunot noong tanong niya.

"Kahit magtapos pa ako, Marcus, hindi pa rin ako makikipagrelasyon sa'yo dahil hindi ko aatupagin ang bagay na iyan. Marami pa akong prayoridad sa buhay na kailangan unahin."

At isa pa, hindi naman kita gusto.

Tumitig siya sa akin. Pakiramdam ko ay masiyado akong naging magaspang sa kanya ngayon. Hindi ko lang marahil nagugustuhan ang paraan ng pananalita niya sa akin. Para bang may halong pamu-mwersa.

Natawa siya. "Masiyado ka talagang dedikado sa pamilya mo. Kaya naman gustong-gusto kita."

Nag iwas ako ng tingin, nailang sa klase ng tema na mayroon kami. Ibinuhos ko na lang ang atensyon ko sa kinakain. Wala naman patutunguhan ang usapan namin kung tutuusin.

Mabilis na lumipas ang maghapon. Nasasabik akong lumabas ng classroom namin habang yakap ang mga libro. Ang mukha ni Marcus ang agad na sumalubong sa akin. He's leaning his hand against the door nook while looking at me.

Siya ulit?

"M-Marcus..." tawag ko, unti-unting nabagal ang paghakbang. "Nasabi ko na sa'yo na hindi ako puwedeng magpahatid-"

"Hanggang sa may gate lang, Dreya."

Hindi ako nakasagot. Sa halip ay isang buntong hininga lang ang nagawa kong pakawalan. Tumango ako hindi kalaunan.

"Ikaw ang bahala."

Ngumiti siya sa akin. Sabay kaming bumaba at naglakad papuntang school gate. The sun was at it's highest. The heat beat down on my head like I was bacon under the grill.

"Medyo nakakapagod ang practice game namin nitong mga nakaraang araw. Mabuti na lang at palagi naman kitang nakikita." aniya habang naglalakad kami.

Hindi naman ako nagtatanong pero sinabi niya 'yon. Ayaw ko siyang magmukhang tanga kaya kahit hindi ako interesado ay sumagot pa rin ako.

"Dapat ay inaasahan mo na 'yon. Ilang taon ka na rin naglalaro niyan."

"Oo nga, e. Ewan ko ba. Iba 'yung pagod ko ngayon. Siguro dahil walang inspirasyon na nanonood sa akin."

Wala na akong naintindihan pa sa mga sinasabi ni Marcus nang makalabas na kami ng gate at matanaw ko na si Dashiel na nakasandal sa kotse niya. His menacing eyes were already on my direction - dark and serious. Agad na lumipat ang mga mata niya sa tabi ko at alam kong si Marcus ang tinitingnan niya. For a brief moment, those eyes became more dark and intense.

"Sige, Marcus. Mauna na ako sa'yo. Salamat." sabi ko nang lingunin siya.

"Ihahatid na kita sa sakayan-"

"Hindi na!" bahagyang natataranta na sabi ko at nilingon muli ang gawi ni Dashiel.

His raised an eyebrow at me. When I looked at Marcus again, I found him looking at Dashiel's direction.

Mukhang kahit anong gawin ko ay makikita ni Marcus na may ibang maghahatid sa akin pauwi. Wala naman dapat ako ikabahala kung makita niya akong sumasama sa iba. Hindi naman kami mag nobyo.

"May iba pa lang maghahatid sa'yo kaya ayaw mo sa akin. Akala ko ba ay bawal?" litanya niya nang tingnan akong muli.

"Siya ang may ari ng lupang sinasakahan namin, Marcus. Amo ko siya at baka may kailangan lang sa akin ngayon. Mauuna na ako sa'yo. Salamat ulit sa paghahatid."

Tumalikod na ako at hindi na siya hinintay pang sumagot. I sashayed my way towards Dashiel whose eyes never leaves me.

Huminto ako sa harapan niya at tuwid na tumayo.

"Maayong hapon."

He smirked. "Maayong hapon."

I didn't expect him hearing using our own dialect made him ever more handsome and appealing. Ngumiti ako sa kanya.

"Bagay sa'yo ang magsalit ng bisaya."

"Really?"

I only nodded, didn't dare to remove the flashy smile on my lips. Pinasadahan niya ng dila ang kanyang ibabang labi at tumango-tango.

"Do you find me sexy then?"

Kumurap kurap ako. I didn't know that he is this straight forward! At isa pa, kakadaan lang no'n sa isip ko. Naisip niya rin agad?

"Ah... oo."

The little rise on the corner of his lips told me that he's trying to tease me. Ganun pa man, huli na ang lahat dahil nasabi ko na. Yumuko ako, tumingin sa mga paa ko ngunit agad rin naman nag angat ng tingin sa kanya. I saw him looking into somewhere else. The smirk on his lips was now gone and replaced by sternness.

Sinundan ko ang linya ng tinitingnan niya at nakita si Marcus. He's still there, standing on the gate while looking at me. Ibinalik ko ang tingin kay Dashiel.

"That boy.." he questioned and then transferred his cruel eyes on me. "Is he courting you?"

"Si Marcus?"

"Marcus, huh?"

"Gusto niya mangligaw sa akin kaso hindi ko pinayagan."

A grin emenates his lips.

"Hindi mo siya gusto?"

"Hindi."

"No chances of you liking him back?"

Umiling ako. "Wala."

He grazed his tongue over his lips and nodded.

"Just making sure," he replied and stood properly. "Let's have some snack. Saan mo gustong kumain?"

Bahagyang umihip ang panghapong hangin. Isinayaw nito ang ilang takas na buhok sa aking mukha. Unconsciously, I tucked them on my ear and focused my eyes on Dashiel. He's staring intensely at me.

Why do a simple gaze from him makes me feel lost? Pakiramdam ko, mga mata niya lang ang may kakayahan iwala ako sa mundong ginagalawan ko... ngunit kaya rin akong ibalik sa isang simpleng kurap lang.

"Kakain tayo?" tanong ko nang makabawi.

"Yes. Saan mo gusto?"

"Ikaw ang bahala. Ano ba ang gusto mong kainin?"

"Ikaw..." aniya.

"Huh?"

Kumurap-kurap siya. Tumingala siya, mariing pumikit at bumuntong hininga na para bang may malaki siyang problema. He unlocked his eyes and then looked at me again. This time, I am knitting my eyebrows in total confusion.

For the second time, he sighed.

"Ang ibig kong sabihin ay ikaw... ano bang gusto mong kainin?"

Tumango-tango ako, hindi na inintindi pa ang naging biglang reaksyon niya kanina. Lumingon ako sa paligid, napangiti nang makita ang nagtitinda ng mga fish ball na madalas kong kinakainan sa tuwing bago ako uuwi.

"Ayun! Doon tayo." turo ko sa tindero hindi kalaunan at nilingon si Dashiel.

Sinundan niya ng tingin ang itinuturo ko. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya.

"Saan?"

Bahagya akong sumimangot. "Ayun, si Manong na nagtitinda ng kwek-kwek."

"Kwek-kwek?" ulit niya pa sa kunot noo at tila ba gumamit ako ng alien na salita. "What's that?"

"Itlog ng pugo."

"Itlog ng pugo, you mean?"

Ngumiti ako. "Kwek-kwek... hehe."

He smirked. "My baby knows now how to good time me, huh?"

Natawa ako. "Gusto mo ba roon? Ayos lang kung ayaw mo. Baka kasi hindi ka kumakain ng ganung klase ng pagkain."

Humakbang siya palapit sa akin, kinuha ang dala kong libro saka ako hinawakan sa may bewang. Nilingon ko siya kasabay ng pagkalabog ng puso ko sa naging galaw niyang iyon. He also glanced at me with that God-like smirk.

"Anywhere with you."

Pinigil ko ang kilig na gustong kumawala sa akin. Hawak ang aking bewang, nagtungo kami sa tindero ng fishball kung saan may ilan ng kumakain.

I'm aware that most of the people here, if not all, are looking at us - specifically at Dashiel. Hindi nakaligtas sa akin kung gaano siya kakisig sa simpleng ayos niya ngayon. He's just wearing a navy blue vneck shirt, dark denim cuffed jeans and brown low cut leather boots. Those kind of clothes are just simple when being worn but why does he look like an international model?

Nakarating kami sa stand. Ngumiti ako sa matandang tindero na kilala ko na rin sa tagal ng panahon na nakatambay siya dito.

"Napulo ka fish ball ug napulo nga kwek kwek, Tiyo." saad ko sa tindero.

Mula sa likuran ay iniharap ko ang bagpack sa akin at kinuha ang pitaka.

"What are you doing?" I heard Dashiel ask.

"Kumukuha ako ng pambayad-"

"Huwag mo akong insultuhin, Dreya."

Mabilis akong napaangat ng tingin sa kanya. He's looking darkly at me, brows knitted in a frown.

"Hindi naman kita iniinsulto, Dashiel." inosenteng sabi ko.

"Ako ang magbabayad sa kakainin nating dalawa."

Lumabi ako at bahagyang dumikit sa kanya. Ikinumpas ko ang aking kamay.

"Lapit ka sa akin..." sabi ko at astang bubulong.

Nagtaas siya ng kilay ngunit lumapit rin naman at bahagya pang yumuko.

"Magkano ang ibabayad mo?" tanong ko sa pabulong na paraan.

He glanced at me confusedly. "Five hundred bill..."

Humagikhik ako. "Walang barya ang tindero para diyan. Ako na lang muna ang magbabayad ng kinain natin. Sa susunod ka na."

Agad na rumehistro ang pag di-sangayon sa mukha niya.

"Won't allow that-"

"May utang ka sa akin na bente pesos," pagtatapos ko sa usapan namin saka muling hinarap ang tindero. "Kwaon na nako, tiyo."

Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Dashiel habang tumutusok ako ng fish ball. Lihim akong napangiti dahil alam kong tutol siya sa bagay na ito.

Hindi ko akalain na mapaparami ang kain namin ni Dashiel sa nakalipas na ilang minuto. He obviously enjoyed eating those kind of food for the first time. Akala ko ay magiging maselan siya, pero ayun at nakarami. He didn't give attention to those girls who kept on staring at him. He just focused on me... like I was the only girl he had ever seen.

Pabalik na kami sa kotse niya nang matanaw ko si Maricel na palabas na ng gate kasama ang kaklase niya. Maging ang mga kaklase ko na pinaguusapan si Dashiel noon at ang Instagram nito ay papalabas na rin. Their attention are all anchored on us, mostly Maricel who's now throwing daggers at me.

I sighed.

Humigpit ang hawak ni Dashiel sa bewang ko at marahan akong hinila patungo sa passenger seat. He opened the door and helped me get inside. Nang nakaupo na ay natanaw kong nagbubulungan na ang mga kaklase ko habang nakatingin sa gawi namin. They're surely talking about me... in a negative way.

Kung hindi pa iniharang ni Dashiel ang katawan sa harapan ko habang ang isang paa ay nakasampa sa sahig at ang kanang kamay ay nasa itaas ng silya ko, hindi pa mawawaglit ang pagtingin ko sa mga kaklase ko.

He glanced back to where I was looking at and then transferred his eyes back to me.

"Classmates?" he questioned.

"Oo..."

Tumango siya. Tumitig siya sa mga mata ko, mariin at seryoso. Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko ngunit hindi naman nagtagal.

"I'll be leaving for Manila tomorrow morning," he said. "Will stay there for five days."

Unfamiliar sadness crept on my chest for some unknown reason. Wala naman dahilan para malungkot ako, hindi ba? I've been living my life without seeing him... without him. Kaya bakit ako malulungkot?

Masiyado kang madrama, Adrestia!

"Ganun ba? Ingat ka." tipid ang ngiting sabi ko.

He licked his lower lip. "Gonna miss you."

"Sandali lang naman ang limang araw."

"Sandali lang kung hindi pa kita nakikilala," sagot niya na ikinainit ng pisngi ko.

Natawa ako, pilit ikinukubli ang saya sa puso ko.

"Puwede naman magtext..."

"It won't be enough," he said. "Let's video call every night. Bago tayo matulog."

"S-Sige."

Silence lingered in the air for nearly a minute. He's just looking at me in the eyes like he's trying to search for something. Not so long ago when he suddenly leaned his forehead against my shoulder that sent shiver deep down my spine.

He breathed a sigh.

"Damn it. I've never imagined that I'm going down with a girl like you."

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height