+ Add to Library
+ Add to Library

C13 Kabanata 12

Daig ko pa ang nakikipaghabulan sa bilis ng tibok ng puso ko ngayon habang nakatingin kay Dashiel. His gaze was too sharp and intimidating as if I did something he would never accept.

Kailan pa siya nakauwi? Hindi ba at dalawang araw pa bago siya dapat bumalik rito? At isa pa, bakit narito siya sa eskwelahan namin?

Gusto ko siyang iwasan, pero mayroong parte sa akin ang gustong tumakbo palapit sa kanya at kausapin siya. Pero hindi dapat. I should learn how to distance myself from him... and I've already started doing it three days ago.

Nga lang, wala akong pagpipilian kung hindi ang lapitan siya. Mas mabuti na rin siguro iyon, nang sa ganoon ay maibalik ko na rin ang cellphone na bigay niya sa kanya. Palagi ko itong dala kahit pa hindi ko naman na ginagamit.

Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib at nagsimulang humakbang patungo sa direksyon niya. His eyes were not leaving me as if he's afraid that I might disappear if he blink.

Humigpit ang yakap ko sa mga librong hawak. I even looked at my feet just to avoid his terrorizing gaze. Umasta akong normal lang ang bawat galaw hanggang sa makarating ako sa mismong tapat niya. My feet first landed on his black slip on shoes. Unti-unti ay nag angat ako ng tingin sa kanya.

The whites of his eyes contrasted sharply. Its depth resembled that of a black hole in space, an air of eeriness and unsettling coldness emanating from his gaze.

"Ah... narito ka na pala," bati ko at pilit na ngumiti sa kanya. "K-Kailan ka pa nakabalik?"

Hindi siya sumagot. Nanatili siyang nakatitig sa akin habang magkasalikop ang mga braso sa ibabaw ng kanyang dibdib. Sa tuwing nakikita ko siya, para bang mas lalong tumitingkad ang pagiging gwapo at makisig niya. He looks very manly and appealing on his black long sleeve shirt and dark denim jeans. It's fitted on his body that revealed his near to perfection upper extremities. The sleeves were pulled up to his forearm, showing his fair arms and the silver watch on the left.

"You were not answering any of my calls and texts. Couldn't even contact you." he finally broke the defying silence with his stern voice.

Naging malikot ang mga mata ko, literal na hindi napaghandaan ang magiging paghaharap namin na ito.

"Medyo abala sa eskwelahan. P-Pasensya na—"

"Try harder, baby."

Tumungo ako, nakaramdam ng kaunting kaba. Mahirap pala ang magsinungaling sa ganitong klase ng sitwasyon.

"Are you trying to avoid me?"

Nanuyo ang lalamunan ko habang nakatitig sa kanyang bahagyang salubong ang kilay. Gusto kong umamin at tapatin siya pero parang bigla akong nakaramdam ng pagkapahiya para sa sarili ko.

Pakiramdam ko ay wala akong karapatan na umasta ng ganito... o mag-inarte dahil hindi naman naaayon. Hindi nababagay dahil isa lang naman akong mababang tao kumpara sa kanya. I should be contented knowing that a man like Dashiel Monasterio is wasting his time on a girl like me. Dapat ay sinusunggaban ko na lang kung ano ang nasa harapan ko dahil iyon naman ang mahalaga. Kaya lang ay hindi gano'n ang sitwasyon.

"H-Hindi. Talagang naging abala lang sa eskwelahan. Uuwi na rin ako d-dahil may kailanga—"

"Ngayon mo sabihin na hindi mo ako iniiwasan." putol niyang muli sa akin.

Tumungo ako. Wala pa mang salita na namumutawi sa akin ay narinig ko na ang malalim niyang pangbuntong hininga.

"Maguusap tayo..." dinig kong sabi niya bago ko naramdaman ang paghila niya sa kamay ko.

"Sandali, Dashiel!"

Hinila niya ako habang patungo siya sa mismong kotse niya. Without further ado, he opened the driver's seat and made me sit there. Iniharang niya ang katawan sa akin bago isinampa ang kaliwang paa sa sahig ng sasakyan. He even placed his hand above the head rest as if he's trying to imprison me. Lumabi ako nang makita ang salubong niyang kilay habang madilim ang mga matang nakatitig sa akin.

"Do we have a problem?" he asked after letting out an audible sigh.

Umiling ako. "W-Wala naman—"

"You're not good at lying, Dreya." he cut me off. "Three days ago, we were still fine. And then you suddenly did not answer my damn calls and looks like you even dared to turn your phone off. Now tell me, what the fuck is wrong?"

"Sabi nang bawal magmura!" nanglalaki ang mga matang wika ko.

Hindi nagbago ang ekpresyon ng mukha niya. Nananatili itong puno ng iritasyon para sa akin. Bakit ba siya nagagalit? Kung tutuusin ay ako nga itong dapat nagagalit sa kanya dahil pinaglalaruan niya ako. Pero dahil hindi ganoon ang ugali ko ay palalagpasin ko na lang 'yon at mananahimik. I will just distance myself from him and he won't hear anything from me.

"Bakit ka ba nagagalit sa akin? Kung tutuusin ay malaya naman akong gawin ang kahit na anong gusto ko. Hindi naman kita n-nobyo para magalit ka sa akin ng ganyan..." malumanay kong sabi at tumungo, hindi na kinakaya pa ang intesidad ng mga titig niya sa akin.

He didn't say anything like those words hit him. I ascended my gaze and found his eyes become soft. Tumungo siya at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Ilang segundo pa ang lumipas nang muli siyang mag angat ng tingin sa akin.

"I'm not mad. I was just fucking worried to you. Do I still need to become your boyfriend for me to have the rights to feel that?"

Umiling ako. "Wala ka namang dapat ipagalala. Ayos lang ako. Siya nga pala..."

Bahagya kong idinistansya ang sarili ko sa kanya at iniikot ang bag ko paharap sa akin. I unzipped it and took the box of Iphone. Iniabot ko ito sa kanya. His hawk like eyes moved there and they even turned darker.

"Ibabalik ko na. N-Nahihirapan kasi akong gamitin. S-Salamat na lang."

Nagtagal ang tingin niya rito ng ilan pang segundo. He let a frustrated sigh without looking at me. It's nearly a minute when he suddenly leaned his forehead against my shoulder that made me become stiff.

"Anong problema natin, Dreya?" namamaos ang boses na tanong niya sa akin.

"W-Wala talaga—"

"Don't ask me to believe you because I won't."

Huminga ako ng malalim. Sa tingin ko ay magandang pagkakataon na rin ito para sabihin sa kanya ang totoo. Hindi na siguro kailangan pang pahabain dahil doon rin naman ang tungo. He needs to know that I'm aware of his relationship with that certain Lauren Ricaforte so he will stop tripping on me.

"H-Huwag mo ng ituloy ang balak mong pangliligaw sa akin, Dashiel."

Matagal bago siya nakasagot.

"Is this about your parents?"

"Hindi," sagot ko. "Oo pala."

Nakagat ko ang aking labi dahil sa palyado kong sagot. Oo at hindi na nga lang ay nagkakamali pa ako.

From leaning his forehead against my shoulder, he looked at me with furrowed brows.

"You're lying again..."

"H-Hindi! Naisip ko lang naman na masiyadong maraming kumplikasyon kung liligawan mo ako at magiging tayo—"

"Kagaya ng ano?" Ngayo’y mas iritadong tanong niya.

Suminghap ako at nagbuntong hininga.

"Hindi tayo bagay. Masiyadong malayo ang agwat natin sa isa’t-isa. Kapag naging tayo, marami ang mangungutya sa akin. May ibang nababagay sa'yo at hindi a-ako 'yon."

Natawa siya, mapang asar. He glanced sideways with that devilish smile on his lips like he finds my statement nonsense. He then shook his head.

"You really love to down yourself, don't you?" he asked as soon as he anchored his eyes on me again. "Anong alam mo sa nababagay sa akin, hmm?"

I clutched my skirt and his eyes moved there. He looked at me menacingly like he has already known what's really bugging me.

"Hindi ako mayaman na kagaya mo. Marami pang mas maganda sa akin. Iyong elegante at maipagmamalaki mo. Iyong hindi ka mahihiya isama sa mga okasyon dahil kapantay mo. Iyong nababagay sa'yo, Dashiel. Kasi kahit saang banda tingnan, hindi ako 'yon."

Tumango-tango siya, titig na titig sa akin.

"Where exactly are you coming from, Dreya?" he questioned meaningfully. "Are you pertaining to a certain woman?"

Bahagyang namilog ang mga mata ko matapos marinig ang naging huling tanong niya. It seems like he knows who I am talking about. Paanong nangyari iyon? Wala naman akong sinasabi sa kanya. Hindi ko rin ipinahalata na... nagseselos ako sa Lauren na iyon.

Natatakot akong sabihin sa kanya, natatakot akong malaman niyan iyon ang pinakapunong dahilan ko dahil baka isipin niyang masiyado akong mapapel.

Nagiwas ako ng tingin—

"Eyes on me..." he snapped out.

Leaving me with no choice, I looked at him once again. Mas matiim na ang pagtitig niya sa akin na tila ba hinahanap ang kasagutan sa aking mga mata.

"Who is this woman, Dreya? Iyong sinasabi mong nababagay sa akin?"

Huminga ako ng malalim, mabilis ang tibok ng puso dahil pakiramdam ko ay may ideya na talaga siya at pinapaamin niya na lang ako.

"Is there any other woman who's best for me aside from you?"

"Meron..." nakangusong wika ko at nagiwas ng tingin.

"Uhuh, who is this then?"

"Si L-Lauren..."

Hindi siya nakasagot. Kinuha ko ang pagkakataon na ‘yon para tingnan siya. There’s a sudden smirk rolling across his natural red lips.

“Lauren, huh?” he chuckled. “Lauren Ricaforte... my best friend, you mean?”

“B-Best friend?”

Mas lumawak ang ngisi sa labi niya. “You should have asked me first, Dreya. Instead of turning your phone off and avoided me. See where did it lead you?”

“Best friend kayo pero nag I love you siya sa’yo. Mag nobyo lang ang nagsasabihan ng ganoon.” hindi na napigilan pang sabi ko.

He chuckled. “She grew up in States. It’s just normal for us to say those words to each other. Wala ‘yong malisya sa amin."

Sa mga oras na ‘to, parang gusto ko na lang magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan. It's never my plan to tell him about Lauren. Ang gusto ko lang ay patigilin na siya sa planong pangliligaw sa akin gamit ang ibang dahilan. I didn't know that he would caught me this easy.

"Wala kayong r-relasyon?" tanong ko sa kanya.

His lips twitched into a playful smirk.

"Meron. We’re best friends, right?"

Ngumuso ako. "Higit pa roon."

Huminga siya ng malalim. He inched closer to me and tucked some of my hair against my ear. He then eyed me intently with so much emotions running in those eyes.

"Hindi kita liligawan kung meron akong ibang karelasyon," sagot niya sa seryosong tono. "Cheating isn't my thing, Dreya. Never it will be."

Sa hindi mabilang na pagkakataon ay wala akong naisagot sa kanya. It's like words were suddenly stuck inside my brain and would never dare to rush down to my lips anytime soon.

"Anything else that's bothering you?" he added.

I swallowed for my throat suddenly ran dry. "W-Wala naman na. Wala naman t-talaga!"

"You sure?"

"Oo..."

He chuckled. "Selosa."

Nanulis ang nguso ko, napapahiyang napatitig sa kanya. May mapaglarong ngisi sa labi niya at tila ba natutuwa pa sa nagiging klase ng reaksyon ko.

"Puwede na ba ulit ako mangligaw?"

Pinatigil ba kita? Kailan? Saan? Hindi ko matandaan.

Natawa siya. "No need to answer. I will still court you even if you don't want me to."

"I-Ikaw ang bahala..." nagiinit ang batok na sabi ko.

Medyo nakakahiya ka sa parteng iyon, Adrestia. Kanina lang ay ang lakas ng loob mong sabihn sa kanya na huwag na siyang mangligaw sa'yo. Ngayon ay heto ka, parang kuting na walang boses at sunod-sunuran.

He nodded his head and licked his lower lip, making it look redder.

"Ako na ang bahala."

Halos manigas ako sa kinauupuan nang marahan akong hilahin ni Dashiel palapit sa kanya at siya mismo ang magpulupot ng kamay ko sa bewang niya. My heart did a rigodon when he suddenly gave a gentle kiss on my forehead.

We stayed in that position for nearly a minute as no words can be heard from us. It's not so long ago when he decided to break the silence.

"Never bring yourself down again, Dreya. When I'm around, more so..." he sighed. "I will always be here... going to remind you of how special you are as a woman."

My heart blossomed at his words. Ramdam ko ang pagsibol ng kung ano sa puso ko para sa kanya. Maging ang mga paru-paro sa tiyan ko ay nagwawala at tila ba hindi alam kung saan dadapo.

He once again kissed me on my head that made me pout my lips. Nag angat ako ng mga mata, nagkatinginan kami at napansin ko kung gaano iyon kalamlam.

"Nangliligaw ka pa lang, Dashiel. Bakit hinahalikan mo na agad ako?"

Kumurap-kurap siya. He then let out an amused chuckle and kissed me on my hair again. Sa mga oras na ito, ramdam ko ang panggigigil.

"Sorry. Nadala lang," sagot niya habang may ngisi sa mga labi.

He pinched my cheek as he's biting his lower lip that made me pout my lips more. Pakiramdam ko tuloy ay isang bata ang tingin niya sa akin.

"I missed you..." he whispered while staring passionately into my eyes. "Let's go home."

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height