+ Add to Library
+ Add to Library

C14 Kabanata 13

He asked me to go with him for a decent snack which is slightly far from the school and I agreed. Sinabi niyang gusto niya akong makasama sa maayos na lugar at iyong makakakain kami ng maayos. Not that he doesn't like kwek-kwek and fish ball, ang sabi niya ay puwede naman kaming kumain doon kailan ko man gustuhin. This time, he wanted some peaceful place. Marahil ay ayaw niya nang palagi kaming pinagtitinginan, partikular sa kanya.

Hindi naman niya masisisi ang mga babae. Masiyado siyang agaw pansin dahil sa kagwapuhan niya. Kahit sino ay buong pusong magsasayang ng oras para lang matitigan siya.

"Are we still going to argue about this? Binili ko 'yan para sa'yo pagkatapos ay isasauli mo lang." sagot ni Dashiel na nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

"Bakit mo naman kasi ako ibinili? Kuntento naman ako sa cellphone ko."

"No offense meant but how can we video call using that phone? You couldn't even download a bigger size application." supladong aniya na ikinanguso ko.

"Ang sama mo. Pinaghirapan nila nanay na maibili 'to para sa akin tapos lalaitin mo lang."

He sighed and then shot me a quick glance. He suddenly took my hand and massaged it gently as if he's trying to calm me.

"Hindi ko nilalait, Dreya. Hindi ko rin sinasabing huwag mong gamitin ang ibinigay nila sa'yo. I just want you to use the phone I gave you for a better communication when I'm away."

"Puwede namang magtext at tumawag kahit iyong luma ko ang gamitin, ah."

He shook his head.

"I'm not contented. I want more than texts and calls, Dreya. Gusto kong nakikita ka kahit nasa malayo ako," he glanced at me again before focusing it on the road. "Take it again, please?"

Bumaba muli ang tingin ko sa cellphone na nasa kandungan ko. Nagbuntong hininga ako saka siya tiningnan. He's already focusing on the road.

"Sige na. Gagamitin ko na lang ulit."

A smile crept on his lips. Binigyan niya ako ng isang mabilis na tingin kasama ang matatamis na ngiti na 'yon na hindi ata ako magsasawang pagmasdan.

"Thanks." he said and I only smiled at him.

Silence lingered in the air and I took that chance to looked beside me and watch the views outside that seems to be moving as we passes by.

Ang dali kong bumigay kanina. Kaunting paliwanag lang niya ay ayos na agad kami. Ni hindi ko pinanindigan ang sinabi kong hindi ko na siya hahayaan pang mangligaw sa akin. Kung sa bagay ay may mali rin naman ako dahil hindi ko muna siya tinanong bago ako gumawa ng aksyon. I already concluded that he's playing with my innocence.

Huminga ako ng malalim. Hindi na ata basta gusto itong nararamdaman ko para sa kanya. Parang mas higit pa roon. Pero paano ko ba masasabing humigit na nga sa pagkakagusto ang nararamdaman ko? How will I be able to prove it by myself when this is the first time I got to feel this emotions?

"Siya nga pala, baka puwedeng huwag mo na ako ihatid sa mismong bahay namin." sabi ko hindi kalaunan at nilingon siya.

Kunot-noo niya akong binigyan ng mabilis na sulyap.

"Why?"

"Alam na kasi nila nanay ang tungkol sa sadya mo sa akin. At medyo hindi nila nagustuhan iyon." pag amin ko.

He didn't say anything for the next few seconds as if he's trying to understand what I have just said. Wala rin naman dahilan para itago ko sa kanya ang totoo.

"Ayaw nila sa akin?" tanong niya.

Hilaw akong natawa. "Hindi ganoon. Sinong pamilya ba ang aayaw sa'yo?"

"Ano ang hindi nila nagustuhan kung ganoon? Ang plano kong pangliligaw sa'yo?"

"Oo..."

He sighed. "Is this because of our social status again?"

"Hindi mo naman sila masisisi, Dashiel. Mababang uri lang kami ng tao kumpara sa inyo-"

"When are you going to stop comparing our life differences, huh? I'm actually tired hearing that from you." he chuckled without humor.

Ngumuso ako. "Palagi mo 'yan maririnig sa akin dahil iyon ang totoo—"

"Nagalala ka ba na kutyain ka ng mga tao dahil sa akin? Dahil maimpluwensya ako?"

I nodded.

Bumuntong hininga siya.

"Kung hindi ka pa handa sumama sa klase ng mundo na mayroon ako, ako mismo ang papantay sa mismong lebel mo masabi lang na nababagay ka sa akin, Dreya. You don't know what I am capable of doing when it comes to the things I like. Gagawin ko lahat, makuha ko lang..." Nilingon niya ako. "Ikaw pa ba na gustong-gusto ko?"

My blush seared through my cheeks and for a minute I thought my face was on fire. I suddenly felt awkward, demure, and coy; even going as far as attempting to hide my cheeks behind my slim fingers. I know that a pair of caramel shaded eyes were looking at me — eagerly waiting for a reaction, a response, like predatory beasts.

Kaya naman nang lingunin ko siyang muli ay may nakakalokong ngisi na sa kanyang labi. Nanulis ang nguso ko habang nilalabanan ang ngiti na gustong kumawala sa akin.

"Puwedeng kiligin," parinig pa niya habang nangingisi. "But I'm serious about you, Dreya. I can totally adjust for you. Whatever you are comfortable with, I'm fine with that."

Natawa ako. "Kung sasabihin ko ba sa'yong iwan mo ang pagiging mayaman mo o mamuhay na lang ng simple... makakaya mo?"

It's just a hypothetical question. Gusto ko lang malaman ang magiging opinyon niya. Hindi ako seryoso roon. Hindi talaga.

Huminto ang kotse niya sa tapat ng bahay namin. Nakita ko si nanay kausap si Aling Emma. They're both looking at us. Alam kong may ideya na si nanay kung sino ang sakay ng kotse na 'to, pero si Aling Emma, hindi ako sigurado.

My eyes darted at Dashiel who's also looking at them. He then glanced at me.

"If you're thinking that I'm afraid leaving the life I have for you, think again. I can always start from the bottom," he said, looking so serious into my eyes. "Kaya ko ng simpleng buhay, Dreya..."

Lumalim ang titig niya sa akin. Sa sobrang lalim no'n ay para bang may kakayahan akong lunurin nito.

"Kasama ang babaeng mahal ko." dagdag niya na ikinabilis ng tibok ng puso ko.

Mabilis akong nagiwas ng tingin. I even cleared my throat and tried to compose myself.

"B-Bababa na ako..." aligagang paalam ko at nahihiya siyang nilingon.

"Tayo, Dreya. Bababa tayong dalawa."

"B-Bakit?"

He raised a brow. "I have to talk to your parents remember? I still have to ask for their permission about you."

"Kailangan pa ba 'yon?"

He smirked. "Kasi pumayag ka naman na?"

My eyes blinked a few times.

"Ah, h-hindi naman sa ganoon..."

Kusa akong huminto sa pagsasalita nang matawa siya.

"Just kidding, baby. I want your parents to know that my intentions towards you are clean. Hindi puwedeng hindi ko sila kakausapin."

Sa huli, si Dashiel rin ang nasunod. Pagkababa pa lang namin ng sasakyan ay mataman ng nakatitig sa akin si Nanay. Si Aling Josie naman ay nakatitig rin ngunit nababakasan doon ang gulat.

"Magandang hapon, Sir Dashiel." halos sabay na bati ng dalawang matanda nang makapasok kami at huminto sa harapan nila.

"Magandang hapon rin po, Aling Emma at Aling Josie," bati pabalik ni Dashiel. Tipid na ngiti lang ang isinagot ni nanay. "Hinatid ko po si Dreya. Sana ay ayos lang sa inyo."

"Ah, a-ayos lang naman, Sir Dashiel." nag-aalangan na wika ni nanay, halata ang hirap sa tono nito.

Tumungo ako ngunit agad rin nag angat ng tingin kay Dashiel. He's staring straight at my mother, confidence was oozing from his eyes. Halatang wala lang sa kanya ang bagay na ito. Tila ba sanay na sanay at hindi man lang kinakabahan.

Kung sa bagay, bakit siya kakabahan? Baka pa nga si nanay ang nakakaramdam no'n.

"Kung may oras po kayo, gusto ko rin po sana kayong makausap tungkol kay Dreya."

Tumingin sa akin si nanay. Sa klase ng tingin niya na 'yon ay alam kong isang bagay lang ang tumatakbo sa isip namin parehas.

"Pasok po tayo sa loob kung ganoon." sagot ni nanay.

"Mauna na muna ako sa inyo. Mukhang may mahalaga kayong paguusapan," si Aling Josie na binigyan rin ako ng makahulugang tingin. "Sige, Sir Dashiel."

Isang tango lang ang isinagot ni Dashiel. Pagkaalis nito ay pumasok na kami sa loob. Nauuna si nanay, sunod kami ni Dashiel.

Bahagya siyang yumuko palapit sa akin habang naglalakad kami.

"I got this..." he muttered. "Relax."

Naabutan namin si tatay na nasa sala at nagkukumpuni ng sira naming silya. Nang makita kami ay agad siyang napatayo.

"Sir Dashiel, ikaw pala!" si tatay.

"Magandang hapon, po."

"Magandang hapon rin naman..."

"Narito si Sir Dashiel para kausapin tayo..." sabat ni nanay. "Tungkol sa anak natin."

Nagkatinginan sila. Nang humarap sa amin ay agad na tumango si tatay.

"Maupo tayong lahat kung ganoon."

Malakas ang kalabog ng puso ko nang magharap-harap kami. Si nanay at tatay ay magkatabi, sa harap nila kami ni Dashiel.

"Ano po ba ang paguusapan natin tungkol kay Adrestia, Sir Dashiel?" si nanay.

Dashiel shot me a glance before anchoring his eyes on my them.

"I'll go straight to the point, Aling Emma. Gusto ko po sana ligawan ang anak ninyo. Hindi po lingid sa kaalaman ko na may alinlangan kayo pagdating sa akin. Pero gusto ko lang rin siguruhin sa inyo na maayos ang intensyon ko sa kanya. You don't have to worry about your daughter because I'm willing to protect her at all costs."

Huminga ng malalim si nanay. "Nabanggit nga po sa amin ni Dreya ang tungkol sa bagay na 'yan. Sa totoo lang, Sir Dashiel, hindi ako nagaalala sa pakay mo sa anak namin dahil alam namin kung gaano ka kabuti. Natatakot lang ako para sa kanya. Dahil baka sa huli, siya rin ang masaktan dahil sa mga bagay na pagkakaiba ninyo."

"Hindi po kailanman magiging problema ang agwat natin sa buhay, Aling Emma, kung iyon po ang tinutukoy ninyo. Kung ano man ang pakay ko sa anak ninyo ay labas roon ang kung ano mang pagkakaiba natin. Ang mahalaga po sa akin ay si Dreya, at ang nararamdaman ko para sa kanya."

Nilingon ako ni Dashiel. His eyes were glittering with some magical emotions. Tipid akong ngumiti sa kanya, ramdam ang kung anong kuryente na dumadaloy sa mga ugat ko.

"Gusto ko po ang anak ninyo," muling sabi niya habang mataman na nakatitig sa akin. "Gustong-gusto po."

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height