C24 Kabanata 23
"Mag-iingat ka roon, anak. Tatawag ka sa amin palagi, ha? Balitaan mo agad ako kung ano magiging resulta ng unang araw mo roon."
Sa kabila ng lungkot na nararamdaman ko, hindi ko hinayaan pa ang umiyak sa harap ni nanay dahil alam kong madadagdagan lang ang bigat sa kalooban niya. Maging si tatay, hindi man sabihin ay alam kong hindi rin gaanong sang-ayon sa pagluwas ko patungong Maynila