After All/C10 Kabanata 9
+ Add to Library
After All/C10 Kabanata 9
+ Add to Library

C10 Kabanata 9

Kabanata 9

Pinanood ko ang matulin na pag-andar ng sasakyan ni Daniel mula sa bintana ng aking kwarto hanggang sa tuluyan na siyang mawala. Hindi ako dapat pumayag magpahatid sa kanya sa mismong bahay namin dahil posibleng mapagalitan ako pero mapilit siya masiyado. He wanted to make sure that I'll be home safely. Mabuti na lang at wala pa ang parents ko, kapag nagkataon ay siguradong magagalit sila. I am not allowed to entertain boys at this age.

Ibinalik ko sa pagkakaayos ang kurtina at malalim na bumuntong hininga. Tumalikod ako sa gawi ng bintana at nagtungo sa kama. Pabagsak kong iniupo ang sarili ko sa malambot na kutson at wala sa sariling tinitigan ang puting dingding.

"I like you, Francheska. And even that word won't give justice on how I feel towards you."

I shut my eyes tightly when those words rang in my head again for heaven knows how many times. Simula nang sabihin niya sa akin iyon kanina sa parking lot ay hindi na ako mapalagay. I can't look straight into his eyes, can't even answer the questions he's throwing at me. I was silent the whole ride home and I think he already got it why.

"Akala naman niya maniniwala ako sa kanya..." I muttered inwardly, lips pouting.

Siguradong pinagti-tripan niya lang ako. May girlfriend siya at kaklase ko pa, pagkatapos ay sasabihin niyang gusto niya ako. Surely, he wants to prove something. Kung ano man 'yon, hindi ko pa alam. Malalaman ko rin 'yon.

Ginawa niya lahat para lang mag back out ako sa pagiging muse nila hindi dahil ayaw niyang maging setro ako ng atraksyon. He wanted me to back out simply because he doesn't like me at all. Wala pa akong karanasan sa mga relasyon o gusto-gusto na 'yan pero hindi ibig sabihin ay hindi ko mahahalata ang motibo niya para gawin iyon sa akin.

He doesn't like me. He only wanted to embarrass me. That's all.

Inihilamos ko ang palad sa aking mukha at sumandal sa headboard ng kama. My eyes darted into the black leather jacket that's properly placed on the edge of the bed. Nakalimutan ko ibalik sa kanya. Masiyado akong naging lutang dahil sa mga sinabi niya. Kahit nung nakapagbihis na ako ay hindi ko man lang naisip ibalik.

Sa isang araw na lang siguro, kapag nag-resume na ang klase.

I locked my eyes and let my mind wander. Ngunit hindi pa man tumatagal ay narinig ko na ang mahinang tunog ng cellphone ko. Sa kawalan ng gana kumilos, kinuha ko ang bag na nasa tabi ng jacket gamit ang daliri ko sa paa. I bend my knees and pulled it close to me.

Tamad kong binuksan ang bag at dinampot ang cellphone. My heart clenched when I saw Amanda's name flashing on the bright screen. Bakit ito tumatawag? Hindi kaya hinahanap na ako sa school?

Mabilis ang tahip ng puso, sinagot ko ang tawag niya at itinapat ang cellphone sa tainga ko.

"Amanda?" bungad ko.

"Cheska! Where the hell are you?!" she screamed hysterically that made me pull the phone away from my ear.

"Ba...hay. Bakit, Amanda?"

"Anong nasa bahay? You're supposed to be here! Kakasimula pa lang ng event pero wala ka na kaagad. At saka bakit kinuha ni Daniel ang gamit mo sa akin? What is really happening, Mera Francheska?! Hindi ako naniniwalang sumama ang pakiramdam mo!"

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko sa sunod-sunod na tanong na iyon ni Amanda. Alam kong naguguluhan siya dahil wala namang nagaakala na mangyayari ito. I didn't even expect this to happen. Maging ako ay nahihiwagaan pa rin.

"I'm sorry, Amanda. I'll explain it to you kapag nagkita ulit tayo. Mahirap dito sa cellphone," kinagat ko ang labi ko. "Hinahanap na ba ako nila Coach?"

"Nung una, hinanap ka. Pati si Daniel ay nawala. The team was about to start and Coach was already panicking. Sinong hindi? Ang star player pa mismo ang nawawala. But then, Daniel came back and said that he got an emergency. Ikaw naman ay sumama daw ang pakiramdam. Pumayag na si coach at tinanggap na mawawalan siya ng magaling na player. After thirty minutes, bumalik si Daniel. Sakto lang para sa second half ng laro. Pero ikaw, hindi ka na bumalik!" sigaw niya, hindi naman galit. "Am I missing something here, Cheska?"

Mabuti nga at bumalik pa 'yon. Kung tutuusin ay ayaw niya na bumalik ng Arena at mas gusto pa akong samahan. Pinilit ko lang dahil wala namang dahilan para manatili siya sa kasama ako.

"Basta, Amanda. Sasabihin ko sa inyo sa isang araw. Mahirap talaga i-kwento dito. Hindi na rin ako aattend pa bukas ng event." sabi ko.

"Eh, paano 'yong competition ng muse? What if manalo ka?"

"Hindi ako mananalo niyan, sigurado ako. Lalo pa at wala ang presensya ko diyan," paliwanag ko. "Si... Daniel?"

"Daniel, huh? Naku, Cheska. Sinasabi ko sa'yo. Huwag ako!" she laughed. "Naroon sa court, naglalaro at bumabawi. Laki na ng puntos. Si Emerald halos lumawit na ang dila sa kakasigaw. Cheer to the highest level!"

See? That's what I'm talking about. May girlfriend siya, pagkatapos ay nilalandi niya pa ako. Akala ba niya ay papatulan ko siya? Sa tingin niya ba ay magagawa niya akong isali sa mga babaeng kinakalantari niya?

Umikot ang mga mata ko sa kisame at sinipa ang jacket niya dahilan para mahulog ito sa sahig. Tumama marahil ang zipper nito nang may marinig akong kalansing. Dapat ay naisoli ko na ito sa kanya kanina pa para wala ng dahilan para maglapit ulit kami.

"Tatawagan kita ulit. Babalitaan kita kung anong ganap dito." huling sabi ni Amanda bago niya ibinaba ang tawag.

Sa pagbabasa ko ginugol ang oras ko buong maghapon. I have nothing to do here since Rian is still in the school. Alas kwatro pa lang at alasingko pa ang dating no'n. Kung maglalakwatsa ay baka abutin pa ng ala-sais dahil alam niyang wala ang nga magulang namin dito.

Dahil sa walang tigil na pagbabasa, hindi ko na namalayan pang nakatulog na pala ako. Kung hindi pa lumundo ang kama ko ay hindi pa ako maaalimpugatan. Nagmulat ako ng mga mata, ang masayang mukha ng kapatid ang agad na nabungaran.

"Ate! Hapon na at natutulog ka pa. Hindi ka ba pumasok?" tanong ni Adrianna na nakadapa pa habang titig na titig sa akin. Nakapangalumbaba siya sa akin at akala mo pinapanood ang paborito niyang pelikula.

"Sportsfest lang namin. Kakauwi mo lang?" tanong ko nang mapansin na naka-uniporme pa siya.

She giggled. "Oo, ate. Gumala kami ng mga kaibigan ko sa mall. Samantalahin na habang wala pa sila Mommy."

Tipid akong ngumiti sa kanya. Sa aming dalawang magkapatid, si Adrianna ang mas adventurous at malikot. She loves to discover things on her own. Hindi kagaya ko na nakukuntento na sa isang tabi at nagmamasid sa mga bagay-bagay.

Rian pushed herself off the bed and stepped out of it. Naglakad siya patungo sa vanity mirror ko ngunit agad napatungo. I saw her thick and bushy brows crumple a bit. Yumuko siya, pag angat ay may hawak ng itim na jacket. Nanglaki ang mga mata ko nang tumingin siya sa akin.

"Whose jacket is this, ate?" she asked curiously. "Bakit panglalaki?"

Natawa ako, pinilit na huwag ipahalata ang biglang kaba na sumalakay sa puso ko.

"It's Amanda's. Naiwan niya sa akin, nakalimutan kuhanin." palusot ko.

She glanced at the jacket like she's asking it if I'm telling the truth or not. "I didn't know that Ate Amanda wears boyish clothes like this. Ang fashionista kaya niya!"

Natawa ako. "Hmm, too fashionista to the point that she's also sporting men's clothes."

Mabuti na lang at hindi na nangulit pa ang kapatid ko. Pagkatapos maglagi sa kwarto ng ilang sandali ay tinawag na kami ni Manang Aurelia para maghapunan.

"Manang, kailan uuwi sila Mommy?" tanong ni Rian sa gitna ng pagkain.

Nagsasalin si Manang ng tubig sa pitsel nang mag-angat siya ng mga mata kay Rian. "Ang alam ko ay sa isang linggo pa. Hindi ba tumatawag sa inyo?"

Rian shrugged her shoulders while staring at her plate. "Hindi, Manang. Alam niyo naman po ang mga 'yon. Kung umasta ay parang walang mga anak."

"Rian..." I warned.

Natawa siya, labag sa kalooban. "I'm just telling the truth, ate. Pero ayos na rin na sa isang linggo na sila umuwi. Para naman makagala pa ako ng bongga."

Nagkatinginan kami ni Manang sa tinuran ng kapatid. Tipid lang akong ngumiti, tahimik na sinasabing hayaan na lang ito. Minsan, naiisip ko, hindi na ako magugulat pa na magrerebelde siya dahil sa higpit ng mga magulang namin sa amin. Ganoon pa man, gagawin ko ang lahat para hindi mangyari iyon. Ipaparamdam ko sa kanya na hindi niya kakailanganin ang atensyon ng mga magulang namin dahil narito ako.

I will be all that she needs. That's a promise.

Wearing a pair of Mickey Mouse pajama and t-shirt, I climbed into the bed when my phone suddenly beeped. Sa pagaakalang si Amanda lang ito ay iniayos ko muna ang sarili ko sa kama bago ito inabot mula sa night table.

Unknown number:

Can I see you?

My brows knitted in a frown at the strange message. Sino naman ito? Wrong number?

Me:

Who's this? Wrong number ka.

I was about to bring my phone back to the night table when it beeped again.

Unknown number:

Francheska...

Me:

Kilala mo ako. Sino ka ba?

Unknown number:

Daniel.

Halos mamilog ang mga mata ko matapos mabasa ang pangalan na iyon. Coldness started to invade my skin as I stared at the screen with a pounding heart.

Paano niya nalaman ang number ko? At saka... ano 'yong tanong niya na kung puwede niya akong makita? Pinagtitripan na naman ba niya ako?

My phone beeped again. The butterflies in my stomach went berserk when I got to read a message from him again.

Unknown number:

I'm outside your house.

Dali-dali akong lumundag ng kama at inilang hakbang lang ang bintana. Maliit ang galaw kong inililis ang kurtina at tinanaw ang labas ng bahay.

Pakiramdam ko ay nawalan ako ng hangin sa dibdib dahil sa panandaliang paninikip nito. He's leaning against his black Aston Martin, feet crossed together while fiddling his phone.

Why is here?!

Mabilis kong binitawan ang kurtina na siyang tumatakip sa salamin ng bintana nang mag angat siya ng tingin sa gawi ko. Idinikit ko ang likod sa dingding at pumikit ng mariin. Breathing sharply, I unlocked my eyes and typed a message for him.

Me:

Get out of here! Baka may makakita sa'yo at kung anong isipin. Mapapagalitan ako!

Unknown number:

I'll move away, two house from here. Just wanna see you.

Me:

Huwag na! Bababa na ako. Pero sandali lang ako dahil pagagalitan ako. Wait for me there!

God, Cheska! Ganoon kabilis ka pumayag? There's no reason for you to come down and see him! Mapapahamak ka riyan sa ginagawa mo.

Huminga ako ng malalim. Wala naman sila Mommy at Daddy. Isa pa ay sandali lang talaga ako. Wala naman kaming paguusapan. I don't know what his agenda is for coming over here but I know that it's not important.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at lumabas na ng bahay. Wala ng tao sa sala, patay na rin ang mga ilaw dahil alas nuebe na ng gabi. People here usually sleeps early. Mga maaga rin kasing nagigising.

Pagkarating sa gate ay binuksan ko ito. Dahan-dahan lang para hindi kumalansing ang bakal. Nang mailabas ko ang sarili ay bumungad agad sa akin ang mataas na bulto ni Daniel. He's already looking at me. Even if it's dark, I can see how his eyes shined the moment our gaze locked with each other.

Naglakad ako palapit sa kanya, busangot ang mukha. From my face, his eyes moved down my body and an amusing smile crept on his lips.

"What do you want?" I asked right away.

Nag angat siya ng tingin sa akin, bahagyang nakanguso at nagpipigil ng ngiti. "Getting ready for sleep?"

"Hindi pa. Bakit ka ba narito?"

"I came here to see you..."

Kumunot ang noo ko. "Seriously?"

He nodded and licked his lips, making it ridiculously sexy under the bright mystical moon.

"Seriously..."

I rolled my eyes. "I'm not up for your games, Daniel. Umalis ka na dahil baka may makakita sa'yo at isumbong ako sa mga magulang ko."

Tumango siya, para bang naiintindihan na kaagad ang ibig kong sabihin. "Hindi ako magtatagal. I just want to give you something."

Mula sa pagkakahilig sa sasakyan ay umayos siya ng tayo at naglakad patungo sa gilid ng kotse niya. He opened the car door and grabbed something from there. Humarap siya pabalik sa akin dala ang isang supot ng kilalang coffee shop. Ibinigay niya ito sa akin, tumaas ang kilay ko.

"I was told that you love blueberry cheesecake. So..."

Sandali kong tiningnan ang paperbag na dala niya bago muling iniangat ang mata sa mukha niya.

"Why are you doing this?"

He raised his brow a bit and it made him look hotter. Napaigtad ako nang abutin niya ang kamay ko at iipit doon ang paperbag. Mababaw siyang bumuntong hininga at nagbaba ng tingin. He parted his hair on one-sided and then lifted his eyes back to me.

"Didn't I make myself clear earlier?"

Natawa ako, kabaliktaran ng nararamdaman. "Not gonna happen. Alam ko kung ano ang habol ng mga lakaking kagaya-"

"What do you know about me, hmm?" He stepped closer, making me hold my breath for a moment. He's now towering over me. Titig na titig siya sa mga mata ko, walang bahid ng pagbibiro mula roon. "Wala kang alam sa akin, Cheska."

Kumuyom ang mga kamao, pilit itinatago ang kaba sa aking dibdib. "I don't need to know you personally for me to say that you're one of those men who treats women as their toys!"

He smirked dangerously. "Yeah?"

"Of course! You can't fool me. Hindi mo ako madadaan sa matatamis na salita mo! I can't be one of your hook up-"

"Not planning to make you as one, anyway."

Lumunok ako, ang pisngi at batok ay nagiinit na dahil sa kakaibang nararamdaman. Hindi ako puwede magpadala sa sinasabi ng lalaking ito. I should remember that he's in a relationship with Emerald. Seryoso man ang relasyon nila o hindi, ganoon pa rin iyon. He can't deceive me by his sugar-coated words!

He inched closer to me, closing the spaces between us without removing his eyes from mine. My throat ran dry when he crouched a bit and moved his lips near my ear. His scorching breath caressing my skin causing me to shiver. It's embracing my senses like the moon's magical light.

"Judge me all you want, it's fine. It still won't stop me from proving you how much I like you," he whispered. "Try me first, baby. You won't regret it, I swear."

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height