After All/C11 Kabanata 10
+ Add to Library
After All/C11 Kabanata 10
+ Add to Library

C11 Kabanata 10

Kabanata 10

"Stop it, Daniel. Hindi ako natutuwa sa mga pinagsasasabi mo." angil ko, nagtatagis ang bagang habang mariing nakatitig sa kanya. "You can't like me!"

He didn't smile, couldn't even see the usual smirk he's been sporting ever since I met him. Instead, the intensity in his jet-black eyes became even more dangerous as he stared at me.

"Not liking you isn't possible, Cheska." he uttered through a breathless whisper. "Trust me, I tried."

Inis kong kinamot ang aking buhok bago sinipa ang upuan ng driver's seat mula sa likod matapos bumalik sa ala-ala ko ang sinabing iyon ni Daniel dalawang araw na ang lumipas. The class resumes today but unlike before, I can't feel the excitement to attend any of my subjects for a very obvious reason. Ayokong pumasok dahil alam kong magkikita na naman kami. Gusto ko siyang iwasan dahil aminin ko man o hindi ay malaki ang naging epekto ng mga sinabi niya sa akin noong gabing iyon.

How can he like me? May girlfriend siya. Kaklase ko pa! Ganoon ba siya kababaero na ultimo magkaklase ay gusto niyang pormahan? Or maybe... he will ditch Emerald and then will immediately jump into me. Nagsawa na siya kaagad doon? Halos wala pa ngang dalawang linggo simula ng maging sila pagkatapos kay Santita!

And does he really think that he could have a chance with me? Sa tingin niya magagawa niya akong utuin sa... sa pagiging malambing at matamis ng mga salita niya? Hindi, ano!

Kung hindi, Cheska, bakit nanggagalaiti ka? If you're not really affected by his charm, then let him do what he wants! Magsasawa rin 'yon dahil alam niya na wala siyang mapapala sa'yo.

"I am not affected! For sure, he's just deceiving me!!!" I yelled, chest rising and falling aggressively.

"Ayos ka lang, Ma'am Cheska?"

Nanglaki ang mga mata ko nang makita si Mang Dencio na sumusulyap-sulyap sa rearview mirror. Kunot ang noo nito at halata ang pagtataka sa biglaan kong pagsigaw dito sa loob ng kotse.

Peke akong ngumiti. "Ayos lang, Manong. May kinaiinisan lang sa school."

"Ganoon ba? Aba'y ngayon lang kita nakitang ganiyan ka-iritable. Nagawa mo pang sipain ang upuan ko." Natawa siya habang patuloy sa pagmamaneho patungo sa escuelahan.

"Pasensya ka na, Manong. Hindi ko lang nakontrol."

Iritado pa rin ako nang makarating ako sa school. Pagpasok pa lang sa bulwagan ay halos magdugtong na ang mga kilay ko dahil sa atensyong natatanggap. Everyone is looking at me as I amble over the ground. Gusto kong isipin na pinagtitinginan nila ako dahil ako ang nanalong muse nung sportsfest gaya ng sabi ni Camille at Amanda. Pero... hindi ba paghanga ang dapat na nakikita ko sa mga mata nila? But why am I seeing disgust through their eyes?

Isang grupo ng kababaihan ang lalampasan ko. They're also looking at me and if I'm not mistaken, it's a look of hatred.

"Kunyari pa mahinhin, iyon naman pala ay patalikod rin kung gumalaw!"

"Oo nga. Gusto ko pa naman siya sa lahat ng aspeto. She's the perfect definition of brain and beauty. Nasa loob naman pala ang kulo."

"Ssh! Quiet. Baka marinig kayo niyan at magsumbong."

Yakap ang mga libro, napahinto ako at napatingin sa gawi nila. They all looked away, isa lang ang nakipagsukatan ng titig at tinaasan ako ng kilay.

"Are you talking about me?" I asked nicely.

The girl in her fishtailed hair smirked. "Bakit? Narinig mo ba ang pangalan mo sa pinaguusapan namin?"

Oo nga naman, Cheska. Hindi naman binanggit ang pangalan mo. Baka iba ang pinaguusapan nila at tiyempong napadaan ka lang.

"Sorry. Sa akin kasi kayo nakatingin habang naguusap kayo." sabi ko.

"So?" mataray na sabi nung babae. "We're talking about a brain and beauty student. Ikaw ba 'yon? Matalino ka lang pero hindi ka naman maganda. Don't be too assuming."

Napasinghap ako sa naging sagot niya. Bakit pakiramdam ko ay may galit siya sa akin? I haven't met her or anyone in her group. Base sa uniform nila ay mga nursing students sila. Malayo ang building nila sa amin kaya hindi ako pamilyar sa mga babaeng ito.

My face remained cold and stern. "You talked as if we're already having a bad blood where in fact, this is the first time I have seen your face. Hindi ka sikat, ano?"

Mabilis siyang napatayo mula sa pagkakaupo niya sa bench. She's about to walk near me with rage forming in her eyes when a familiar man suddenly encircled his veiny arm around her neck.

"Too early to be grumpy, Bea. What's wrong, hmm?" he said, planted a quick kiss on the woman's cheek and then glanced at me.

Naningkit ang mga mata ko. Kung hindi ako nagkakamali, siya iyong lalaking nakabungguan ko sa labas at kasama ni Daniel. Calix ata ang pangalan niya.

"I'm not grumpy. May mga tao lang talagang assuming!" sabi nung Bea kung tawagin ni Calix.

Tumaas ang sulok ng labi ni Calix habang nakatingin sa akin. "Good morning, Cheska. Sorry about her. Mainit lang talaga ang ulo nito."

"Why are you apologizing, Calix?" tanong nung Bea.

Bago ko pa man marinig ang maging sagot nito ay nagpagtuloy na ako sa paglalakad. Baka ma-late pa ako dahil sa kanila. Tinatamad akong pumasok pero hindi ibig sabihin no'n ay sasayangin ko na ang oras ko sa kanila.

Pagdating sa bukana ng pinto ay iilang kaklase pa lang ang nabungaran ko. May iisang grupo sa dulo, nagkukumpulan at parang may mahalagang pinaguusapan.

"Cheska!"

Bago pa man tuluyang makapasok ay narinig ko na ang pagtawag na iyon. Lumingon ako at nakita si Amanda na kumakaripas ng takbo papunta sa akin, sa likod niya ay naroon si Camille.

Ngumiti ako. "Hi!"

They didn't smile at me. Instead, they looked at me with a weary expression that made me crinkle my forehead.

Hindi na sila humalik sa akin pagkarating sa harapan ko, malayo sa nakasanayan. Luminga-linga si Amanda sa loob ng classroom. Sinundan ko ng tingin iyon at halos lahat ay nakatingin rin sa gawin namin.

"Cheska, have you heard the rumors?" si Camile dahilan para mapatingin ako sa kanya.

Kumunot ang noo ko. "What rumors?"

"May kumakalat sa website ng school natin. It's about you and Daniel!" Amanda butt in.

My heart hammered. "What about us?"

Yumuko si Camille at dinutdot ang cellphone niya. It's a matter of seconds when she raised her head up and handed me her phone.

Confused, I took her phone without pulling my gaze from her. Saka lang ako nagtuon ng pansin sa cellphone niya makalipas ang ilang sandali.

My eyes widened when I saw a picture of Daniel and I. We were in the Manila Arena's parking lot. Nasa tabi ng kotse at seryoso ang mga mukha na nakatingin sa isa't-isa.

Behind a perfect face... is a bitchy attitude. Mera Francheska Monteverde... the said reason why Daniel Monasterio broke up with Emerald Raymundo.

"No... this isn't true." I muttered, words couldn't even understand properly. Nag angat ako ng tingin sa mga kaibigan. "Hindi ito totoo! Wala kaming relasyon ni Daniel at wala akong kinalaman sa break up nila. I don't even know that they have already broken up!"

Inihilamos ni Amanda ang palad sa kanyang mukha. She looks frustrated and worried at the same time. She then looked at me.

"Kalat na kalat na iyan sa buong school. Kaninang umaga lang ipi-nublished sa site. We've been hearing yesterday that Daniel has already ended his thing with Emerald. Hindi kita matawagan dahil out of coverage ka!" sabi ni Amanda.

"I was... sleeping the whole day! P-Pero wala akong kinalaman diyan! That scene, I can explain that!"

Tumingin ako sa loob ng classroom. Halos lumundag ang puso ko nang makita si Emerald na masama ang pagkakatitig sa akin. Siya iyong malamang na pinagkukumpulan kanina. Her eyes and nose were swollen. Maging ang mga ibang kaklase namin ay nakatingin rin sa akin. They're throwing judgemental stares at me. Maging ang ilang lalaki ay nakatitig rin sa akin habang umiiling.

So that's explain the strange attention I have received from that group of girls earlier, huh? Tama ang pakiramdam ko na ako ang pinaguusapan nila. They have already seen the false rumors and by the look they have given, they're believing it!

Hindi na ako nagisip pa. Naglakad ako papasok sa class room, sa gawi ni Emerald. Narinig ko ang sunod-sunod ng tawag sa akin nila Amanda pero hindi ko iyon pinansin. Hindi ako nilubayan ng mga mata ni Emerald habang papasok ako. It's as if she already knew that I'm gonna talk to her when she stood up and crossed her arms above her chest.

"Emerald, about the rumors, it isn't true. Wala kaming kuneksyon ni Daniel. Hindi totoong may namamagitan sa amin-"

"Why do you sound so defensive, Cheska? Wala pa akong sinasabi, nakakailan ka na kaagad." pagputol niya sa sinasabi ko, nakataas ang kilay.

"Diretso akong tao, Emerald. Hindi na kailangan pa ng paligoy-ligoy. Why else would you be crying like that? Si Daniel lang naman ang dahilan, hindi ba? Kasi may kumakalat na balita na may namamagitan sa amin at ako ang dahilan ng paghihiwalay niyo-"

"Bakit? Hindi ba?" Again, she cut me off.

"That picture... there was a reason behind that..."

What reason, Cheska? That Daniel pulled you along with him because he didn't want you to be the center of attraction? Iisipin lang nila na maaaring totoo 'yong tsismis! Kung ano man ang dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay kay Emerald, sigurado akong hindi iyon dahil sa akin.

"Yes! And that reason is to flirt with him! You're using your pretty face to seduce him when all along, everybody knew that he is my boyfriend-"

"Was, Emerald. Huwag kang umasta na akala mo sineryoso ka ni Daniel dahil alam mong isa ka lang sa pinaglaruan niya. Just like Crisanta. You two were just some kind of hook-ups." mataray na sabi ni Amanda na ikinalingon ko sa kanya.

"Amanda, let me handle this..." I said and then glanced back to Emerald. Her eyes were glassy again like she's about to shed some tears. Masama ang pagkakatitig niya.

"This is all your fault! Dapat lang na kumalat sa buong school kung gaano ka kalandi! Kunyarin ka lang mabait at mahinhin pero ang totoo, pokpok ka-"

Bago pa siya natapos ay tumama na ang palad ko sa kanyang pisngi. I heard soft mutterings around me but I dared not to give attention to them. Tears are already threatening to burst out of my eyes but I swallowed it. Hindi ako iiyak dahil sa walang kwentang bagay.

"Cheska, tama na..." rinig kong awat sa akin ni Camille sabay haplos sa braso ko.

My hands are shaking while glaring angrily at Emerald. Hawak niya ang kanyang pisngi habang masama rin nakatitig sa akin.

"Huwag na huwag mo na uling susubukan ang insultuhin ako, Emerald. Lalo pa kung wala ka namang legal na pruweba para manggalaiti ng ganyan."

Tumalikod na ako at akmang lalabas na ng room nang marinig ko ang naging sagot niya sa akin dahilan para mapahinto ako.

"Masama akong kaaway, Cheska. I'm warning you."

Huminga ako ng malalim at nagpatuloy na sa paglabas ng room. Kung kanina ay gusto kong makunsensya sa ginawa kong pananampal sa kanya, ngayon ay hindi na. With that warning, she just made me realize that she deserves it. Siya pa lang ang unang tao na nasampal ko, siya lang rin naman ang kauna-unahang nanginsulto sa akin.

"Cheska!" tawag ni Amanda nang nasa corridor na ako. Nilingon ko siya. "Saan ka pupunta?"

Huminga ako ng malalim. "Uuwi muna ako. I don't think I can focus on our class today, lalo na kapag ganito ang bumungad sa akin..." walang gana na sabi ko at tipid lang siyang nginitian. "Ikaw na ang bahala mag dahilan, Amanda."

I didn't wait for her to answer and made my way out of the corridor. Mabilis ang ritmo ng puso ko. Gusto kong magalit lalo na sa mga kapwa ko estudyante na titig na titig sa akin at nagbubulungan. Kung kanina ay para akong tanga na nagtataka pa kung bakit sila ganoon, ngayon ay parang gusto kong lumubog sa kahihiyan. Ni minsan ay hindi ko inasahan na masasangkot ako sa ganitong issue. It is a very shameful on my part.

Paano kung makarating ito sa mga magulang ko? Sure, the site was exclusive for the student of this school. Pero paano kung may estudyante rito na kakilala ang pamilya namin? Or we have a mutual friend? Kapag nakarating ito kela Mommy, siguradong papalipatin na naman ako ng escuelahan no'n!

"Cheska..."

Kusa akong tumigil sa paglalakad nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Pakiramdam ko, hindi ko pa man siya nakikita ay alam ko na kaagad kung sino siya. Para bang simpleng tono ng boses niya ay saulado na ng pandinig ko.

Huminga ako ng malalim, nag angat ng tingin mula sa pagkakatitig ko sa simento. His intimidating eyes met mine and I was instantly sent to another dimension. Seryoso siyang nakatitig sa akin, pinagaaralan ang ekpresyon ng mukha ko. If there's one emotion that he could read on my face, it'd be anger.

"Not now, Daniel." I said and walk past him. Hindi pa man ako nakakalayo ay naramdaman ko na ang kamay niya sa aking palapulsuhan. I sprang back to him and shot him a venomous glare. "I said not now-"

"What's wrong?" he asked seriously.

Hindi ko lubos maintindihan kung bakit parang malalang sugat ang mga luha ko nang itanong niya 'yon, na kaunting sagi ay magdurugo agad. I tried so hard to swallow the lump in my throat and shook my head.

"I'm fine..."

Marahas kong binawi ang kamay ko sa kanya at nagdiretso na sa paglalakad. There are few students who are looking at us but I forced myself to ignore them. Siguradong lalala lang ang haka-haka na may namamagitan sa amin dahil sa interaksyon namin na 'yon.

Mas bumilis ang bawat hakbang ko, nagmamadaling makaalis na lugar na iyon. Pagkarating sa gate ay lubos ang pasasalamat ko nang makakita ng taxi. Pinara ko ito at lumabas. Mabuti na lang at hindi pa oras ng klase kaya malaya pa laming pinapalabas ng gwardya.

I climbed inside the taxi and settled myself at the backseat. The old man looked at me through the rear view mirror.

"Saan tayo, Ma'am?"

"Jasmile Villa-"

Literal na nanglaki ang mga mata ko nang tumambad si Daniel sa gilid ko at hilahin ang kamay ko pababa ng backseat.

"Daniel, ano ba!"

Maingat ngunit may pwersa niya akong hinila bago marahas na isinalya ang pinto. He tapped the car twice like he's telling the driver to go away, like I'm not going to ride in it anymore.

"Bitawan mo nga ako!" bulyaw ko ngunit patuloy lang siya sa panghihila sa akin. Napatingin sa amin ang guard, bakas ang pagtataka sa mukha. Isang taas lang ni Daniel ng kamay ay agad na itong tumango na para bang amo niya ito.

"Hindi ako natutuwa, Daniel!" asik ko habang pilit hinihila ang kamay ngunit masiyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin para makawala ako ng ganoon kadali.

Feeling like it's a Deja Vu, he pressed his key fob and unlocked the familiar black Aston Martin. Binuksan niya ang pinto ng passenger's seat at pilit akong isinalya doon.

Heto na naman kami sa eksena na ito!

"Aray ko naman!" angil ko nang mauntog ako sa bubong ng kotse dahil sa pagiging marahas niya. His jaw clenched and muttered a soft curse. Hinaplos niya ang parte ng ulong tinamaan sa akin at inalalayan akong makasakay ng mabuti sa loob.

He slammed the door close and jogged towards the driver's side. Pagkasakay ay agad ko siyang pinukulan ng masamang tingin pero ang atensyon niya ay nasa harapan lang.

"Why do you love to drag me inside your car? Bababa na ako!" iritadong sigaw ko at sinubukan buksan ang pinto pero sarado ito. I glanced at him with piercing eyes. "Open the door!"

From the view ahead of us, he set his dark and menacing eyes to me and stared at me with so much seriousness.

"Not until you tell me what the fuck is wrong..."

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height