After All/C13 Kabanata 12
+ Add to Library
After All/C13 Kabanata 12
+ Add to Library

C13 Kabanata 12

Kabanata 12

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang pinapanood si Mang Dencio na abala sa pagkalikot ng makina ng sasakyan. Iniangat ko ang aking kamay at sinipat ang relos. May kalahating oras na lang ako bago ang klase.

"Manong Dencio, matagal pa po ba iyan? Kung hindi po ay magta-taxi na lang po ako. Baka mahuli ako sa klase."

Alas syete pa lang ng umaga pero tirik na tirik na ang araw. I can already feel the sweat slowly forming in my forehead and under my nose. Dinala ko ang hawak na panyo sa mukha at dinampian ito. Muli akong nagbuga ng hangin.

Umaga pa lang haggard na kaagad.

Umahon mula sa pagkakayuko si Manong Dencio at binalingan ako. Pawisan na rin ito dahil halos kalahating oras na rin simula nang masiraan kami dito sa gitna ng kalsada.

"Mukhang kailangan na ito dalhin sa repair shop, Ma'am Cheska. Mag-commute ka na nga lang muna siguro. Mamayang hapon ay siguradong maaayos na rin ang sasakyan. Pasensya ka na."

Tumango ako. "Ayos lang, Manong. Hindi niyo naman po kasalanan. Paano po? Mauuna na ako. Mag-ingat po kayo pabalik sa bahay."

"Ikaw rin, Ma'am."

Isinukbit ko na ang bag ko sa balikat at bahagyang naglakad palayo sa direksyon ng sasakyan namin para mag abang ng taxi. Nakakita ako ng isang puting Toyota Vios at agad iyong pinara pero nilampasan lang ako. Ngumuso ako habang hinahabol ito ng tingin.

May sakay na siguro.

Ibinalik ko ang paningin sa harapan. Ganoon na lang ang pagsasalubong ng kilay ko nang makilala ang isang itim na Aston Martin na huminto sa harapan ko. Isa lang naman ang kilala kong nagmamay-ari ng ganoong sasakyan at sigurado rin akong siya ang nasa loob.

The window of the driver's side rolled down. It's just a matter of seconds when Daniel peered through the window. Mukhang papasok pa lang rin siya sa school.

"Good morning. What are you doing there?" he asked nicely.

Nagkitbit balikat ako. "Standing?"

Sa kabila ng malalakas na busina mula sa mga sasakyan ay nagawa ko pa rin marinig ang malalim na halakhak niya. As he chuckle, the perfection of his teeth shows up. Nagiwas ako ng tingin dahil ramdam kong hindi magtatagal ay pupurihin ko na naman siya sa isip ko.

Naiilang man, pinilit ko palayuin ang distansya ng paningin ko at umastang nag aabang ng masasakyan. Ang totoo, hindi na naman ako mapalagay dahil nasa paligid ko siya. Nababalisa na naman ako, bagay na hindi ko magawang tanggapin. Only him can make me feel these strange emotions. I can't even tell that they're still strange. Para kasing hindi na. Parang kilala ko na sila. Parang alam ko na kung ano ang tawag sa mga pakiramdam na ito, ayoko lang aminin dahil hindi puwede.

Mula sa gilid ng mga mata ko, nakita ko ang pagbaba ni Daniel sa kotse niya. A few seconds of exposing himself to the crowd and he's already gaining attention. Ang ilang babaeng napapadaan sa kabilang gilid ng kalsada ay nasa direksyon niya ang paningin.

Sa tangkad at kisig pa lang ng katawan niya ay agaw pansin na. His dark gray slacks and white button down shirt looks good when he's the one wearing. Kapag siya ang may suot ng uniform ng kurso namin, parang hindi siya estudyante kung tingnan. He's like a professional businessman. A young and hot businessman to be exact.

Huminto si Daniel sa harapan ko, hindi kalaunan ay tumingin sa gilid. I traced his line of vision. Naroon pa rin si Manong Dencio at pilit inaayos ang sasakyan.

"Nasiraan kayo?" tanong ni Daniel nang ibalik sa akin ang paningin.

Still looking at our family driver, I nodded once. "Unfortunately."

"Isasabay na kita kung ganoon..."

I immediately glanced at him. "No-"

"You'll be late for your first subject if you won't ride in with me. Seven thirty ang first subject mo at si Mr. Avila ang professor. I'm sure you don't wanna be late when he's the professor in-charge."

I remained staring at him. Tama siya, si Mr. Avila ang professor namin. Kung male-late ako ay baka tuluyan na siyang magalit sa akin. Pinalampas niya na ako nung umabsent ako nung isang araw. Siguradong ngayon ay hindi na.

Muli kong sinipat ang orasan ko. Fifteen minutes na lang ang natitira at kung tatanggi ako ay baka hindi rin ako makasakay agad ng taxi. I looked at him.

He raised his brow a bit. "So?"

"Fine. Pero hindi ibig sabihin ay gusto kitang makasama. W-Wala lang akong choice."

Daniel laughed. He suddenly leaned closer to my ear, our breaths almost mingling.

"Defensive..." he whispered teasingly.

Nakakalokong ngisi ang bumungad sa akin nang balingan niya akong muli. Inirapan ko siya at naglakad na patungo sa tabi ng kotse niya. Narinig ko pa ang muli niyang pagtawa. Sinubukan kong hilahin ang pintuan pero sarado iyon.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Open the door."

His lips twitched. "Yes, queen."

Uminit ang pisngi ko sa naging paraan ng pagtawag niya sa akin. Kasabay ng pagtunog ng sasakyan niya ay ang paglapit niya. I was about to open the door when he suddenly placed his hand above mine and pulled the door handle. That very moment our skin touched, it feels like the sun casted its full rays over us.

Every little encounter with Daniel aren't helping me to stand behind my words. Sa bawat pagtatagpo namin, sa bawat palitan namin ng mga salita, nararamdaman kong hindi magtatagal ay matitibag na ang pader ng yelo na itinayo ko sa palibot ko. He's like a fire... and I couldn't help but to dowsed with his own heat.

"What's your plan for your birthday, Amanda?" Camille questioned as we started eating our lunch on our usual spot.

I was mixing my pasta on my plate when I shot Amanda a quick glance. "Malapit na nga pala ang birthday mo. Sa isang linggo na."

"Hmm, yes. Wala pa akong plano sa ngayon. Pagiisipan ko pa." sagot niya, ang paningin ay nasa sariling pagkain.

Tumango ako, ibinalik na rin ang atensyon sa pagkain ko. It's just a moment of looking down when I had a glimpse of a some paper bag placing in front of me.

Nag angat ako ng tingin. Ang linya sa noo ko ay agad nagsulputan nang makita ko si Daniel na nauupo na sa harapan ko. Beside him was Calix. Nakaupo na rin at nakatingin kay Camille.

Heto na naman kami.

"Can we join you?" Daniel asked, eyes fixed on me.

Nagtaas ako ng kilay bago yumuko at hinalo ang pasta ko. Hindi ko siya sinagot dahil hindi ko alam kung para sa akin ba ang tanong niya na 'yon.

"Of course! Kayo pa ba?" natatawang sagot ni Amanda sabay dunggol sa braso ko. Kunot noo ko siyang pinag angatan ng tingin. She winked at me as if there's something playing inside her wicked mind.

"Thanks." si Daniel.

From my peripheral vision, I saw him move the paper bag closer to me. Tiningnan ko ito, bago siya.

"What's that?"

"Blueberry cheesecake. Your favorite." he said smoothly.

It's the second time he has given me that sweets. Ang una ay 'yong gabing una siyang nagpunta sa tapat ng bahay namin. I wonder how he knew that it's my favorite...

"No, thanks. I can buy myself a cake." mataray kong sabi at ibinalik ang atensyon sa pagkain.

He chuckled huskily. "Bakit ka pa bibili kung puwede namang ako na lang ang bumili para sa'yo?"

Impit na tilian ang pumailanlang sa pandinig ko mula sa dalawang kaibigan.

"Sana oil!" humagikhik na sabi ni Amanda. Tamad ko silang binalingan bago tumingin kay Daniel. There was a playful smirk etched on his face like he finds my reaction funny.

"Whipped!" Calix laughed.

Pasimple kong iginala sa paligid ang mga mata ko. Most of the students are already looking at us. Ang ilan sa kanila ay may nanghuhusgang tingin na para bang sinasabi nila sa isip nila na tama ang tsismis tungkol sa amin ni Daniel. Lalo pa at narito siya sa mesa namin, katapat ko pa.

I even saw Santita on the other table. She's looking at our direction but suddenly rolled her eyes at me.

"Don't mind them, Cheska."

"You're just making this worst, Daniel. Mas lalo mo lang pinatitibay ang tsismis na may namamagitan sa atin!" I hissed irritatedly the moment I set my eyes on him.

Walang reaksyon ang mukha niya, na para bang ang lahat ng sinasabi ko tungkol sa issue na kinakaharap namin ay baliwala sa kanya.

"Sandali nga... naguguluhan na talaga kami sa inyo, e. Totoo ba ang issue na may something kayong dalawa o ano?" tanong ni Camille.

Without pulling his eyes from me, Daniel's lips curved into a sinister smirk. "Wala... pa."

Asshole! At talagang dinugtungan mo pa talaga ng Pa? At sa tingin mo magkakaroon tayo ng relasyon pagdating ng araw?

Lumalim ang tingin ko sa kanya. Nakipagsukatan rin siya ng titig na para bang hindi siya nababahala sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.

"Oh, God! So you mean... may gusto ka sa kaibigan namin, Daniel?" Camille questioned.

Nagbawi ng tingin sa akin si Daniel at sa halip ay itinuon ito sa mga kaibigan ko.

"Thought I am already obvious?" he chuckled.

"How would it be obvious when you embarrassed her the first time you two met each other?" si Amanda naman.

Kung malambot lang ang tinidor, siguradong kanina pa ito napiraot dahil sa higpit ng pagkakahawak ko.

"There's a reason behind that," sagot niya at saka muli akong pinagukulan ng tingin. "And that reason will remain between the two of us."

At sa tingin mo, hindi ako kulitin ng mga iyan oras na mawala ka na sa paningin namin? They will surely ask me about that reason! At ano ang sasabihin ko, na ipinahiya mo ako dahil ayaw mong maging muse ako ng team niyo? Dahil ayaw mo akong maging sentro ng atraksyon? Mas lalo lang akong madidiin sa mga sagot mo!

"Daniel..."

Sabay-sabay kaming napabaling sa gilid nang marinig ang pagtawag na iyon. My breathing hitched when I saw Emerald standing while looking at Daniel with her glassy eyes.

"Emerald," Daniel called out, his voice filled with laziness.

"Can w-we talk?" her voice cracked.

Tumingin sa akin si Daniel, nagiwas naman ako at itinuon ito sa kung saan. Kung kanina ay hindi pa gaano karami ang nakatingin sa gawi namin, ngayon ay halos lahat na.

Now, we are already the center of attraction. Great! Just great!

"I'm with Cheska, Emerald."

Gulat akong napatingin kay Daniel nang sabihin niya iyon. "So? Go and talk to her, Daniel. Huwag niyo akong idamay sa gulo niyong dalawa."

Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya. O, kung tama bang iyon ang itawag ko roon. Totoo lang naman ang sinabi ko. Gusto makipagusap sa kanya ng tao, bakit pati ako ay isasangkalan niya?

Malalim na bumuntong hininga si Daniel at walang pasabing umalis. He walked past Emerald and went straight to the exit of the cafeteria. Sumunod si Emerald hanggang sa tuluyan nang naglaho ang dalawa.

I sighed. Tumungo ako at bumuntong hininga.

"Grabe ang tama ni Emerald kay Daniel." kumento ni Camille.

"Halos lahat naman ng naging babae niyan ay tinamaan sa kanya. Siya lang talaga itong mapaglaro..." si Amanda.

At hindi magtatagal, maging ako ay mapapaglaruan na rin kung hindi ko pipigilan ang sarili ko. Ngayon pa nga lang na walang namamagitan sa amin ay parang ang dami ng nangyayari, iyon pa kayang magkaroon kami ng relasyon.

Wait, Cheska. Are you seriously thinking about having a relationship with him?! Nababaliw ka na kung ganoon.

"Cheska..."

I ascended my eyes to Calix. Seryoso siyang nakatitig sa akin. Tumigil rin sa paguusap ang dalawang kaibigan ko na para bang nakuha rin ang atensyon nila sa pagtawag na 'yon sa akin ni Calix.

"Bakit?"

His chest heaved up. Umusod siya sa pwesto ni Daniel kanina at mataman akong tinitigan sa mga mata.

"I am not in the position to say this but... Daniel is serious with you. Alam ko dahil matalik na kaibigan niya ako."

Umangat ang dalawang kilay ko. "Being his best friend doesn't mean you're already aware of what is going on with his mind. Sa dami ng babaeng pinaglaruan niya, mahirap nang paniwalaan ang bagay na iyan."

He bit his lip, stared deeply into my eyes like he's weighing my expression. Isang beses pa akong nagpakawala ng malalim na buntong hininga bago tumayo.

"Amanda, Camille, mauna na ako sa classroom. I have to call Manong Dencio if he would be able to fetch me later."

Alanganin ang naging tango nila, halatang napipilitan. Tiningnan ko si Calix at tinanguan. Isang tango lang rin ang sinagot niya.

Wala ako nilingon ni isa nang makalabas ako ng canteen. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nawala sa mood. Aminin ko man o hindi sa sarili ko, alam kong may kinalaman ito kay Daniel at Emerald. Hindi naman dapat pero... iyon ang nararamdaman ko.

"Daniel, please. Ako na lang. That Cheska is a stone! She will never like you. Puro pagaaral ang inaatupag no'n-"

"That I like about her the most, Emerald. Stop ruining her image because it won't work. Gusto ko si Cheska at malinaw iyon sa'yo umpisa pa lang. We have a fucking agreement!"

Kusa akong napahinto matapos marinig ang paguusap na 'yon. It's no other than them. Kung tama ako ng hula ay nasa gilid lang sila ng cafeteria kung saan wala masiyadong dumadaan.

"I know! But that's the only way I have to get close to you. Naisip kong magagawa kong ibaling ang atensyon mo sa akin habang nagpapanggap tayo!" basag ang boses na sabi ni Emerald.

So, it's true, huh? Their relationship was just for a show. Hindi totoong naging sila dahil gusto nila ang isa't-isa. It's really because of me, then?

May kaunting tuwa sa puso ko dahil sa kaalamang iyon. Sinabi naman na ni Daniel ang tungkol doon pero hindi pa rin ako naniniwala. Now that I've heard it with my own ears, I can't help but to smile a bit.

Kaunti lang naman...

"How was it? Did you succeed?" Daniel asked, his tone laced with mockery. Ganitong-ganito rin siya nung marinig ko siyang nakikipaghiwalay kay Santita.

Pero teka nga... bakit palagi ko na lang naabutan ang ganitong eksena?

It's bad to eavesdrop, Cheska.

Nakinig ako sa kunsensiya ko. Sa kabila ng kaalamang makikita nila ako oras na dumaan ako ay nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. I remained stiff and calm as I get closer to them. Palapit ng palapit ay naririnig ko ang impit na hagulgol ni Emerald.

"Daniel, please. Magbalikan na-"

"Cheska..."

Napatigil ako sa paghakbang nang marinig ko ang tawag na iyon ni Daniel. Nasa bandang harapan na nila ako. Pilit kong pinagmukhang walang pakielam ang itsura ko nang lingunin ko sila.

Daniel looks surprise at my presence. His eyes were a bit dark while the muscles on his jaw were twitching manlikely. Ang reaksyon niya ay para bang isang lalaki na nahuli ng totoong nobya niya na may kalandiang ibang babae.

Kinumpas ko ang kamay ko ng isang beses sa gawi nila.

"Continue..." tanging nasabi ko bago sila nilampasan at nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi na napigilan pa, umangat ang sulok ng labi ko.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height