After All/C14 Kabanata 13
+ Add to Library
After All/C14 Kabanata 13
+ Add to Library

C14 Kabanata 13

Kabanata 13

Masamang tingin ang ipinukol sa akin ni Amanda matapos ko sabihin na maaaring hindi ako makadalo sa house party niya mamayang gabi.

"Amanda, baka kasi hindi ako payagan nila Mommy. Naku-kwento ko naman sa inyo kung gaano sila ka-istrikto pagdating sa amin, hindi ba?" nagpapaunawang sabi ko.

The irritation in her slightly round eyes grew wider. "Hindi ka naman aabutin ng madaling araw, Ches! Let's say you'll be there by seven. Pauuwiin na kita kahit before twelve. I just want to have you and Camille on this special day. Matitiis mo ba ako?"

She batted her false eyelashes and pout her lips a bit. Alam niyang kaya niya akong dalhin sa ganoong ekpresyon ng mukha niya kaya ipinanglalaban niya sa akin ngayon.

I sighed. Itinuon ko ang mga mata ko sa white board kung saan naroon ang ilang sulat pa ng equations dahil sa nagdaang subject. It's our vacant so we have time to chit-chat for an hour.

"Gusto mo bang ipagpaalam ka namin, Ches?" suhestyon ni Camille.

"Huwag na. Susubukan ko magpaalam mamaya paguwi," sabi ko at tiningnan ang mga kaibigan. "I'll try. Pero kapag hindi talaga ako pinayagan, sana maintindihan niyo."

Bumuntong hininga si Amanda. "Fine. At least, try it. Malay mo naman payagan ka."

I don't think so. Masiyadong mahigpit sila Mommy pagdating sa mga ganyang events lalo na at hindi naman kunektado sa negosyo. We can attend business parties with them and obviously, Amanda's birthday isn't related to business.

Hindi pa naman ako sumusubok na magpaalam dahil ni minsan ay hindi pa ako nagkaroon ng interes sa ganoong pagtitipon. Alam ko lang na tatanggi ang mga magulang ko dahil ganoon sila kay Adrianna kapag nagpapaalam itong may birthday na pupuntahan. I'll try my best to ask for their permission later. Sana ay payagan dahil hindi ko rin matiis si Amanda.

Tipid ko lang silang nginitian bago muling ibinalik ang paningin sa harapan. Nahagip ng mga mata ko si Emerald. She's sitting on her armchair while busy fiddling her phone.

The rumors about us died down. Hindi ko alam sa kung paano nakalimutan ng tao ang tsismis tungkol sa amin pero ganoon naman ata talaga 'yon. Sa una lang mainit, hindi kalaunan ay malilimutan na rin ng mga tao.

Hindi na rin naging maganda ang trato sa niya sa akin simula nang huli ko silang marinig na naguusap ni Daniel. Kung sa bagay ay hindi naman talaga kami nagpapansinan kahit pa ilang buwan na ako sa escuelahan na ito. I must understand her for being mad at me. She fell in love with Daniel but he can't reciprocate her feelings because it's just an agreement between them in the first place.

Huminga ako ng malalim. Speaking of that devil, I didn't see him yesterday. Hindi ko siya nakitang umaaligid sa akin kagaya ng mga nakalipas na araw. Ever since I heard his conversation with Emerald, he never stop pestering me. Hindi ko nga alam kung matatawag ko pang pamemeste ang ginagawa niya sa akin dahil unti-unti ko na rin nararamdaman ang tuwa kapag nasa paligid siya.

Remembering his face... especially his smoldering eyes that lurked a dangerous invitation to play. The quality of his masculine confidence that was a thousand times more potent than mere handsomeness. His perfect good looks could leave me cold, but the kind of sexy charisma he has could go straight to my knees.

"Dad, Mom, magpapaalam po sana ako..."

From the newspaper he's reading, Dad lifted his eyes and looked at me behind his spectacles. Si Mommy ay nasa tabi niya, eleganteng nakadekwatro habang umiinom ng tsaa. She glanced at me as she put the white ceramic teacup over the saucer. Nang makarating ako mula sa escuelahan ay dito ko na sila naabutan sa sala. Naisip kong ito na rin ang tamang pagkakataon para magpaalam.

Bahala na.

"About what, Francheska?" Mommy's strict voice played in my ears.

Kinagat ko ang labi ko at nagpalipat-lipat ng tingin sa kanila. Both of them are looking at me. I keep on shifting my body weight from one foot to the other as I feel the intensity from those stares.

"What is it, Cheska?" si Daddy.

"Uh... it's my friend's birthday party tonight and I am invited," I started nervously. "Can I come?"

Mommy's arched eyebrow was the first thing I noticed. "What is your friend's name, Cheska? And what kind of celebration she has, a formal party or what?"

I swallowed. "Her name is Amanda, Mommy. H-House party po ang selebrasyon niya."

"A house party, huh? You mean there are boys and alcohol." sabi naman ni Daddy.

"Yes, Dad. But I won't drink. And boys are already out of my concern. Gusto ko lang po sana pumunta dahil malapit na kaibigan ko po si Amanda."

Nagkatinginan si Daddy at Mommy. She was still raising her eyebrow as if she doesn't agree with this one.

"Paano kung mapainom ka doon, Cheska? And what if they put some drug on your drink and raped you after-"

"Mom! Wala pong ganyan. I am a well disciplined girl-"

"Are you, Cheska? Disiplinado ka nga ba? Then what are we hearing that you're seeing someone outside our house while we're gone?" her voice became more strict. "Specifically, a man."

My body suddenly froze. Umawang ang labi ko dahil sa tanong na iyon ni Mommy. Dad looked at me with nothing but coldness.

They're probably talking about Daniel! Siya lang naman ang ilang beses kong pinuntahan sa labas ng bahay. At paano nilang nalaman? May nakakita ba sa amin? Hindi sakop ng CCTV ng bahay ang kadalasang puwesto ni Danile kapag naghihintay sa akin kaya imposible na doon kami makita. Siguradong isang katulong ang nakakita sa amin. Imposibleng si Mang Dencio, kahit naman makita niya ay hindi siya magsusumbong.

At isa pa, mag-iisang linggo na simula nang makauwi sila mula sa ibang bansa. Bakit ngayon lang nila binuksan ang tema na ito?

"M-Mom, he's j-just a classmate."

"I don't care if he's a classmate or not, Francheska. I told you not to entertain boys! They will be just a hindrance to your studies. Baka mamaya ay mapaikot ng mga iyan ang ulo mo!"

"What's wrong, ate?"

Napatingin ako sa gilid ko nang marinig ang tanong na iyon mula sa kapatid ko. Nakasuot na siya ng pambahay at siguradong kadarating niya lang mula sa escuelahan. She glanced at our parents and then looked back at me. Nanatilig akong nakatitig sa kanya, nagpipigil ng matinding emosyon.

Ganito lagi ang eksena kahit noong bago pa ako lumipat sa escuelahan ko ngayon. The reason why I had to transfer was because they both thought that I let the boys in my school court me. Hindi ko alam kung paanong nalalaman nila na may nagbibigay sa akin ng mga bulaklak at kung ano-anong gamit, siguro ay mga nakabantay sa amin ng kapatid ko nang hindi namin alam. They never trust us. Iniisip nila, lalo na si Mommy na madali kaming mapapaikot ng mga lalaki.

Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib at matapang na tiningnan sila Mommy. Mataray siyang nakatitig sa akin, si Daddy ay kalmado lang at parang ayaw makisali sa diskusyon namin.

"Hindi ko po kinakalimutan ang usapan natin na hindi ako magnonobyo hangga't hindi pa ako nakakapagtapos ng pagaaral, Mommy," sabi ko at hindi sinasadyang lumitaw sa isip ko ang imahe ni Daniel. Pinilig ko ang ulo ko at pilit na iwinaglit siya sa isip. "U-Umasa po kayo."

"If that's the case then, let your eldest attend that birthday party, Vanessa..." sabi ni Daddy na ikinabilis ng tibok ng puso ko. "Don't you ever think of crossing your lines, Francheska. Hindi mo gugustuhin ang magalit ako. Same with you, Adrianna. No boys allowed."

"Luh, wala kaya akong boyfriend, Dad. Puro pagaaral lang inaatupag ko." paliwanag ni Rian.

Lumunok ako at kinagat ang labi. Nakita ko ang pagtutol sa mukha ni Mommy habang nakatingin kay Daddy ngunit tinapik lang nito ang kamay niya. She shook her head and looked with a shadow of disappointment in her eyes.

"Till twelve midnight, Cheska. Huwag mong subukan ang lumampas kung ayaw mong mag-away tayo." habilin pa ni Mommy.

"Yes, Mommy..." I whispered and then glanced at my father. "Thank you, Dad."

Isang tango lang sinagot niya bago ako nagdesisyon tumalikod. Pumihit rin patalikod si Rian at sumunod sa akin.

"Saan ka pupunta, ate?" tanong niya nang nasa hagdan na kami paakyat.

"It's Amanda's birthday. May party siya sa bahay."

"Talaga? Sama ako, ate!"

Kunot-noo ko siyang binalingan. "Kung ako nga ay hirap na hirap ipaalam ang sarili. Ikaw pa kaya?"

Ngumuso siya. "Sayang. I've never been into parties. Share mo sa akin ang feeling, ate, huh? At saka anong isusuot mo?"

Nakarating na kami sa kwarto ko. Ibinagsak ni Rian ang sarili sa paupo sa kama. I placed my shoulder bag above the study table and sighed.

"Dress. Or pants? What do you think?"

Her face contorted. "Ew, ate! Pants? Dress dapat. Iyong sexy dahil sayang naman ang ganda mg katawan mo kung hindi mo ilalantad."

No. Enough of that revealing dresses. Una at huling beses na iyong sportsfest na magsusuot ako ng ganoon. Women can still be sexy even without wearing those kinds of clothes. Hindi pagpapakita ng cleavagea at pusod ang basehan ng pagiging sexy.

Sa huli, isang old rose na vneck dress and napili kong isuot. Hanggang siko ang manggas nito at yari sa lace. The neck line was slightly low making the gold necklace I'm wearing radiates. Abot hanggang kalahati ng hita ang haba at tama lang ang hapit para makita ang kurba ng aking bewang at puwetan. I also fixed my hair into a tight ponytail and wear a gold heart earings. A nude Tory Burch flat shoes completed my attire.

Nang masigurong ayos na ay lumabas na ako ng bahay. Hindi na ako sumabay kumain ng hapunan sa pamilya ko dahil sinabi kong sa bahay na lang ako ni Amanda kakain. Before I left the house, Mommy shot me a warning glare as if she's reminding me the conversation we had just a while ago.

"12midnight, Francheska..." that's the last word I heard from her before I totally left our house.

Pasado ala-syete ay naihatid na ako ni Mang Dencio sa bahay nila Amanda. Mamaya, siya rin ang susundo sa akin kaya wala rin talaga akong lusot sa mga magulang ko.

The three story contemporary house of Amanda was the first thing that greeted my eyes the moment I stepped outside the car. Yari sa salamin ang bawat haligi at minimalist ang pagkakadisenyo rito. The house looks spacious and elegant. There are palm trees around it, halos lahat ay naiilawan ng Christmas light. Malayo pa lang ay naririnig ko na ang tugtugin sa saliw na RNB mula sa loob. Hindi ako sigurado kung gaano karami at kung sino-sino ang inimbitahan niya.

Si Daniel kaya... inimbitahan niya? Ang sabi niya ay oo raw. Hindi naman niya nabanggit kung pumayag ito.

Why are curious, Cheska?

I'm not! Naisip ko lang dahil ang alam ko ay pupunta ang team mates niya sa varsity. He's not texting me since yesterday at medyo naninibago ako. Though, I'm not usually replying to his texts, nakasanayan ko na rin na palagi siyang nangungulit sa akin.

Nagbuga ako ng hangin. Nilingon ko ang sasakyan namin na nakahilera rin sa iba pang sasakyan. Kumaway ako kay Mang Dencio, tanda na puwede na siyang umalis at bumalik sa bahay.

Garden ang agad na bumungad sa aking pagkatapos ako papasukin ng gwardya sa gate. May iilang schoolmates akong natanaw. They smiled at me, sinuklian ko rin iyon ng tipid na ngiti.

Amanda said that they're in the pool area. Ito ang unang beses ko sa bahay nila at sa tingin ko, kahit malaki ay hindi naman ako maliligaw.

"Hi, Cheska. Glad to see you here!"

"Hello, Cheska. You looked stunning tonight. Mas maganda ka pa celebrant, ah?"

"That's Cheska. Always slaying in her own way."

Iilan lang 'yon sa mga bumungad sa akin nang pumasok ako sa bahay. Karamihan sa mga naroon ay pamilyar sa akin. Mga taga school pero iba-ibang ang kurso. Hindi ko akalain na marami palang kaibigan si Amanda kahit sa ibang building.

"Thank you..." I smiled.

Natanaw ko ang swimming pool mula sa double glass door. It's illuminated by a pink light beneath it. Itinulak ko ang pinto sa labas, ang panggabing hangin ay mabilis na niyakap ang balat ko. Iginala ko ang paningin. There are lots of tables and chairs scattered all over the area, halos lahat ay okupado na. Sa isang gilid ay naroon ang isang buffet table, may ilang nakapila at kumukuha ng pagkain.

"Cheska, here!"

Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita ko si Amanda, kumakaway habang may malawak na ngiti sa labi. Nasa isang table siya, pinakamalaki sa lahat ng narito. Sa tabi niya ay mga babae, ang iba ay classmates namin, ang iba ay schoolmates lang rin.

Ngumiti ako pabalik, kumaway at nagsimula nang humakbang patungo sa gawi nila.

"Happy birthday, Amanda." sabi ko at humalik sa pisngi niya. Iniabot ko ang isang paper bag sa kanya na ikinalawak ng ngiti niya. "For you."

"Omg! Pandora? Thank you, Cheska! Ang generous mo talaga!" aniya habang tinitingnan ang paperbag.

I really chose to buy her an expensive gift. Akala ko kasi ay hindi ako makakadalo sa party niya kaya naisip kong bumawi na lang sa regalo.

"Dito ka maupo, Ches, sa tabi ng pinsan ko..." sabi ni Amanda at itinuro ang isang bakanteng upuan.

There's a fair man sitting beside the vacant space. He's looking at me, serious and emotionless. Sinunod ko ang sinabi ng kaibigan at naupo sa tabi ng lalaki. Tipid pa akong ngumiti sa kanya.

"Cheska, this is my cousin Ambrose. He just got from Italy," panimula ni Amanda habang itinuturo ang pinsan. "Ambrose, this is Francheska. Our school's sweetheart."

"Sweetheart ka diyan." natatawang sabi ko.

"Amanda is right. You're the prettiest among the female students in the campus, Cheska." singit nang isang Architectural student.

Iginala ko ang paningin. Saka ko lang napansin na narito na pala ang varsity players na halos lahat ay nasa akin ang atensyon. My lips stretched in a smile.

Narito silang lahat... siya lang ang wala.

"There's no doubt about that. She's really pretty." Ambrose said that made me look at him. Tipid na ngiti lang ang sinagot ko. He handed his hand to me. "Ambrose Climacosa."

Tinanggap ko ang kamay niya. "Mera Francheska Monteverde."

"Nice name. Perfect for a goddess like you, huh?" he smirked.

"Naku, Ambrose! Huwag mo idamay si Cheska sa pagiging babaero mo. Matino 'yan." singit ni Amanda.

Ambrose laughed. "Too much info, Danda."

"Oh, there's Daniel!"

Mabilis akong napatingin sa entrada nang marinig ko ang sinabing iyon ni Camille. And there he is, the man I've been expecting to be here since I came here, walking towards us. He's very masculine in his black vneck shirt, dark jeans and brown leather boots. His hard structure, the darkness in his every feautures and authority made him very manly.

"Daniel, man, buti nakahabol ka!" sabi ni Bryle.

Hindi sumagot si Daniel. His eyes were drilling into mine like I am the only person he could see in this wide place. Mula sa mukha ko ay bumaba ang mga mata niya sa kamay kong hawak pa rin ni Ambrose. Storm rolled across them. I simply pulled my hand from Ambrose's gentle hold.

"Happy birthday, Amanda." Daniel greeted coldly and handed her a paper bag where an international brand of bag is written.

"Thanks, Daniel!" magiliw na sabi ni Amanda.

Tumango si Daniel at naupo na sa tabi ni Bryle kung saan magkatapat kami. Dumapo ang mga mata niya sa akin.

My heart skipped a beat, and another, as I stared into the darkest eyes I have ever seen, a brown so deep it looked black, shadowed by thick lashes and set deep in a complexion of ink. His brutal handsomeness moved me. Daniel could have been Lucifer himself, sitting there.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height