After All/C15 Kabanata 14
+ Add to Library
After All/C15 Kabanata 14
+ Add to Library

C15 Kabanata 14

Kabanata 14

Hindi na ako nilubayan ng malalim na titig ni Daniel simula nang makarating siya dito. Minuto pa lang ang nakakalipas na magkaharap ang pwesto namin pero hindi na ako mapakali agad.

Somewhere in me feels happy that he showed up. I didn't see him yesterday in school that's why I wasn't expecting him to be here. Lalo pa at wala rin naman siyang kumpirmasyon kay Amanda na dadating siya. It should be out of my concern but... I can't help it.

"Ui, Daniel, kain ka muna roon!" sabi ni Camille.

I finally let the air I didn't know I was holding when Daniel pulled his gaze away and brought it to Camille.

"I'm fine. I just had my dinner before I came here." he said in a lazy drawl.

"How about you, Cheska? Kadarating mo lang rin at hindi ka pa kumakain." baling naman sa akin ni Camille.

Tiningnan ko siya. I smiled at her and nodded. "Sige lang. I'll just get my own-"

"You want me to get you a food?"

Mabilis akong napatingin kay Ambrose nang sabihin niya 'yon. Ikukuha niya ako? Bakit?

"I... Uh..."

"Ako na ang kukuha ng pagkain para sa'yo."

My heart hammered inside of my chest as I instantly diverted my eyes to Daniel. He's staring at me. His eyes reflected the open grey of the stormy sky.

"What do you want to eat?" he added.

"Haba ng hair!" natatawang sabi ni Amanda na sinundan din ng iba pa naming kasama rito sa mesa.

Hindi ko alam kung bakit napatingin rin ako kay Ambrose. Siguro ay dahil siya ang unang nag alok sa akin tungkol sa pagkuha ng pagkain at hindi ko pa siya nagagawang sagutin.

I found him staring coldly at Daniel with brow shot up. Huminga ako ng malalim, ibinalik ang atensyon sa harapan at pilit ngumiti sa kabila ng nakakailang na sitwasyon na ito. Wala akong tiningnan sa kanilang dalawa.

"A-Ayos lang. Kaya ko naman-"

Tumayo si Daniel dahilan para mahinto ako sa pagsasalita. Nag angat ako ng tingin sa kanya. Nilisan niya ang pwesto namin at naglakad na patungo sa buffet table.

"Mukhang bad mood si Captain, ah?" puna ni Bryle. Binalingan ko siya at may nakakalokong ngisi sa labi niya. "May ideya ka ba kung bakit, Cheska?"

Kumurap-kurap ako. "Wala. At saka, bakit ako ang tinatanong mo?"

The smirk on his lips grew wider. "Bakit hindi ikaw?"

Nakipagsukatan ako ng titig sa kanya. Pakiramdam ko ay may laman ang tanong niyang iyon. Bakit niya nga kasi sa akin itatanong? Daniel and I aren't even in a relationship.

Uh, surely... he's one of those people who believe that Daniel and I have mutual understanding. Na ako ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Emerald. That's the only reason I can think of.

"Is that your boyfriend?" Ambrose asked, stealing my attention from Bryle.

Umiling ako. "Wala akong boyfriend. Study first."

He smiled, showing the holes in his cheeks. He looks like he has a foreign blood. His eyes were a bit grayish like those international models. Matikas rin ang pangangatawan nito at halatang alaga sa gym. His nose narrow and average lips in a shade of pale rose.

"Bihira na ang ganiyan. Your first boyfriend will be so lucky." he stated.

"Indeed lucky. She's every man's ideal girl. Brain and beauty." puna ng isang ka-team mate ni Bryle.

Naginit ang pisngi ko sa mga papuring sinasabi nila. Why am I suddenly the center of attraction anyway? Maging ang ibang babae tuloy na nasa table namin ay nakatingin rin sa akin.

"Kaya Ambrose, wala kang pag-asa diyan kay Cheska dahil hindi ka niyan papatulan. Pagaaral muna bago jowa!" sabi ni Amanda.

Ambrose chuckled. "More than a year from now and you're already graduate. I can wait."

Hiyawan ang sunod na pumailanlang sa tainga ko. Maging si Amanda ay natatawa sa mga sinasabing kalokohan ng pinsan. But I know better. Man like him will just become a hindrance to my studies. Hindi ako puwedeng magpadala sa pagiging mabulaklak ng mga dila nila.

Are you telling yourself the same way when it comes to Daniel, Cheska?

I looked down on my hands and heaved a sigh. Hindi pa man natatagal sa ganoong posisyon ay nakita ko na mula sa gilid ng aking mga mata ang presensiya ni Daniel. Nag angat ako ng tingin sa kanya. Kagaya kanina ay malamig pa rin ang pagkakatitig niya sa akin.

"Here..." he said and handed me a plate of food.

Ngumuso ako nang makitang halos mapuno na ng pagkain ang plato saka ito inabot. "Ang dami naman."

"Ubusin mo 'yan."

Ipinatong ko ito sa ibabaw ng mesa. Bumalik sa Daniel sa inuupuan niya at seryoso akong muling pinagmamasdan.

"Si Cheska lang talaga ang ikinuha mo, Daniel?" tanong sa kanya ni Bryle.

Nilingon ni Daniel si Bryle at tinaasan ng kilay. "Why? Am I supposed to get you, too?"

Nagtawanan ang mga naroon, maging ako ay hindi na rin mapahagikhik na rin dahil sa pangbabara niya.

"Fucker. Ang ibig ko sabihin, naroon ka na rin lang naman, bakit hindi ka pa kumuha ng pagkain para sa'yo?"

"Hindi nga ako gutom..." tamad na sagot niya. He suddenly anchored his intimidating eyes on me that made me look down. Nagkunwari akong abala sa pagtitig sa plato, na para bang nagagawa rin nila makipagtitigan sa akin. "Kumain ka na."

Hindi man nakatingin ay alam kong para sa akin ang sinabing 'yon ni Daniel. I only nodded my head for an answer.

"Here, Cheska. I haven't drink it yet." sabi naman ni Ambrose pagkatapos ilapag ang isang bottled water sa tabi ng plato ko.

Tipid ko lang siyang nginitian. "Thank you."

Unconsciously, I secretly glanced at Daniel and his menacing eyes were piercing into the man beside me, I know. Nang mapansin na nakatitig ako sa kanya ay inilipat niya sa akin ang mga mata. He cocked his brow up like he's asking me what I am looking at.

"Awkward!" natatawang pagkanta ni Amanda.

Sinimulan ko ang pagkain sa mabagal na paraan. Iniwasan ko na ang tumingin sa gawi ni Daniel dahil pakiramdam ko ay napapaso ako sa tuwing maglalapat ang mga mata namin.

"Cheska, shot ka?" tanong ni Amanda nang bahagya na akong patapos sa pagkain.

My face distorted. "I don't drink, Amanda."

"Kaunti lang naman tsaka hindi naman 'to nakakalasing!"

"Amanda..." tawag ni Daniel sa malalim na boses. Nilingon siya ni Amanda, tila ba inosente. "Don't force her."

"Isa lang naman! Promsie, hindi siya malalasing dito."

Sunod-sunod ang naging pag iling ko. "Ayoko talaga. Papagalitan ako ni Mommy kapag naamoy niya ako-"

"Don't tell me you're still under your parents, Cheska?" one of the girls asked all of a sudden that made me look at them. Maarte siyang nakatingin sa akin, ang mga kamay ay nakapaikot sa isang beer. Kung hindi ako nagkakamali ay tourism student siya.

Nag angat ako ng kilay. "If that's the case... so what?"

She smirked. "Wala naman. I just find girls who don't know how to defy their parents' rules boring."

"Stop that, Patricia." suway ni Amanda sa seryosong tono.

"What?" Patricia chortled. "I'm just telling the truth!"

Huminga ako ng malalim bago tumuwid sa pagkakaupo. Napatingin akong muli kay Daniel at nakita itong nakatitig sa akin. Umiling siya, na para bang sinasabi niya na huwag ko na patulan.

I glanced back at Patricia. There's sarcasm rolling across her eyes. There's a even a satisfied smirk blossoming on her lips like she meant to tell those words against me.

"It's alright. No one's asking for your opinion about me, anyway. This is how my parents wants me to grow as a woman, disciplined and aware of my limitations..." I smiled mockingly at her. "How about you? Mukhang nakalimutan ata ng mga magulang mo ang disiplinahin ka."

Pigil ang naging pagtawa ng mga tao sa paligid namin. Even Daniel let out a playful chuckle.

"That's my girl..." I heard him whisper but enough for me to hear it.

Inilipat ko ang paningin kay Patricia. Matalim ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. I raised my brow up and smirked at her.

"Siya tama na 'yan!" sita ni Camille saka ako tiningnan. "Cheska, kailan ka nga ulit magpapalinis ng ngipin?"

"Bukas. Sasabay ka?" tanong ko.

"Gusto ko nga sana, kaya lang nagpapasama si Mommy sa Cavite. I-text mo na lang sa akin ang name ng clinic."

Tumango ako. "Sige."

"Laro tayo! Spin the bottle! Huwag kill joy, ha? Truth or consequence." suhestyon ni Amanda na may tama na ata ng alak.

"That's too childish, Danda." opinyon ni Ambrose.

"Exciting ito! Chill lang kayo." Ipinatong ni Amanda ang isang walang laman na bote ng alak sa ibabaw ng lamesa. She giggled as she looked to all of us. "Are you ready? Kung sino ang tapatan, siya ang una kong tatanungin. Kapag nasagot na or nagawa na ung consequence, iikot niya ung bote at kung sino ang tamaan, iyon naman ang tatanungin niyo. Clear?"

Napabuntong hininga ako sa larong naisip niya. I've never played this kind of game. Wala akong gaanong idea sa mangyayari pero pakiramdam ko ay may halong kalokohan ito.

Sinimulan ng ipaikot ni Amanda ang bote. Everyone is holding their breath as we waited for the bottle to stop. Hindi nagtagal at kay Bryle ito unang tumigil.

"Damn, ako agad?" napapakamot sa ulo na tanong niya.

Humagalpak si Amanda. "Game! Truth or consequence?"

"Truth..." he said lazily.

"When was your last sex?"

Natawa si Bryle. "Too easy. This morning."

Uminit ang batok ko sa diretsong tanong na 'yon ni Bryle. Umulan ng tukso sa kanya dahil roon. Seriously? He had sex just this morning? I mean... alam ko naman na ang mga kagaya niyang lalaki ay hindi nababakante pero... kaninang umaga talaga?!

Kusa akong dinala ng mga mata ko kay Daniel. He's looking into somewhere else but placed his eyes on me. Nag angat siya ng kilay, pagkatapos ay ngumisi.

"Grabe naman 'yang this morning na 'yan!" sabi ni Camille dahilan para bumitaw ako sa pagkakatitig kay Daniel. "O, iikot mo na!"

Bryle spinned the bottle. After a couple of seconds, it stopped and the mouth of it pointed across the girl beside Patricia.

"Oh my gold!" irit nito.

"Helaisha, truth or consequence?" Bryle asked.

"Consequence!"

"Tapang, ah!" puna ni Amanda, natatawa.

Bryle smirked evily. "I want you to kiss the man na sa tingin mo ay pinakagwapo para sa'yo. Around this table lang."

"Lips?" That Helaisha asked.

Bryle chuckled. "Neck..."

Napalunok ako sa naging dare na 'yon ni Bryle. I understand that everyone around here are matured and what they're asking to do is just easy. Pero sa leeg talaga? That's too intimate!

Tumayo si Helaisha. May ngisi sa mga labi niya at para bang gusto pa ang bagay na ipinapagawa sa kanya. My heart is hammering as I watched her heading towards Daniel's place.

No, no, no. Not him, please.

Helaisha stopped beside Daniel. Kunot noo siyang nilingon nito na para bang nagtataka kung bakit siya nasa tabi nito. Halos maramdaman ko ang kung anong tusok sa puso ko nang makita ko ang pagdukwang ni Halaisha bago pinatakan ng halik sa leeg si Daniel.

Nagiwas ako ng tingin. Pinilit kong huminga ng malalim dahil pakiramdam ko ay bigla akong kinapos sa paghinga. Nagtama ang mga mata namin ni Amanda. May ngisi siya sa labi, ang mga mata ay tila nangaasar.

"That's hot..." Ambrose commented. "That girl surely knows how to satisfy a man."

Pinilit kong huwag nang tumigin sa gawi ni Daniel. Natatakot akong oras na maglapat ang mga mata namin ay mabanaag niya ang kaunting kirot na namamayani sa akin ngayon.

Bakit ba ako nakakaramdam ng ganito? Hindi ba dapat ay ayos lang sa akin dahil hindi ko naman siya gusto? Siguro nga ay nagtapat siya sa akin ng nararamdaman niya, ilang beses na at sa tuwing sasabihin niya sa akin na gusto niya ako, wala akong ibang nakikita sa mga mata niya kung hindi ang pagiging sinsero.

"Game na, Helaisha! Ipaikot mo na!" sabi ni Amanda nang makabalik na si Helaisha sa upuan nito.

Ramdam na ramdam ko ang mabibigat na titig mula sa aking harapan pero pilit kong binabaliwala iyon. Umiikot ni Helaisha ang bote. Sa mabagal na paraan ay nakita ko ang paghinto no'n sa mismong tapat ni Daniel.

Nagtawanan ang mga team mates niya. My eyes were just fixed into the bottle, couldn't be able to witness his reaction.

"Truth or consequence, Daniel?" Helaisha asked, her voice laced with seduction.

"Truth..."

"Sayang! I was hoping that you'd choose consequence." Helaisha laughed. "Kapag nangyari 'yon ay sasabihin kong halikan mo rin ako."

"Landi mo, girl!" pangaasar ni Camille.

"That's Daniel! Sinong hindi lalandi?"

Huminga ako ng malalim. Their conversation was like I'm hearing a mirror shattering into pieces. Masakit sa pandinig.

"Sige na, drop your question." sabi ni Camille, tila ba iritado sa kaartehan ng kausap. Nakakairita naman talaga dahil matining masiyado ang boses.

Iyon ba talaga ang dahilan, Cheska?

"Okay. Here's my question," Helaisha started. "Where's your favorite sex place?"

Damn it! Sex na naman? Iyon na lang ba ang alam ng mga taong ito? Can't they think of some decent question?

"Car..."

My throat suddenly went dry when that word from Daniel played in my ear. Pasimple akong suminghap.

Sa kotse niya gustong ginagawa iyon? So ibig sabihin ay doon din namin gagawin iyon - what the hell, Cheska? Anong doon niyo gagawin? At naiisip mo talaga ang bagay na 'yan?!

"Grabe, so kotse talaga? Bakit hindi sa kwarto?"

I heard Daniel chuckle. "Not allowed to ask more than one question."

"Okay, your turn Daniel. Spin the bottle."

Mabilis ang bawat pintig ng puso ko habang naaabot ng lebel ng tingin ko ang paghawak niya sa bote. He started spinning the bottle as my heart feels like it's about to explode.

Ganoon na lang ang pagdoble ng kaba ko nang tumigil ang pagikot ng bote kasabay ng pagtapat ng nguso nito sa akin.

"Yes naman! Finally!" si Amanda sa ligalig na boses."

Anticipation sat in my heart. It tingled through me like electrical sparks on the way to the ground, gathering in my toes. Sunod-sunod ang naging paglunok ko habang ang mga kamay ay nanglalamig na.

"Eyes up, Cheska." he said in a very powerful voice.

Sandali... anong pipiliin ko? Truth? Kapag tinanong niya ako, paano kung personal? Kapag naman consequence, baka naman may ipagawa siya sa akin na magiging labag sa loob ko?

"Truth or consequence?" Bago pa makapagisip ay bumagsak na sa akin ang tanong na 'yon mula sa kanya.

With so much force, I lifted my gaze to him. His perilous eyes were giving a glare that was freezing my bones, like being nude in the middle of this place.

I breathed heavily. "T-Truth..."

We are having a small staring match when slowly, he lifted the corner of his lips into a playful smirk.

"My baby wants to be asked, huh?" he chuckled, his husky drawl feels like something's burning in my stomach.

Halos mag apoy na ang batok ko sa salitang binitawan niya. Pasimple akong luminga-linga, ang mga kasama ay awang ang bibig at halatang gulat. Does he really need to call me that way? Puwede namang sa pangalan ko na lang! Hindi naman alam ng mga ito ang pagtatapat niya sa akin!

"A-Anong tanong mo?" pilit pinagmumukhang matapang na sabi ko.

Hindi pa rin naaalis ang ngisi sa labi niya. Tumuwid siya ng upo at huminga ng malalim. Bakit pakiramdam ko ay malalim ang magiging tanong niya sa akin?

He tilted his head, eyes studying my face. "Tell me... do I stand a chance with you?"

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height