After All/C16 Kabanata 15
+ Add to Library
After All/C16 Kabanata 15
+ Add to Library

C16 Kabanata 15

Kabanata 15

Katahimikan ang bumalot sa amin matapos ang naging tanong na 'yon ni Daniel. I can almost hear the crickets as I stared at him. He has a goofy smirk etched on his lips. He looks amused. Pinangdilatan ko siya ng mga mata. Ngumuso siya, nagpipigil ng ngisi.

Pasimple kong iginala ang paningin ko sa mga kasama. Halos lahat sila ay palipat-lipat ang tingin sa akin at kay Daniel. Amanda was smirking, even Camille and Bryle. Sila Patricia at Helaisha ay nakataas ang kilay sa akin, halatang naiirita.

"Oh, friend, anong sagot mo? May pag-asa raw ba siya sa'yo?" tudyo ni Amanda. Her pink shade of lipstick probaby matches the color of my cheeks right now.

Damn you, Daniel, for putting me in the hot seat!

I cleared my throat and straightened my back. Matapang kong tiningnan si Daniel sa mga mata na nag-aabang lang ng isasagot ko.

"I am not allowed to enter a relationship while studying. That's my answer." sabi ko. Hindi man direkta ang naging sagot ko, alam kong makukuha na kaagad niya 'yon.

His lips twitched. "Hmm, got it. I should wait for another year, then?"

Blush burned through my cheeks and my face felt like a hot oven. Pakiramdam ko ay gusto ko na lang magpakain sa lupa dahil sa hiya na nararamdaman.

"Not allowed to ask more than one question..." panggagaya ko sa sinabi niya kanina kay Helaisha bago siya pilit na nginisian.

Nagtawanan ang mga tao sa paligid, lalo na ang mga team mates niya. Daniel released a sexy chuckle as if he also find my answer funny.

"Savage queen talaga 'tong si Cheska!" sabi ni Amanda. Napailing na lang ako.

I have no choice, Amanda. Hindi ako puwedeng magpahalata na malaki na ang nagiging epekto niya sa akin. Hindi ako tanga para hindi maisip kung ano ito... pero ayoko pa rin magmarunong.

"Amanda, I'll just go to the comfort room. Saan banda?" tanong ko sa kabila ng malalim na iniisip.

Itinuro niya ang back door. "Pagkapasok mo doon, left side. Gusto mong samahan kita?"

"Hindi na, ayos lang. Babalik rin kaagad ako."

She smiled and nodded her head. Namumula na ang pisngi niya tanda nang tinatamaan na siya ng alak. Sabagay, mukhang kanina pa sila nagiinom.

Maingat akong tumayo mula sa pagkakaupo. Napatingin akong muli kay Daniel. From my face, I saw him look down my legs. Nagtagal ang mga mata niya roon, bahagyang umigting ang panga bago ibinalik ulit sa aking mukha ang atensyon.

Nilisan ko na ang table namin at dumiretso na papasok sa back door. My heart is pounding so fast that it almost hurt. Nanglalamig ang mga kamay ko at pakiramdam ko ay hindi na ako nakaapak sa lupa dahil sa pagkailang na nararamdaman.

"Hi, Cheska! Narito ka pala?" puna ng isang lalaki na sa tingin ko ay school mate rin namin.

Hindi, anino ko lang ito.

"Yes." simpleng sagot ko bago siya nilampasan.

Mabilis kong nahanap ang banyo na sinasabi ni Amanda. Thankful that it's vacant, I entered the door and closed it right away. Still holding the metal door knob, I shut my eyes tight and exhaled heavily. Pakiramdam ko ay hindi ko na kaya pang bumalik doon at makaharap ulit siya. Masiyado na akong apektado sa presensiya niya, kapag nagsalita pa ay lalo na.

Kung magpaalam na kaya ako kay Amanda na uuwi na ako?

Nagmulat ako ng mga mata. Inangat ko ang kamay ko, sinilip ang relos at n nakitang pasado alas nuebe pa lang. Masiyado pang maaga para umuwi. Kung tutuusin ay halos kadarating ko lang. Kaya lang kasi ay parang hindi ko na kaya pa ang bumalik doon at makaharap si Daniel. After he pulled that stunts, I don't even think I can look at him in the eyes.

I sashayed towards the marble sink and leaned my palms over it. Sinipat ko ang sarili ko sa salamin. Namumula ang pinsgi ko na akala mo ay uminom ng alak. Biting my lower lip, I heaved a deep sigh and decided to go back outside. Hindi ako puwede tuluyang magpaapekto sa kanya. Kailangan ko sanayin ang sarili ko na baliwalain siya dahil iyon ang dapat. Sana lang ay tapos na ang spin the bottle nila. Pahamak lang 'yon!

I brushed my palms over my face and turned my back against the mirror. Pinihit ko ang door knob at hinila ito pabukas.

"Shit!" Halos manglamig ako nang maabutan ko si Daniel na nakasandal sa gilid ng pader habang magkakrus ang mga braso. He's already looking at my way as I came out.

"Mouth..." he drawled lazily.

Napakurap-kurap ako. "Did I curse?"

"You just did."

"That isn't a curse-"

"It still is, Cheska. You're not allowed to spit any curses when I'm around, remember?"

My brows furrowed. "Your fault. Bakit ka kasi narito?"

Oh, God! Am I already giving him the power to control me?!

He stood straight and shoved his hands inside his pocket as he sauntered near me. Penetrating his stormy eyes on mine, he tilted his head and licked his lips.

"Let's get out of here."

Kumurap-kurap ako. "What?"

"Alis tayo rito."

Bumusangot ako. "Tinagalog mo lang, e."

He chuckled. "I know some place near here. You'll surely like it."

"Amanda will look for me. At saka, bakit naman ako sasama sa'yo?" taas kilay na tanong ko.

"Your friends are already drunk, Cheska. Kapag nagtagal ka pa roon ay siguradong pipilitin ka na rin nila uminom. You surely don't want to cross your limitations, right?" he smirked. "Well, I won't let you to."

Kung sa bagay ay kanina pa nga talaga lasing si Amanda. Halata na sa paraan ng pagsasalita niya. Siguro ay hapon pa lang pagkauwian ay nagiinom na siya.

Huminga ako ng malalim. "I'll just go home-"

"Come with me. I'll take you to a quiet place-"

"Puwede ba, Daniel! Sinabi ko na sa'yo na hindi uubra sa akin 'yang kalokohan mo! At saan mo ako dadalhin, sa liblib na lugar? Pagkatapos ano, gagawin mo sa akin iyong gustong-gusto mong ginagawa sa kotse mo, ganoon ba?!" hinihingal na asik ko sa kanya. I tried to refrain myself from shouting for someone might hear me.

Umawang ang labi niya sunod-sunod kong paratang. Bakit? Totoo naman, ah! Maaaring ganoon nga ang plano niya kaya gusto niya akong dalhin sa lugar na sinasabi niya? Pero... paano kung hindi naman 'yon ang intensyon niya?

Ang bilis mo naman mag-alinlangan, Cheska!

"Is that what you think of me?" he asked all of a sudden.

Nagiwas ako ng tingin. "It's what everyone thinks of you."

He sighed. "I don't honestly care what they think of me, Cheska. Opinyon mo lang ang importante sa akin." For the second time, he breathed. "Let's have a deal."

Nakuha ng mga salitang 'yon ang atensyon ko. Tiningnan ko siya. "W-What deal?"

Humakbang siya, umatras ako. I felt the cold wall behind me, telling me that it's already dead end. Iniangat niya ang isang kamay niya, itinuon sa pader sa may bandang ulo ko habang ang isa ay nakapaloob pa rin sa bulsa ng denim jeans na suot niya. Anyone who will see us might think that we are doing some intimacy.

"If I did something wrong that will be against your will, then I'll stop bothering you. Hindi na kita kukulitin pa kagaya ng gusto mo," aniya. Napanguso ako sa suhestyon niya. Bakit parang ang pangit ng deal na 'yon? "And if I proved you that I mean no harm..." he cocked his head sideways and grazed his tongue over his lips. "Then I'll continue bothering you... until you finally realize that I'm damn serious about you."

Seryoso at puno ng awtoridad at bawat salitang iyon ni Daniel. Pakiramdam ko, malakas ang loob niyang hamunin ako sa ganoong klase ng deal dahil alam niya sa sarili niya na hindi niya 'yon gagawin sa akin. I don't know why I even said those foul words against him. Hindi ba at siya pa nga ang galit na galit nang rumampa ako sa harap ng maraming tao nung mismong sportsfest? Dahil masiyadong lantad ang suot ko. Doon pa lang ay dapat naiisip ko nang ayaw niya akong nababastos.

Bakit ang bilis magbago ng isip mo pagdating sa kanya, Cheska?

"Saan mo ba kasi ako dadalhin?" ungot ko nang nasa sasakyan na kami. Hindi na ako nagpaalam kay Amanda nang umalis kami ni Daniel ng bahay. I am not sure if she would still look for me or not. Lasing na siya at hindi na siguro niya ako maaalala.

"We're near."

Hindi kami lumalabas ng village nila Amanda, iyon ang napapansin ko. Ang iniisip ko ay around Manila kami pupunta pero nang ihinto niya ang sasakyan sa isang malawak na daan, hindi na naiwasan pa ng kilay ko ang magsalubong.

It's a silent and long concrete road. Sa magkabilang gilid ay naroon ang malawak na damuhan. Walang kahit anong bahay, tanging ang mga puno sa malayo lang ang makikita. Sa tingin ko, bakante pa ang lote na ito at wala pang nakakabili.

The car engine died down. I glanced at Daniel. "What are we doing here?"

Nilingon niya ako at tipid na ngumiti. He opened the door beside him and stepped out of the car, leaving me unanswered. Pinanood ko siyang umikot sa gawi ko bago binuksan ang pintuan sa aking gilid. Sinalubong niya ako ng seryosong tingin, bumaba ako kahit pa naguguluhan.

His minty and sweet alcohol scent filled my nostril as I stepped down and stood in front of him. Nagkatinginan kami, ako rin ang unang nagbawi at iniwasan ang direksyon niya. Umikot ako at naglakad hanggang sa may nguso ng kotse. The cold evening wind embraced my skin. Kusa kong inekis ang mga kamay ko sa tapat ng aking dibdib at naupo sa tarangkahan ng kotse. Nag angat ako ng tingin sa langit.

Sequin-silver stars like the scattered embers of a dying fire winked down at me, illuminating the atramentous curtain of sky. It's as if I could scoop it all up in my hands and let the stars swirl and touch one another but they are so distant, so far apart that they cannot feel the warmth of each other even though they are made of burning.

"This is where I usually go whenever I want peace." Daniel uttered, stealing my attention from the glowing dark sky. He sat beside me and then looked above, making me see the perfect bone structures on his face.

"Matagal mo ng alam ang lugar na ito?" tanong ko.

"Yes. Since last year. I have a friend who also lives in here. Sitting under the blanket of stars always calms me. Hindi ko alam kung bakit."

Inalis ko ang tingin sa kanya at muling dinala ito sa langit. A smile slowly crept on my lips. I didn't expect that a playful man like him could appreciate a scenic view like this. Daniel always looks brutal and hard. Kung iisipin ay hindi siya ang klase ng lalaki na makakakita ng ganda sa ganitong klase ng bagay.

"Maganda naman kasi talaga..." wala sariling bulong ko.

"Hmm. Maganda nga..." he whispered. "Sobrang ganda."

Unconsciously, I lowered my eyes and glanced at him. My heart palpitated when I found him staring intensely at me. His eyes were like the sky above, dark and very mysterious.

Natawa ako. "Gasgas na 'yang linya na 'yan!"

A smirk spread across his lips before raising his brow. "It is?"

Tumango ako. "Very."

He chuckled. "Sorry. It's the first time I said those kinds of words. It came natural, Cheska."

"Ewan ko sa'yo." sabi ko, natatawa. Ibinalik kong muli ang paningin sa kalangitan, hindi napapagod pagmasdan iyon.

Sandaling nanaig ang katahimikan. Tanging ang mahinang huni ng mga kuliglig at ang pagaspas ng mga damuhan dahil sa marahang ihip ng hangin ang siyang maririnig.

"I want to ask you again." he said, breaking the silence.

"About what?"

"May pag-asa ba ako?"

Natawa ako. "Sinagot ko na 'yan, ah. Hindi pa ako puwede makipagrelasyon dahil bawal pa."

He sighed calmly. "I understand. But how about you? Kung ikaw ang tatanungin ko, may pagasa ba ako sa'yo?"

Bumilis and kalabog ng puso ko. Pakiramdam ko ay may kung anong kumikiliti sa tiyan ko dahil sa pagiging seryoso ng boses niya.

"Gustuhin ko man, hindi pa rin puwede." makahulugang sabi ko.

I hope you already got the word, Monasterio.

He chuckled. "Oh no, baby. I do know how to read between the lines. Is that a yes?"

Nagbaba ako ng mga mata, nilingon siya at nakitang nasa akin ang paningin niya. "Oo pero hindi puwede, Daniel. I can't disobey my parents-"

"You won't disobey them. You will continue being the good student and daughter you are while having a relationship with me. I won't be a hindrance to your studies, I swear."

Mariin ko siyang tinitigan sa mga mata. Hindi ko lubos maisip kung bakit bigla akong naging sigurado sa nararamdaman ko para sa kanya. Those fights I had with him, those times I feel irritated because of his presence, those times I was looking for him when he's not aroud... I think I already know the reason why I was being like that. Unang beses pa lang na magkatitigan kami noong makita ko sila ni Santita sa mismong harapan ko, alam kong nagkaroon na kaagad siya ng epekto sa akin. It had been proven when fate made its own way to make our paths crossed. Closer. Bolder.

"I don't know. Hindi ko alam ang iisipin ko. This is new to me, Daniel. I've never entertained boys throughout my entire life."

He stared at me as if he's trying to search something through my words. Iniabot niya ang kamay sa akin.

"Come here..."

Tiningnan ko 'yon bago marahang inabot. The moment our palms locked with each other, it feels like the galaxy have exploded above us. Marahan niya akong hinila palapit sa kanya. Just before I know it, he's already behind me, wrapping his arms around my waist.

"Speed..." I giggled.

His throat released a soft chuckle. "Sorry. I've been imagining this position for a long time now. Embracing you like this felt so good in my imagination," his hug tightened a bit. "Hindi ko alam na mas masarap pala sa pakiramdam kapag totoo na."

"You sound like you have never felt embracing someone from behind, Daniel." natatawang sabi ko. "Sa dami ng naging babae mo."

"Hmm, would you believe me that this is actually the first time I hug a girl from behind?"

"I won't..."

He chuckled, his warm breath making love with my nape. "Hindi kita pipilitin maniwala. Pero ikaw ang una..." muling humigpit ang yakap niya sa bewang paikot sa tiyan ko. "Ikaw rin ang magiging huli."

Ngumuso ako, aminadong may hatid na kilig ang mga salita niyang iyon. "Why am I letting you hug me this way, Daniel? Ayaw ko sa'yo, e. Arogante ka at palagi mo akong iniinis. I really hate you."

"You do?" He asked raspily.

"Yes."

"Don't worry. It won't take long. I'll make sure of that..."

We sit under the stars, which were like a beautiful, surreal blanket above our heads. I could feel his heartbeat against the back of my head, and could hear the soft breaths of him by my side. That's when it hit me: Sometimes we are like stars- we fall to make someone's wish come true.

"I won the deal, Cheska." he whispered breathlessly. "Hindi ako titigil hanggang sa tuluyan mo na akong papasukin sa buhay mo at ikaw na mismo ang makaramdam na gusto kita..." He exhaled, his scorching breath kissing my neck. "Hulog na hulog ako sa'yo. Sa paraang hindi ko na gustong umahon pa."

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height