After All/C17 Kabanata 16
+ Add to Library
After All/C17 Kabanata 16
+ Add to Library

C17 Kabanata 16

Kabanata 16

Hindi mapuknat ang ngiti sa labi ko habang papalapit ng papalapit ang sasakyan namin sa mismong mall ng Megaworld. I've never been excited going out, ngayon pa lang. At ako mismo ay alam sa sarili ko kung bakit ako nasasabik ng ganito.

"Manong Dencio, huwag mo na ako hintayin, ha? Baka kasi matagalan pa ako. Magtetext na lang ako sa'yo kagaya ng kagabi." sabi ko sa kanya habang abala siya sa pagmamaneho.

I saw his wrinkled eyes moved to the rearview mirror. "Ikaw ang bahala, Ma'am Cheska."

Tipid ang naging ngiti ko. "Salamat nga pala, Manong. Hindi mo ako isinumbong kela Mommy tungkol kagabi."

Bago mag-alas dose kagabi ay bumalik na kami ni Daniel sa mismong bahay nila Amanda. I was tensed when I saw Manong Dencio leaning against our car as if he's already waiting for me. Maaga pa siya sa napagusapang oras, marahil ay inutusan na siya ni Mommy na puntahan na ako.

He saw me stepping out of Daniel's car. Wala naman siyang sinabi kahit nang makauwi na kami. Pero kinausap ko siya na sana ay huwag na makarating sa mga magulang ko ang nakita niya. Kung tutuusin ay wala naman siyang nakitang masama ma ginawa namin. But the thought of me getting out from someone's car, mostly if is a man's, is something my parents couldn't know.

"Bakit naman kita isusumbong? Kakampi mo ako, Ma'am Cheska. Alam ko kung gaano kahigpit sa'yo ang mga magulang mo. May anak rin akong babae at ganoon na rin ang turing ko sa'yo..." mahinahon niyang paliwanag. "Ang hiling ko lang, sana ay pagiisipan mo palagi ang desisyon mo. Pipiliin mo ang mga taong sasamahan mo dahil delikado na ang panahon ngayon."

"Huwag kang mag-alala, Manong. Hindi po ako basta-basta sumasama-"

"Sa kanya lang?" putol ni Manong Dencio sa sasabihin ko. His eyes were down into a teasing smile. "Hindi ka basta sumasama sa iba dahil sa kanya ka lang nasama. Iyon ba ang ibig mo sabihin?"

Ngumuso ako sa panunudyo niya. Natawa siya at muling idinerekta sa daan ang mga mata. Minabuti ko na lang na huwag ng sumagot dahil sigurado akong mahuhuli niya ako sa pamamagitan pa lang ng ngiti sa labi ko.

"Sabagay ay mukhang matino naman ang lalaking kasama mo kagabi. Gwapo pa at matipuno. Bagay lang kayo dahil napakaganda mong bata. Isa pa, ang paraan ng pagtingin niya sa'yo ay para bang ikaw lang ang babaeng nakikita niya. Nobyo mo na ang isang 'yon?"

"Naku, Manong! Hindi ko po 'yon nobyo."

Tumingin siya sa akin mula sa rearview mirror. "Pero gusto mo siya?"

Lolokohin ko pa ba ang sarili ko? Hinayaan ko na nga siyang yakapin ako kagabi. It's the first hug I've ever received from a man except from my father and I'm not regretting it. Ramdam ko ang saya sa puso ko na siya ang lalaking una kong hinayaan na yakapin ako ng ganoon.

Napaka-impokrita ko kung sasabihin kong wala akong nararamdaman para sa kanya, o hindi pa ako nahuhulog sa kanya. Pero siyempre ay hindi ko 'yon sasabihin kay Manong Dencio.

Huminto ang sasakyan sa tapat ng Megaworld. Nagpaalam na ako kay Manong Dencio at bumaba na mula sa backseat. As soon as I stepped out of the car, a smile soft smile spreads across my face as I got to see Daniel leaning against the wall near the mall entrance. His hands were both inside his jean pocket. Nasa gawi ko kaagad ang nakatuon ang mga mata niya.

"Bilis, ah." bulong ko sa sarili. Inayos ko ang chained sling bag ko sa aking katawan at naglakad na patungo sa gawi niya.

Hindi naaalis ang titig ko sa kanya. Sa kabila ng suot na sunglasses, malinaw ko pa rin nakikita kung gaano siya kakisig kahit pa sa malayuan. His appearance stands out in the crowd, as always. With his denim jeans, white vneck shirt and brown boots, he looks like some international model who was asked to pose in front of the camera. Kagaya ko, nakasuot rin siya ng salamin.

Pigil ko ang aking hininga habang papalapit ng papalapit sa kanya. I saw how his lips suddenly twitch.

Bakit na naman kaya ito nangingisi?

Isang hingang malalim ang pinakawalan ko bago itinaas ang shades na suot at ipinatong sa ibabaw ng aking ulo. I let some of my hair wander as they are being blown by the gentle wind.

"Good morning." I greeted the moment I stopped in front of him and then followed by a soft smile.

Lumawak ang ngisi sa labi niya. He stood straight and removed his wayfarer, revealing his dark and intimidating eyes. He slouched a bit and tilted his head. My body almost freeze when I felt his warm breath embracing my cheek. Halos magtaasan ang balahino sa batok ko nang maramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa pisngi ko.

"Mornin'." he whispered raspily before bringing his eyes back to my face. Bumaba ang mga mata niya sa katawan ko, partikular sa hita. His lips protruded a bit. "Don't you think you're showing too much of your legs, missy?"

I looked down myself. I am wearing a teal floral v-neck romper. Loose and manggas nito na umaabot sa aking siko. Ang iksi ng naman ay hanggang kalahati na ng hita ko. I paired it with a nude knee high gladiator that highlighted my fair skin tone.

Nag angat ako ng tingin kay Daniel. "Am I?"

"Absolutely..." He said, cocking his brow up. "And I think you're too pretty today."

Fire invaded my cheeks. Kung noon ay nakakaya ko pang pigilan ang sarili ko sa tuwing kikiligin dahil sa kanya, ngayon ay hindi na. Pasimple kong kinagat ang labi ko at ngumiti.

"Bolero ka talaga," sabi ko at nilampasan na siya. "Halika na nga."

I heard him let out a deep chuckle. Napailing na lang ako habang nangingiti. Pakiramdam ko ay wala akong pagsisisihan na hinayaan ko siyang samahan ako dito sa mall para magpalinis ng ngipin.

Last night, he asked me if he could come with me here. Nag-alinlangan akong pumayag dahil baka may makakita sa akin na kakilala ng pamilya namin at isumbong ako kela Mommy pero bahala na. Wala naman kaming ginagawang masama kung sakaling may makakita nga.

For the first time, I am defying my parent's rules for me. Iyong pinaka-importante pa.

"So... how are we going to start our date?" Daniel asked after he's done with the frisking.

Nilingon ko siya, taas ang kilay. "Date 'to? I wasn't informed, Daniel."

His lips twitched sexily. "You are now, Ches."

Hindi na ako sumagot pa, bumuntong hininga na lang at nagtungo sa direksyon kung saan naroon ang clinic na sadya. Tahimik lang si Daniel habang naglalakad kami. Karamihan sa mga babaeng nakakasalubong namin ay nakatitig sa kanya at nanghahaba pa ang leeg.

Masiyadong nang-aagaw ng atensyon ang presensiya niya kahit sa mga taong hindi naman niya kilala. Daniel looks like a model and this is his runway. That's how attention-stealer he is.

Pumasok kami sa loob ng clinic. Nagpalista ako at sinabing ako na ang susunod pagkatapos ng isang pasyente. Naupo muna kami ni Daniel sa visiting area.

"You have your regular teeth cleaning here?" tanong ni Daniel pagkaupo namin.

Tumango ako, ang paningin ay nasa mga portrait ng dentistang ilang taon na naming binabalikan ni Adrianna dahil sa ganda ng serbisyo nito.

"Yes..." I said mindlessly.

"Hmm. Then I should move here so we'll have the same dentist and have our teeth checked together."

Mabilis niyang nakuha ang atensyon ko. There's a goofy smirk on his lips the moment our eyes locked with each other.

Natawa ako. "Required ba 'yon para sa isang lalaking gusto pa lang manligaw?"

He flashed a lopsided grin. "Not really. Pero kapag naging tayo na, required na 'yon."

"Bakit pakiramdam ko required rin akong makipagrelasyon sa'yo?" nakakalokong tanong ko at sinamahan pa ng mapang asar na ngisi.

Suddenly, he looked ahead of us and placed his arm above my head rest. Ipinatong niya ang kaliwang hita sa kanan at nilingon ako.

"You have no choice, Cheska. I won the deal. Hahayaan mo akong pumasok sa buhay mo..." bulong niya. "Kung hindi pa nga ba ako nakakapasok."

Tinaasan ko siya ng kilay, natatawa. "Taas ng confidence, ah?"

Humalakhak siya. Nahagip ng mga mata ko ang paglingon sa amin ng receptionist. I glanced at her and gave her a smile. Tipid na ngiti lang rin ang isinagot niya sa akin. Nang lingunin ko si Daniel ay nakatingin na rin ito sa receptionist. When he saw me looking at him, he anchored his eyes on me and flashed his seductive smirk.

"Tone down your voice!" I hissed.

"Yes, baby."

Parang may natapon na kung ano sa sikmura ko. Bago niya pa makita ang siguradong pamumula ng pisngi ko, umayos na ako ng upo at itinuon na lang ang atensyon sa harapan.

He chuckled. "God. My Cheska is really adorable."

"I am not yours..."

"You will be," he smirked. "Soon."

I couldn't agree more with you, Daniel. Alam kong hindi magtatagal, kapag pinagpatuloy mo ang lahat ng ito, siguradong susuwayin ko na ang mga magulang ko dahil bibigay na ako sa'yo.

Hindi ko masabing totoo ang kasabihan na 'the more you hate, the more you love'. I am not sure if I really hated him before. Nagsimula lang naman ako makaramdam ng inis dahil ipinahiya niya ako na mayroon naman palang dahilan kung bakit niya nagawa. Simula nang aminin niya sa akin ang totoo, ang tungkol sa nararamdaman niya sa akin, pakiramdam ko ay hindi ko na tanda ang mismong dahilan kung bakit ko siya inayawan noon.

"Where do you want to eat? It's almost lunch." Daniel asked the moment we got out of the clinic.

Hindi ako nakasagot kaagad. My attention was now focus on the beauty salon in beside us. May ilang tao sa loob, lahat ay nakaupo sa mga upuan habang may kanya-kanyang umaasikaso ng buhok nila.

My eyes particularly settled on a woman who has a straight long hair. Sa likod niya ay isang bakla, hawak ang buhok niya at may ipinapahid rito na kung no.

Makes me wonder...

"What's wrong?" Daniel questioned that snapped me out of my thoughts. Nilingon ko siya at nakitang nakatingin na rin siya sa salon na tiningnan ko ngayon-ngayon lang. "You wanna go inside?"

"Sa tingin mo bagay sa akin ang tuwid ang buhok?"

Agad nagsalubong ang kilay niya bago ibinalik sa akin ang mga mata. "Yes. Why?"

"I am thinking of having a change. Gusto ko magpatuwid-"

"No..."

My turn to raise my brow. "What?"

Huminga siya ng malalim at mariin akong tinitigan. "Bagay sa'yo ang kahit ano, Cheska. But your curly hair is one of the many reasons why I am so head over heels with you. Nagmumukha kang diwata dahil diyan kaya bakit mo iibahin?"

Blush seared through my cheeks. Maka-diwata naman ang isang ito!

"Bolero! Naisip ko lang para maiba naman. Kuryoso rin kasi ako kung ano magiging itsura ko kapag tuwid na ang buhok ko." sabi ko at nagpatuloy sa paglakad, nilampasan na siya.

"Nothing will change, Cheska. Maganda ka pa rin." dinig kong sabi niya mula sa aking likod na ikinangiti ko.

My day with Daniel has been very productive and happy. Pagkatapos kumain ay nanood kami ng sine. We even went to a book shop and and had coffee after. Sa huli, nagdesisyon akong huwag nang magpasundo kay Manong Dencio dahil hindi ako nilubayan ng kakulitan ni Daniel na siya na ang maghahatid sa akin. Mabuti na lang at nasabihan naman ako ni Adrianna na umalis raw ang parents namin ngunit babalik rin kaagad.

Huminto ang kotse ni Daniel sa harapan ng bahay. Tumingin ako sa kanya. He's already looking at me.

"Thank you for today." sabi ko.

He smiled. " I should be the one saying that, Ches. I had a great time with you. Sana maulit."

Ngumiti ako, nagkabalikat. "Malay mo..."

He chuckled. "Will hold on to that."

My lips line into a genuine smile and nodded. "Papasok na ako."

Inalis ko ang seatbelt. I opened the car door and was about to step down when he held me on my arm that made me look at him. Mataman siyang nakatitig sa mga mata ko at tila ba may gustong hanapin mula roon.

"I'll wait for you tomorrow. Let's meet each other at the gate." he said gently.

Hindi kaagad ako nakasagot, nananatili lang nakatitig sa kanya. It took me a couple of seconds before I took a deep breath and nodded my head.

"Sige. H-Hintayin mo ako kung ganoon."

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height