After All/C18 Kabanata 17
+ Add to Library
After All/C18 Kabanata 17
+ Add to Library

C18 Kabanata 17

Kabanata 17

Malayo pa lang ay natatanaw ko na si Daniel. He's leaning against his black Aston Martin while hands shoved inside his slacks' pocket. Nasa simento ang atensyon niya ngunit agad rin nag-angat ng tingin nang tuluyan nang pumasok sa parking ground ng school ang sasakyan namin. I know that he's already familiar with our family car. Sa tingin na ipinupukol niya palang sa gawi namin ay kumpirmado na.

"Naku, nariyan na pala ang inspirasyon mo, Ma'am Cheska." tudyo ni Manong Dencio habang patuloy sa pagmamaneho papasok.

Natawa ako. "Ikaw talaga, Manong."

"Ayos lang iyan, Ma'am. Hindi naman masama ang umibig sa ganitong edad. Gawin niyong inspirasyon ang isa't-isa habang nag-aaral kayo."

"Sana po ay ganiyan rin ang pananaw nila Mommy tungkol sa pakikipagrelasyon." sabi ko, hilaw ang ngiti.

Tumingin siya sa akin sa rearview mirror, may simpatya sa kanyang mga mata. "Huwag kang magalala. Nararamdaman ko na magbabago pa ang mga magulang mo pagdating sa inyong magkapatid. Maaaring ikaw ang dahilan, o si Adrianna. Maniwala ka."

That's the last words I've heard from Manong Dencio before I went out of the car. Hindi ko maiwasan umasa sa sinabi niyang iyon, na magbabago pa ang mga magulang namin. Kung hindi man sa akin, kahit pagdating na lang sa kapatid ko. Sana hayaan nila itong gawin ang gusto habang nagdadalaga, basta nasa tama.

Umayos ng tayo si Daniel pagkakita sa akin. A fresh and soft smile blossomed in his lips. Naglakad siya palapit sa akin, astang sasalubungin ako.

Hindi ko akalain na seryoso siya sa sinabi niya kahapon na hihintayin niya ako rito. Akala ko ay nagbibiro lang siya. Sa mahigit isang buwan na nakikilala ko siya, alam kong dumadating siya ng sakto na sa oras ng klase. Last minute kumbaga. Hindi kagaya ko na isang oras pa bago ang klase ay narito na.

"Good morning. Kanina ka pa?" tanong ko nang nasa harap na namin ang isa't-isa.

His lips stretched into a boyish smile. Noon pa man, sa tuwing makikita ko siya sa umaga, hindi ko na siya mapigilan pang purihin sa isip ko. His clean cut black hair looks blow-dried. Ang ilang hibla ay nakabagsak sa noo niya, umaabot hanggang sa ibabaw ng kanyang makapal na kilay. Maging ang mapula niyang labi ay mamasa-masa pa at tila ba kakatapos lang dilaan.

"Fifteen minutes ago." he said and was about to take the books from my hands when I refused. Nag angat siya ng kilay.

"Huwag na. Kaya ko naman-"

"I am not asking if you can hold it or not, Cheska. I want to hold if for you..." he cut me off and took the books from me.

Bumuntong hininga ako. "Baka isipin nila na totoong ako ang dahilan ng paghihiwalay niyo ni Emerald, Daniel."

He stared at me. His deep brown eyes sliding into focus. "When will you stop thinking about what others might think about us, Cheska? This is between you and me. Labas sila sa kung anong mayroon tayo ngayon."

Something in those words suddenly makes me feel giddy. Hindi na napigilan pa, natawa ako na ikinataas ng kilay niya.

"Ano ba ang mayroon sa atin?" tanong ko.

His mouth twitched, and I was pretty sure he was fighting a smile. Inangat niya ang kamay at inalis ang ilang buhok sa aking pisngi bago ito marahang iniipit sa gilid ng tainga ko.

"Ask your self, Francheska. Ano na nga ba ang mayroon sa atin?" he asked teasingly while eyeing with so much passion. "Ikaw lang ang makakasagot niyan."

Kung ako ang tatanungin, alam ko sa sarili ko na may malalim na akong nararamdaman para sa kanya. This isn't crush anymore. I even thought that I would never reached that stage. Pakiramdam ko ay nilaktawan ko na ang emosyon na 'yon. What I am feeling for him now is something deeper than crush or infatuation.

"Pasok na tayo." sabi ko, mas piniling huwag na lang sagutin ang sinabi niya dahil baka bibig ko pa mismo ang magpahiya sa akin.

Sa ganitong estado namin kung saan nangliligaw pa lang siya, kailangan ko ipakita na hindi pa ako ganoon ka-interesado sa kanya. Kung hindi pa nga ba halata.

Narinig ko ang malalim niyang tawa. Agad niya akong nahabol. Sabay kaming pumasok sa gate. Sa entrada pa lang, sari-saring uri ng tingin ang agad na ipinukol sa amin. Most of them were holding curiosity. Siguro ay nagtataka kung bakit kami magkasama, lalo pa at si Daniel ang may hawak ng mga libro ko.

Bahala na. Dapat ay inaasahan ko na ito umpisa pa lang ng hayaan ko siyang dumikit ng ganito kalapit sa akin.

Nilingon ko siya. He's just staring ahead of us. Sa paraan ng pagdidikit ng kilay niya, pakiramdam ko ay hindi niya nagugustuhan ang atensyon na ibinibigay sa amin.

"See what I mean?" I asked, sarcasm surely laced within my voice.

"Tss. Asked me that when I already give a damn about them." he uttered snobbishly.

Napailing ako. No matter how many words of discouragement I throw at him, I don't think he would still change his mind about me. Itutuloy pa rin niya talaga ang kagustuhan niyang magkaroon kami ng relasyon.

Nakarating kami sa tapat ng room. Si Emerald agad ang bumungad sa amin. Nasa upuan niya ito at nakatingin sa amin. I saw the pain and hatred in her eyes as she look at us. Pilit kong iniiwas ang tingin sa kanya. A smile crept on my lips when I saw Camille and Amanda sitting on our designated area. May nakapaskil na kaagad na ngisi sa labi nila habang nakatingin sa gawi namin, halatang nangaasar.

Hinarap ko si Daniel. He's already looking at me.

"Kuhanin ko na 'yong mga libro," sabi ko. He looked down the books and nodded his head. Maingat niya itong inabot sa akin. "Salamat."

"Sabay tayo sa lunch. Susunduin kita dito." seryosong sabi niya.

"Kasabay ko sila Amanda, e."

Tumango siya. "Walang problema. Ako ang sasabay sa inyo kung ganoon."

Ramdam ko kung paanong may kung anong tumusok sa puso ko sa nakakakiliting paraan. I bit my lip from the inside. His eyes moved there but instantly brought them back to my face.

"Ikaw ang bahala. Wala ka bang kasabay mamaya?" tanong ko nang makabawi.

"Mayroon," sagot niya na ikinataas ng kilay ko. He smiled cooly. "Ikaw."

I laughed a bit. "Ewan ko sa'yo. You are really crazy-"

"I'm crazy about you, Ches."

Gumapang ang init sa aking pisngi. Nagiwas ako ng tingin at pilit na natawa. "Sige na. Papasok na ako. Mamaya na lang."

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Tumalikod na ako at naglakad na papasok ng classroom. Emerald's sharp eyes pierced through me. Hindi ko na lang 'yon pinansin saka dumiretso na sa mga kaibigan.

"Siguro naman mag-kukwento ka na?" makahalugang sabi ni Amanda pagkahalik ko sa pinsgi niya.

Natawa ako. "Tungkol ba saan?"

"Naku! Ang in-denial mo talaga!"

Ngumiti ako kay Camille. She's also smiling gigantically at me. Naupo ako sa armchair ko at hinarap sila.

"So, what's the real score between you and Daniel? Bigla na lang kayo nawala nung birthday ni Amanda." sabi ni Camille.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Bumuntong hininga ako, isinandal ang likod sa backrest at tipid na ngumiti sa kanila.

"Hindi ako sigurado sa itatawag pero... umamin siyang gusto niya ako." mahina ang boses na sabi ko. "Matagal na kung tutuusin. Nung sportsfest pa lang."

Camille's eyes widened. Si Amanda ay hindi nagbago ang ekpresyon ng mukha at para bang inaasahan niya na ang rebelasyon na 'yon mula sa akin.

"I've already expected that, Cheska. Matagal ko nang napapansin ang bagay na iyan. Palagi ko nahuhuli si Daniel na malalim lagi ang titig sa'yo. Since the day he asked me about your favorite dessert, I knew right away that he has something for you." Amanda stated.

"Kaya lang, Ches, Daniel is known as a notorious playboy. Don't get me wrong pero paano kung panandaliang ligaya lang ang hanap niya? You know what I mean," Camille shrugged her shoulders. "Kagaya ng ginawa niya kay Crisanta at Emerald."

"I don't think so," si Amanda. "There's something in Daniel's eyes whenever he looked at you. Basta! Hindi mo 'yon napapansin dahil hindi mo naman siya nahuhuli na palaging nakatitig sa'yo. Pero ako, matagal ko nang napapansin. He never looked at Crisanta and Emerald that way, or to anyone who he had a relationship with before. Saka mararamdaman mo naman 'yan. You're a smart girl, Ches. Ikaw ang unang makakaramdam kung malinis ang intensyon niya sa'yo o hindi."

Tinitigan ko si Amanda, ipinapasok sa isip ang bawat sinasabi niya. Tama siya. Higit kanino pa man, ako ang makakaramdam kung malinis ang intensyon ni Daniel sa akin. Sa tuwing aaminin niya sa akin na gusto niya ako, wala akong ibang emosyong nakakapa sa kanya kung hindi ang pagiging sinsero niya. I hope I'm right. I hope it always stays that way. Sana tama ang dikta ng puso at isip ko na bigyan siya ng pagkakataon.

"Pero bagay kayo, friend. Kanina nung parating kayo, hindi ko mapigilan ang purihin kayo sa isip. Matangkad si Daniel pero halos hindi nalalayo ang tangkad mo sa kanya. He looks very intimidating and ruthless while your angelic face and aura sends everyone the idea that you're calm and gentle. Kabaliktaran niya. Bagay lang! Opposites attract, ika nga nila." singit naman ni Camille na ikinatawa ko lang.

Somewhere in me felt delighted hearing that Daniel and I looked good with each other in every aspect. Wala ng mas sasaya pa sa pakiramdam ang marinig na bagay kayo ng lalaking gusto mo.

True enough, lunch time came and Daniel was already outside our room. May ilang minuto pa lang simula nang tumunog ang bell at nasa labas na kaagad siya.

"Naku, nariyan na ang sundo mo! Hihiwalay na ba kami sa'yo sa pagkain?" natatawang tanong ni Camille.

Nginiwian ko siya. "Siya ang sasabay sa atin. Iyon ang usapan namin dahil sinabi kong magkakasabay tayo kakain ngayon."

"Sweet naman! Sana huwag kang magbago kahit maging kayo na."

I gave her an assuring smile. Alam ko sa sarili ko na walang magbabago kahit maging kami na ni Daniel. Walang kailangan magbago dahil lang doon.

Mula sa labas, nakita ko si Emerald na nakatayo sa harapan ni Daniel. He's giving her a bored look as if Emerald was saying nonsense words. From her, Daniel transferred his eyes to me. Mula sa pagkakahilig sa barandilya ng corridor ay napaayos siya ng tayo. Tipid lang akong ngumiti sa kanya.

"Mukhang nagmamakaawa na naman si Emerald. Desperada na talaga." sabi ni Amanda.

Sabay-sabay kaming lumabas ng room. Nakita ko ang pagbuka ng labi ni Daniel dahilan para lumingon sa gawi ko si Emerald. Her eyes were glassy and sharp. Matalim niya akong tinitigan bago siya nagmadaling naglakad paalis.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makababa na siya ng corridor. I anchored my eyes on Daniel. He's eyeing me with immense intensity.

"Hindi pa rin maka-move on 'yung ex mo, Daniel?" sarkastikong tanong ni Amanda at nagpatiuna na sa paglalakad. Sinabayan siya ni Camille habang kami ay nasa likuran nila.

"She can move on if she wanted to..." Daniel answered nonchalantly.

Ngumuso ako sa naging sagot niya. This man is really heartless. Wala man lang akong naramdaman na pagkakunsensiya sa naging sagot niya.

Humagalpak ng tawa si Amanda. "Kaso ayaw niya kaya magdusa ka raw. Mukhang hindi ka hahayaan ni Emerald na maging masaya sa kaibigan namin."

Wala say sarili akong napalingon kay Daniel. From Amanda, he diverted his dim eyes to me and shot both of his natural thick eyebrows.

"My happiness doesn't depend on anyone except for Cheska, Amanda. Keep that in mind."

Napuno ng tili ang corridor dahil kay Camille at Amanda. Ilang segundo pa akong nanatiling nakatitig kay Daniel, ganoon rin siya sa akin bago ako na ang kusang nagbawi. Sa halip, itinuon ko na lang ang paningin sa harapan at hinayaan ang isip na maglayag.

Paano kung magkatotoo ang sinabi ni Amanda? Paano kung hindi tigilan ni Emerald si Daniel? Paano kung kami na pero hayun pa rin siya at patuloy na ipinagpipilitan ang sarili sa kanya?

Huminga ako ng malalim. Sa tingin ko ay hindi ko na problema pa iyon. It's already Daniel's. Diskarte niya na kung paano tatapusin ang matagal ng tapos sa kanila.

Weeks have passed. Hindi nagmintis si Daniel sa panunuyo sa akin. Araw-araw niya akong hinihintay sa gate tuwing umaga at sabay kaming papasok. Sa lunch ay ganoon rin. Bihira ang mga araw na hindi kami nagkakasabay dahil sa schedule namin. Kung minsan ay may practice sila ng basketball, kung minsan naman ay abala sa activities dahil graduating na siya. Ganoon pa man ay hindi siya sumasablay sa pagtext at pagtawag sa akin.

Kung mayroon man hindi pormal sa ginagawa niyang panliligaw sa akin, iyon ay sa labas lang kami palagi nagkikita. No matter how much he wants to visit me at home, I can't. Siguradong magagalit sila Mommy sa akin at ayokong pagbuntunan nila ng galit si Daniel. Ipinaliwanag ko 'yon sa kanya at naintindihan naman niya.

"You sure this is fine? Ayokong mapagalitan ka ng dahil dito, Ches." tanong ni Daniel isang dapit hapon habang patungo kami sa village nila Amanda.

It's already six in the evening and I should be home right now. Nagpaalam ako kela Mommy na mayroon laming group study ngayon. Pumayag naman at sinabing ipapasundo na lang ako sa oras ng uwi ko. I had to lie to so I can have the chance to be with Daniel. Ang totoo ay gusto naming tumambay sa bakanteng lote kung saan kami unang nagkapalagayan ng loob.

"Sabi ko naman ay may group project na kailangan gawin." sabi ko, ang paningin ay nasa labas ng bintana.

Huminto ang kotse sa dati naming pinupwestuhan. He sighed. Nilingon ko siya. Nakatitig siya sa harapan. The light coming from the early moon illuminated his face, making me see the perfection of it.

"I'm sorry if you had to lie because of me, Cheska. Kung pumayag ka lang sana na humarap ako sa mga magulang mo ay hindi natin kailangan magtago ng ganito." sabi niya nang lingunin ako.

Tinitigan ko siya, tipid na ngumiti lang bago naisipan lumabas na ng kotse. Night had fallen fast upon the land. No more than an hour ago the sky was painted with hues of red, orange and pink, but all colour had faded leaving only a matt black canvas with stars to be looked upon. Cold air swirled around me taking every lick of warmth it could. I wrapped my arms tighter around myself as I heard the loud thud of the car door.

Sumandal ako sa nguso ng kotse. Mula sa gilid ng mga mata ko, nakita ko ang pagtabi Daniel sa akin. He placed some of the paperbags above the car hood. Pagkain ang laman ng mga iyon. We bought it along the highway. Naisipan kasi namin mag-picnic dito kahit sa loob lang ng dalawang oras.

Habang nakatingin sa langit ay pansin ko ang paninitig niya sa akin. Malungkot akong ngumiti.

"Gusto mo bang malaman kung bakit ako nag-transfer sa school niyo, Daniel?" tanong ko.

"Hmm. Kahit na anong tungkol sa'yo ay magiging interesado ako, Cheska."

I chuckled. "Nalaman nila Mommy na may mga lalaking nagtatangka mangligaw sa akin doon. They kept on giving me flowers and gifts. Hindi ko naman tinatanggap pero minsan ay wala akong choice. I had to accept those gift because I felt embarrassed for them. Pero hindi ibig sabihin no'n ay interesado na ako sa kanila," sabi ko. "Nalaman iyon ng mga magulang ko. Hindi ko alam kung paano. They were so mad at me. Akala nila ay susuwayin ko sila sa batas nilang hindi ako puwede makipagrelasyon habang nag-aaral pa. Para makasiguro ay inilipat nila ako sa school niyo. Kahit na malinis ang kunsensiya ko ay pumayag na lang ako para wala na silang masabi pa."

Huminga ako ng malalim at nagbaba ng tingin. I looked down my shoes and then glanced at him. He's eyeing me seriously. Sa klase ng paninitig niya sa akin, pakiramdam ko ay handa siyang pakinggan ako sa lahat ng gusto kong sabihin.

"Kapag pinayagan kitang pumunta sa bahay at ipinakilala bilang manliligaw ko, siguradong magagalit sila sa akin. At pagkatapos no'n, may posibilidad na ilipat na naman nila ako ng escuelahan kahit pa alanganin na. Iyon ang iniiwasan ko mangyari, Daniel," pag-amin ko. "Ayokong lumipat ng escuelahan. Ayokong... mahinto ang kung ano mang sinisimulan natin ngayon."

Mas dumiin ang titig niya sa akin. His jaw was clenching but not in a dangerous manner. It's like he's refraining some emotion inside him to come out.

"What are you trying to say, Cheska?" he asked, voice so deep and gentle.

Natawa ako, muling ibinaling sa lagit ang mga mata. "I thought you knew how to read between the lines?"

"Damn," he chuckled under his breath. "I need some clear and straight answer, Cheska. Gusto kong makasiguro na tama ang pagkakaintindi ko sa sinabi mo."

My lips stretched in a smile. "Noong una ay naguguluhan pa ako. I kept on thinking what the difference is between love and infatuation. Hindi ko alam dahil wala pa akong karanasan sa ganito. Sa'yo ko unang naramdaman ito at hindi talaga ako sigurado. But as the days goes by, nagiging malinaw na sa akin ang lahat..." amin ko at nagpakawala ng buntong hininga. Matapang ko siyang nilingon. His eyes were holding anticipation for the words I'm going to last out. "This isn't infatuation, Daniel. This is already love. And I'm sure of that."

Daniel, disregarding his silence, continued to stare at me wild-eyed. Natawa ako sa reaksyon niya. It's a matter of ten good seconds when he avoided my gaze and looked above. Tumaas-baba ang dibdib niya bago pumikit ng mariin, na para bang ang laking problema ng sinabi ko.

"Well, it's wasn't the reaction I'm expecting from you." I said with pure sarcasm.

He finally unlocked his eyes and dropped his head down. Tumingin siya sa akin, mapungay ang mga mata.

"You just gave me too much words to ponder, Cheska. Don't expect me to stay calm," he breathed. "Fuck. My baby's fucking in love with me, too!"

Too? So he means... he's also in love with me? Hindi na lang basta gusto, mahal niya na rin ako?

Cut it, Cheska. It doesn't matter. Ang importante ay parehas na kayong may nararamdaman para sa isa't-isa.

"But that's it, Daniel. That's the only thing I can offer you. We can be in a relationship but I can't let you meet my family for now. Sana maintindihan mo. Ayokong dumating ang punto na magkasira tayo dahil sa mga magulang ko."

I heard him sigh. He held me on my elbow that made me look at him. Hinila niya ako patungo sa harapan niya. Just like before, he wrapped his arm around my waist and hugged me from behind. He rested his chin above my shoulder.

"I understand. I don't want to risk it, too. Makukuntento na muna ako sa ganito. Kapag natapos ka na sa pagaaral, saka tayo haharap sa kanila..." He tightened his hug on my waist as he breathed. His warm breath making contact with my skin. "Is that fine with you?"

"Yes. Kaunti na lang naman at graduate na rin ako. Sa mga panahon na 'yon, siguradong nagtatrabaho ka na. Puwede na talaga tayong humarap sa kanila."

But how sure are you na kayo pa rin sa mga panahon na 'yon, Cheska? Matagal pa ang mahigit isang taon. Marami pang puwede mangyari.

This isn't the right time to be negative.

Daniel chuckled, his husky voice vibrated from his throat. "I am already working, baby. If that's what you're trying to say. Puwede na akong humarap sa mga magulang mo kung iyon lang ang iniisip mo."

Kunot noo ko siyang nilingon. "Nagtatrabaho ka na? Saan? Working student?"

Come to think of it. I've known him for months now, got to hang out with him for so many times but still, wala pa akong gaanong nalalaman tungkol sa kanya. Just basic informations like his name, birthday, favorite food and such.

A soft and sexy chuckle arises from his throat. "We have our own company."

"Talaga? Anong business niyo kung ganoon?"

He groaned lazily. "Let's not talk about it anymore, Cheska. Tayo muna ang pagusapan natin."

Kumalas siya mula sa pagkakayakap sa akin at walang pasabi akong iniikot paharap sa kanya. My hands automatically flew around his neck. Inilagay niya ang mga kamay sa bewang ko, ang init ng palad niya ay tumatagos roon.

"Mahal mo ako?" diretso niyang tanong.

Lumunok ako, nagsisimula ng balutin ng hiya. Akala ko ay matapang na ako nang sabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko kanina. Iyon pala ay hindi. Simpleng tanong niya ay para na akong sinisilaban sa antisipasyon.

Tumango ako bilang sagot. His lips curled up. Ramdam ko ang masuyong paghaplos ng hinlalaki niya sa bewang ko.

"Words, baby. I need to hear the words."

Ngumuso ako. "Oo."

"Oo ano?"

Ngumiwi ako dahil halatang sadya na ang mga tanong niya. He actually looks amazaed by the way I reacted at his questions.

Kinamot ko ang gilid ng aking noo at mas lalo pang bumusangot. "Oo nga sabi. M-Mahal na nga kita."

Hindi siya nagsalita, ang ngisi ay nakapaskil pa rin sa labi niya. Nagbaba siya ng tingin, huminga ng malalim pagkatapos ay inangat ulit ang mga mata sa aking mukha. He stared at me like I was a painting, the one that's created by his favorite painter.

"Girlfriend na kita?" namamaos ang boses na tanong niya.

"Oo..."

He bit his lip and nodded. Marahan niya akong hinapit palapit sa kanya bago ako ikinulong sa mga bisig niya. The hug was a simple enough gesture - affection, perhaps the fragile beginnings of love. The arms that held me were soft, yet strong. The feel of his body so close to mine soothed me more than I have expected.

"I'm in love with you too, Cheska. I'm in love with you so much. Handa akong maghintay kung kailan ka magiging handa na ipakilala ako sa pamilya mo."

I smiled inwardly. "Thank you, Daniel. Waiting for me is going to be worth of your time-"

"You are always worth the wait, baby."

Lumawak ang ngiti sa labi ko. He pulled from our hug and stared at me in the eyes. Pakiramdam ko ay nagagawa niyang sumisid sa mga mata ko dahil sa klase ng titig na ipinupukol niya sa akin.

"Palagi mo na lang ako pinapakilig." natatawang sabi ko.

He smirked. "My responsibility..." From my eyes, his gaze went to my lips and my heart suddenly clobbered. Nagtagal ang titig niya roon bago muling iniangat ang tingin sa mga mata ko. "Can I borrow a kiss? I promise to give it back."

I smiled warmly and nodded, heart pounding so fast. His eyes were gazing into mine like he was looking far beyond my eyes. I stand and stare back at his deep brown eyes eyes that glimmered like the stars in the sky. He looked at my lips as my hands became sweaty and shaky for this will be my first time.

His gently grabbed my face and slowly leaned in. His lips touch mine and I somehow know exactly what to do with mine. They move together like two dancers sashaying through a melody. His lips are delicate and warm, moisten and soft.

In this moment, I feel as if I'm floating in space and everything around me has turned to dust.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height