After All/C7 Kabanata 6
+ Add to Library
After All/C7 Kabanata 6
+ Add to Library

C7 Kabanata 6

Kabanata 6

Lumipas ang mga araw nang hindi ko namamalayan. I tried so hard to engage myself with study for me to forget whoever's bugging me. Pero minsan, kahit anong subok na huwag siyang isipin ay tadhana pa mismo ang nagiging dahilan para makita ko siya at magkaroon ng kaunting paguusap na nauuwi palagi sa angilan.

Habang tumatagal, mas lalong lumalalim ang iritasyon na nararamdaman ko para sa kanya. All my life, I've never been this irritated towards someone. Kapag galit ako, kadalasan ay hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin hanggang sa tuluyan na lang mawala sa isipan ko.

Naiinis ako... pero hindi ganito katindi. Naiinis ako kapag nakikita ko siyang ngumingisi sa akin. Naiinis ako kapag magkakasalubong kami at tititigan niya ako na parang ako lang ang babaeng nakikita niya. Naiinis ako sa presensiya siya. Pero mas naiinis ako kapag... nakikita silang magkasama ni Emerald.

Normal pa ba itong ganitong klase ng pagkainis? O, may mas matinding dahilan pa ako para maramdaman ito? Naiinis ako pero... palagi ko pa rin siyang naiisip. Hindi ko tuloy maiwasan ang maguluhan.

Is there any deeper emotion I am feeling towards him aside from irritation?

"Ches, mamaya na ibibigay iyong susuotin mo para sa inter-college sportsfest, hindi ba? Sa isang araw na 'yon! Excited ako kasi rarampa ka. Siguradong sure win na ang school natin sa muse category." sabi ni Camille na pumutol sa pagiisip ko.

We're staying in the oval to wait for our last subject. Inalis ko kay Daniel ang paningin ko na ngayon ay kasalukuyan nakikipaglampungan kay Emerald. Bakit lagi ko na lang silang nakikitang naglalandian? Noon ay kay Santita, ngayon naman ay kay Emerald. At saka, kailangan ba na sa school ground nila ginagawa iyon?

Sure, they aren't doing any intimacy. Nakasandal lang si Daniel sa hallway habang si Emerald ay nakaupo sa tabi nito. Kung hindi ako nagkakamali ay magkahawak sila ng kamay. Pero hindi pa rin iyon tama! Paano kung makita sila ng Dean?

Kailan ka pa naging concern citizen Cheska? O, baka naman naiinis ka na naman dahil masakit sila sa mata?

Huminga ako ng malalim at napailing sa sariling takbo ng isip.

"Iaabot sa akin mamaya ni Coach." tanging nasabi ko lang.

"Ang alam ko, sexy dress ang isusuot ng mga muse. Iba-ibang kulay lang. Ang sa atin ay brick red ang theme. Magsusuot lang kayo ng sash kung saan naroon ang name ng school." si Amanda.

Napatingin ako sa kanya. "Dress? Hindi iyong mga skirts and crop top?"

She rolled her eyes as if those kinds of clothes disgust her. "That's too old fashioned, Cheska. Iba na ngayon. Mas maganda nga na dress na lang at least sosyal talaga ang dating. Para kayong mga beauty queen! Last year kasi ay parang cheerleader style. Jologs!"

Tumango-tango ako. Dress isn't a bad idea. Kung iyon lang naman pala ang isusuot ay siguradong mairaraos ko ng maayos ang rampa. Sanay ako magsuot ng dress kaya hindi iyon magiging problema.

Like a steel to a magnet, my eyes unconsciously moved to Daniel. Surprisingly, he's already looking at me with his deep set of coal-black eyes. We stared at each other for nearly a minute before I decided to pull my gaze away. I cleared my throat and straightened my back. Lumingon ako sa tabi ko at nakitang nakatitig rin sa akin si Amanda nang may nakakalokong ngisi sa labi niya.

Kumurap-kurap ako. "Bakit?"

She giggled and shook her head. Sumabay ang mahaba niyang buhok dahil sa ginawang pag iling. Tumingin siya kay Camille na abala sa cellphone.

"Hindi magtatagal, may sasabihin itong kaibigan natin, Camille."

Kumunot ang noo ko.

Napatingin sa akin si Camille bago kay Amanda. "Ano naman 'yon?"

Humagikhik si Amanda. "Basta!"

"Ano ba 'yon?" tanong ko, hindi na nakatiis pa.

"Wala, joke lang! Anyway, saan ka magpapaayos sa sportsfest?"

"Sa mall na lang siguro." sagot ko, hinayaan na ang walang kabuluhan na sinasabi niya kanina.

"Right! I'll go with you. Maaga tayong magkita no'n sa mall para masamahan kita. How about you, Camille? Sama ka sa amin?" paglingon niya kay Camille.

"Yes, of course. Kailangan tayo ni Cheska sa araw na iyon kaya dapat lagi tayo sa tabi niya."

Hindi ko napigilan ang mapangiti sa sinabing iyon ni Camille. Swerte talaga ako sa dalawang ito. Ni minsan ay hindi ko pinagsisisihan na lumipat ako ng escuelahan. These two beautiful girls became my precious gems. They're worth to keep.

Time flew like a whirlwind. Pagkatapos ng last subject ay dumaan kami nila Amanda sa faculty dahil naroon raw si Coach para ibigay sa akin ang damit na isusuot ko sa isang araw.

Pinindot ni Camille ang buzzer pagkarating namin sa tapat ng faculty. Hugging some of my books, we all waited for the door to open. It didn't take too much time. Bumukas rin iyon makalipas ang ilang sandali.

Sumilip ang mukha ng professor namin sa Entrepreneurship. She smiled at us and then opened the door widely.

"Yes? What can I do for you?" she asked warmly.

"Good afternoon, Ma'am Morales. Nariyan po si Coach Perez?"

"Yes, come in!"

Nauna akong pumasok, sumunod sa akin ang dalawa. There are six people inside. Kabilang na sa anim na 'yon si Coach Perez. Lahat sila ay nagku-kwentuhan ngunit napatigil dahil sa presensiya namin.

"Oh, nariyan na pala ang pambato natin!" nakangiting wika ni Mr. Armando, teacher sa Human Resource Management. "Hello, Francheska!"

Ngumiti ako sa kanya. "Hi, Sir."

"Are you ready for that day, Miss Monteverde?" sabi pa ng isang Professor, strikta akong pinukulan ng tingin sa likod ng malaki niyang eyeglasses.

Tipid akong ngumiti. "I think I am, Mrs. Antiojo."

"Siguradong sure win tayo diyan kay Miss Monterverde. Sa ganda ng batang ito." saad ni Coach na papunta na sa gawi ko at may dalang dalawang paperbags. Nakasulat roon ang dalawang designer brands na nagpakunot ng noo ko. "Here are the dress and shoes you'll be wearing, Miss Monteverde."

"Wow, coach! Mukhang mamahalin ang mga gagamitin ni Cheska, ah?" singit ni Amanda mula sa likod ko.

"She deserves it. For a wealthy family like the Monteverdes, tama lang na gastusan siya ng escuelahan lalo na at maganda rin ang performance niya sa klase," sabi ni Mrs. Antiojo. She's by far the most strict professor I've encountered since I went to college. "You girls are the perfect example of beauty and brains. Keep it up."

"Aw. I'm so flattered! Thank you, Ma'am."

Nagtawanan ang mga teachers dahil sa sinabing iyon ni Amanda. Matapos ng kaunting words of encouragement nila para sa akin, lumabas na kami ng faculty room at mabagal na naglakad patungo sa gate.

"Grabe, ang bongga naman. Channel at Manolo Blahnik talaga para sa damit at sapatos. International brand pa! Ano 'yan, may nag sponsor?" tanong ni Camille habang sinisipat ang paperbag.

"Sponsor ka diyan! Mayaman ang school. Malamang iyong nakukulimbat nilang pera sa atin, ibinili niyan. Pero oa, ha? Isang araw lang gagamitin luxury brands pa talaga. Samantalang last year, pinatahi lang ata sa isang shop ang isinuot ng muse. Iba rin itong si ate mo girl!" tudyo ni Amanda sabay hila sa buhok ko.

"Aray ko naman!" angil ko sa natatawang paraan.

Tama sila. Masiyadong mamahalin ang mga gamit nito para sa isang araw lang na gamitan. I haven't seen what it looks like. Sa bahay ko na lang titingnan. Doon ko pa lang malalaman kung masagwa ba para sa akin o ayos lang.

"Paano, Cheska? Sasabay na ako kay Amanda. May dadaanan kasi ako malapit sa village nila." sabi ni Camille nang nasa labas na kami ng gate.

Ngumiti ako. "Sige. Paparating na rin naman ang sundo ko. Ingat kayo sa daan."

Bumeso ako sa kanya bago kay Amanda. They both smiled at me and went inside Amanda's car. May sariling kotse na siya, disiotso na rin kasi at may lisensya na. Ang sabi sa akin ni Daddy, magkakaroon na rin daw ako kapag sumapit na ako sa legal na edad. That's two months away from now.

Isang busina pa ang pinakawalan nila bago tuluyang umalis. I waved my hand and smiled wider. Sinundan ko pa sila ng tingin hanggang sa tuluyan ng mawala.

Isang mababaw na buntong hininga ang pinakawalan ko. Tumingin ako sa langit, kulay kahel na ito. Ang araw ay malapit na magtago at mamaya lang ay aangat na ang buwan. Napangiti ako nang matanaw ang isang grupo ng ibon na lumilipad papunta sa iisang direksyon.

Nagbaba ako ng tingin, umaasang makikita na ang sasakyan namin ngunit wala pa. Tumungo ako at sinipat ang relos sa bisig.

Paparating na rin siguro iyon.

Lumipat ang tingin ko sa kaliwang banda nang maulinigan ko ang kalabog ng pinto ng itim na kotse. Sumikdo ang aking dibdib nang makita kung sino ang lumabas mula roon.

Looking intensely at me, Daniel ambled towards my direction while hands shoving inside his pocket. Seryoso ang ekpresyon sa mukha niya, wala ang ngisi na nakasanayan ko na.

Bago pa man siya tuluyang makalapit ay nagiwas na ako ng tingin. Ibinalik ko ang atensyon ko sa entrada ng school kung saan sunod-sunod ang pagpasok ng mga sasakyan. Nasa labas man ang paningin, hindi ko pa rin mapigilan ang panglalamig ng mga palad ko. I am looking ahead me but I can feel the heaviness of his stares.

Hinigpitan ko ang pagyakap sa aking libro at sa mga dalang paperbags bago tuwid ng tumayo. Huminga ako ng malalim, umaastang normal lang ang lahat kahit pa alam kong nakatayo na siya sa gilid ko.

Bakit ba siya narito?

"Hindi ka pa uuwi?" tanong niya.

"Wala pa ang sundo ko." sagot ko nang hindi siya nililingon.

My focus was scattered, so filled with nervous anticipation for unknown reason. Ang simple-simple lang naman ng tanong niya, bakit ganito na lang kabilis ang tahip ng puso ko? I couldn't collect myself here as if my thoughts were dancing in infinite directions.

"The sportsfest is near..." he said, breaking the defeaning silence once again.

"Hmm. Disappointed ka ba?"

Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang paglingon niya sa akin. Nanatili pa rin ang atensyon ko sa labas, pinipilit na huwag siyang tingnan.

"Why would I be disappointed?" he asked lowly.

Natawa ako. "Ginawa mo lahat para lang umatras ako, pero heto at tutuloy pa rin ako. Sayang lahat ng effort mo."

He sighed. "You're right. All my efforts were put into waste. Masiyadong matigas ang ulo mo."

Nilingon ko siya, pinag angatan ng kilay. "You hate me that much, huh?"

He raised his thick eyebrow too and shook his head like my qeustion was a senseless one. He pulled his intense gaze away from me and looked at the view ahead of us. Dahil doon ay nagawa kong masilayan kung gaano katangos ang ilong niya. His five o'clock stubble looks perfect on his defined jaw. His fair skin radiates as the rays of the afternoon sun hit him.

"I don't remember myself hating you, Cheska. Wala akong matandaang naramdaman ko ang emosyon na 'yon para sa'yo." sabi niya na naging rason para mahinto ang pagtitig ko sa kanya.

I cleared my voice and exhaled nervously. Tumingin ako sa harapan namin, ang ilang estudyante ay nagtatawanan at tila ba masaya sa pinaguusapan nila habang dumadaan sa harapan namin.

"Imposible 'yan. I know how you hate me as a person-"

"I don't hate you, Cheska. Hating you will never be included in my vocabulary." he cut me off that earned a confused glance from me.

"Kung totoong ayaw mo sa akin, bakit mo ako pinahiya sa harap ng iba? Bakit kailangan mo puntahan ang professor ko at sabihin na nagdadalawang isip ako sa pagpayag na maging muse mo gayo'ng alam mo naman na pumayag na ako. Why are you trying so hard to push me-"

"Because I don't want you to be the center of attraction..." he said and point his dark eyes on me. "Is that reason enough for you?"

"Pero bakit nga?! Dahil wala akong dating para sa'yo? Dahil hindi ako maganda sa paningin mo-"

"Damn it. Are you seriously asking me about that, Cheska? Hindi mo ba nakikita ang sarili mo sa salamin? Most of the students here are admiring your beauty. Hindi pa ba sapat 'yon?" he asked, patience was dripping from his raspy voice. "O, baka naman sa akin mo mismo gustong marinig kung gaano ka kaganda at kaperpekto... tama?"

Natigilan ako, tinamaan sa mismong sinabi niya. Nagiwas ako ng tingin, umastang walang epekto sa akin ang tema naming ito.

Ganoon ba ako kahalata?

"Hindi g-ganoon iyon. It's just that-"

"I really did hurt your feelings, huh?" he cut me off.

Asshole. What do you think?

I chuckled humorlessly. "Kailangan bang sa akin rin mismo manggaling na nakakasakit ka na? Kung sa girlfriend mo iyon gawin ng iba, kay Emerald, ano sa tingin mo ang mararamdaman mo?"

He sighed. "We are not talking any other person here, Cheska. Ikaw at ako lang. Huwag kang magsali ng ibang hindi naman importante."

Mangha akong napatingin sa kanya, nanglalaki ang mga mata at awang ang labi. His facial expression didn't change. Seryoso pa rin ito at para bang walang nasabing mali.

"Hindi importante? We're talking about your girlfriend here-"

"Daniel!"

Natigil ako sa pagsasalita nang marinig namin ang tawag na iyon. Parehas kaming napatingin sa hindi kalayuan at nakita ang isang grupo ng mga lalaki. They're his teammates. Mga kaklase siguro.

Nagbawi ako ng tingin at itinuon ito kay Daniel. He's looking at those men and then anchored his sharp eyes back to me.

"Sige na, tawag ka na nung mga kaklase mo ata." baliwalang sabi ko.

Huminga siya ng malalim, mariin pa rin ang pagkakatitig sa akin.

"Hindi ako aalis," aniya. "Hihintayin kitang makauwi."

The lines on my forehead showed up. "B-Bakit?"

"We're still talking..."

"Hindi na. Tapos na naman-"

"Ma'am Cheska!"

Muli na naman akong napatingin sa kung saan nang sa akin naman may tumawag. Napaayos ako ng tayo nang makita ang driver namin na nakadungaw na sa bintana ng kotse.

"Nariyan na, po!"

I transferred my eyes back to Daniel. Nakatingin siya sa gawi ng driver ko ngunit ibinaling rin ang mga mata sa akin nang makitang nasa kanya na ang paningin ko.

"Driver?" he asked seriously.

"Yes. Mauuna na ko."

Hindi ko na siya hinintay pang makasagot. Naiinis ako at papanindigan ko iyon. Hindi porke kinakausap niya ako ng maayos ay iisipin kong ayos na kami. Siguradong ginagawa niya lang ito para paatrasin ako sa pagiging muse na iyan. Ganito rin siya nung nakaraan, binola ako. Pero pagkatapos ano, malalaman ko na lumapit siya sa professor ko para sabihing aatras ako sa sportsfest.

Hay naku!

Tumalikod ako at nagsimula nang maglakad. A gentle grip on my wrist made me stop from making my steps. In that split second, his touch electrified every nerve in my body and brain. Nilingon ko siya, nakaangat ang dalawang kilay.

He let go of my wrist, his chest rose and fell from the air he let out while drilling his piercing eyes into mine.

"Magkita tayo ulit... bukas."

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height