After All/C8 Kabanata 7
+ Add to Library
After All/C8 Kabanata 7
+ Add to Library

C8 Kabanata 7

Kabanata 7

Dali-dali akong bumaba ng hagdan bitbit ang isang paper bag kung saan naroon ang sapatos na isusuot ko. Naabutan ko si Manang Aurelia sa sala na nagpupunas ng mga pigurin. Nag angat siya ng tingin sa akin matapos pumailanlang sa buong kabahayan ang mga yabag ko.

"Manang, papasok na po ako. Pakisabi na lang kay Rian na mauuna na ako, ha?" sabi ko, bahagya pang hinihingal dahil sa pagmamadali.

"Teka, bakit ka ba nagmamadali? Ala-syete pa lang, ah. Hindi ka pa kumakain ng almusal-"

"Mamaya na lang po, Manang. May activity kasi kami sa school. Hindi ako puwede mahuli," sabi ko at dumiretso na sa pinto. "Sige, Manang!"

Mabuti na lang rin at out of the country sila Mommy ngayon. Hindi sila magtataka kung bakit aalis ako sa bahay ng naka-civilian. They will surely ask me questions. Kapag nalaman nilang muse ako sa sportsfest, siguradong magagalit sila. Lalo na si Mommy. She doesn't want me to be involved in events like that. For her, it's cheap.

Pagkalabas ko ng gate ay naroon na si Manong Dennis, nakasandal sa kotse at naghihintay sa akin. Nang matanaw ako ay umayos siya ng tayo at binuksan ang pinto ng backseat.

"Good morning, Manong." I greeted as I swiftly climbed inside the back seat.

"Magandang umaga rin, Ma'am." sagot niya pagkasakay sa harapan.

"Manong, sa Megaworld po tayo."

"Sige, Ma'am."

Aligaga kong kinuha ang cellphone ko sa sling bag at hinanap ang number ni Amanda.

Ako:

Amanda, let's meet at the Megaworld now. Emergency.

Huminga ako ng malalim at sinipat ang orasan sa bisig. It's past seven. 10am pa naman ang simula ng event pero dahil may problema ako ay hindi ako puwede magpapetiks-petiks.

Tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ito at may reply na kaagad ang kaibigan.

Amanda:

What happened? Good thing I'm already prepared now. On my way.

Ako:

Thanks. Please text Camille, too.

Ibinalik ko na ang cellphone sa sling bag. Huminga ako ng malalim at pilit na kinalma ang sarili. Mabuti na lang at bukas na ang Megaworld ngayon dahil three-day sale, madali akong makakahanap ng kailangan ko.

Ilang minuto lang ay nakarating na ang sasakyan sa tapat ng prestihiyosong mall. Marami na ang tao sa labas, halatang nakahanda na dumagsa sa loob.

"Manong, magtetext na lang po ako kapag papasundo ako sa inyo. At saka, sa Manila Arena niyo ako susunduin mamaya dahil may sportsfest po kami. Huwag niyo na lang po sabihin kela Daddy. Baka po kasi pagalitan ako." paalam ko.

Mula sa rearview mirror ay tumango siya. "Walang problema. Ikaw pa ba. Siya sige, magtext ka na lang mamaya kung anong oras kita pupuntahan sa Arena."

Tipid na ngiti lang ang iginawad ko bago ako lumabas ng sasakyan. I ran towards the entrance and went straight to the second floor where the dress boutiques are. Riding the escalator, my phone beeped from an incoming message. Kinuha ko ito, bahagyang nakahilig ang katawan sa handle ng escalator.

Amanda:

Entrance na ako. I'm with Camille. Saan ka?

Ako:

Paakyat na sa second floor. Let's meet at Karimadon.

Pagkarating ko sa palapag ay naglakad na ako patungo sa boutique kung saan naroon ang kailangan ko. Malalaki ang bawat hakbang ko, halatang nagmamadali. Mabuti na lang at naka flatshoes ako, hindi ako mahihirapan sa kabila ng lawak ng lugar na ito.

"Cheska!"

Napalingon ako sa likod nang makita si Amanda at Camille na lakad-takbong papunta sa akin. Tumigil ako sa paglalakad at pumihit paharap sa kanila.

"Buti narito na kayo..." sabi ko.

Tumaas ang kilay ni Amanda pagkatigil sa mismong harapan ko. "Akala ko ba nine pa tayo magkikita?"

I scratched my forehead and looked agitatedly at them. "I need a dress."

"Dress? For what?" si Camille.

"Para sa isusuot ko mamaya!"

Kumunot ang noo ni Amanda. "Anong ibig mong sabihin mamaya? You mean, isusuot mo sa pagrampa?"

"Yes!"

"Hindi ba at may isusuot ka na? Iyong ibinigay ng school nung isang araw."

I sighed frustratedly. Marahas kong kinamot ang ulo ko at aligaga silang tiningnan parehas.

"Iyon na nga ang problema ko. Kagabi kasi, isinukat ko iyong damit na ibinigay ni coach. Nung nagbihis na ako, ipinatong ko muna sa kama. Lumabas ako saglit dahil pinuntahan ko iyong kapatid ko sa kwarto niya. Pagbalik ko, gutay-gutay na 'yong damit."

"Ano?!" magkasabay na sigaw ni Camille at Amanda.

"Iyong aso ko kasi, pumasok sa kwarto at... napagdiskitahan iyon."

Biglang naihilamos ni Amanda ang palad sa mukha niya at napatingin sa kawalan. She anchored her eyes on me and blew a deep breath.

"At iyon pa talaga ang napagtripan ng aso mo, ha?" aniya sa mataray na tono.

"Naku! Wala na tayong panahon para sisihin iyang aso mo. Ang kailangan natin gawin ay maghanap ng dress na gagamitin mo dahil mamaya na 'yon," suhestyon ni Camille. "Ano ba ang itsura nung dress na binigay ni Coach, Cheska?"

"Kulay pula, hanggang dito sa tuhod..." Itinuro ko ang tuhod ko. "May manggas at hapit rin naman sa katawan ko."

Ngumiwi si Amanda. "Hanggang tuhod? May manggas? I can't imagine you wearing that kind of dress in an event like that. Parang balot na balot! You're supposed to be daring, Ches. Hindi iyong parang aattend ka lang sa kasalan."

Ngumuso ako. Sa totoo lang ay nagulat rin ako nang makita ko ang istilo ng dress na ibinigay sa akin. Though it fitted my body, mahaba ito at mayroong manggas na bihira ko makita sa mga ganoong klase ng event. It's kind of some formal dress.

Nagtataka man, ayos na rin sa akin ang ganoong damit. Tago ang katawan ko at hindi ako mahihirapan na rumampa sa harap ng maraming tao.

"Tama si Amanda, Cheska. Sa description pa lang, halata ng masiyadong formal ang dress na iyon. Hindi naman siguro magagalit ang school kung ibang dress ang gamitin mo. Sabihin na lang natin na emergency." si Camille.

Tumango ako. "Halika na. Magpapaayos pa ako."

Pumasok kami sa shop ng Karimadon. Different styles of gown in different shades and length greeted us. Iginala ko ang aking paningin sa kabuuan ng eleganteng boutique. Most of their items are long gowns. Bihira ang maiksi na kagaya ng gusto nila Amanda.

"Good morning, Ma'am! How may I help you?" bati sa amin ng babaeng sa tingin ko ay nasa middle age na.

Lumapit ako sa isang kulay rosas na long gown na suot ng manikin. I grazed my finger over the satin cloth. It's soft, long and loose. Napangiti ako sa pagkapino ng itsura nito. Parang kahit na sino ang magsuot ay magmumukhang prinsesa.

"We need a daring dress, Miss. Meron kayo dito?"

"Yes, Ma'am. Mayroon po kami. Dito po..."

"Cheska, here..." si Amanda na nakapagpalingon sa akin. Tumango ako at sumunod na sa gawi nila.

Dinala kami ng sales lady sa isang rack kung saan naroon ang mga dress na sinasabi niya. My face distorted when I saw how sexy and revealing they are.

"Here, Ma'am. These are all new arrival." imporma ng sales lady.

Isa-isang hinawi ni Amanda ang mga hanger at tiningnan ang bawat istilo noon. Her eyes are sharp, forehead a bit crinkled. She looks like a strict fashion designer who chooses what kind of dress her models are going to wear.

Ipinapaubaya ko na sa kanya ang pagpili sa magiging damit ko dahil siya naman ang mas magaling sa bagay na 'yon. She's a fashionista after all.

Iniangat ni Amanda ang isang dress. It's a deep red strappy cross open belly bodycon dress. Mariin niya itong tinitigan, ngumisi bago ako binalingan.

"This one, Ches! You'll surely rock this dress."

Kumurap-kurap ako, ang mga mata ay nakapako sa maiksing bestida. "Amanda, that's too revealing-"

"Go and check it in the fitting room. We don't have much time."

Scowling, I took the dress from her hand and went to the fitting room. Madali ko iyon nakita dahil tanaw naman mula sa kinarooonan ko. Pagka-lock ng pinto ay naghubad ako hanggang sa underwear na lang ang natira.

Isinuot ko ang bestida. Halos pigilan ko ang paghinga ko dahil sa hapit na hapit ito sa aking katawan. Wala naman akong taba kaya hindi ako mag-aalala na baka may bumakat sa akin.

Isang ungot ang kumawala sa lalamunan ko nang natapos ko na isuot ang damit. Nayupi ang mukha ko sa sobrang simangot nang makitang halos litaw na ang buong hita ko sa iksi ng bestida. Kapag yumuko ako ay siguradong makikitaan ako. Even my cleavage down my flat stomach are exposed! Mas lalong bumilog ang dibdib ko dahil sa pagkakahapit ng tela sa aking katawan. There are just two crossed strings in the middle that made the dress looks pretty attractive but revealing!

"There's no way I'll wear this..." I muttered to myself.

Tumalikod ako, mabilis ang tahip ng puso at binuksan ang pintuan ng fitting room. Mula sa paguusap ay agad na itinuon ni Amanda at Camille ang mga mata sa gawi ko. They instantly walked towards my direction as I keep the frown in my face.

Nakita ko ang pag ahon ng ngiti sa mukha ni Amanda. She pulled the door to open that revealed my whole appearance.

"Oh my Gosh, Cheska!" Amanda exclaimed as admiration rolled across her upturned eyes. Or was it even admiration? Even so, I won't still wear this dress! This is too much.

"Damn, girl. You just exceeded my expectation." si Camille.

"I'm not going to wear this!" I objected.

"Yes, you will. But wait! May mali, e..."

Nagkatinginan sila ni Camille at parehas na tumango. Walang isang salitang tumalikod si Amanda at naglakad patungo sa sales staff. Naiwan ako kay Camille na matamis ang pagkakangiti sa akin.

"You look perfect, Ches. Hindi ko alam na mas may igaganda ka pa kapag nagsuot ka ng ganiyan. Para kang Diyosa!" puri niya, ang mga mata ay iginagala sa buong katawan ko.

"I look like a freaking GRO, Camille! Hindi ko ito isusuot. Baka sabihin ng mga tao roon ay masiyadong lantad ang itsura ko-"

"Maniwala ka sa akin, hindi ka mukhang kabastos-bastos. You're so close to the definition of elegance! Grabe. I'm sure we will really win the muse category."

Still not convinced by her compliments, I breathed a frustrating sigh and massaged my temples.

"Ches, removed your brassiere. Wear this nipple tapes." si Amanda nang makabalik at inabot sa akin ang isang maliit na package.

"What the... hell?" Nanglalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa bagay na ibinigay niya sa akin. "Nipple tapes? Nababaliw ka na ba, Amanda?"

"Obviously not. Hindi bagay ang bra sa ganiyang dress. Your boobs are still round and firm! Kahit wala kang suot na bra ay tayong-tayo pa rin iyan. All you have to do is to cover your nippies and voila! We're done," she laughed as if it's that easy. "Don't worry. I have a kimono inside my car. I'll bring it so you'll have a cover up after you do your walk."

Umiling ako at ibinalik sa kanya ang nippe tapes na 'yon. "Ayoko! Hindi ko isusuot iyan. Kung sa bahay nga ay hindi ako nagpapagala-gala roon ng wala akong bra, iyan pa kayang rarampa sa harap ng maraming tao-"

"We have no choice, Cheska! Less than two hours na lang at start na ang event. Basketball game ang unang mangyayari kaya kailangan naroon na tayo bago pa mag alas dies! Magpapaayos ka pa. Kapag hindi pa tayo natapos dito ay siguradong mali-late tayo. Magagalit ang faculty sa'yo." paliwanag niya at muling ibinalik sa akin ang nipple tapes.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil nararamdaman ko na ang pagsikip nito. Hindi ako naiinis, o nagagalit na ito ang isusuot ko. I'm just not confident wearing this kind of stuff and walk in front of public. Paano kung isipin nila na masiyado akong bulgar sa pananamit? What if other schools judged me because of the way I dress? Paano kung mapulaan ang school nang dahil sa akin?

"Trust us, Cheska. Hindi ka namin ipapahamak. Sasabihin naman namin sa'yo kung over dressed ka na." pang-aalo ni Camille.

Isang beses pa akong nagbuga ng hangin bago tumango. "Isusuot ko lang ito."

Isinara ko na ang pinto at nagsimula uli maghubad. Isang beses lang ito mangyayari. Hindi na mauulit pagkatapos.

Sa mga oras na ito ay parang gusto kong umuwi sa bahay namin at hilahin ang buntot ng aso ko. Kung hindi dahil sa kanya, buo pa sana iyong damit na isusuot ko. Wala sana akong problema sa itsura ko.

Mabilis na lumipas ang oras. Pagkatapos ko magbihis ay nagpaayos na ako sa isang parlor. Halos lahat ng nakakasalubong ko ay napapahabol ng tingin sa akin.

Sino naman kasing matino ang maglalakad sa mall nang ganito ang ayos? Labas ang cleavage, tiyan at hita. Wala man lang cover up dahil nasa kotse ni Amanda ang kimono niya. Nakahigh heels pa ako!

Oras na makita nila Mommy na ganito ang ayos ko, siguradong mahabang diskusyon ang mangyayari sa amin. My sister and I are allowed to wear dresses but not as revealing as this.

"Magaling iyong nag ayos sa'yo, Cheska. Neutral lang ang make up mo pero mas napalitaw ang ganda mo." si Camille habang nasa daan na kami patungo sa Manila Arena. She's sitting on the backseat, ako ang nasa passenger's at si Amanda ang nagmamaneho.

Napatingin ako sa side mirror ng kotse. My eyeshadow are in earth tone pallette. I have false eyelashes. Ang sabi ay good for a month na raw ito sa mga mata ko, pumayag ako dahil mukhang natural lang naman. I have minimize blush on, it's in a shade of peach. Glossy nude ang kulay ng labi ko. Angkop lang dahil ayoko namang matingkad ang kulay ng nito lalo na kung ganitong kasikatan ng araw. My hair is fixed in a high pony tail that highlighted my small face. The only accessories I have is a gold watch and a 24 karat bangle.

"Sakto lang iyong ganito. Revealing na nga ang damit ko, pati ba naman make up." wala sa sariling sagot ko.

Thirty minutes and we're already in the parking lot of Manila Arena. Bago bumaba ng sasakyan ay inabot sa akin ni Amanda ang cardigan niya pagkatapos ay bumaba na. Most of the people are looking at me. Pinilit kong huwag pansinin iyon at nagtungo na sa entrance kung saan may mga school staff na naroon. We presented our ID. Tumango sila at hinayaan na kaming makapasok.

Fifteen minutes na lang ay magsisimula na ang event. Sa entrada pa lang ay dinig na ang malakas na dagundong ng musika. Sa bawat kalabog na nagmumula sa mga speaker ay ang mabilis na lindol rin sa puso ko. Halos puno na ang buong arena kung kaya dumoble rin ang kaba ng puso ko.

Ganito karami ang makakakita sa akin.

"Hayun sila Coach at ang team!" sabi ni Camille dahilan para mas lalo akong panglamigan ng mga kamay. Para akong masusuka, ang puso ay nararamdaman na sa aking lalamunan.

Nagpatiuna si Camille at Amanda, sa bandang gitna nila ako. Coach looks anxious as he keeps on looking around. Nasa bench sila, ang players ay nakapalibot rin. My mind searched for a particular person but I can't find him.

Narito na kaya siya? Simula nang aksidente kaming magkausap sa tapat ng gate ng hapon na iyon ay hindi na ulit kami nagkita. Iniiwasan ko, kahit pa sinabi niyang magkita ulit kami. Hindi ko alam kung bakit niya nasabi iyon. Basta ang alam ko, pinilit ko na huwag magkrus ang landas namin kahit na hindi maiwasan dahil nasa iisang building lang kami.

"Coach!" tawag ni Amanda.

Tumingin sa gawi namin si Coach. Nakita ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya na para bang nagpakawala siya ng buntong hininga. Most of the players' attention were now focused on me. From where I am, I can see the surprise and admiration dancing across them.

"Thank God, you're here! Akala ko ay hindi ka na sisipot..." sabi ni Coach nang makalapit kami at huminto sa harapan niya. Hinagod niya ako mula ulo hanggang paa. "Wow. As in wow! Hindi ko alam kung may mananalo pa sa'yo, Cheska. You look great!"

My face flushed. "Salamat, Coach."

"Damn, Cheska. Alam naming lahat na maganda ka pero hindi mo na kailangan ipangalandakan. Masiyado mo naman inalisan ng karapatan manalo ang mga kalaban mo." nakangiting sabi ni Bryle.

"A living goddess. That's what you are, Ches." sabat rin ng isa pa nilang ka-team.

Halos manglambot ang mga tuhod ko nang mula sa likod ni Bryle ay tumayo ang lalaking hindi ko alam kung bakit inaasam ko makita sa kabila ng pamamahiya niya sa akin. He's making his presence very clear when he stood up and towered over everyone. His eyes instantly met mine. Nakita ko ang pagsasalubong ng makakapal na kilay niya at ang pagbaba ng mga mata niya sa kabuuan ko.

His dark eyes became darker and ruthless, they're screaming distress, rage and displeasure all at the same time. They stayed on my cleavage down my stomach and I can clearly see the storm quickly forming inside them. Sa ekpresyon ng mukha niya, pakiramdam ko ay isa siyang bulkan na kaunti na lang ay sasabog na.

Galit ba siya? Pero bakit? Ano ba ang ginawa ko? Everybody is praising me on how I look like right now. Hindi niya ba nagustuhan ang itsura ko? Nasobrahan ba ako? Mas nakumpirma niya ba sa sarili niya na... ipapahiya ko lang talaga sila?

Ibinalik niya ang tingin sa mga mata ko. There's no hint of emotions in those eyes other than irritation.

"Cheska, here's your sash. Isuot mo na iyan dahil magsisimula na tayo. Pagkatapos ipakilala ang mga players, muse na ang kasunod. School natin ang unang tatawagin." si Coach dahilan para bawiin ko ang paningin ko kay Daniel.

Kinuha ko ang sash kay Coach at tipid na ngumiti, naiilang dahil sa mabibigat na mga mata na alam kong nakatitig sa akin.

Hinubad ko ang kimono at inabot ito kay Amanda. I unconsciously anchored my gaze on Daniel. His eagle-like eyes were drilling a hole into my soul.

Huminga ako ng malalim at pilit iyong binalewala. Hindi ko talaga alam kung paniniwalaan kita sa sinabi mong maganda at may dating ako para sa'yo. Kabaliktaran ang nakikita ko sa mga mata mo, Daniel. Ayoko man, pero bumababa ang tingin ko sa sarili ko dahil doon.

Hindi nagtagal at tinawag na ang lahat ng kasali sa laro. Sa mismong kabilaan ng court ay nakaayos na kami at mga teams na maglalaban-laban. Black ang jersey ng school namin, tama lang sa kumbinasyon ng suot kong dress. Pula at itim.

Lahat ng players sa team namin ay nasa likod ko, bukod tangi lang kay Daniel na nakaupo pa sa bench at tila walang gana.

"And now, let's call the starting line up. Number 13, a fourth year student under Bachelor of Science in Business Management, the shooting guard, Bryle Romero!" panimula ng announcer.

Itinaas ni Bryle ang kamay niya bilang pagpapakita ng presensya niya. Sunod-sunod pa ang naging pagtawag at bawat segundong dumadaan ay para na akong hihimatayin sa kaba.

"And last but not the least, wearing jersey number 4, a fourth year student under Bachelor of Science in Business Management also, the captain of team BasketBrawlers and the small forward, Daniel Gideon Monasterio!"

Lumunok ako at mabagal na ipinalakpak ang mga kamay habang marahang nililingon si Daniel. He lazily raised his hand, didn't even dare to stand from the bench. Seryoso lang itong nakatingin sa harap at para bang baliwala ang sinasabi ng announcer.

Huminga ako ng malalim at itinuon na lang ang atensyon sa harapan. Matapos ipakilala ang lahat ng team ay halos panawan na ako ng ulirat dahil sa nerbyos nang sabihin na ang pagrampa na ng mga muse ang susunod.

"Good luck, Ches! Kill it..." pagpapalakas ni Bryle sa loob ko.

"The representative of Manila International College and the muse of BasketBrawlers, Miss Mera Francheska Monteverde, a third year student under Bachelor of Science in Business Management!" puno ng sigla na sigaw ng announcer.

Isang malalim na paghinga pa ang pinakawalan ko bago tuwid na tumayo. I put my hands over my waist and walked elegantly like how my mother taught me when I was a little girl. Malakas na naghiyawan ang mga tao sa paligid. Hindi lang mula sa school namin ang sigawan, magmula rin sa iba pa.

"Ang ganda niya!!!"

"Grabe naman, tao pa ba iyan?"

"Go, Cheskaaa!!!"

"Go, Francheska! Lavaaaarn!"

Dinig kong sigaw ng iba na lalong nagpalakas ng kabog ng dibdib ko. I walked straight, turned right then back to the center. Tumigil at ngumiti sa mga tao na mas lalong napalakas ng hiyawan nila. Naglakad ako patungo sa kanan at ganoon ulit ang ginawa. I turned around and flashed them my sweetest smile.

"Damn. I never thought that Barbie is real..." the announcer said loudly through the microphone.

I breathed deeply and walked back to my team with so much grace. There's already a proud smile on my team while clapping their hands. Pero hindi iyon ang hinahanap ko. I want to see the proudness in someone's eyes.

Nang tumingin ako sa kanya ay malamig siyang nakatitig sa akin habang pinagmamasdan akong nakangiti. Gusto kong alisin ang ngiti sa labi ko at tanungin siya kung... humahanga rin ba siya sa akin kagaya ng iba?

Pero bakit ko pa itatanong kung puro disgusto ang nakikita ko sa mga matang iyon? I can't even understand myself if why I am so concern about the thoughts that are running inside his head.

"Galing! You looked like a supermodel there, Ches!" sabi ng isa sa players ng team namin.

Ngumiti ako at huminto sa harapan nila. "Salamat. Kinabahan nga ako doon."

"Kinakabahan ka pa niyan? Paano na kung hindi? You literally own the whole court!" exaggerated na sabi ni Bryle.

I smiled inwardly when I realized that it's now done. Hindi ko na hahangarin pa na manalo dahil hindi ko naman ambisyon iyon. Tama na sa akin ang naipakita sa kanyang may dating rin ako kahit papaano, kahit pa wala iyong epekto sa kanya.

"I'll just get my kimono..." paalam ko kay Bryle.

"Sure! Balik ka kagaad."

"I will..."

Tumalikod na ako at sumingit sa mga taong nanonood para makapunta sa pwesto nila Amanda. Sa gitna ng pagsingit ko ay naramdaman ko ang pagpatong ng isang leather jacket sa magkabilang balikat ko. Gulat kong tiningnan kung sino iyon at nakita si Daniel na salubong ang kilay habang madilim na nakatitig sa harapan.

"Daniel!" I called out hysterically. He didn't answer. Instead, he took my hand and pulled me towards the exit. "Sandali! Saan mo ako dadalhin?"

Nakita ko ang pagtitinginan sa amin ng ilan pero nagpagtuloy pa rin si Daniel sa paghila sa akin na para bang walang naririnig. Nagpatianod ako dahil kung tatanungin ko siya ng tatanungin ay makakaagaw kami ng eksena.

Nakarating kami sa parking lot ng arena. My brows furrowed when we stopped beside a black Aston Martin and unlocked it. Hindi ko alam kung paano niyang nakuha ang susi ng kotse niya at jacket na ito gayong wala naman siyang hawak kanina nung nanonood siya sa akin.

He opened the passenger seat and made me step in.

"Teka nga! Bakit mo ako papapasukin diyan?" taas kilay na tanong ko bago sumandal sa pintuan.

His jaw clenched and stared darkly at me.

"Just get inside." he growled like a mad beast.

"Paano kung ayoko?" Pinagkrus ko ang mga braso ko sa ibabaw ng dibdib ko. Bumaba ang mga mata niya roon at mas lalo lang umigting ang mga panga niya.

He anchored his intimidating eyes back to me and that sent my body high voltage of electricity that caused me to shiver.

"Stop being so stubborn and get inside the damn car, Mera Francheska. Don't make me repeat myself again. I'm warning you."

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height