+ Add to Library
+ Add to Library

C10 Akin kana

Yhnna's POV

Bago kami maghiwalay kahapon ni bessy binigay niya sa akin yung isang paper bag na may nakasulat na Ralph Lauren at isa pang paper bag na may Samsung naman ang nakalagay. At gaya ng dating panakot niya sa akin itatapon lang daw niya mga yon kung hindi ko kukunin. Alam kong kaya niyang gawin yon at madali lang sa kanya ang gawin yon kaya kinuha ko na ito at taos-pusong nagpasalamat.

Nasa locker room ako ngayon buti nalang walang masyadong tao nag text kasi si bessy na magkita kami doon ngayon binuksan ko ang locker ko na walang kalaman laman. Tumatawag si bessy at sinagot naman yon kaagad.

"Hello Bessy nasan ka na?" Tanong ko

"Hello Bessy malapit na ako, asa locker room ka na ba?" Tanong niya

"Oo nandito na halos ka darating ko lang" sagot ko

"Okay, punta na ako diyan see you!" Sabi niya at pinatay na ang tawag.

Agaw pansin naman si manyak na naglalakad ngayon papunta sa akin bulungan tuloy ang mga taong naririto ngayon. Inihanda ko naman ang kamao kong panuntok sa kanya sakaling may gawin pa siyang kamanyakan sa akin. Pero habang naglalakad siya palapit bakit nanlalambot ang tuhod ko dahilan ng pagsandal ko sa may locker ang bilis din ng pintig ng puso ko kaya napahawak ako don. Akala ko'y hihinto siya sa harap ko pero humakbang pa ito ng bahagya bago nagsalita.

"Sabay tayong mag lunch susunduin kita sa classroom niyo" sabi niya at na parang hari kung makapag utos. Naglakad pa siya ng kaunti bago huminto sa harapan ng locker niya. Basta nalang niya ipinasok doon ang bag niya at masamang tumingin sa lahat, mabilis naman nagsi alisan ng tingin sa kanya at yung iba naman nagpasya ng umalis. Naglakad ulit ito papalapit sa akin at hinila ako.

"Kuya saan mo dadalhin ang bestfriend ko!" Sabi ni bessy na ngayon ay humarang sa harapan namin. Para naman akong ewan na walang alam kung ano ang nangyayari.

Hinawi ni manyak si bessy at nagpatuloy na naglakad habang hawak ang kamay ko. Sumunod naman sa amin si bessy at hinawakan din kamay ko at hinila ako.

"Kuya let her go!" Sabi ni bessy niya habang hinihila ako.

"No way" bored na sabi naman nitong si manyak

"Bitaw sabi eh!" Sabi ni bessy

"TAMA NA!" Sigaw ko sa dalawa. "Masakit na braso ko kakahila niyo ha!" Sabi ko pa.

Binitawan naman ako ni bessy pero hindi pa rin ako binibitawan ni manyak.

"BITAW!" sabi ko sa kanya

"Ayaw" sabi naman niya na parang bored na bored naghikab pa nga ang walangya! Ginamit ko ang isa kong kamay para alisin yong pero mas humigpit pagkaka hawak niya.

"Ouch! Nasasaktan ako ha!" Daing ko kaya niluwagan niya pagkakahawak nito. Kinagat ko kamay niya kaya napabitaw ito sa akin agad akong tumalikod at chance ko na para tumakbo kaya pagkahawak ni bessy sa kamay ko ay tumakbo ako ng mabilis humihingal na ako kaya huminto na ako sa pagtakbo.

"Bessy pagod na ako" hinihingal kong sabi

"Sino ba kasi nagsabing tumakbo ka kung gusto mo lang akong makausap?" Naka ngising sabi ni manyak na ikinalaki ng mata ko. Si manyak pala ang nahila ko kanina at hindi si bessy.

Tulala akong nakatingin ngayon kay manyak na pinupunasan ang pawis ko sa noo. Nagkatitigan naman kami kaya napalunok ako at nag iwas ng tingin. Nakita ko naman ang mga taong nakatingin sa amin ngayon yung iba naka ngiti yung karamihan naka taas ang mga kilay sa akin.

Hinawakan niya ang mukha ko at pinaharap sa kanya gamit naman ang isa niyang kamay pinalupot niya ito sa baywang ko.

"Hayaan mo silang tumingin" sabi niya habang nakatitig sa aking mga mata. "Gusto ko ako lang tinitignan ng mga matang tinititigan ko ngayon, ayokong may tinitignan kang iba maliban sa akin" sabi niya na nagpalambot at nagpatambol ng puso ko. Buti nalang yakap niya ako sa baywang. "Dahil simula sa araw na to... akin ka na" dagdag niya kaya literal na napanganga ako. Nginisian niya lang ako at biglang inakbayan. Anyare? Ano yon? Paano yon? Bakit naging kanya ako? Ano yon kami na? Ganon lang yon? Tanong ko sa sarili ko habang akbay niya ako at nakangiti habang naglalakad kami.

Napahinto ako at tumingin ng masama sa kanya tinanggal ko pagkaka akbay niya sa akin at sinuntok siya sa mukha.

"Anong palagay mo sa akin?! Cheap?!" Sabi ko at mabilis na lumayo

Walangya talaga! Ano palagay niya sa akin cheap! Na kapag sinabing kanya na kanya na! Hellooo! Walang ibang nagmamay ari sa akin maliban sa sarili ko no! Mahinang sabi ko habang naglalakad ng mabilis.

"Meron ng iba.. ako" sabi ni manyak na umakbay ulit sa akin at sinabayan ako sa paglalakad. Bumagal naman ang hakbang ko at tumingin sa kanya, namumula yung pisngi niya na may dimple na sinuntok ko kanina. Nawala naman sa loob ko na haplusin yon na ikinahinto namin sa paglalakad, hinawakan niya ang kamay kong nasa pisngi niya ngayon at seryosong naka tingin sa akin. Para naman akong biglang nagising sa panaginip at mabilis kong binawi ang kamay ko.

"Oo nga, tama ka, hindi lang ako nagmamay ari ng sarili ko pati pala si Taehyung" sabi ko pambawi sa pagkakapahiya ko at naglakad ulit.

Hinila naman niya ako paharap sa kanya at matalim na tumingin sa akin. "Sino yung Taehyung na yon" may diin sa boses na tanong niya

"Si ano, bakit ba?!" Pagsusungit ko

"Sino sabi?!" Nang gigigil na tanong niya habang matalim na tumititig sa akin. Naramdaman ko din ang hapdi ng balikat ko na mahigpit niyang hawak.

"C-crush namin ni bessy" sabi ko. Lumuwag naman hawak niya sa akin at pinagsiklop ang mga daliri namin.

"Simula ngayon bawal ka ng magka crush" sabi niya

"Aba! At bakit bawal?!" Sabi ko naman ng makabawi ng gulat dahil sa paghawak niya sa kamay ko. Grabeng lalaki to napaka PDA! Agaw pansin tuloy kami T^T

"Dahil akin ka na" sabi niya habang tumingin sa akin

"Kelan pa akong naging sayo aber?!" Pagtataray ko

"Simula noong pinanganak ka ng nanay mo kaya wag ka ng magtanong ng magtanong" sabi niya

"Aba! At kelan pa kayo nagkaroon ng kasunduan ng nanay ko?! At FYI lang ha! Magtatanong ako ng magtatanong hangga't hindi ko nakukuha ang sagot na gusto kong malaman!" Masungit na sabi ko

Nasa harap na kami ng classroom at nag kaklase na si Sir Damian ng pumasok ako. Hindi ko naman alam na sumunod sa akin si manyak at umupo sa upuan ni bessy.

"Sir! Makiki seat in lang" sabi niya. "Sir, girlfriend ko nga pala" sabi pa niya na umakbay pa sa akin.

"Yiiie" sabi ng mga kaklase ko.

"Congrats sa inyo" sabi pa nila

Ngumiti nalang ako sa lahat at nagpa salamat tinignan ko naman ng masama si manyak at kinurot ang tagiliran nito.

"Mr.Montreal hindi ba may community service ka ngayon?" Magalang na tanong ni Sir Damian.

"Opo Sir" kamot batok pa na sagot ni manyak.

"Kung ganoon eh lumabas ka muna sa klase ko at gawin ang obligasyon mo, huwag kang mag alala hindi naman mawawala diyan si Ms.Lopez" sabi naman ni Sir Damian

"Sige po lalabas na" sabi niya at bumaling sa akin. "Sa labas lang ako" sabi pa niya at kinindatan ako.

Bago siya lumabas ng classroom nakipag usap muna siya saglit sa professor namin nakita ko naman tumango si Sir at tumayo sa harapan si manyak at tinignan lahat kami partikular na sa mga lalaki.

"Kayong lahat pag may nabalitaan akong may nang bubully kay sesa may kalalagyan kayo sa akin" matalim ang mata na nakatingin sa mga kaklase ko. "At kayo" turo niya sa mga kaklase kong lalaki. "Ayokong may mababalitaan na dumidikit kayo o tinitignan si sesa kung ayaw niyong masaktan" seryosong sabi niya sabay tingin sa akin at kinindatan ako. Nag bow pa nga ito ng matapos na siya sa talumpati niya umingay ulit ang buong klase at tinutukso kami.

Nang tuluyan na siyang lumabas pinatahimik na ni Sir ang buong klase at tahimik na akong nakinig sa discussion niya.

*Vacant*

Mabilis akong naglalakad ako papunta sa locker room dahil sabi ni bessy nandon daw siya. Malaki ang mga hakbang ko dahil baka maabutan ako ni manyak nakita ko kasi siya kanina kausap yung mga kaibigan niya mukhang inaabangan niya talaga paglabas ko.

"Bessy! Dito" Sigaw ni Samantha na ikina ngiti ko.

"Bakit wala ka sa klase?" Sabi ko nung makalapit ako sa kanya

"Nakalimutan ko bang sabihin sayo na may community service kami ni kuya Stephen?" Alinlangang tanong niya sa akin

"Wala kang nabanggit bessy, pero bakit kayong dalawa naman ni manyak?" Taas kilay na tanong ko

"Ay! Naalala ko na! Nung i kukwento ko na kasi dapat sayo sabi mo ayaw mong makarinig ng kahit ano tungkol kay kuya, kaya hindi ko na sinabi" sabi niya naalala ko naman nung pumunta siya sa bahay nung sabado at sinabi ko nga na ayokong may marinig ng kahit ano tungkol sa pinsan niya.

"Sige kwento mo ngayon kung bakit ka mag co community service at kung bakit kasama mo pa yung unggoy na yon" sabi ko

"Kasi bessy dahil nga yon sa nangyari nung friday, binalikan ko kasi si Veronica sa classroom at sinabunutan tapos kinaladkad ko sa may gymnasium tapos pak! Sinampal ko ang bruha! Tapos na kita ni kuya eh nandon pala siya kasama mga kaibigan niya. Lumapit siya sa akin at sinigawan ako, syempre si bruha kumapit sa braso ni kuya paawa ang loka! Syempre feeling ko kinampihan niya yung tarirat na yon kaya napaiyak na din ako. Tapos sinigawan ko si kuya tapos ilang saglit lang kumalabog nakita ko nalang si bruha nakasalampak don sa floor. Tapos parang nawala ako sa sarili ko namalayan ko nalang sumusunod ako kay kuya na hawak ng mga barkada niya" mahabang paliwanag niya

"Kasama niyo si Veronica na nag co community service ngayon? Ano ba nangyari sa kanya?" Curious na tanong ko

"Hindi namin siya kasama bakit hindi ba siya pumasok ngayon? Well, hindi ko nakita kung anong nangyari sa kanya pero sa mga tsismis na naririnig ko tinulak daw siya ni kuya yung iba sinampal daw siya ni kuya yung ilan sabi sinakal siya at itinulak. Syempre yung ibang walang alam i eexaggerate nalang nila kaya nga may word na tsismis diba?" Sabi pa niya

"Kaya bang gawin ng pinsan mo yon?" Tanong ko

"Hmm.. oo" sabi niya na tumingin sa akin

"Grabe napaka bayolente naman niya di niya sinasanto kahit babae at girlfriend pa niya ha!" Sabi ko

"Hindi naman siya basta nananakit bessy huwag mo lang guguluhin pamilya niya o kaya mga kaibgan niya lalo na yung taong mahal niya kasi may paglalagyan talaga sila" sabi pa ni bessy

"Pero diba girlfriend niya si Veronica? Nag away ba sila kaya nasaktan niya?" Tanong ko ulit

"Bakit hindi ako ang tanungin mo tungkol diyan?" Sabi ng malamig na boses na asa likuran ko. Nakita ko namang naka pout si bessy. Nilakasan ko ang loob ko at humarap sa kanya.

"Kalalaki mong tao nananakit ka ng mga babae! Bakit mo ba kasi sinaktan si Veronica? Mahal ka lang nung tao at nagselos sa akin dahil sa kamanyakan mo!" Pasigaw kong sabi sa mukha niya

"Alam mo bang pinipigilan ko lang ang sarili ko ngayon na halikan ka? Ang ingay mo" sabi niya kaya automatic mga kamay ko na tinakpan ang bibig ko. Ngumisi naman ito at lumapit sa akin. Atras lang ako ng atras habang lumalapit siya lalo hanggang sa bumangga na ang likod ko sa isa mga locker na naroon. Inilagay niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang locker na nasa tabi ko.

"Una, Wala akong sasantuhin kahit sino pang poncio pilato ang mananakit sa mga taong mahal ko mapa matanda, bata, babae o kahit anong kasarian at katungkulan pa niya. Pangalawa, bakit ko kamo sinaktan si Veronica? Gaya ng sagot ko sa unang tanong mo wala akong sasantuhin kapag may nanakit sa taong mahal ko. Napaka simple lang, sinaktan ka kasi niya kaya nangyari sa kanya yon. Pangatlo, bakit siya magseselos? Hindi ko naman siya girlfriend, hindi ko ngayon kilala" sagot niya sa mga tanong ko at ngumisi ulit siya sa akin. "Selos ka no?" Sabi pa niya na ikinalaki ng mata ko.

"Hoy! Ang kapal ng mukha mo kahit ikaw nalang ang nag iisang lalaki sa mund-"

"Ang ingay mo" putol niya sa sinasabi ko habang hawak ngayon ang nguso ko. "Magsalita ka pa hahalikan na kita" sabi pa ng manyak!

Tinulak ko siya ng buong lakas ko at mabilis na naglakad paalis.

"Bessy sandali!" Sigaw ni Samantha kaya lumingon ako. Nakita ko namang nakatayo yung manyak habang nakangiti at naka pamulsa pa.

Pumunta kami ni bessy dun sa laging inuupuan namin kung saan ko nakita yung manyak na pinsan niya. Binigay sa akin ni bessy yung mga paper bag na dala niya tinanong ko kung ano yong pero sabi niya sa bahay ko nalang tignan. Binitbit ko nalang mga yon sa classroom dahil baka nandon pa yung manyak na yon sa locker room.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height