+ Add to Library
+ Add to Library

C11 Sesa

Yhnna's POV

Nakatingin ako sa labas ng bintana ngayon kahit nagka klase bakit ba? Pwede naman dahilan ko sa utak ko. Simula kaninang pagpasok ko hanggang ngayon na malapit na mag vacant time ay hindi ako mapakali pilit may hinahanap mga mata ko na hindi ko rin naman alam kung ano. Parang sakto naman sa drama ko ang pagsabi ng dismiss ng prof ko kaya agad akong tumayo at nag asam na sana nasa tambayan namin si bessy.

Mabilis naman akong naglakad papunta sa tambayan namin ni bessy nag aasam na nandon siya at hinihintay ako.

"Hi Yhnna!" Sabi ng babaeng dumaan kasama ang dalawa pang babae na nakangiti

"Hello" sabi ko naman na kiming ngumiti din

"Saan punta mo? Tanong ng babaeng nag hi kanina

"Diyan lang, sige una na ako ha? Baka kasi hinihintay na ako ng bestfriend ko" sabi ko at ngumiti sa kanila.

"Si Samantha Vasquez ba yung bestfriend mo?" Tanong nung isang girl na may short hair.

Ayoko yung tingin nila sa akin oo nga't nakangiti sila pero ang bigat ng pakiramdam ko sa kanilang tatlo. Nag nod na lang ako at ngumiti sa kanila bago ako tuluyang umalis. Nang makalayo na ako ay nadinig ko pa yung sinabi nung short hair na Girls did you see her shoes? As in eww! Ang cheap ha! At nagtawanan pa sila. Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.

Tanaw ko na yung pinagtatambayan namin ni bessy pero wala siya don, lumapit pa ako at lumingon baka kasi nasa paligid lang siya. Umupo ako sa may bench at inilabas ang cellphone na binigay niya sa akin maglalaro nalang ako ng cooking mania na pina blutooth ko pa kay Joy (yung nagloload sa amin)

One message received basa ko sa phone ko ng biglang tumunog yon

Bessy🙅: hi bessy! Hindi kita masasabayan mag snack ngayon ha? Nandito kasi si Daddy inaya niya ako sa labas kumain :)

Sent: 10:08

Me: dumating na pala Dad mo, sige bessy okay lang. Enjoy ^_^

Sent: 10:09

Bumuntong hininga ako

Binulsa ko nalang ang phone ko at inilabas ang Notes ko at nagbasa nalang. Literal na narinig ko ang tiyan ko na ikina simangot ko Alam kong gutom ka na dahil hindi ka nag hapunan at nag almusal kanina pero tumahimik ka muna ayokong pumunta ng canteen sabi ko sa sarili ko habang hawak ang tiyan ko.

May kamay na lumabas mula sa likuran ko at may hawak na malaking potato chips at yung isa naman ay Coke in can. Sa amoy pa lang ay alam ko na kung sino ang tao na nasa likuran ko kaya nanliliit ang mga mata kong lumingon sa kanya.

Hindi ko naman alam na sobrang lapit namin dahilan kung bakit nung paglingon ko ay nagkabungguhan ang mga ilong namin. Mapungay ang mga mata niyang naka tingin sa akin ngayon yung puso ko ay parang nag wewelga at gustong kumawala sa rib cage ko. Hindi ko mapigilang hindi mapapikit ng maamoy ko ang mabangong hininga niya na sa mukha mo.

Stephen's POV

Kasalukuyan siyang naka pikit ngayon at bahagyang naka bukas pa ang bibig hindi ko alam paano ko nagagawang pigilan ang sarili ko na huwag siyang halikan ngayon. Naka pikit siya at parang hinihintay ang mga labi kong lumapat sa labi niya, hindi ko naman napigilan ang sarili ko na hindi mapapikit at isinandal ko ang noo ko sa noo niya at bumulong.

"Sesa huwag mo akong tuksuhin" bulong ko. Parang nagulat naman ito at biglang lumayo sa akin. Mabuti nalang at ginawa niya yon habang kaya ko pang kontrolin ang sarili ko.

Ngumiti ako at tumabi sa kanya, iniabot ko ulit yung potato chips na inaalok ko sa kanya kanina at binuksan yung isang Coke in can. Naka abang na ang isang kamay niya sa binuksan kong Coke pero imbes na ibigay yon sa kanya ay diniretyo ko yon sa bibig ko at ininom.

"Wait me here I bibili kita ng sterilized milk at sandwich" sabi ko at kinindatan siya

Habang naglalakad ako papuntang canteen ay may narinig akong babaeng nagsasalita hindi ko na sana ito papansinin pero nabanggit kasi ang pangalan ko at ni Yhnna.

"Grabe si Stephen kagaya lang pala ni Yhnna ang tipo niya" -girl 1

"Hindi si Stephen ang may problema sis kundi si Yhnna for sure ni landi landi niya si Stephen ko no!" -girl 2

"Baka ginayuma!" Sabi ulit nung Girl 1

"Tapos na ba kayong pag tsismisan kami ng girlfriend ko?" Sabi ko na nanlilisik ang mata at lumapit pa sa kanila.

"Stephen sorry" takot na sabay nilang sabi

"Lumipat na kayo ng ibang school ngayon din kung ayaw niyong masaktan ko pa kayo!" Sigaw ko na ikina tingin ng ng mga taong nadaan at mga taong nasa paligid. May mga lumabas pa nga sa canteen at tinignan kung ano ang nangyayari.

"Stephen maawa ka scholar ako Dad mo dito pangako tatahimik na ako at wala kang maririnig na comment galing sa akin patungkol sa inyo ni Yhnna" pagmamakaawa ng babaeng nagsabi na ginayuma daw ako ni Yhnna.

Umiiyak naman yung isa pa habang takip takip yung mukha. Tumayo ako ng tuwid at pinigil ang sarili sa panginginig ng kamao ko tumingin ako sa lahat ng mga taong nasa paligid na naka tingin sa amin.

"Kayong lahat!" Sigaw na panimula ko

"Oras na may narinig ulit ako na hindi maganda patungkol sa relasyon namin ni Yhnna mananagot sakin! Naiintindihan niyo? Ngayon ko lang to sasabihin na dapat itatak niyo sa mga kukote niyo! Wala akong pake kung ano kayo at kung ano pinang gagagawa niyo sa buhay niyo pakialaman niyo ang buhay niyo at huwag ng ibang tao! Oras na maulit ito at may marinig pa akong ganitong kagaguhan humanda na kayong masaktan at umalis sa skwelahan ko!" Nang gigigil na sabi ko

Naglakad na ako papunta ng canteen at bumili ng sterilized milk, mineral water at clubhouse sandwich. Mabilis naman akong naglakad pabalik kung saan ko iniwan kanina si Yhnna.

Nang makita ko si Yhnna sa pinag iwanan ko sa kanya kanina ay kumalma ang kalamnan ko. Kinakain nito yung Potato chips na binigay ko habang nakatutok sa cellphone niya. Agad akong lumapit sa kanya at inagaw ang cellphone niya.

"Ano ba! Akin na nga yan!" Sabi niya

"Kumain ka muna" sabi ko tsaka ko binulsa yung cellphone niya at iniabot yung plastik bag sa kanya. Masamang tingin naman ang isinukli niya sa akin bago niya kinuha ang plastik bag na hawak ko.

Kinuha ko mula sa plastik yung mineral water at binuksan yon at inilagay sa tabi niya. Halos tumalikod siya sakin habang kumakain ng sandwich na binili ko, kinuha ko mula sa bulsa ko ang phone niya at idinayal ang number ko dito.

"Anong ginagawa mo?" Naniningkit ang tingin niya sa akin

"Dinayal ko ang number ko sa phone mo" sabi ko na nakangiti sa kanya. Kinuha ko din ang phone ko mula sa bulsa ko at pina ring naman ang phone niya.

"Save ko lang number ko sa phone mo ha?" Naka ngising sabi ko

"Akin na nga yang cellphone ko!" Masungit na sabi niya. Binigay ko naman to sa kanya habang nakakalokong ngumiti sa kanya.

"Para kang baliw nagmumukha ka tuloy lalong unggoy" sabi pa niya

"Sobrang gwapong unggoy ko naman pala kung ganon" sabi ko sa kanya at kinindatan pa siya.

"My gosh! I hate drugs kuya! Doon ka sa zoo mag feeling gwapo uy!" Sabi pa niya

Inilapit ko naman ang mukha ko sa kanya at nginitian siya. Bahagya naman napaurong ito at nakipag laban ng titigan sa akin. Hinawi ko naman ang mga kumakawalang hibla ng buhok niya na tumatakip sa mukha niya at inipit yon sa likuran ng tenga niya. Nagkatitigan ulit kami at tinanong siya na.

"Mukha ba talaga akong unggoy?" Malambing na bigkas ko

Bahagya namang napa awang ang bibig niya at nagsalita.

"H hindi" mahinang sabi niya. Napa ngisi naman ako sa sagot niya at bigla naman nagbago ang reaction niya.

"H-hindi ka mukang unggoy kasi ka-kasi mukha kang ipis! Oo! Tama! Mukha kang ipis! Ang sarap mong tsinelasin sa mukha!" Sabi niya at biglang tumayo. "Alis na ako may klase pa ako" sabi pa niya at kinuha ang bag niya sa upuan hinawakan ko naman ang kamay niya at tumayo na din. Kinuha ko mula sa kamay niya ang bag niya at inilagay sa balikat ko yon habang ang isa ko namang kamay ay hinawakan ang kamay niya at pinagtiklop ang mga daliri namin.

"Ihahatid na kita" sabi ko sa kanya at ngumiti. Nag iwas naman ito ng tingin sa akin at nagsimula na kaming maglakad.

"Diba may community service ka pa? Hindi mo naman ako kailangan pang ihatid kaya ko sarili ko" mahinang sabi niya. Hinigpitan ko pa ang hawak sa kamay niya at bahagyang idinuyan pa yon.

"Hayaan mo sila, hindi naman mangangamoy basura dito kahit hindi ako maglinis. Ang importante sa akin ngayon ay ikaw sesa" sabi ko na lumingon sa kanya habang nakatingin sa akin at naka kunot ng noo.

"Hindi sesa pangalan ko" inis niyang sabi at huminto sa paglalakad at masamang tumingin sa akin at nagpipilit makawala sa pagkakahawak ko.

"Ikaw si Sesa... ikaw ang prinsesa ko" sabi ko na seryosong tumingin sa kanya. Nag iwas ulit ito ng tingin at nag umpisang naglakad ulit. Ngumisi nalang ako at hinihatid siya hanggang sa upuan niya. Ginulo ko muna ang buhok niya at bumulong na huwag mo akong tatakasan, sabay tayong mag la lunch mamaya sumimangot ito at binigyan ko naman siya ng matamis na ngiti bago lumabas.

***********************

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height