+ Add to Library
+ Add to Library

C12 Lunch

Yhnna's POV

Ikaw si Sesa... ikaw ang prinsesa ko

Ikaw si Sesa... ikaw ang prinsesa ko

Ikaw si Sesa... ikaw ang prinsesa ko

Ikaw si Sesa... ikaw ang prinsesa ko

Ikaw si Sesa... ikaw ang prinsesa ko

"Waaahhh!!!" Sigaw ko sa utak ko

Paulit ulit na bumabalik ang mga salitang binitawan sa akin kanina ni Stephen. Mula kaninang umalis siya hanggang ngayon na nagka klase kami yun at yun pa rin ang tumatakbo sa utak ko. Na kahit anong gawin kong konsentrasyon sa pakikinig kay Mrs.Sarmiento walang pumapasok sa utak ko pilit kumakawala ang boses ni Stephen doon at yung seryosong tingin niya kanina.

Seryoso kaya siya? Tanong ko sa sarili ko

"Who's serious Ms.Lopez?" Tanong ni Mrs.Sarmiento

"Po? Wala po maam" nahihiyang sabi ko, akala ko sa sarili ko lang nasabi yon. Haizt! Nakakahiya tuloy.

"Baka po iniisip niya si Stephen" sabi ni Nicole na tumayo pa sa upuan niya at tinignan ako. Nagtawanan naman ang lahat maliban sa akin at kay Mrs.Sarmiento.

"Okay class enough" sabi ni Mrs.Sarmiento at ngumiti sa akin

"I think he's serious Ms.Lopez" sabi niya na pigil tawa na ikinasimangot ko

Tawanan ulit ang buong klase at ako lang ang naging paksa nila buti nalang at natapos na ang klase namin kaya tumigil na sila sa panunukso.

"Hi Yhnna biro lang yung kanina ha?" Sabi ni Nicole

"Okay lang" tipid kong sagot at bahagyang ngumiti

"Hala natakot si Nicole" sabi naman ni Rica na nasa harapan namin

"Of course not! Bakit naman ako matatakot? Joke lang kaya yon diba Yhnna?" - Nicole

"Oo naman" sabi ko ulit. Bakit naman sila matatakot sa akin? Weird. Sabi ko sa sarili ko

Siya namang pagpasok ni Stephen sa classroom namin na naka pamulsa.

"Akala ko tinakasan mo na naman ako" sabi ni Stephen na nasa harapan ko na ngayon. Hinawakan niya kamay ko at kinuha ang bag ko.

"Hi Stephen!" Sabi ni Nicole na kumaway pa sa kanya. Itong manyak naman na to ni hindi man lang tinapunan ng tingin si Nicole. Hinila ko ang kamay niya at kinunutan ng noo.

"Why?" Tanong niya at pilit na hinihila ako. Tumingin naman ako kay Nicole na hanggang ngayon ay nakangiti sa amin ni Stephen. Hinila ko naman ang dulo ng damit niya at bumulong sa kanya na mag hello kina Nicole at Rica. Kumunot naman ang noo niya na tumingin sa akin bago tumingin sa mga babaeng nakatayo sa di kalayuan sa amin.

"Una na kami" malamig na tonong sabi niya kina Nicole bago ako hilahin palabas.

"Saglit lang" sabi ko sabay hila sa kamay ko.

"Ano nanaman ba? Gusto mo bang buhatin pa kita?" Naiiritang sabi niya. Pinalo ko naman ang dibdib niya at tinignan ng masama.

"Nasa loob pa ang lunch box ko" hinila ko ang kamay ko at pumasok sa loob para kuhanin ang pack lunch ko.

"OMG Yhnna ang haba ng hair mo! Biruin mo ikaw palang ang nakagawa non kay Stephen" sabi ni Nicole na tuwang tuwa sa akin na kulang nalang ay magtatatalon habang hawak ang kamay ko.

"Bakit? Ano bang ginawa ko?" Nalilitong tanong ko

"Matagal ka pa ba?" Sabi ni Stephen na dumungaw mula sa pintuan

"Hayan na po kamahalan!" Bwisit na sabi ko

"Haba ng buhok mo te! Biruin mo si Stephen hinihintay ka sa labas ng classroom!" Nag tititiling sigaw naman ni Rica na kulang nalang din ay sabunutan ako.

"Sige una na ako, mainipin pa naman yon baka buhatin pa ako palabas dito" sabi ko na ngumiti sa kanila

"Sige sige babush" sabi ni Nicole na masayang naka tingin sa akin

"Sige mamaya nalang ulit" sabi naman ni Rica na todo ngiti sa akin

Saktong pagbukas naman ng pintuan ay iniluwa doon ang mahal na hari at tila ba isang oras siyang naghintay doon sa labas.

"Tagal mo nagugutom na ako" Naiinis pang sabi niya.

"Sinabi ko bang hintayin mo ako? Kung gutom ka na bakit hindi kana nauna at kumain?!" Inis ding sabi ko.

"Akin na" sabi niya sa akin habang naglalakad kami

"Ang alin?" Tanong ko naman.

"Yan" sabi niya at tinuro ang paper bag na dala ko

"Wag na magaan lang naman" sabi ko

"Okay" sabi niya at hinawakan ulit ang kamay ko.

Hindi ko alam bakit hinahayaan ko siyang lapastanganin ang kamay ko , nawiwili na siya sa pag hawak hawak sa kamay ko ha! Pero hindi ko rin mawari kung anong pakiramdam ang ibinibigay na init nito sa akin kahit na sa simpleng hawak lang nito.

Nandito na kami sa canteen, maraming tao pero may mga bakanteng mesa pa rin naman at syempre tinginan ang madlang people partikular na sa magka hawak kamay namin.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong ni Stephen na ikina lingon ko.

"May baon ako, yung iyo nalang ang orderin mo" sabi ko at humigpit ang hawak ko sa kanya. Tinignan naman niya ako at yung mga tao sa loob ng canteen na naka tingin sa amin kanina mabilis naman nag iwas ng tingin ang mga ito.

Tinanggal ni Stephen ang pagkakawak niya sa kamay ko at dinukot ang wallet niya sa may likuran niya kumuha siya ng card doon at iniiabot niya sa babaeng tindera na sobra kung maka ngiti sa kanya. Tinignan ko naman si Stephen na ngayon ay tumingin sa akin at inakbayan ako.

"Mr.Montreal ito na po ang card niyo at mga inorder niyo" sabi nung babaeng tindera na sobrang luwang ang pagkakangiti kay manyak.

"Tara na" sabi ni manyak at kinuha ang card niya sa babae at mga ini order niya. Isinuot niya ang shoulder bag ko at kinuha ang mga mga inorder niyang pagkain na naka Styrofoam at naka plastik. Hinawakan niya ulit ang kamay ko at naglakad na

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko ng makita kong naglalakad kami palabas ng canteen

"Mainit, maraming tao, sa rooftop na tayo kumain" baliwalang sabi niya

"Okay" tipid na sabi ko. Mas gusto ko ngang sa rooftop nalang kumain dahil nakaka ilang mga tingin ng tao sa amin kanina buti nga wala akong narinig na pinag tsi tsismisan kami kanina.

*Rooftop*

Gaya ng huling ginawa niya dati nag dial lang siya ng mga digits sa may pinto bago yon bumukas.

Naabutan namin don ang limang kaibigan niya na kasalukuyang kumakain.

"Woah! Ano to ha? Ngayon ka lang may sinamang chix dito ha!" Sabi nung may kulot na buhok

"Binata ka na pare!" Sabi naman nung chinito guy

"Pre anong dala mo?" Sabi naman nung matangkad na lalaki na may dimples at lumapit sa amin. Lumapit pa yung isa na may suot na salamin at nakipag fist bump pa kay manyak.

"Kung ako sa inyo ubusin niyo na pagkain niyo bago kayo itapon ni Stephen palabas" sabi naman nung isa na kumakain pa rin. Agad namang naglapitan ang mga lalaki pabalik sa harapan ng pagkain nila at kumain ulit.

"I give fucking one minute for you guys to finish your foods" sabi naman ni manyak na ikina bilis ng kilos ng mga kaibigan niya. Inalalayan naman niya akong umupo sa may sofa at sinindihan ang tv ibinigay naman niya sa akin ang remote kontrol na agad kong kinuha at inilipat sa Showtime.

"Aayusin ko lang ang pagkain natin" sabi niya at tumango nalang ako bilang pag sangayon

"Leave" simple pero matigas na sabi ni manyak sa mga kaibigan niya. Mabilis namang tumayo ang mga ito kahit hindi pa tapos kumain.

"Bat mo sila pina paalis? Hindi pa sila tapos kumain may balak ka bang masama sa akin?" Sabi ko na biglang tumayo at tinaasan siya ng kilay

"Damn! Wala! Ikaw lang naman iniisip ko baka hindi ka makakain ng maayos dahil sa kanila" iritadong sabi niya na ikina simangot ko. Tinignan ko naman ang mga kaibigan niya parang maamong mga aso na nag papa awa sa harapan ko.

"Diyan lang kayo huwag kayong aalis" sabi ko at tinaasan si manyak ng kilay

"Fuck!" Pagalit na sabi niya

"Aba! Minumura mo ako?!" Sabi ko na lumapit sa kanyang harapan at na mewang

"No! Of course not! I won't do that!" Sabi niya

"Galit ka galit ka?!" Pasigaw kong sabi sa mukha niya

"Hindi" sabi niya at hinila niya ako sa katawan niya at niyakap ako

"Go back tapusin niyo na pagkain niyo" dinig kong sabi niya. Bahagya ko naman siyang itinulak at tumingin sa mga kaibigan niya na pigil pigil ang pag tawa. Bumalik ako sa sofa at na naka simangot at umupo doon, sumunod naman siya sa akin at tinanggal ang mga naka patong sa mesa gaya ng buddah na figurines ibinaba iyon. Inutusan niya yung tinawag na Luke at nagpapakuha ng mga plato.

"Ano ka hari? Nakita mong kumakain mga tao uutusan mo?" Mataray kong sabi. Tumingin naman ako dun sa matangkad na lalaki na tumayo nung tinawag siya ni manyak para utusan. Pinaupo ko ito at sinabing kumain ka lang diyan.

Napahilamos naman ng mukha si manyak at naglakad papuntang kusina para kumuha ng plato.

"Akala mo naman ang layo ng lalakaran niya" Parinig ko sa kanya at tinutok na ang mga mata ko sa tv

Inihanda na ni manyak pagkain namin sa may mesita at umupo na sa tabi ko sa may sofa

Pak! Ganern!

Pak pak! Ganern Ganern!

Pak pak pak! Ganern Ganern Ganern!

Bumalanghit ako ng tawa habang nanonood kina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario at Billy Crawford na naglalaro ng Pak Ganern. Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagtawa kahit na sobrang sakit ng tiyan ko sa pagtawa.

Naka tingin ang lahat sa akin na tumatawa din habang hawak naman ang isa kong braso ni manyak.

"Tama na pagtawa kumain ka na muna" sabi niya. Tinignan ko naman siya habang kagat kagat ang labi ko na pigil sa pagtawa. Hindi ko napigilan ang sarili ko at tumawa na naman ako ng malakas na ikina inis niya yata.

"Kakain ka o hahalikan kita?" Madiin na sabi niya sa akin na ikinahinto ko sa pagtawa. Agad ko naman tinakpan ang bibig ko at umayos ng upo.

"Woooah!" Sigawan naman ng lima sa mesa na mukhang tapos na dahil sa nanonood nalang sila sa amin.

"Leave" sabi ulit ni manyak sa kanila at mabilis na nagtayuan ang mga ito at kanya kanyang bitbit ng pinagkainan nila.

Mariin naman akong tinignan ni manyak. Ngumiti nalang ako at kinuha ang paper bag sa tabi ko at inilabas ang pagkain ko doon.

"Yhnna sa labas lang kami" sabi nung kulot ang buhok. Yung iba naman ay nginitian lang ako at nag sign language na lalabas na sila. Nginitian ko naman sila at wala sa sariling kinawayan sila. Kinuha naman ni manyak ang kamay ko na kumakaway sa mga kaibigan niya at ibinababa yon. Tinignan ko naman siya ng masama dahil sa pagka walang modo niya kita naman niyang nag papa alam mga kaibigan niya tapos siya pa may ganang sumimangot ngayon!

Ini ayos ko ang kanin at sarciadong isda na baon ko. Tinignan ko naman ang tatlong putahe na ulam na binili niya merong 5 sugpo isang platong chicken curry at isang malaking mangkok ng bulalo. Kahit naglalaway na ako sa mga ulam mo hindi ako hihingi! Sabi ko sa isip ko at nagsimula ng naglagay ng kanin sa plato ko

Kinuha niya ang plato ko at itinabi sa kanya ang sarciadong galunggong na ulam ko at ibinigay yung plato niya sa akin na may hinimay na sugpo.

"Akin na lang to" sabi niya at kinuha ang nag iisang piraso ng galunggong na ulam ko at inilagay sa plato niya. Tinignan ko lang siyang maganang kumain at sinubukan pang subuan ako. Nilagyan niya ng chicken curry ang plato ko at naglagay din siya ng bulalo sa dalawang mangkok at ibinigay sakin ang isa.

Wala akong pakialam sa hitsura ko habang kumakain dahil ang gusto ko lang ay i enjoy ang grasyang nasa harapan ko. Nang matapos kaming kumain ay tinulungan ko siyang magligpit ng pinag kainan namin kahit sinabi niyang siya nalang. Hinugasan ko na din ang mga plato habang siya ay nasa tabi ko at pinupunasan naman ang mga na hugasan ko na.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height