+ Add to Library
+ Add to Library

C13 Mahal kita

Yhnna's POV

"Bessy sige na" sabi ni Samantha habang hawak ang kamay ko. Nandito kami ngayon sa locker room at kinukulit niya akong samahan siya sa Birthday party ng pamangkin niya.

"Bessy paano ako kita sasamahan may pasok tayo, tsaka kung pagkatapos ng klase naman ala singko na yon tapos na yung party" tanggi ko.

"Mag half day ka nalang please?" Pag mamaka awa pa niya sa akin

"Pero bessy wala akong ma isusuot sigurado bongga yung party na yon kahit 1 year old lang pamangkin mo" sabi ko pa

"Madami akong damit sa bahay pumili ka kahit na ano magustuhan mo mukhang magka size naman tayo eh mas sexy nga lang ako" sabi pa niya na nag pose pa sa harap ko

"Ikaw na sexy pero hindi pa din ako sasama hindi ako nakapag paalam sa magulang ko" sabi ko

"Naman bessy! Edi ipag papa alam kita! Naku naman ang lakas ko kaya kay tita Yolly!" Sabi pa niya. Tama naman siya, kung ipag papa alam niya ako sigurado akong papayag sila wala pang isang minuto.

"Kung mapapayag mo sila edi sige" sabi ko nalang

"Ohemji! Talaga?" Sabi niya na hinawakan ang kamay ko at nagtatatalon.

"Oo nga kulit mo" sabi ko na nakangiti sa kanya

"So, hintayin nalang kita mamaya? Sa bahay kana lang din mag lunch o kaya sa bahay niyo nalang ako mag lunch" tatawa tawa pang sabi niya

"Okay sige" sabi ko at naglakad na kami paalis

Naghiwalay kami ni bessy ng daan ako papunta sa classroom siya naman pupunta sa library para mag attendance at makapag linis na din.

Nang makapasok na ako sa classroom ay naabutan ko si manyak doon na naka upo sa may upuan ko at naka simangot na naka tingin sa akin. Tumayo ako sa harapan niya at na meywang.

"Alis" sabi ko na nakataas ng kilay. Itinuro naman niya ang hita niya at parang gustong sabihin na dun ako umupo. Hinampas ko ang balikat niya at pinaglakihan ko ng mata.

"Alis sabi" ulit ko at hinampas ulit ang braso niya.

"Ayaw mo talaga ha?" Sabi ko at nagtangkang mag walk out pero niyakap niya ako mula sa likod.

"Sorry na" bulong niya sa tenga ko. Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin at tuluyang lumabas ng classroom. Ramdam ko naman ang pagsunod siya sa akin mula sa likuran ko.

"Ano ba! Huwag ka ngang bumuntot buntot sa akin na parang aso!" Pagalit na sabi ko. Sumunod pa rin ito sa akin na parang walang narinig kinuha pa nga ang bag kong naka sukbit sa balikat ko. Huminto naman ako sa paglalakad dahil may mga nakatingin nanaman sa amin ang iba pa simpleng nagbubulungan pa halata naman na kami ang pinag uusapan.

"Gusto mo yung bag ko ganon?!" Mariin kong sabi nung pagharap ko sa kanya. Kita ko naman sa mukha niya ang lungkot at mukhang sinsero naman ito pero iniwas ko nalang ang tingin ko at basta nalang naglakad. Walang kibo siyang sumusunod pa rin sa akin hanggang maka abot kami sa may Rooftop. Napahinto naman ako ng namalayan kong nasa Rooftop na pala kami ng Aurellia Building kung saan ang tambayan nila.Liliko pa sana ako pabalik pero pinigilan naman ako ni manyak gamit ang isang kamay niya.

"Lets talk" malambing na sabi niya. Humarap naman ako sa kanya at pinaningkitan ng tingin.

"Kausapin mo sarili mo!" Sabi ko sabay tanggal sa kamay niyang nasa braso ko.

Bigla naman umangat ang katawan ko at para akong isang kaban na bigas na buhat buhat niya.

"Ibaba mo ako!" Sabi ko sa kanya at hinampas ang likuran niya. Huminto siya sa tapat ng pintuan at dinig ko ang pagtipa niya ng numero doon.

"Ibaba mo ko! Walangya ka talaga!" Sabi ko na walang tigil pa rin sa pag hampas sa likod niya. Pumasok na kami sa loob at ibinaba niya ako sa may sofa.

Pagkababa niya sa akin sa may sofa ay lumuhod ito sa akin habang hawak hawak ang dalawang kamay ko.

"Malapit na akong masiraan ng ulo dahil sa pag iwas mo sa akin" sabi niya at inilagay ang mga kamay ko sa mukha niya

"Talk to me please?" Ramdam ko ang hirap sa boses niya

"I promise hindi na yon mauulit" sabi pa niya. Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya.

"Sesa please" pagsusumamo niya. Gusto ko na siyang lingunin pero pinigilan ko sarili ko.

"Kapag sinabi mong hindi, ayaw mo, tama na, huwag I promise kahit ano pa yon ititigil ko pangako yon sesa" sabi pa niya.

Naramdaman ko ang mumunting tubig na dumaan sa magkabilang kamay ko kaya mabilis ang lumingon dito habang siya ay naka pikit at bahagyang nakayuko.

Umayos ako ng upo at tinanggal ang dalawang kamay kong naka sarado at hinawakan ang pisngi niya, pinunasan ko yung iilang butil na luha niya gamit ang hinlalaking daliri ko. Nagkatitigan kami at nginitian ko siya yun na rin siguro ang way ko sa pagsabing okay na. Hinawakan niya ulit ang mga kamay ko at dinala yon sa labi niya.

"Sabi mo pag sinabi kong tama na titigil ka diba?" Naka simangot na sabi ko na ikina tingin niya sa akin. Tumango naman ito

"Pwes tama na yan" sabi ko "Halika nga dito sa tabi ko para kang engot na naka luhod diyan" sabi ko pa.

Agad naman itong lumipat sa tabi ko at niyakap niya ako.

"Ang sabi ko tumabi ka lang pero huwag tsumansing" sabi ko at tinulak siya. Tumawa naman ito at pinanggigilan ang pisngi ko. Tinanggal ko naman ang kamay niya at ako naman ang yumakap sa kanya at hinilig ang ulo ko sa may dibdib niya. Ang bilis ng tibok ng puso niya parang mas mabilis pa nga kaysa sa akin.

Gumanti ito ng yakap sa akin at hinalikan pa ang ulo ko at hinimas himas ang buhok ko. Pumikit ako at hinayaan muna ang masarap na pakiramdam na ngayon ko lang nadama. Ano ba tong nararamdaman ko sayo? Tanong ko sa sarili ko

Nang gumaan na ang pakiramdam ko ay tinulak ko ulit ito at tinaasan ng kilay. Para naman siyang na engkanto na naka kunot noo nakataas pa ang dalawang kamay niya na parang sinasabi na "what".

"May klase pa ako at late na ako kaya kung maaari ay lumayas ka sa harapan ko bago mag dilim ang paningin ko mabugbog pa kita" sabi ko at akmang tatayo pa lang ako ay hinila niya ulit ako paupo.

"Hindi pa tayo nag uusap" seryosong sabi niya

"Anong ginagawa natin ngayon? Diba nag uusap na tayo?" Pilosopong sabi ko

"Ang ibig kong sabihin yung tungkol sa atin" sabi pa niya

"Ano bang meron sa atin? Wala naman diba?" Sabi ko na ikinagulat niya at madilim na tumingin sa akin

"Wala lang ba sayo ang lahat ng to?" Sabi niya

"Ano ba tayo?" Mahinang tanong ko habang nakatingin sa kanya. Mukhang nagulat naman siya sa tanong ko

"Ano ba sa tingin mo?" Tanong niya habang seryosong naka tingin sa mata ko

"Wala" sagot ko at nag iwas ng tingin sa kanya. Kinuha ko ang bag ko na nasa tabi niya tumayo na ako at nagsimulang naglakad.

"Pinaglalaruan mo ba ako? Wala lang ba sayo ang lahat ng to?" Sabi niya habang nakaupo sa sofa, nakayuko, at naka hilamos ang mukha sa palad niya.

"Sino kaya sa atin ang naglalaro? Gusto mo ng totoong sagot? Alam mo ba pakiramdam ko? Pakiramdam ko hindi totoo lahat ng to na himahinasyon lang kita na kung sakali na totoo ka naman iiwan mo rin ako pag nag sawa kana. Hindi ko nga alam bakit tumatakbo sa isip ko na baka nga gusto mo ako na baka nga totoo ang lahat ng pinapakita mo sa akin, wala nga akong kadiguraduhan kung ano ba talaga ako sayo. Napaka ambisyosa ko diba? Biruin mong naisip ko ang lahat ng mga kalokohan na to" naluluhang sabi ko

"Mahal kita" sabi niya na seryosong tumingin sa akin tumayo ito at lumapit sa harapan ko. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at sinabi ulit dalawang salita na yon.

"Mahal kita" ulit niya at mas lumapit pa siya sa akin napa pikit ako ng maramdaman ko ang pag halik niya sa noo ko. Isinandal nito ang noo niya sa noo ko at patuloy na nagsalita.

"Alisin mo ang mga agam agam mo mahal ko. Nandito ako totoo, at hinding hindi ka iiwan" sabi pa niya. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at tumingin sa kanya.

"Patunayan mo" sabi ko at lumayo na sa kanya.

Naglakad ako palabas at iniwan siya don na nakatayo patalikod sa akin, mabuti nalang at walang mga estudyante ngayon sa corridor dahil paniguradong pag tsi tsismisan na naman ako sa lagay ko ngayon na walang patid ang pagkuha. Imbes na pumasok ako sa classroom ay tumuloy ako sa garden sa school at pumasok sa may greenhouse. Umupo ako sa isa sa mga benches na naroon at pinagpatuloy ang pag iyak.

"Mahal mo ako? Bakit parang ang bilis? Bakit ang hirap paniwalaan? Tapos ano? Pag sinabi kong may gusto na ako sayo iiwan mo na ako?" Sabi ko sa sarili ko habang yakap yakap ang bag ko.

Tumunog ang cellphone ko at kinuha yon mula sa bulsa ng palda ko.

Manyak: sesa sabay na tayong mag snacks mamaya, hintayin nalang kita sa labas ng classroom niyo

Sent: 8:46am

Me: kasabay ko si bessy mamaya.

Sent: 8:50am

Manyak: samahan ko nalang kayo mamaya

Sent: 8:50am

Me: may pag uusapan kami ni bessy sumabay ka nalang sa mga kaibigan mo

Sent: 8:55am

Manyak: okay, sa lunch nalang? Dito nalang tayo sa Rooftop mag lunch :)

Sent: 8:56am

Me: sa labas kami kakain ni bessy

Sent: 8:58am

Manyak: umiiwas ka ba sa akin?

Sent: 9:00am

Hindi ko na siya ni replayan sa huling text niya.

Ano bang ginagawa mo sa akin Stephen? Ano ba talagang kailangan mo? Natatakot ako sa kung anong nararamdaman ko sayo.. natatakot ako sa bandang huli saktan mo lang ako.. patunayan mo na karapat dapat ka sa pagtitiwala ko, patunayan mo kung totoong mahal mo nga ako.. dahil ako nagsisimula ng mahulog sayo at hindi ko alam kung hanggang saan pa ako aabutin ng nararamdaman ko sayo.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height