Ang Boyfriend Kong Manyak/C14 Patunayan mo
+ Add to Library
Ang Boyfriend Kong Manyak/C14 Patunayan mo
+ Add to Library

C14 Patunayan mo

Stephen's POV

"Patunayan mo"

Yan ang huling salitang narinig ko sa kanya bago niya ako tinalikuran at tuluyang iwan.

Sesa anong patunay ba ang gusto mo? Paulit ulit kong tanong sa isip ko. Narinig kong bumukas ang pinto sa main door kasabay ang boses nina Luke at Gio. Dumapa ako sa kama at pumikit pilit iniisip kung ano ang dapat kong gawin.

Maayos naman kami kahapon sabay pa nga kaming na nanghalihan dito nung break time nila sabay din kami nag snacks sa canteen ang kaso nung ihahatid ko na siya sa classroom nila ay may lalaking tumatakbo at na tamaan siya dumaing ito sa sakit na nagpa dilim ng tingin ko.

Agad kong itinulak yung lalaki at sinuntok sa mukha kung ano ano pa sinabi ko na hindi ko na matandaan habang sinusuntok siya. May sinasabi si Yhnna pero hindi pa rin ako tumigil hanggang sa dumating si Anthony kasama ang kambal at inawat ako.

Luhaan si Yhnna ng tignan ko siya at tumakbo siya paalis, susundan ko sana siya kaso pinigilan ako ng tatlo kong kaibigan at sapilitang dinala nila dito sa tambayan. Pilit nila akong pinakalma kahit sapilitan kong sinasabi na pupuntahan ko si Yhnna.

"Hindi ka kakausapin ni Yhnna pare sinasabi ko na sayo" sabi ni Joseph na naka upo sa may center table.

"Pare sigaw ng sigaw si Yhnna pinapatigil ka pero para kang walang naririnig at patuloy pa rin pag suntok dun sa tao na kulang nalang ay mawalan ng malay" Dagdag naman ni Gio

"Wala talaga akong matandaan ang alam ko lang gusto kong saktan yung lalaki na dahilan kung bakit nasaktan si Yhnna" sagot ko sa kanila

"Sa ngayon magpa hinga ka muna dito at huwag mo munang kausapin si Yhnna" sabi naman ni Jonas. Tinignan ko naman ito habang pinupunasan ang salamin niya.

"Gusto ko siyang makausap" tipid kong sabi

"Huwag kang makulit pre, parang na trauma yung shota mo nanginginig sa takot kanina bago kami dumating. Sigaw ng sigaw na tama na pero hindi mo siya pinapansin" sabi ulit ni Gio

Napapikit at napa sabunot ako ng buhok at tumayo, pumunta ako sa kusina at naglabas ng san miguel light na naka can at agad na ininom.

"Sa ngayon pre hayaan mo muna siya, kita mo naman lagay niya kanina kung hindi pa siya niyakap nung kaklase niya hindi siya titigil sa panginginig" sabi naman ni Jonas

"Ang mas mabuting gawin mo pre pakalmahin mo muna sarili mo bago humarap at kausapin siya" sabi naman ni Joseph na naglakad papunta sa akin at tinapik ang balikat ko. Binuksan nito ang ref at kumuha ng tatlo pang san mig light, hinihagis niya ang dalawa sa kambal niya at kay Gio.

"Mas mabuti pa samahan ka nalang muna namin dito" sabi pa niya na inakbayan ako at inakay papunta sa may sofa.

Binagsak ko naman ang katawan ko sa may sofa at tumingala na lagos tingin sa kisame.

"Anong gagawin ko?" Mahinang usal ko

"Kampay mo pare" sabi naman ni Jonas na itinaas ang alak na hawak niya. Itinaas ko din ang akin at sumunod naman ang dalawa pa.

"Mamaya samahan ka namin sa labas ng classroom nila, hintayin natin ang pag uwi niya at tsaka ka mag hingi ng sorry dahil sa nangyari kanina" sabi pa ni Jonas

Naka tig da dalawang san miguel light in can lang kami at nagpahinga na, hindi na sila pumasok at nanood nalang kami ng tv. Menos diyes para ala singko ay bumaba na kami para pumunta sa classroom nina Yhnna at abangan siya sa paglabas niya.

Nagkatitigan agad kami at una siyang umiwas ng tingin

"Yhnna una na kami ha? Kita nalang ulit tayo bukas" sabi nung dalawang babae

"Sige salamat, bukas nalang" sabi niya at bahagyang ngumiti sa kanila

"Sesa yung nangyari kan-"

"Please.. huwag mo muna akong kausapin" sabi niya na ikina putol ng sasabihin ko sana. Hahawakan ko sana ang kamay niya pero para itong takot at biglang umiwas, mabilis itong naglakad pero sinundan ko.

"Sesa I'm sorry" sabi ko pero hindi pa rin ito humihinto sa paglalakad nag titinginan na nga mga tao sa amin pero buti nalang nasa likuran ko ang tatlong kaibigan ko kaya agad din binabawi ang tingin sa akin.

"Sesa I'm sorry!" Sigaw ko na ikinahinto niya, humarap siya sa akin at nagsalita.

"Please lang tigilan mo na ako parang awa mo na please lang!" Mariin na sabi niya.

"Hindi.. pag usapan natin ito I'm sorry" sabi ko na lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"Wala tayong dapat pag usapan at lalong hindi ka sa akin dapat humingi ng sorry, please lang huwag kana ulit lalapit sa akin" sabi niya at binawi ang kamay niya sa akin at tumalikod na. Hahabulin ko pa sana siya pero pinigilan na ako nung tatlo

"Pre, hayaan mo muna si Yhnna" sabi ni Joseph

Parang nawalan ako ng lakas habang tinitignan ang likod ni Yhnna na paalis.

Pagbalik namin sa tambayan ay agad ko siyang tinext kung nasa bahay na ba siya. Tinambakan ko siya ng maraming text pero ni isa ay walang reply sa kanya. Sinubukan ko siyang tawagan pero ni re reject niya mga ito.

Umuwi ako sa condo ko at sinubukan kong ulit na tawagan siya pero tulad ng kanina kina cancel niya, nung huling subok ko na tawagan siya ay nakapatay na ang phone niya. Pagkalipas ng dalawang oras na pagsubok sa pagtawag sa kanya sa wakas binuksan na niya ulit ang phone niya yun nga lang puro ring lang ang naririnig ko. Agad akong tumayo sa kama ko at kinuha ang susi ng kotse ko agad akong bumaba sa basement at pinatunog ang sasakyan ko.

Nasa harapan ako ng bahay nina Yhnna may ilaw ang loob ng bahay nila indikasyon na gising pa sila. Bumukas ang bintana sa taas at nakita kong dumungaw doon si Yhnna na ikinalabas ko ng kotse ko. Sinubukan ko ulit itong tawagan at nakita kong umilaw ang hawak niyang phone, nakatitig lang siya doon hanggang sa namatay na ang tawag ko. Nag text ako sa kanya at sinabi nasa harapan ako ng bahay nila, agad naman siyang tumingin sa labas kung saan naroon ako.

Itinaas ko ang kamay ko at nagkatitigan kami, sinubukan ko ulit tawagan siya pero hindi niya sinasagot ang tawag ko diretyo lang siyang naka tingin sa akin at biglang sinarado ang bintana. Kita ko ang anino niya na nakatayo patalikod at naka sandal sa may bintana nila. Hinintay ko munang mamatay ang ilaw ng kwarto niya bago ako pumasok ulit sa kotse at pinaandar yon paalis.

Patunayan mo...

Salitang bumalik sa isip ko na nagpa balik sa akin sa realidad.

Nagulat sina Gio at Luke nang makita akong lumabas ng kwarto kasalukuyan silang nanonood ng tv habang nginangatngat ang potato chips na binili ko.

"Nandiyan ka pala" sabi ni Luke

"Natulog ka?" Tanong naman ni Gio

"Wala ako anino ko lang to" sabi ko kay Luke na nakatingin sa akin "paano ako makakatulog kung ang ingay niyo?" Dagdag ko pa at umupo sa may gitna nila at inagaw kay Gio ang potato chips.

"Musta kato ni Yhnna?" Biglang tanong ni Luke na ikina tingin namin pareho ni Gio sa kanya. Bumuntong hininga ako at sumandal bago nagsalita ulit.

"Patunayan ko daw" sabi ko

"Ang alin?" Sabay na tanong nila. Hinila ni Gio ang center table at umupo doon.

Nagkibit balikat lang ako dahil ako din mismo hindi alam kung ano pa patunayan ko. Nagka girlfriends na ako pero ni isa sa kanila hindi ko niligawan at kung ano ang gusto ko yun ang ginagawa nila kaya wala akong ideya kung ano ang ibig sabihin niya.

"Baka naman gusto niyang patunayan mo sa kanya na mahal mo siya. Ganoon naman talaga mga babae diba?" Sabi ni Gio at tinanong pa si Luke

"Patunayan mo pre na seryoso ka sa kanya pre, mahal mo na ba?" Tanong naman ni Luke sa akin

Pareho silang naghihintay ng isasagot ko kaya binatukan ko silang pareho.

"Ano ba sa tingin niyo?" Inis na sabi ko sa dalawa

"Ikaw na pre!" Sabi naman ni Luke na nakipag apiran pa kay Gio

"Hindi ko nga din alam kung bakit ako nagkaka ganito sa kanya. Gusto ko laging hawak ang kamay niya na para bang pag hawak ko ang kamay niya nawawala lahat ng problema ko gumagaan ang pakiramdam ko" sabi ko

"Putan*ina! Binata ka na talaga pre!" Sabi naman ni Gio na tumayo pa at pinagyayakap ako sa sofa. Sumali din si Luke sa pagyakap sa akin habang ako naman ay tawa ng tawa dahil sa nakikiliti ako sa pinang gagagawa nila.

"Hindi ko na talaga alam kung sino ang bakla sa inyo" kamot kamot sa ulong sabi ni Anthony na hindi namin namalayan na naka pasok na pala.

Umayos naman ng upo ang dalawa at pinagitnaan ako.

"Ano to love triangle?" Dagdag pa ni Anthony kaya binato ko agad ang unan na nasa likuran ko nagtawanan lahat kami ng ma sapul ko ito sa mukha.

Ilang minuto lang lumipas ay dumating na ang kambal, pinayuhan ako at nag isip ang buong barkada kung anong dapat kong gawin. Ibat ibang suhestiyon ang binigay nila na sa bandang huli ay napagpasyahan namin na gawin nalang lahat yon. Mabuti nalang nandito ang mga kaibigan ko na handang tumulong sa akin sa problema ko kay Yhnna.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height