Ang Boyfriend Kong Manyak/C15 Meet the parents (1)
+ Add to Library
Ang Boyfriend Kong Manyak/C15 Meet the parents (1)
+ Add to Library

C15 Meet the parents (1)

Samantha's POV

Maabilis kong hinila si bessy palabas ng classroom ng makita ko siya isasama ko kasi siya sa Tagaytay birthday kasi ng anak ng pinsan ko.

"Bessy dahan dahan naman" sabi niya

"Sorry naman excited kasi ako" sabi ko naman

"Excited kang makita yung mag bi birthday?" Kunot noong tanong niya.

"Well, isa na din yon pero mas excited akong makita yung kapatid ng asawa ng pinsan ko!" Excited na sabi ko

"Grabe, at isasama mo pa ako para gawing taga hampas mo lang kapag nasisilayan mo siya ganon ba?" Sabi niya

"Grabe ka naman sakin bessy, isasama kita kasi gusto kitang isama no" naka simangot na sabi ko

"Heto talaga hindi mabiro" sabi naman niya at sinundot tagiliran ko

Napansin kong napatigil si bessy sa paglalakad nang malapit na kami sa parking lot, tinignan ko kung saan siya naka tingin at nakita ko nga na nakatingin siya kay kuya Stephen na nakaupo sa BMW i8 niya na binili pa niya sa ibang bansa habang kausap si Gio at ilan pang kaibigan nila.

"Tara na bessy" sabi ko na ikinagulat niya at napa tango nalang. Kanina pa naroon ang driver ko pero minabuti kong lumapit muna kina kuya habang hila hila si bessy. Alam kong may something sa kanila tsaka nag confess na kaya si kuya sa akin and good boy naman talaga si kuya at gusto ko siya para sa bessy ko.

"Hi kuya!" Masiglang sabi ko habang papalapit kami ni bessy sa kotse niya. Naka ngiti itong tumingin sa akin at nabigla kung sino ang kasama ko. Agad itong lumabas sa kotse niya at tumayo ng maayos halos madapa pa nga ito noong tumayo siya. Tumingin naman ako kay bessy na nag iwas ng tingin kina kuya.

"Hello Sam" sabi naman ng mga kaibigan niya sa amin.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi pa nga eh, kayo ba kumain na?" Tanong naman ni Luke na nagkakamot ng pisngi. Si kuya naman ay tulala kay Yhnna na parang si Yhnna lang ang tao na kasama niya, samantala heto namang bessy ko feeling ko magkaka stiff neck na dahil sa pag iwas ng tingin kay kuya.

"Hindi pa din eh, balak ko sanang sa bahay nalang nina bessy ako kakain ng lunch masarap kasi magluto yung mama niya" masayang sabi ko. Hinila naman ni bessy ang laylayan ng damit ko pero hindi ko siya tinignan.

"Nakakahiya naman kay Yhnna na pupunta nalang tayo sa kanila ng walang abiso" sabi naman ni Anthony

"Sigurado okay lang kay tita Yolly yon no! May mini restaurant kasi sila sa harapan ng bahay nila at syempre bawal ang libre doon kaya ibig sabihin magbabayad kayo kung ano man ang kakainin niyo" Masiglang sabi ko

"Orayt!" Sigaw naman ng iba. Tumingin naman ako kay kuya na naka tingin sa akin ngayon at kinindatan siya ngumiti naman ito at napapa iling.

Binigay ko ang address sa kanila sa kaling mawala kami sa paningin nila. Nag sakayan naman sila sa mga kotseng dala nila at hinila ko na din si bessy pa sakay ng kotse namin.

"Ano ka ba! Bat mo ginawa yon? Nakakahiya tuloy" sabi niya

"Bakit ba? Alin ang nakakahiya?" Sabi ko bago ko inutusan ang driver na umalis na

"Baka kasi iniisip nila na mayaman kami at nag e expect na restaurant nga dadasnan nila sa bahay eh turo turo lang kaya yon" sabi pa niya

"Hindi matapobre si kuya at ang mga kaibigan niya ano ka ba, relax ka nga lang at tsaka masarap naman talaga luto ng mama mo sigurado ako ma gugustuhan nila yon kaya chill ka lang okay? " sabi ko

"Kasi naman bessy bakit sinabi mo pa kasi" nakalabing sabi niya

"Hayaan mo na, nasabi ko na wala ka ng magagawa" sabi ko pa

"Siyanga pala, ano facebook account mo? Sini search ko pangalan mo pero hindi naman ikaw yon" dagdag ko

"Wala naman kaya ako non" sabi niya

"What? Pati facebook pinagkakait mo sa sarili mo? Akin na phone mo igagawa kita ngayon din" sabi ko at kinuha ang phone niya na hawak niya.

Wala pang limang minuto may nagawan ko na siya ng facebook at twitter . Ini add ko agad ang sarili ko gamit ang phone niya. At syempre ginawa kong profile picture yung pic naming dalawa.

"Hayan na bessy may facebook at twitter ka na yung mobile number mo yung ginawa kong email mo sa facebook at ang password mo naman ay YHNNALOPEZ big letters lahat walang space okay? Palitan mo nalang pag may naisip ka ng password mo" sabi ko bago huminto ang sasakyan namin at huminto sa mismong tapat ng bahay nila.

Nagsidatingan naman na sina kuya at bumaba na rin pagka park nila sa mga sasakyan nila. May tumili pa ngang mga babae nung halos magkakasabay na bumaba sa kanya kanyang kotse nila yung anim.

"Kuya dito!" Sabi ko sa kanila. Si bessy naman ay nakatayo at hinihintay sila.

"Tita Yolly!" Sabi ko noong makita kong lumabas ito sa mini resto nila. Agad akong lumapit at humalik sa pisngi niya.

"Napadaan kayo? Wala ba kayong pasok?" Tanong niya habang naka tingin kina kuya

"Kuya siya si Tita Yolly mama ni Yhnna" sabi ko

Agad namang lumapit si kuya at nag mano kay tita Yolly sumunod naman mga barkada niya at gumaya sa ginawa ni kuya.

"Kaawaan kayo ng Diyos, halikayo pumasok muna sa bahay" sabi ni Tita

"Ma! Dito daw sila kakain kaya doon nalang" sabat ni Yhnna na tinuturo ang mini resto nila.

Agad naman kaming pumasok at umupo sa mga monoblock na naroon kaharap ng mga mesa.

"Tita heto nga po pala si Stephen pinsan ko po" sabi ko kay tita Yolly habang hila hila ko si kuya.

Nagngitian naman mga barkada niya na para bang alam nila ang binabalak ko. Ayoko naman tumingin kay bessy dahil siguradong nakamamatay na tingin ang ibibigay niya sa akin.

"Aba! Ang gwapo ha!" Puri naman ni tita na ikina ngiti ng maluwang ni kuya. "Sige na pumili na kayo ng kakainin niyo at may pasok pa kayo" dagdag niya

"Tulungan ko na po kayo" sabi ni kuya.

"Naku! Huwag na anak baka mamantsahan pa ang uniporme mo, kaya naman namin ni Marissa ito" sabi ni tita bago pumasok sa may loob kung saan naroon ang mga naka estanteng ulam na pag pipilian.

Magana kaming kumain kung ano ano ang pinili at ini order namin lahat, ngayon lang din ulit ako kumain ng ganito karami.

"Sabi ko sa inyo masarap magluto si Tita eh!" Proud na sabi ko

"Pwede po bang dito nalang kami kumain ng tanghalihan araw araw tita Yolly?" Tanong ni Anthony na naka dalawang extra rice na.

"Kung iyon ang gusto niyo bakit hindi? Ipagluluto ko pa kayo ng putaheng gusto niyo basta sabihin niyo lang kung ano"

"Yung isda po sana na ulam kahapon ni Yhnna pwede po ba yon?" Sabi ni Kuya Stephen na ikinalingon namin lahat sa kanya pati na si Yhnna.

"Oo naman! Ang kaso baka maiba ang panlasa mo dahil si Yhnna ang nagluto ng ulam niya kahapon" sabi naman ni tita. Ngumiti naman si kuya dito at tumayo habang hawak ang mga platong pinag kainan niya.

"Ako na anak" sabi ni tita na kinukuha ang mga pinagkainan nila kuya

"Ako na po" sabi niya at tuloy tuloy sa may kusina nila doon at simulang hugasan.

"Ang batang ito talaga, dahan dahan at baka ika'y mabasa" nag aalalang sabi ni tita.

"Baka po kailangan niyo ng dishwasher tita pwedeng pwede po si Stephen" sabi ni Jonas

"Masaya po niyang gagawin lahat tita kahit gawin niyo pang houseboy yan basta iutos niyo lang" sabi naman ni Joseph at nagtawanan lahat kami syempre maliban kay Yhnna na todo simangot.

Bago kami umalis inabutan ni Gio si Tita na pambayad namin, hindi ko alam kung magkano pero ilang libo din yon. Sabi pa nga ni Tita ay sobra sobra na yon pero sinarado lang ni Gio yung kamay ni Tita at sinabing masarap yung pagkain at babalik ulit sila. Ipinag paalam ko muna si Yhnna at sinabing isasama ko siya sa tagaytay dahil birthday nga ng pamangkin ko. Pinarinig ko talaga yon kay kuya at lumingon sa kanya tinignan naman niya ako at kinindatan ko naman siya. Pumayag naman agad si Tita Yolly gaya ng ineexpect ko.

Nauna ng umalis mga barkada ni kuya dahil papasok pa daw sila sumunod din naman agad si kuya sa kanila pagkatapos nitong magpa alam sa biyenan niya hihihi

"Bessy malapit nang ma laglag labi mo kaka simangot" sabi ko

"Sabunutan kita diyan eh!" Sabi niya na ikinatawa ko

Tumunog ang cellphone ko at sinagot ang tawag ng kapatid ni Gio

"Hello?" -ako

"Hello Ate! OMG OMG!" - Gail

"What happened?" Sabi ko

"Ate si Kuya Stephen did you see the video of him na ba?" -Gail

"What video Gail?" - me

"Wait ate I'll send it to you nalang" -Gail

After two minutes nakita ko na yung video. Walang awang pinagsusuntok ni Kuya Stephen yung lalaki na parang wala ng malay habang si bessy ay umiiyak at sumisigaw. Narinig yata ni bessy ang boses niya kaya bigla siyang lumapit at hinawakan pa ang kamay ko para makapanood ng maayos. Umiiyak naman siya habang pinapanood ang video.

"Bessy kailan pa ito? Sino yung lalaki?" Curious na tanong ko

"Kahapon yan hindi ko kilala yung lalaki, hinahabol niya yung bola at hindi sinasadyang na tamaan ako. Tapos si Stephen naman biglang binugbog yung lalaki pinapatigil ko na siya bessy pero hindi siya tumigil mabuti nalang dumating yung mga kaibigan niya at na awat siya" sabi niya na sumisinghot at tumutulo ang luha

Niyakap ko si bessy para sana i comfort siya pero lalo lang siyang umiyak grabe naman kasi talaga si kuya halos mabura na ng dugo yung mukha ng lalaki pero hindi pa rin siya humihinto. Tumigil lang sa pag iyak si bessy nung nasa bahay na kami balak pa nga niyang tanggalin yung sapatos niya bago pumasok pero pinigilan ko lang. Agad kaming umakyat sa kwarto ko at pina pili siya ng gustong isuot.

Nauna na akong naligo sa kanya at isinuot ang Princess lace red dress na binili ni mommy sa akin mula sa Hongkong last month at tinernuhan ng red stilettos.

"Bessy ikaw naman maligo may bagong towel doon sa cabinet" sabi ko na nakangiti sa kanya. Tinignan ko yung pinili niyang damit at napasimangot ako dahil sa pagka simple non. Pumili ako ng damit na sa tingin ko ay bagay sa kanya, kinuha ko yung kulay puting high low dress at tinernuhan din yon ng black and red na pumps. Kinuha ko din ang kulay pula kong Dior bag at inilagay doon mga gamit niya.

"Bessy ito isusuot mo ha?" Sabi ko

"Ha? Nasan ba yung dilaw na dress?" Tanong niya

"Masyadong simple kaya yan nalang isuot mo" sabi ko

"Pero bessy feeling ko di bagay sakin to" sabi niya

"I sukat mo muna kapag hindi bagay edi yung pinili mo nalang kanina" sabi ko kahit na alam ko naman na bagay sa kanya ang pinili kong damit. Hihihi

Nang ma isuot na niya ay pinakita ko sa sarili niya sa full length mirror.

"Sabi ko sayo bessy bagay eh!" Nakangiti kong sabi habang naka tingin sa kanya sa salamin.

"Ohemji! May kulang pa!" Sabi ko na pinaupo siya sa may dressing table. Me make upan ko sana siya kaso ayaw niya okay na daw siya sa polbos at lip gloss. Kaya blinow dry ko nalang ang mahabang buhok niya.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height