Ang Boyfriend Kong Manyak/C16 Meet the parents (2)
+ Add to Library
Ang Boyfriend Kong Manyak/C16 Meet the parents (2)
+ Add to Library

C16 Meet the parents (2)

Yhnna's POV

Isa't kalahating oras daw ang biyahe papunta sa bahay ng pinsan ni bessy kung ano ano mga kinukwento niya habang nasa biyahe kami na halos patungkol sa kuya niyang manyak. Kanina pa rin siya picture ng picture sa phone niya at sabi itatag daw niya ako. Umoo nalang ako kahit hindi ko naman alam kung ano yon at para saan yon.

"Pero bessy seryoso ha? Ano lagay niyo ni kuya? I mean, nag di date naba kayo?" Tanong ni bessy

"Bakit naman kami mag di date? Okay naman kami may konting hindi lang pagkaka intindihan sa amin, alam mo na yung nangyari kahapon" sagot ko

"Hindi ka niliigawan ni kuya?" Takang tanong niya

"Dapat ba niya akong ligawan? Bakit naman niya ako liligawan?" Sabi ko na tumingin sa labas

"Paano kung ligawan ka niya?" Tanong pa niya

"Bakit naman niya ako liligawan diba?" Natatawang sabi ko

"Paano nga kung ligawan ka niya? May pag asa ba?" Tanong niya na ikina tahimik ko.

"So, confirm!" Sabi niya na tumatawa

"Ang alin?" Takang tanong ko sa kanya

"Na may gusto kana sa kanya, dati kasi pag siya na pinag uusapan at kapag binibiro kita na may crush ka sa kanya umiinit agad ang ulo mo at kung ano ano na sasabihin mo about sa kanya, pero ngayon tumahimik ka lang ibig sabihin may gusto kana kay kuya. Oh wait! Should I call you pinsan na din?" Mahabang sabi niya

"Hindi lang ako sumagot may gusto na agad ako sa pinsan mo? Grabe ka sa akin ha!" Sabi ko

"So wala ka ngang gusto sa kanya?" Tanong ulit niya

"W-wala no! I-ikaw talaga kung ano ano pinag iiisip mo" sabi ko

"Ibig sabihin walang pag asang maging kayo ni kuya?" Tanong ulit niya. Tama bang ilagay ako sa hot seat?! Sarap sabunutan ng babaeng ito jusko!

"Bessy ano na! Sagot!" Sabi niya at ni yugyog pa ako sa balikat

"Eh ano ba ang gusto mong sagot?" Sabi ko

"Edi yung totoo lang, bessy bestfriend mo ako I deserve to know naman siguro what's the real score between the two of you diba? Bestfriend kita pinsan ko siya and I also have heard rumors na kayo na pero hindi ako naniniwala dahil wala kang sinasabi sa akin" may hinanakit na sabi ni bessy

"Bessy.. hindi naman sa gusto kong mag lihim sayo. Ang problema kasi maging ako hindi alam kung ano ang meron kami" sagot ko na hindi mapigilan ang pagpatak ng luha.

"Bakit hindi mo tanungin si kuya?" Tanong niya na umusog pa sa tabi ko

"Ayoko bessy.. natatakot ako.. sinabi naman na niya na mahal niya ako kaya lang hindi ko alam bakit ganito nararamdaman ko" sabi ko naman na pinahiran ang mga tumutulong luha

"Ano ang ikina katakot mo? Bessy may gusto ka na ba kay kuya?" Tanong niya. Tumingin ako sa kanya at umiyak na ng tuluyan.

"Ohemji bessy tahan na hayaan mo bubugbugin ko si kuya. Grabe ang manhid niya ha! Sobrang halata naman na may gusto sayo pero hindi ka pa rin ni liligawan humanda sa akin mamaya yon!" Sabi ni bessy

"Bessy huwag mong sasabihin sa kanya ha? Natatakot akong ligawan lang niya ako dahil sa may gusto na ako sa kanya. Natatakot ako na pagkatapos niya akong pa ibigin ay iiwan nalang din basta basta, natatakot ako sa nararamdaman ko bessy. Please huwag mong sasabihin sa kanya pangako i iwasan ko siya hanggat ma a ari" sabi ko na tumingin sa kanya at hinawakan ang dalawang kamay

"Bessy ngayon ako naniniwala na pag nag mahal ka magiging tanga ka, pero ibang klase ang sayo bessy hindi pa man kayo nagtatanga tangahan ka na. Hindi mo ba alam yung salitang try? Subukan mong magtiwala kay kuya, subukan mo iparamdam niya sayo gaano ka niya kamahal. Lahat ng pangyayari sa buhay natin kailangang sumubok o sumugal lalo na para sa ikakasaya natin. Huwag mong pigilin ang sarili mong sumubok bessy malay mo siya na talaga para sayo. Kung ang ending ay iiwan ka din niya gaya ng nasa isip mo at least bessy sumubok ka at naging masaya at least napag bigyan mo ang sarili mo na sumaya diba? Hindi yung gaya ng ginagawa mo ngayon na iniiwasan mo siya at nasasaktan ka, ngayon nga umiiyak ka pa dahil sa takot na sinasabi mo diba?" Mahabang payo ni bessy sa akin at puro tango lang ang sagot ko.

"Oh siya! Mag ayos kana nga tignan mo namamaga na mata mo binasa mo pa ang dress ko" sabi pa ni bessy na naka pout. Tumawa nalang ako at tumawa nalang din siya. Inilabas niya sa bag niya ang pressed powder na dala niya at pinahiran niya non ang mukha ko.

"Hayan! Pretty na ulit tayo kaya huwag ka ng umiyak ulit" sabi ni bessy na ikina ngiti ko

Ilang minuto ang lumipas ay narito na kami sa Tagaytay, grabe sa grabe pa ang laki ng bahay ng pinsan ni bessy ito ba yung tinatawag na Mansion? Kung malaki na ang bahay nina bessy apat na beses o limang beses pa yata ang laki ng bahay ng pinsan niya.

"Dito po muna kayo mam tatawagin ko lang si Mam Sharleen" sabi nung ginang na naka uniforme na pang katulong pinaupo niya kami sa may sofa sa sala.

"Sige salamat" sabi ni bessy at ngumiti naman ako dito. Dinalhan naman kami nung isang katulong ng slice na cake at orange juice.

May iilang bisita na din ang nadaanan namin kanina sa may garden nila maraming upuan at mesa may mga naka uniporme pang taga silbi.

"Sir James kayo po pala sandali lang po pababa na si mam, binibihisan lang po niya si Tyler" dinig kong sabi ng katulong na umestima sa amin kanina.

"Kuya! Dito!" Sabi ni bessy na ikina tingin ko sa tinititigan niya. Para naman akong natuklaw ng ahas sa kinakaupuan ko ng makita ko si Stephen na naglalakad papunta sa amin.

"Kanina pa kayo?" Tanong ni Stephen na nakatingin kay bessy

"Hindi kuya mga fifteen minutes pa lang" sabi ni bessy na umusog palayo sa akin. "Kuya upo ka" sabi pa niya na hinawakan pa ang bakanteng upuan sa gitna namin. Tumingin naman si manyak sa akin at nag iwas ako ng tingin.

"Dito nalang ako" sabi ni manyak at umupo sa may single seater na sofa. Tumabi naman ulit sa akin si bessy at tinignan niya akong nakangiti. Sumimangot naman ako sa kanya.

Nakita namin pababa ang pinsan ni bessy kasama ang naka uniporme na puti siguro yaya siya ng batang buhat buhat niya. Tumayo naman kami at kinawit ni bessy ang kamay niya sa akin ng makalapit ito sa amin ay agad na niyakap nito si manyak.

"Buti naman pumunta ka! Akala ko di mo sisiputin ang birthday ng pamangkin mo" sabi niya

"Tss" sagot lang ni manyak na kinainis ko

"Samantha buti naka punta ka!" Sabi niya at nakipag yakapan din kay bessy

"Syempre naman ate hindi naman ako kagaya ng kapatid mo na kung wala lang motibo hindi pupunta" sabi niya. "Siya nga pala bestfriend ko si Yhnna" pakilala niya sa akin

"Yhnna? O My God! Ikaw nga!" Sabi niya sa akin at niyakap din ako

"Magkakilala kayo?" Sabi naman ni manyak na ikina tingin ko sa kanya.

"Yes! Nagkakilala kami sa MU I'm in a hurry that time when I suddenly bumped into her that was the first day of school. At doon nagsimula ang friendship namin diba Yhnna? Natutuwa ako nakarating ka" sabi niya na nakangiti sa akin. Tinitigan ko siya at bumalik sa akin yung alaala nung sinamahan niya ako sa Aurellia Building.

"Ate sha hindi ko alam na ikaw ang pinsan ni bessy" sabi ko na ngumiti sa kanya

"Mag kaklase ba kayo ni Samantha?" Tanong niya

"Ate maliban sa mag kaklase kami bestfriends din kami at kami lang pwedeng maging mag bestfriend kasi hindi ako tumatanggap ng iba" sabat ni bessy na niyakap ang kamay ko at humilig pa sa braso ko.

"Para namang aagawin ko si Yhnna sayo" sabi naman ni Ate Sha na ikinatawa naming tatlo

"Ikaw hindi, pero yung iba diyan may balak" Parinig pa ni bessy na ikina tingin ko kay Stephen na naka tingin din pala sa akin.

"Ikaw talaga, mabuti pa doon tayo sa may labas maganda yung tanawin doon at presko pa ang hangin malayong malayo sa Manila" sabi ni Ate Sha at inakay pa ako habang palabas kami.

"Ikaw James nabalitaan ko one week suspended ka sa school ha?" Tanong ni Ate Sha kay Stephen na hindi ko alam na may second name pa pala siya.

"One week lang naman, hindi naman ako babagsak kahit hindi ako pumasok" tamad na sabi niya at pinaghila muna kami ng upuan ni Ate Sha bago umupo sa monoblock.

"Grabe kuya! Napaka gentleman mo naman! Sila pinaghila mo ng upuan ako hindi?! Wow ka ha!" Mataray na sabi ni bessy bago umupo sa isang monoblock na nakabalot ng puting tela.

"Hindi ka na nasanay sa kapatid ko" sabi naman ni Ate Sha na ikina tingin ko sa kanya. Lumingon naman ako kay Stephen na nakatingin naman sa akin agad ko naman itong inirapan.

"Sha gusto niyo ng juice?" Tanong niya kay Ate Sha

"Sige i kuha mo kaming tatlo" sagot naman ni Ate Sha. Hindi naman ako naka tiis at tinignan siya ng masama ang sinabing...

"Napaka walang modo mo, Sha lang ang tawag mo sa Ate mo?" Sabi ko

"Tama!" Sang ayon ni Ate Sha at tumatango pa."Ewan ko nga ba bakit ganyan yan eh pati sa lolo namin tawag tanda" dagdag pa ni Ate sha

"Gusto mo bang tawagin ko siyang Ate at tawagin si tanda ng lolo?" Tanong niya sa akin habang diretyong nakatingin sa mga mata ko

"Ang tanda mo na para hindi malaman ang tama sa mali, hindi mo kailangan ang opinyon ko at hindi dapat ako ang tinatanong mo kung dapat ka bang gumalang sa nakakatanda sayo" taas kilay at mabilis na sagot ko dahil naiinis na talaga ako

"Pero ikaw ang unang nagbigay ng komento na walang galang ako kaya hinihingi ko ang opinyon mo" sagot naman niya

"Kung mag isip ka para kang bata kahit batang paslit alam kung paano gumalang sa nakakatanda sa kanila nag bubukod tangi ka lang talaga!" Napatayong sabi ko habang masamang nakatingin sa kanya. Ngumisi pa ang manyak na parang lalong iniinis ako.

"Hindi na nga ako bata bente anyos na akopwede na nga kitang pakasalan pag abot mo ng disi otso pero kung gusto mo na ngayon na, magagawan naman natin yon ng paraan para lang patunayan sayo na tulad ng sabi mo na patunayan ko sayo na seryoso ako sayo" sabi naman niya

"At ano palagay mo sa akin? Na atat akong magpakasal sayo na hindi ko na kayang umabot pa ng next year para pakasalan ka?! Yabang mo rin eh no!" Gigil na sabi ko.

"Ang sinasabi ko lang naman ay handa ako kahit anong oras na pakasalan ka basta sabihin mo lang kung yun lang ang paraan para patunayan sayo na mahal kita" sabi naman niya na lumapit pa sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko at seryosong naka tingin sa akin.

"Ehem" dinig kong tikhim ng taong nasa likuran namin na nagpabalik sa akin sa reyalidad.

"Dad!" Sabi ni Ate Sha at humalik sa pisngi nito

"Hello Tito" sabi naman ni bessy na humalik din sa matanda

Lumapit naman si Stephen sa kanya at niyakap siya at tinapik pa sa likod

"Ikaw ba ang Girlfriend ni James?" Tanong sa akin ng matanda. Hinila naman agad ako ni manyak at inakbayan.

"Sesa siya ang Dad ko si Don Rafael Montreal" sabi ni manyak sa akin

"And Dad she's my girlfriend Yhnna Lopez" dagdag pa niya. Aba at kailan pa niya ako naging girlfriend?! Sigaw ng utak ko

"Hello po Sir ako po si Yhnna bestfriend ni Samantha at hindi ko po boyfriend ang manyak na anak niyo" mabilis kong sabi na ikina tutop ng bibig ko. Shit! Bakit nasabi ko yon! Narinig ko namang tumawa ang matanda

"Sayang naman pala kung ganon, may narinig kasi ako ng kasalan kaya agad akong lumapit dito. Gusto ko na din kasi magka apo kay James at sa tingin ko naman ay hindi agad mangyayari kung babastedin mo siya" sabi niya na ikina nganga ko. "Alam mo ba na ikaw palang ang pinakilala niyang girlfriend sa akin kaya masasabi ko na seryoso sayo ang anak ko, huwag mo sana siyang pahirapan" dagdag pang sabi niya.

Niyakap pa ako ng matanda bago ito nag paalam sa amin na kakausapin lang muna niya balae niya na may piniprisintang negosyo sa kanya.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height