C17 Selos yarn?
Yhnna's POV
Happy birthday to you
Happy birthday to you
Happy birthday happy birthday
Happy birthday to you
Sabay sabay na kanta namin bago ipina hipan kay Tyler ang kanyang Birthday Cake.
"Bessy halika ipapakilala kita sa mga kakilala ko dito" sabi ni Samantha
"Bessy dito nalang ako, hindi ako sanay mag lakad na ganito kataas ang sapatos ko baka matapilok pa ako sa pagiging trying hard ko" natatawang sabi ko
"Okay sige dito nalang tayo" sabi niya
"Sige na pumunta ka na doon okay naman ako dito tsaka mag lalaro ako ng games sa phone kaya hindi rin kita makakausap" sabi ko
"Sure ka bessy?" Tanong niya
"Oo naman" nakangiting sagot ko
"Hindi ako magtatagal promise!" Sabi pa niya
"Oo na, sige na. Pag na inip naman ako pupuntahan nalang kita" sabi ko
"Okay" sabi niya at tumalikod na
Habang hinihintay kong ma download yung Clash of Clans ay may batang nag abot sa akin ng isang platong puno ng iba't ibang pagkain.
"Ang cute mo naman ano ang pangalan mo? Para sa akin ba ito?" Tanong ko sa bata
"Thank you po I am Calliber po and my Tito Ninong ask me to give that to you" sabi ng bata
"Who's your Tito Ninong? Where is he?" Tanong ko habang pinipisil ang pisngi niya
"My Tito Ninong name is James and there he is" sabi niya at tinuro ang likuran ko. Lumingon naman ako at nagka banggaan ang tingin namin iniwas ko ang mata ko sa kanya at bumaling ulit ng tingin sa bata.
"Your so cute tell your Tito Ninong that I'm full and please give this back to him" sabi ko kay calliber
"Okay Tita" sagot naman niya at kinuha ulit ang plato sa mesa at lumapit kay Tito Manyak niya
"Tito Ninong your wife said that she's already full and she asked me to bring this back to you" dinig kong sabi niya
"I'm watching her all the time and she just ate a little go back and give that again" sabi naman ni manyak sa bata
"Tita my Tito Ninong ordered me to give this to you" sabi ng bata na humarap lang sa akin
"Tell your Tito Ninong that I'm not hungry" sabi ko naman
"Tito Ninong she said she's not hungry" sabi naman ng bata
"It's already five o'clock and she only ate sandwich how come she's not hungry?" Sabi ni manyak
"I don't know why don't you ask her?" Sagot naman ng bata
"She doesn't want to talk to me" sabi naman niya
"Nandito ka lang palang bata ka kanina pa ako ikot ng ikot dire akala ko'y nawawala ka na muntik ko ng tawagin ang mimi mo sa pag aalala sayo" sabi nung yaya ni calliber na bagong dating "Pag pasensyahan niyo na po itong alaga ko kung ginugulo kayo makulit po kasi talaga siya at sobrang likot" sabi pa niya
"Okay lang paki bantayan mo nalang ng maayos" sabi naman ni manyak
"Sige po pasensiya po ulit" sabi ng yaya at sinama si calliber paalis.
Hinawakan ni manyak ang kamay ko at tinignan siya habang pina paikot ang tinidor sa spaghetti at pilit sinusubuan ako. Hindi ko naman siya pinansin at nag iwas pa ako ng tingin hanggang sa naramdaman kong ibinaba na niya ang tinidor sa plato.
"Please eat" gamit ang malambing na boses na sabi niya. Hindi ko pa rin siya pinansin at pinanood ko nalang ang mga naglalarong bata sa di kalayuan
"Gusto mo bang umalis ako para makakain ka?" Malungkot na tanong niya. Pero ako heto dedma. Binitawan niya ang kamay ko at tumayo na siya. Parang bumigat nanaman pakiramdam ko ng bitiwan niya ang kamay ko kaya nung makita ko siyang tumalikod at humakbang paalis ay parang gusto ko siyang habulin pero pinigilan ko ang sarili ko dahil na rin siguro sa kahihiyan.
Hinawakan ko ang tinidor na hawak kanina ni Stephen at isinubo ang spaghetti na naroon, balak ko sanang ipakita sa kanya na kinain ko yung pinapasubo niya sa akin kanina kaso paglingon ko ay nakita ko siyang may kausap na babae at todo ngiti pa ang walanghiya!
"Hoy bessy! Anong ginawa mo sa kawawang fried chicken?! Grabe ka bessy naluto na yung manok minurder mo pa ulit!" Sabi ni bessy na hindi ko man lang napansin na dumating. Binitiwan ko ang kubyertos at uminom nalang ako ng tubig. Lumingon ako sa walanghiyang lalaki na naka tingin din pala sa akin at binigyan siya ng nakamamatay na tingin.
"Bessy uwi na tayo" sabi ko kay Samantha
"Gusto mo na bang umuwi?" Tanong niya sa akin
"Sana, pero kung gusto mo pa magtagal dito sige ayos lang" sabi ko
"O sige uwi na tayo hanapin ko lang si Ate Sharleen at kuya Riguel para makapag paalam" sabi niya
"Sige bessy, una na ako sa sasakyan ha? Sumama kasi pakiramdam ko" sabi ko nalang
"Okay sige, may gamot si kuya Peter hingi ka nalang sa kanya hintayin mo nalang ako sa sasakyan" sabi pa niya
"Okay" tipid kong sabi at humakbang na papunta kung saan naka park ang sasakyan kanina
"Kuya masama kasi pakiramdam ni bessy ihahatid ko na siya" dinig ko pang sabi ni bessy hanggang sa makarating ako sa sasakyan. Nung bubuksan ko na ang pinto ay may humawak sa kamay ko at pinigilan yon.
"Masama daw pakiramdam mo? Ako na maghahatid sayo" sabi ng taong nasa likuran ko. Hindi ko na kailangan pang tumingin kung sino yong dahil sa amoy palang niya kilalang kilala ko na siya.
"Bitiwan mo ang kamay ko" Mariin kong sabi
"Ako na maghahatid sayo" malambing pa niyang sabi na ikina harap ko sa kanya.
"Ayokong magpahatid sayo at pwede ba Stephen huwag ka ngang makalapit lapit sa akin nakakairita ka!" Inis kong sabi.
"Sesa naman.. patawarin mo na ako" pagsusumamo niya. Kita ko ang lungkot sa mata niya na nagpapalambot sa akin. Pero hindi. Hindi pwede. Hindi ba niya nagoya yung kalandian niya kanina at bumabalik siya sa akin ngayon?! No way!
"Ang galing mo din eh no? Binasted ka ba nung babae mo kaya ako ulit ang kinukulit mo ngayon?! Walanghiya ka talaga eh no?! May pasabi sabi ka pang mahal mo ako pero anong ginagawa mo?! Hindi ka man lang lumayo at idinisplay mo pa talaga sa akin kalandian mo! Grabe ka! Nakakahiya naman sayo! Alam mo kung ano dapat mong gawin?! Ang gawin mo bumalik ka don sa kalandian mo at siya ang ihatid mo bwiset ka! Magsama kayo ng babae mo!" Mabilis na sabi ko at binuksan agad ang pintuan ng kotse at pumasok doon.
Bumukas ang kabilang pintuan at sumakay din ang walanghiya! "Mag usap tayo" sabi pa niya. Haler ano kaya ginagawa namin.
Binuksan ko ulit ang pintuan at bumaba ulit sa sasakyan nakita ko ring binuksan niya ang kabilang pintuan kaya naglakad ako palayo. Naramdaman ko naman na sumusunod siya sa likuran ko kaya nilakihan ko pa mga hakbang ko. Hinila niya ang kamay ko at niyakap niya ako, itinulak ko naman siya at naglakad ulit ako. Naramdaman ko ang pagpalupot ng mga kamay niya sa baywang ko habang nasa likuran ko siya.
"Bitawan mo ako! Manyak ka!" Inis kong sabi
"Ayoko at hinding hindi kita bibitawan kahit gustong gusto mo makawala sa akin" mahinang sabi niya na mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin.
"Konti nalang maniniwala na ako eh konti nalang Stephen eh! Kaso ang sakit sa mata nakita ko alam mo yon? Muntik na akong maniwala sayong walanghiya ka, konting talikod lang nanlalandi ka na ng iba! At hindi ka man lang lumayo eh no?! Ang galing mo pre! Muntik na akong mahulog sa drama mong kunwari nag aalala ka sa akin!"
"Si Missy pinsan ko yon galing sa US kahit itanong mo pa kay Samantha" sabi niya habang yakap pa rin ako
"Aba! Malay ko ba kung sino si Missy at kung sino sino mga pinsan mo?! At anong malay ko kung iba pala tinutukoy mo sa tinutukoy ko?! Sa dami ng babaeng naroon huwag mong sabihin na kamag-anak mo lahat ang nandon!" Pagalit ko pa ring sabi
"Si Missy lang naman ang babaeng nakausap ko ng matagal" sabi pa niya
"So! Ibig sabihin marami nga! Marami kang kalandian doon pero yung Missy lang na yon ang naka kuha ng atensiyon mo ganon ba?! Sabagay sino ang hindi makakakuha ng atensiyon niya diba?! Maganda na sexy pa! Saan ka pa diba?!" Sabi ko na pinwersang maka alis sa pagkakayakap niya. Tinitigan niya lang ko na para bang binabasa ang nasa isip ko.
"Ano?! Tama ako diba?!" Pasigaw pang sabi ko
"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon kung tatalon ba ako sa sobrang saya dahil nagseselos ka o halikan ka dahil sa binabaliw mo ako ngayon sa sobrang saya" seryosong sabi niya habang nakatingin sa akin
"Ay! Ambisyoso! Feelingero ka rin eh no? Ako magseselos?! Wow lang tsong! At bakit ako magseselos?! Kapal ng mukha mo pre! Gusto mo iliha natin ng numipis naman?!" Mataray kong sabi
"Kung hindi ka nagseselos bakit nagagalit ka kung may kausap akong maganda at sexy na babae?" Nakakalokong tanong niya habang ngumingisi siya
"Edi na gandahan at na sexyhan ka nga! Edi Wow! Magsama kayo!" Sabi ko na tinalikuran siya. Mabilis naman siyang naka lipat sa harapan ko at ngumingisi
"Selos ka eh" sabi pa niya
"Asa ka pa!" Sabi ko at tinulak pa siya
"Tignan mo ako sa mata at sabihing hindi ka talaga nagseselos" sabi pa niya
Tumingin ako sa kanya at isinigaw sa mukha niya na hindi ako nagseselos!
"Alam mo ba nasa isip ko ngayon?" Sabi niya
"Wala akong pake kung ano iniisip mo!" Sabi ko
"Alam mo bang gusto kong halikan ngayon ang pinaka magandang babae na nakita ko" sabi pa niya
"Bwisit ka! Edi go! Halikan mo! Magpakasawa ka! Pake ko sayo!" Sabi ko at hinampas pa siya ng bag
"Sigurado ka?" Tanong pa niya
"Sinasadya mo ba talagang bwisitin ako ha?! Kung gusto mo siyang halikan edi halikan mo! Lumayas ka nga sa harapan ko!" Sabi ko pa
"Gusto mo ba?" Tanong pa ulit niya
"Oo! Oo! Oo! Gusto kong lumayas-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang pumulupot ang kamay niya sa baywang ko habang magaan at masuyo niyang hinahalikan ang labi ko at para bang hinihimok niya akong halikan siya pabalik. Kusang pumikit ang aking mga mata at pinalupot ang kamay ko sa batok niya, hinalikan ko siya pabalik at pilit ginagaya at sinasabayan ang bawat gawa at kilos niya. Napaungol ako ng ipasok niya ang kanyang dila sa bibig ko dahan dahan ko namang ibinuka ang mga labi ko at hinayahan siyang pag laruan ng dila niya ang dila ko
"Ohemji!" Dinig ko kaya bigla akong napabitaw kay Stephen at itinulak siya. Humarap naman ako kay bessy na nanlalaki ang mata. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at hindi alam kung paano ako magpapaliwanag sa kanya. Naramdaman ko ang kamay ni Stephen na humawak sa kamay ko hinawi pa niya ang mga hibla ng buhok ko at inipit sa likuran ng tenga ko. I love you sabi niya habang diretyong nakatingin sa mga mata ko. Tinitigan ko lang siya habang siya naman ay hinahaplos ang mukha ko at nakangiti sa akin.
Nagulat siya ng tanggalin ko ang kamay niya at mabilis na lumapit kay bessy.
"Tara na bessy gusto ko ng umuwi" sabi ko kay bessy na hindi man lang makatingin. Nang nasa sasakyan na kami ay pilit niya akong tinatanong kung ano ang nangyari. Kung bakit nag hahalikan kami. Kung bakit iniwan ko si Stephen doon. At kung kami na daw ba. Lahat ng tanong niya ay wala akong nasagot kahit isa dahil ako mismo gulong gulo at hindi alam kung ano nangyari kung bakit nauwi sa ganon ang lahat.