+ Add to Library
+ Add to Library

C18 Video

Stephen's POV

Tulala akong nakatingin sa likod ng papalayong si Yhnna kasama ni Samantha. Napahilamos ako ng mukha at na paupo sa may bermuda grass ng tuluyan maka alis ang sinasakyan nilang montero sport.

Pumikit ako at tuluyang humiga sa damuhan at paulit ulit na binabalikan ang nangyari kanina. Nagseselos siya randam ko yon sabi ko na ako lang nakaririnig tumugon siya sa halik ko hindi ko siya pinilit hindi siya nagalit dagdag ko kailangan ko siyang kausapin tungkol sa nangyari kanina sabi ko sa sarili ko at tumayo mula sa pagkakahiga sa damuhan.

Tumayo ako sa damuhan at pinagpag ang damit ko agad kong hinanap si Sha at si Dad para makapag paalam na. Nang makita ko sila ay agad ko silang nilapitan at nagsabi na aalis na. Tinanong pa nga ako ni Dad kung isasabay ko ba si Yhnna pero ang sumagot ay si Sha at nagsabi na kanina pa sila umalis ni Samantha. Tinapik ni Dad ang likod ko at sinabing mag ingat ako at umuwi minsan sa bahay. Niyakap naman ako ni Sharleen at sinabing mag ingat ako sa pag drive. Lumapit naman ako sa pamangkin ko na ina alalayan ng yaya niya sa paglalakad pinaulanan ko ito ng halik sa mukha bago ako umalis.

Tinaas ko ang hood ng sasakyan ko and soon as the hood got off pina andar ko na ito at mabilis na umalis. Madilim na nang makauwi ako sa condo nag hubad agad ako ng damit at pumasok sa banyo para maligo. Hinayaan ko lang tumulo ang dutsa sa katawan ko habang malalim na nag iisip ng paraan kung paano makakausap si Yhnna.

Pagkatapos kong maligo ay agad kong hinanap ang pangalan ni Yhnna sa contacts ko at tinawagan siya. Ilang beses kong sinubukan na tawagan siya pero hindi niya ito sinasagot. Hinayaan ko nalang muna siya magpahinga dahil baka pagod ito sa biyahe at baka nakatulog na kahit alas nuebe pa lang ng gabi.

*kinabukasan*

Mag a ala una na nung makatulog ako kanina mabilis akong naligo at nag bihis at nagmamadaling sumakay ng elevator papuntang basement. Nang makarating ako sa basement ay agad kong pinatunog ang sasakyan ko at agad sumakay huling tingin ko sa relos ko ay alas syete dos na.

Huminto muna ako sa isang drive thru sa isang sikat na fastfood chain at umorder ng 6 sausage McMuffin, pancakes at hot coffee. Saktong alas siyete kinse ng makarating ako sa MU agad kong ipinark ang sasakyan ko at dumiretyo kung saan lagi tumatambay si Yhnna.

Wala pa ito kaya nagpasya akong umakyat muna sa Rooftop at ilagay ang mga binili ko. Paniguradong pagbalik ko ay ubos na mga to kaya kumuha na ako ng isang McMuffin at kape at pilit inubos ang mga ito habang pababa para hanapin si Yhnna.

Agad kong itinapon sa basurahan ang mga pinagkainan ko at tumakbo palapit kay Yhnna na kasalukuyang naglalakad ngayon. Nang magtama ang paningin namin ay agad itong umiwas ng tingin at nag iba ng direksyon na nilalakaran. Hinila ko naman agad ang kamay niya at isinubsob siya sa katawan ko. Pinulupot ko ang kamay ko sa kanyang katawan at walang paki kahit na maraming nakatingin sa amin.

"Stephen.." dinig kong sabi niya.

"Hayaan mo munang yakapin kita ng ganito" sabi ko sa kanya. Ramdam ko ang kamay niyang yumakap sa may likuran ko kaya mas lalong hinigpitan ko ang pagyakap dito.

Pagkalipas ng ilang segundo ay kusa akong humilay sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Tinitigan ko siya sa mata na puno ng pagmamahal bago isinandal ang noo ko sa noo niya.

"Mahal kita.. maniwala ka naman sana" mahinang sabi ko sa kanya

"Kahapon pa kayo ang PDA niyo ha! Respeto naman sa mga bitter sa paligid niyo" sabi ni Samantha na nagpahiwalay sa amin. Tumingin naman kaming dalawa ni Yhnna sa paligid at nakitang maraming nanonood sa amin. Mabilis itong lumayo sa akin at pumunta kay Samantha.

"Morning bessy" sabi niya at niyakap pa kamay ni Samantha.

"Morning lang talaga sa akin at Good Morning sayo bruha ka" sabi naman nito kay Yhnna

"Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga kayo baka gusto niyo mag share?" Sabi ni Samantha

"Bessy nag uusap lang kami" sabi naman ni Yhnna

"Meron bang nag uusap na nag hahalikan?!" Malakas na sabi naman ni Samantha na ikina laki ng mga mata ni Yhnna. Tinignan ako ni Yhnna na parang humihingi ng saklolo.

"Ano bang masama kung halikan ko ang girlfriend ko?" Balewalang sabi ko. Pinaningkitan naman ako ng mata ni Yhnna pero hinayaan ko lang siya.

"So kayo na nga?! Yun lang naman ang gusto kong malaman" sabi pa ni Samantha

"Oo" -ako

"Hindi" - Yhnna

"Nakakainis kayo! Bahala nga kayo diyan!" Sabi ni Samantha na biglang tumalikod at umalis, sumunod naman si Yhnna sa kanya. Habang ako naman ay nakangiting nakatingin sa kanila at naglakad papuntang Rooftop.

Humiga ako sa sofa at napapangiti kapag bumabalik sa akin ang halik na pinag saluhan namin ni Yhnna kahapon. Napaka tamis at lambot ng labi niya na kung hindi lang dumating si Samantha ay hindi ko ito titigilan nakakagigil ito napakasarap halikan at hindi ko maiwasan na kagat kagatin ito.

Naaalala ko naman ang pagtugon niya ng yakap ko kanina at pagtawag niya sa pangalan ko, gusto ko ulit siyang halikan kanina pero natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Napahawak ako sa labi ko at pumikit para alalahanin ang labi niyang nakalapat sa labi ko.

****************************

Yhnna's POV

"Kahapon kahalikan mo, kanina naman ka yakapan mo naman tapos sasabihin mo sa akin na hindi kayo?! Anong nangyayari sayo bessy?!" Inis na sabi ni Sam

"Bessy yung kiss kahapon hindi ko rin alam bakit napunta don parang may sariling isip ang katawan ko at awtomatikong nangyari nalang yon.

"Grabe bessy! Nung unang halikan ka ni kuya kitang kita ko paano mo siya tinulak at sinampal pero kahapon hindi mo nagawa yon? Bessy linawin mo kung ano meron kayo ni kuya kasi ikaw din mahihirapan. Kita mo naman nagtanong ako sinabi gf ka niya tapos ikaw todo deny palagay mo anong iisipin ng mga tao sayo diba?" Sermon niya

"Bessy alam mo naman na may gusto na ako sa kanya diba? Kaya siguro hindi ako nagalit ng halikan niya ako dahil doon. Hindi ko din alam sa sarili ko na kahit sinabi niyang mahal niya ako ay takot pa rin ako. Natatakot pa rin ako bessy" sabi ko

"Sinabi ko naman sayo na bigyan mo ng pagkakataon si kuya diba? Deserve niyong pareho ang maging masaya bessy. Huwag kang maging madamot, kahit nakikita mong malakas si kuya pagdating sayo nanghihina sigurado siya. Bessy sa nakikita ko kasi nahihirapan din si kuya pero hindi ka niya sinusukuan" sabi pa niya. Tumango lang ako at kinagat ang labi ko.

"Bessy palagay ko kasi mahal ko na siya at natatakot ako na magbago siya at iwan ako" sabi ko

"Kailangan mong tanggalin ang takot na sumasakop sayo paniwalaan mo si kuya hayaan mong patunayan niya sayo kung gaano ka kahalaga sa kanya" payo ni bessy na ikina tango ko ulit.

"Na gi guilty ako bessy sa mga sinabi ko sa kanya kahapon akala ko kasi babae niya talaga yung Missy na kausap niya kahapon. Sobrang laki kasi ngiti niya habang kausap siya kaya bigla akong nawala sa mood at nag ayang umuwi" guilty na sabi ko

"Si Ate Missy yung naka pink tube fitted dress kahapon pinagselosan mo?" Sabi ni bessy at tumango naman ako

"Ay grabe ka bessy! May fiancee na yon at malapit ng ikasal! At grabe ka ha! Pinsan kaya niya yon!" Pasigaw na sabi niya

"Hindi ko naman kasi alam na pinsan nila yon basta nalang ako nainis nung makita kong kausap niya yung babae. Kung ano ano pa pinagsasasabi ko kay Stephen kahapon kaya nagi guilty tuloy ako" sabi ko

"Paano mo nalaman na pinsan ni kuya si Ate Missy?" -bessy

"Nag open kasi ako ng facebook na ginawa mo sa akin kahapon andaming nag add nga sa akin na halos puro dito sa MU nag aaral. Tapos nakita ko yung friend request ni Stephen sa akin, hindi ko naman maiwasan na hindi tignan ang timeline niya tapos yun nga nakita ko naka tag siya don sa Missy Domínguez na magkasama sila picture na kuha kahapon tapos nakita ko yung caption nung picture na with my poging pinsan" Paliwanag ko

"Hahahahaha" tawa lang ng tawa si bessy sa akin. Sumimangot naman ako at tinignan siya ng masama.

"Pasok na ako lagi nalang akong late sa first subject baka bumagsak ako" naka simangot na sabi ko habang tumatawa pa rin ito.

"Wait lang kasi may ipapakita ako sayo" sabi niya

"Malelate ako mamayang vacant nalang" sabi ko

"Ganito nalang i se send ko nalang sayo yung dalawang video baka kasi hindi kita masabayan mamaya may inaabangan kasi ako sa library" sabi pa niya na para bang kinikilig pa.

"Okay sige" sabi ko naman bago tuluyang tumalikod at umalis.

Wala pa si Sir nung dumating ako sa classroom namin narinig ko ang pag pop ng phone ko at inilabas yon mula sa bulsa ko. May dalawang video na isinend sa akin si bessy pinanood ko muna yung una na isinend niya at nanlaki ang mata ko ng makita ko si bessy na hila hila si Veronica sa loob ng Gym. Walang sounds yung video pero malinaw na nakita ko kung paano sinampal ni bessy si Veronica at yung pagdating ni Stephen. Mukhang kinakampihan pa nito si Veronica pero ang ikinabigla ko ay yung sinampal ni Stephen si Veronica biglang hinawakan si Stephen ng mga kaibigan niya at sapilitang inilabas sumunod naman si bessy na umiiyak.

Pagkatapos kong panoorin yung unang video ay sinunod ko naman yung isa pa. Video naman yon ni Stephen na galit na galit at sumisigaw malapit sa canteen. Sa likod nito ay may dalawang babaeng umiiyak. Mahina lang ang boses sa video pero kung pakikinggan mong mabuti malinaw mo naman maririnig ang mga sinasabi niya.

Tulala akong napatingin cellphone ko pagkatapos kong mapanood mga yon. Kung ano ano ang pumapasok sa isip ko naalala ko din yung lalaking tumatakbo na naka tama sa akin, naalala ko kung paano niya bugbugin yung lalaki, naalala ko ulit yung mga sinabi niya sa pangalawang video. Gulong gulo ang utak ko parang ayaw mag process ng maayos at pilit sinasabi na mahal niya ako talaga kaya kailangang pagkatiwalaan ko siya.

Dumaan ang mga oras na walang ibang pumapasok sa isip ko kundi yung mga salitang pilit na umuulit ulit sa isip ko. Ngayon handa na akong pagtiwalaan siya, handa na akong sumugal, handa na akong mahalin siya.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height