+ Add to Library
+ Add to Library

C19 Kim

Yhnna's POV

Makulimlim ang langit napapa dalas na ang pag ulan at tyempo pa ngayong vacant namin niya ibinuhos ng todo ito. Halos limang minuto na din ang lumipas mula ng mag vacant pero hanggang ngayon wala pa rin si Stephen. Dati naman hindi pa tapos ang klase ay nasa harapan na siya ng classroom namin at naghihintay. Ngayon pa naman na gustong gusto ko siyang makita at makausap nahihiya naman akong tawagin siya pero naglakas loob akong i text siya.

Me: nasan ka?

Manyak: miss mo na ako?

Me: sabi ko nasan ka -_-

Manyak: pababa na, umulan kasi wala akong payong kaya hindi agad ako nakababa. Bakit?

Me: okay sige hintayin nalang kita. May sasabihin lang ako

Manyak: Good news ba?

Me: ewan. Hintayin nalang kita dito sa classroom

After 5 minutes wala pa siya tinext ko ulit siya kung nasaan na siya pero hindi naman nagreply. Bigla akong kinabahan at kung ano ano naisip ko na baka nadulas ito o ano. Agad akong lumabas para salubungin nalang sana siya pero sana pala hindi nalang ako lumabas, sana pala'y naghintay na lang ako sa classroom, sana pala hindi totoo ang nakikita at naririnig ko ngayon.

"Stephen hindi naman ligid sa kaalaman mo na mahal kita simula noong first year pa tayo diba? oo hinahayaan kita makipag flirt sa kung kani kanino pero iba na yung ngayon, iba na yung kay Yhnna. Please sabihin mo sa akin na kagaya lang din siya ng iba na kapag nagsawa kana iiwan mo din. Please Stephen" dinig kong sabi ng babae habang umiiyak

"Hindi naman ako tanga para hindi mapansin na may gusto ka nga sa akin pero pasensiya ka na hindi ikaw ang tipo ko, hindi gaya mo ang tipo ko" sabi naman ni Stephen

"Anong tipo mo kung ganon? Yung kagaya kay Yhnna ba? Marunong ba siya sa kama? Napapasaya kaba kaya hindi mo ma bitawan o baka naman hindi mo pa siya nakukuha kaya ayaw mong bitawan? Na cha challenge ka lang sa kanya diba?" Sabi pa ng babae at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko

Napasandal ako sa pader nung makita kong magkalapat ang labi nilang dalawa naka sampay ang kamay ng dalaga sa batok ni Stephen habang nakayuko naman si Stephen dito. Biglang nanlambot ang mga paa ko buti nalang ay may pader na naka alalay sa likod ko.

"Oh My God!" Sabi nung babaeng dumaraan.

Tumigil at napalingon naman agad sa banda ko sina Stephen at yung babaeng kahalikan niya kasabay nang panlalaki ng mata nilang pareho. Mabilis kong pinahiran ang luha ko gamit ang mga kamay ko at mabilis na tumalikod paalis.

Mabilis naman akong hinabol ni Stephen at hinawakan ang kamay ko tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Pasensiya na sa istorbo sige ipagpatuloy niyo lang, nakakahiya naman doon sa girlfriend mo iniwan mo pa siya" nakangiting sabi ko

"Mali ang iniisip mo, hindi ko siya girlfriend wala kaming relasyon" depensa niya

"Ikaw naman.. sige na balik kana don" nakangiting sabi ko pa din at pabirong tinutulak pa siya

"Hey! Sesa look at me. It's not what you think okay?" Sabi niya na iniangat pa ang mukha ko para titigan siya athinawakan pa ang magkabilang braso ko.

"Okay" tipid kong sabi at ngumiti habang diretyong naka tingin sa kanya

"Lets go?" Sabi niya

"Sige go na, puntahan mo na siya. Pupunta nga pala ako ng library iwan na muna kita diyan. At yung sasabihin ko nga pala sayo wala na man yong kwenta at nakalimutan ko na kaya go na" nakangiti ko pa ring sabi

"No. You're not going anywhere let's talk first I want to clear something" sabi niya at hinawakan ang kamay ko

Hindi na kinaya ng mata ko at nag unahan ng tumulo mga luhang kanina pa nagwawala dito. Kita ko ang gulat sa kanyang mata habang nakatitig sa akin, pilit niyang inuubos ang mga luhang nag uunahan sa aking mata gamit ang daliri niya. Nang hindi pa rin ito tumigil sa pag hinto ay niyakap niya ako ng mahigpit.

Ilang segundo ang lumipas ay ang mga hikbi ko naman ang kumawala mula sa bibig ko. Mahinang palo sa braso at likod niya ang ginawa ko habang kagat kagat ang labi ko at pilit pinipigilan ang mas malakas na pag hikbi.

"Ang sakit, ang sakit sakit" sabi ko sa kanya kaya mas hinigpitan niya ang yakap sa akin. "Mabuti nalang at nakita ko agad kayo, mabuti nalang hindi ako tuluyang naging tanga. Sabi ko na nga ba may mali sa atin dalawa kaya natatakot ako na umasa, sabi ko na nga ba hindi tama ang nararamdaman ko para sayo. Sa bandang huli tama lahat ang mga hinala ko pero kahit anong paniwala ko ngayon sa sarili ko na buti nalang naagapan ko ang nararamdaman ko para sayo, pilit nagsusumigaw ang puso't isip ko na natalo mo ako, na nag wagi ka, na panalo kana. Ang sakit, ang sakit sakit alam mo ba yon bakit mo ginawa sakin to? Dahil ba nasampal kita at napahiya ang ego mo dahil doon? Ang sama mo ang sama sama mo" sabi ko na umiiyak at pilit kumakawala sa yakap niya.

"Shhh.. tahan na.. mali ang iniisip mo please pag usapan natin ito huwag ka ng umiyak, mag tiwala ka sa akin please.." Sabi niya habang yakap ako. Para akong naubusan ng lakas na hindi na kayang magsalita pa, pinahid ko ang mga luhang nasa mukha ko nakita ko rin yung babae na kahalikan niya kanina na umiiyak. Tinapik ko ang likod ni Stephen at sinabing okay na, kumalas naman siya ng yakap sa akin at hinawakan ako sa mukha.

"Alis na ako" sabi ko at ngumiti sa kanya

"Mag usap muna tayo please?" Pakiusap niya. Umiling ako at tinanggal ang mga kamay niya. Kita ko sa mukha niya ang paghihirap at sakit na bumabakas sa kanyang mukha nagi guilty ba siya? Tanong ko sa isip ko. Pero sorry kasi mas higit ang paghihirap at sakit ang nararamdaman ko ngayon. Tumalikod ako sa kanya at bahagyang nawalan pa ng balanse kaya tinulungan ako ng kaibigan niya.

"Pre, hayaan mo muna siyang mag isip" dinig kong sabi ng isa sa mga kaibigan niya. Inilibot ko ang tingin ko at nakitang nandito lahat mga kaibigan niya pati yung babae na walang tigil sa pag iyak. Sumulyap naman ako kay Stephen na hawak ng kaibigan niya na pinaka matangkad sa kanila puno ng luha ang mukha nito habang pigil pigil ng kaibigan niya na lapitan ako.

"Hatid ko muna si Yhnna pre" sabi naman ng isa sa mga kambal. Parang may rehas ang mga paa ko dahil sa bigat ng mga hakbang ko. Inayos ko ang sarili ko at huminga ng malalim bago ulit naglakad paalis. Naka antabay naman sa likod ko ang kaibigan ni Stephen at hindi nagsasalita.

"Okay na ako sige bumalik kana doon" sabi ko na naka ngiti sa kanya

"Huwag kang ngumiti kung naiiyak ka" seryosong sabi niya habang diretyong nakatingin sa mga mata ko. Yumuko nalang ako at bahagyang tumango.

"Huwag mo sanang isipin na kinakampihan ko si Stephen dahil kaibigan ko siya. Pero Yhnna gusto ko lang sabihin na mahal ka ng kaibigan ko at yung si Kim alam namin na may gusto siya kay Stephen matagal na pero hindi niya ito pinapansin, tinapat na rin niya ito dati na wala siyang aasahan mula dito" sabi niya

"Dahil lang sa may gusto sa kanya yung babae hahalikan na niya? At ka kalimutan muna niya yung sinasabing mong pagmamahal niya sa akin para makaraos siya ganon ba?" May hinanakit na sabi ko

"Hindi ko nakita yung sinasabi mong hinalikan niya si Kim pero sigurado ako na may kwento mula sa likod ng yon. At naniniwala ako na hindi si Stephen ang humalik kay Kim kundi si Kim mismo. Alam ng mga kaibigan ko na mula high school ay mahal ko na si Kim at hindi rin lihim yon sa kanya. Kaya ang pagsabi mo ngayon na hinalikan ni Stephen si Kim ay hindi ko mapapaniwalaan hangga't hindi si Stephen mismo ang nagsabi" sabi niya na habang nakasarado ang kamao niya at nanginginig.

"Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko" sabi ko at bumuntong hininga

"Bigyan mo ng pagkakataon si Stephen na magpaliwanag kapag narinig mo na ang side niya tsaka ka mag desisyon, pero sa ngayon magpahinga ka muna" sabi naman niya

"Okay.. Thank you" mahinang sabi ko at nagsimulang maglakad.

Kaunti pa lang ang tao sa loob ng classroom sabagay hindi pa tapos ang vacant kung hindi lang umuulan siguradong wala kang makikita kahit isang tao sa dito. Umupo ako sa upuan ko at ibinaba ang bag ko sa upuan ni bessy. Tumunog ang cellphone ko at tinignan iyong text message na galing kay Stephen.

Manyak: Mahal na mahal kita maniwala ka naman sana

Manyak: Yung kanina na nakita mo huwag ka sanang mag isip ng hindi maganda

Manyak: Mag usap tayo puntahan kita ha?

Me: Tsaka na tayo mag usap

Nag ring ang cellphone ko at lumabas ang pangalan ni Stephen dito. Nag dalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba iyon o hindi sa huli ay sinagot ko rin ito.

"Hello" sabi ko

"Sesa sesa thanks God sinagot mo" sabi niya

"Busy ako malapit ng dumating ang prof ko mamaya kana tumawag" sabi ko

"Pupuntahan kita diyan ha? Hintayin mo ako mag usap tayo" sabi pa niya

"Please lang huwag muna ngayon" sabi ko

"Bababa na ako, pupuntahan kita diyan" sabi niya bago namatay ang tawag niya

Tumingin nalang ako sa labas ng bintana at tinitignan ang ulan at ang mga estudyanteng naka payong habang naglalakad sa may ulanan. Bigla naman bumalik sa alaala ko yung nakita ko kanina naka kawit ang kamay ng babae sa leeg ni Stephen at nag hahalikan sila. Muli na namang bumalik ang sakit at walang tawad na tumulo ulit ang mga luha na inakala kong kanina'y ubos na. Kinuha ko ang panyo ko sa aking bulsa pinunasan ang mga luha ko na ayaw tumigil at tinakpan ang sarili kong mukha doon at umubob sa desk ko.

Pamilyar na amoy habang hinahaplos ang buhok ko ang nagpatigil sa pag iyak ko. Umayos ako ng upo at pinunasan ang mukha ko. Tumingin ako sa kanya na taimtim na nakatingin din sa akin. Tumayo ako at naglakad palabas sumunod naman ito sa akin, ayokong mag usap kami sa loob ng classroom dahil malapit ng dumating ang prof ko at ayoko ding maging audience namin ang buong klase.

Naglakad ako papunta sa may locker room kung saan alam ko na walang tao at kung meron man ay iilan lang. Sumabay siya ng paglakad sa akin at pinagsiklop niya ang mga kamay namin, hinayaan ko nalang siya hanggang makarating kami sa may locker room.

Niyakap niya agad ako simula nung huminto ako sa paglalakad. Hinayaan ko pa rin siya na yakapin ako para na din mapag bigyan ang sarili ko sa huling pagkakataon.

"Gusto kong magpaliwanag sa mga nakita mo" panimulang sabi niya

"Tulad ng sabi ni Jonas sayo matagal ko ng alam na may gusto sa akin si Kim at aaminin kong hindi yung kanina ang unang pagkakataon na hinalikan niya ako. Alam ko ding matagal na may gusto si Jonas sa kanya-"

"Kaya iniiwasan mo siya ganon ba? Dahil may gusto ang kaibigan mo sa kanya tama? Ang bait mo namang kaibigan isa sakripisyo mo sarili mong kaligayahan para lang sa kanila" putol ko sa sinasabi niya at tinulak siya palayo sa akin

"Kailanman hindi ako nagka gusto kay Kim ikaw ang gusto ko ikaw ang mahal ko sayo ako masaya" sabi niya

"Nag jo joke ka ba? Tatawa na ba ako? Mahal mo ako? So, mag papa party naba ako? Grabe ka.. mahal mo ako pero may kahalikan kang iba? Mahal moko pero nung oras na magka halikan kayo nung Kim na yon nakalimutan mo na ako. Nakalimutan mong may Yhnna na nag e exist sa mundo mo at hinihintay ka. Ang saya diba?! Kung ganyan ka pala magmahal thank you nalang mas may maraming lalaking deserve ang tiwala at luha ko" sabi ko at tinalikuran siya

"Hindi ko hinalikan si Kim!" Madiin na sabi niya na ikina harap ko sa kanya

"Hindi mo hinalikan? So imagination ko lang yung nakita ko ganon ba?! Gawa gawa lang din ba ng isip ko ang mga narinig ko kanina? Na na cha challenge ka lang sakin at kapag nakuha mo na ang gusto mo iiwanan mo din ako gaya ng iba tama? Dahil yan sa ego mo diba?!" Pasigaw kong sabi sa kanya at tinalikuran siya

"Hindi ko siya hinalikan dahil siya humalik sa akin! Na bigla lang ako sa ginawa niya kaya hindi agad ako naka kilos pero hindi ako tumugon sa halik niya! Bakit ba hindi mo muna pakinggan ang side ko?! At hindi ako na cha challenge sayo dahil totoong mahal kita! Oo! Tama ka! Tama ka na tamaan mo ang ego ko pero hindi yon sapat para pag laruan ka! Ganyan ka naman diba? Kailan mo ba ako hinayaan magpaliwanag sayo? Kailan mo pa ako hinayaan ipakita at iparamdam sayo kung ano ka talaga sa buhay ko?!" Madiing sabi niya habang naka sabunot sa buhok niya.

"Kasi masyadong mabilis.. parang hindi kapani paniwala.. isang tulad mo at isang tulad ko? Parang ang labo diba? Tapos ngayong handa na akong tanggapin ka sa buhay ko pati mga consequences na kakaharapin ko bigla naman pina mukha sa akin na hindi talaga tayo pwede" umiiyak na sabi ko. Nilapitan niya ako at mahigpit na niyakap.

"Please sesa huwag mo akong sukuan.." bulong niya sa tenga ko habang hinahalikan ang ulo ko

"I'm sorry.. pero mas makakabuti sa atin pareho kung ititigil na natin to" sabi ko at tumakbo paalis.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height