Ang Boyfriend Kong Manyak/C2 Cheery Mobile
+ Add to Library
Ang Boyfriend Kong Manyak/C2 Cheery Mobile
+ Add to Library

C2 Cheery Mobile

Yhnna's POV

Madilim pa sa labas ay tumayo na ako para tumulong kay mama. Meron kasi kaming maliit na lugawan sa harapan ng bahay. Pagkatapos kong magsipilyo at mag suklay ay bumaba na ako para tumulong.

"Good morning ma" sabi ko.

"Good morning din anak, anong gusto mong kainin? Merong pansit palabok dyan. Mamya pang konti itong champorado at lugaw." Sabi ni mama na abala sa paghalo sa lugaw.

"Mag kakape at tinapay nalang ako ma" sabi ko habang kumukuha ng tasa at kopiko 3in1.

"Ipag timpla mo na nga din kami ni Marissa at mukhang inaantok pa siya." Tatawa tawang sabi ni mama

"Hindi naman ate" salungat ni ate Marissa. Kapitbahay namin si Ate Marissa at taon taon nanganganak ito. Sa edad na 30 may 6 na anak na ito, naawa si mama sa kanya kaya kinuha niya siya bilang katulong sa pagluluto at pagtitinda. Tumawa nalang ako sa pagsasagutan nilang dalawa.

"Hindi ba alas otcho ang pasok mo?" Tanong ni mama habang sini serve ko yung order nung dalawang estudyante sa inorder nilang champorado.

"Opo" yun lang ang isinagot ko at muling bumalik sa paghiwa ng ampalaya na ititindang ulam niya mamaya. Dati puro almusal lang ang itinitinda ni mama, pero dahil nga mas kailangan namin ngayon ang dagdag kita kaya naisipan niyang magtinda na din ng lutong ulam. Last week pa lang siya nag umpisa sa lutong ulam, nag simula siya sa tatlong putahe pero dahil agad nauubos at minsan nag rerequest mga parokyano niya kaya ginawa na niya ngayong limang klase.

"Mag aalas sais y medya na! Hala! Tayo! Kami na bahala jan! Maligo kana at baka mahuli ka pa sa klase mo!" Pasigaw na sabi ni mama.

Nag pout lang ako at di pa din tumayo. Lumapit sakin si mama at pinalo ako ng sitaw. "Mama naman" maktol ko.

"Hala sige tumayo ka dyan at maligo na! Mag uumpisa nanaman ba tayo?" Sabi ni mama na parang nagliliyab ang mata na nakatingin sakin.

"Heto nga po maliligo na" sabi ko na naka simangot at tumayo na.

***********************

Katulad kahapon hinihatid ako ni papa sa school, bago ako pumasok sa school humirit pa si papa ng isang selfie ko. Hindi niya ko tinigilan hangga't di ako pumapayag, ipapakita daw niya sa mga katoda niya. Wala akong nagawa kesa mahuli nanaman ulit ako pinag bigyan ko nalang siya. Pilit na ngiti at peace sign ang ginawa ko habang kinukuhanan niya ako ng litrato.

"Ang ganda talaga ng anak ko! Sigurado maiinggit at maniniwala na mga ka toda ko kapag pinakita ko tong picture mo sa kanila" Masayang sabi ni papa. Napahilamos nalang ako ng mukha sa kahihiyan nung mapansin ko yung ibang estudyanteng nakatingin samin.

"Pa, pasok na po ako" sabi ko nalang at mabilis na pumasok sa loob.

Malaking hakbang ang ginawa ko hanggang sa makarating sa classroom namin. Naabutan ko na don si Samantha na busy sa cellphone niya, nung dumaan ako sa harapan niya at umupo ako sa tabi niya ay doon pa lang siya nag angat ng tingin.

"Good morning bessy!" Masiglang sabi niya.

"Good morning Sam" Balik ko sa kanya at nginitian siya.

"Mukhang busy ka ha?" Tanong ko.

"Nope! Naglalaro lang ako ng games" sabi niya na humagikgik pa. "Look bessy oh! Th10 nako" Sabay harap sakin ang iphone6S niya at pinakita sakin ang nilalaro niya. "Naglalaro ka rin ba nito?" Tanong niya habang busy ulit sa paglalaro nung clash of clans. "Hindi eh" sabi ko. "Try mo siyang i download maganda siyang libangan, nakaka adik nga eh" dagdag pa niya. "Pwede bang i download yan dito?" Sabi ko na inilabas ang Cherry mobile phone ko na di keypad. Tumingin naman ako sa kanya at yung reaction niya grabe! Laptrip!

"Oemji!" Sabi niya sabay kuha sa phone ko. Inagaw ko naman agad yon sa kanya bago pa makita ng mga kaklase. Gaya ng inaasahan ko nag tinginan ang lahat samin, gaya ng dati tinaasan ako ng kilay nina Angel at Claire nung napatingin ako sa kanila. May sinabi pa nga mga tao di ko lang nadinig.

"Bessy seriously? Yan talaga ang ginagamit mo?" Pabulong na tanong ni Samantha sakin.

"Yep! 2 years na din to sakin" nakangiti ko pang sabi. "Di naman kasi kami mayaman gaya niyo. Tricycle driver lang papa ko at yung mama ko naman nagtitinda lang ng almusal at tanghalihan sa harapan ng bahay namin"

"Hindi naman siguro ganon kahirap buhay niyo kasi bessy dito ka nag aaral at wala sa itsura mo na anak mahirap ka" sabi pa niya

"Dito na si sir, kwento ko lahat sayo mamaya sa vacant natin" sabi ko at nakinig na sa professor naming panot.

Kakaiba nga sa school na ito, okay lang sa mga teacher na hindi makinig ang mga estudyante nila basta wag lang mag ingay, umabsent at dapat makapasa kaming estudyante nila sa bawat pagsusulit na ibibigay nila. At gaya nga ng sabi ko, okay lang na huwag makinig, kaya ayun ke aga aga tulog ang 2 kaklase kong lalake at yung ibang girls naman busy sa pagtitext at pag kukulurete sa mga mukha nila. Ako naman, kailangan makinig at makapasa at di pwedeng pasa lang dahil may mini maintain akong grado dahil kung hindi, buong tuition ang babayaran ko. Saklap. T______T

Lumipas ang dalawang oras.

Paglabas ng prof namin ay agad akong hinila ni Samantha palabas ng classroom.

"Bessy dun tayo" turo niya sa may malabong na puno na pero di naman kataasan. Nagpatianod nalang ako sa kanya sa paghila sa akin.

Umupo kaming dalawa sa bench na naroon. "Ngayon mag kwento kana" sabi niya habang titig na titig sa akin.

"Yun nga, pinadalhan ako ng sulat ng MU na kung gusto kong mag aral nga daw sa MU ay babawasan ng kalahati yung tuition ko, pero may kundisyon na kailangan hindi bumaba sa 85 ang average ko. Ang totoo ay ayoko talagang pumasok dito alam ko naman kasing hindi ako bagay sa lugar na to. Ang totoo nga nung high school ako kung ano ano ding bad comments sinasabi ko patungkol sa mga nag aaral dito. Mapilit lang talaga parents ko, alam ko namang kapos kami sa pera mga bills pa lang namin sa bahay minsan nahihirapan na kaming makabayad. Sabi ni mama sa akin kapag dito daw ako sa MU nagtapos kahit anong trabaho daw gustuhin ko makukuha ko. Pero ewan, ang babaw kasi ng dahilan. Kahit magkanda kuba daw sila sa pagtatrabaho ayos lang basta dito daw ako sa MU magtatapos". Mahabang paliwanag ko.

"Bessy susuportahan kita! Fight lang! Basta pag kailangan mo ng help kahit ano pa yan nandito lang ako okay? Kailanman hindi maging dahilan ang pagiging mahirap mo para hindi mag aral dito sa MU tutulungan kita promise!" Sabi niya at niyakap niya ako. Gumanti din naman ako ng yakap at ngumiti sa kanya.

"Hindi ko alam kung bakit sinabi ko sayo lahat ng to, kahapon palang tayo nagkakilala pero naisawalat ko na problema ko. Napaka gaan ng loob ko sayo siguro dahil ikaw lang kakilala at kaibigan ko dito" tumatawa pang sabi ko.

"We're not just friends kaya! Mag bestfriend na tayo simula pa kahapon no!" Tatawa tawa pang sabi niya.

"But anyway, tara sa canteen my treat. Na stress ang beauty ko sa talambuhay mo na pang MMK" sabi niya.

"No, thank you dito nalang ako babasahin ko pa yung lesson na ni lecture natin kahapon" -me

"Okay, ganito nalang dadalhan nlang kita ng foods dyan ng mag process ng maayos ang brain mo"-Sam

"No no huwag na, di naman ako gutom" -ako

"You sure? Baka naman nahihiya ka lang? Bibili din naman kasi ako ng akin kaya okay lang" -Sam

"Hindi hindi, ayos lang talaga, hindi talaga ako gutom" -Ako

"Okay, sabi mo eh! Wait me here okay? Bibili lang ako ng inumin natin" sabi pa niya bago umalis.

Tinignan ko siya habang naglalakad palayo, kinuha ko sa bag ko ang cattleya notebook ko at inumpisahan ng basahin yung lesson namin sa English1 namin.

Bumalik si Samantha na may bitbit na 2 Coke in can at isang malaking potato chips. Iniabot niya sakin yung isang Coke at straw at binuksan niya yung potato chips na binili niya. Agad naman niyang inaalok sakin yung chips niya nung mabuksan ito. Kumuha naman ako at sabay na kaming tahimik na nagbasa.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height