+ Add to Library
+ Add to Library

C20 Kaibigan

Stephen's POV

"Sabi naman namin sayo huwag mo munang kausapin kulit ng lahi mo pre!" Sabi ni Luke

"Gusto ko lang naman siyang makausap, gusto ko lang naman linawin yung nakita niya" - ako

"Naiintindihan ka namin pre ang problema lang kasi sumusugod ka sa giyera na walang armas" - Anthony

"Tang*na! Bakit ba hindi niyo nalang sabihin ang dapat kong gawin?! Nababaliw na ako sa kakaisip dito ng paraan para magka ayos kami pero kayo anong ginagawa niyo? Puro kayo sisi! Puro kayo sermon!" Mainit na ulong sabi ko

"Gusto ka namin tulungan pre pero kumalma ka muna lalo tayong hindi makakapag isip ng paraan niyan" sabi naman ni Joseph

"Ang pinaka mabuting gawin mo ay huwag mo muna siyang kausapin hayaan mo siyang mag isip muna masyado siyang na shock sa nakita niya" - Jonas

"Pero mababaliw ako ng tuluyan kung hindi ko siya makikita at makakausap" - ako

"Sino bang nagsabi na hindi mo siya makikita? Nandiyan lang si Yhnna kahit tanaw tanawin mo nalang muna ngayon hanggang bukas" - Anthony

"Hindi ko siya kakausapin at malalapitan hanggang bukas?!" - ako

"Anong gusto mo pre makita, malapitan at makausap siya sa lunes o hindi mo na siya makikita, malalapitan at makakausap kailanman?" - Gio

"Anong ibig niyong sabihin?" Tanong ko sa kanila

"Simple lang pre! Ganito ang plano" - sabi ni Gio

Kasalukuyan kaming kumakain ng lunch kulang nalang ay itali nila ako para maka sigurado na hindi ako lalabas para puntahan si Yhnna. Kinuha din nila ang cellphone ko at hindi ko alam kung saan nila ito itinago. Nag usap usap kami kanina at may nabuo kaming plano.

Pumayag ako sa plano nila na huwag munang kausapin si Yhnna pero ang huwag tignan ito? Napakahirap non. Pero nangako naman ako na pipigilan ang sarili ko na huwag siyang lapitan.

"Para kang namatayan umayos ka nga" sabi ni Luke sa akin at tinignan ko naman siya ng masama.

"Maayos ako ikaw ang hindi" sabi ko

"Oo nalang ako" sabi niya

Tinapik ni Jonas ang balikat ko.

"Kaya mo yan pre ako nga ilang taon na nagmamahal sa taong hindi naman ako mahal at ang malas pa sayo pa siya nagka gusto, pero heto ako nagtitiis at nakukuntento sa pag tanaw lang sa kanya. Buti ka pa nga si Yhnna nandiyan lang walang ibang gusto, walang ibang nanliligaw, wala kang kaagaw kaya swerte mo" sabi pa ni Jonas

"Drama mo tol" sabi naman ni Joseph sa ka kambal.

Napaisip naman ako sa sinabi ni Jonas papano kung kahit tanaw lang kay Yhnna hindi ko magawa? Papano kung may manligaw sa kanya? Papano kung may magustuhan siyang iba? Ano ang gagawin ko sakaling mangyari yon?

"Hindi ako papayag na may ibang lalaki na lalapit sa kanya" Gigil na sabi ko

"Relax ka lang pre palagay mo may magtatangkang manligaw kay Yhnna ngayong pinagsigawan mo na sa buong MU na may relasyon kayong dalawa? Gago lang mag tatangka pre" cool na sabi ni Gio

"Siguraduhin niyo lang dahil pag may naka lapit kay Yhnna kayong lima ang mananagot sa akin" singhal ko sa kanila

"Chill lang pre! Hayaan mo ga gwardyahin namin ang prinsesa mo" sabi naman ni Anthony

"Hindi ka kasi nag iingat" bulong naman ni Joseph pero umabot sa pandinig ko. Binato ko ito ng pinagbalatan ng Potato chips.

"Yung shota ng kapatid mo ang sisihin mo kung wala lang interes ang utol mo don baka sinakal ko na at napatalsik na dito" sabi ko

"Nag usap na ba kayo ni Kim tol?" Tanong ni Joseph kay Jonas

"Oo, gusto ngang humingi ng sorry kay Stephen binawalan ko lang. Sabi ko kapag malamig nalang ang ulo nito dahil hindi ko masisiguro na papatawarin siya nito agad agad dahil si Yhnna ang involved dito" sabi ni Jonas

"Bakit hindi muna siya manghingi ng sorry kay Yhnna? Pareho silang babae sigurado magkakaintindihan sila" sabat naman ni Anthony

"Palagay ko hindi magandang ideya yan pre, kasi pre isipin mo ha. Si Kim may gusto kay Stephen kung lalapit siya kay Yhnna baka kung ano pa ang sabihin nito sa kanya. Baka sabihin niya na layuan itong si Stephen dahil matagal na niya itong gusto at nauna niyang nakilala si Stephen at baka mag maka awa pa siya kay Yhnna na ipaubaya nalang ito sa kanya" sabat ni Gio

"Subukan lang niyang gawin yon kahit may relasyon pa sila ni Jonas masasaktan siya" tiim bagang kong sabi

"Sinabi ni Kim sa akin na tanggap na niya na wala siyang aasahan kay Stephen kaya titigil na daw ito. Balak din niyang mag sorry kay Yhnna pero nahihiya daw ito sa ginawa niya, nag mukha daw itong cheap sa paghahabol kay Stephen samantalang alam naman ng lahat na si Yhnna ang gusto ni Stephen" sabi naman ni Jonas

"Kung ganon pala'y wala ng problema, hayaan nalang muna nating magpahinga si Yhnna" sabi ni Joseph

"Bakit si Yhnna lang?" Tanong naman ni Jonas

"Palagay mo ba kayang magpahinga nitong kaibigan natin pag dating kay Yhnna? Sigurado ako kahit tulog ito si Yhnna pa rin ang iniisip" sabi ni Gio na binatukan pa si Jonas. Napa ngisi naman ako sa sinabi ni Gio napaisip din na ganon na pala ako kabaliw kay Yhnna para malaman ng mga kaibigan ko pinag dadaanan ko.

Napuno ng tawanan ang loob ng tambayan at sandaling nakalimutan ko ang aking pinagdadaanan. Hindi na din pumasok mga kaibigan ko dahil ba bantayan daw nila ako at mag report rehearse pa daw kami. Hinayaan ko nalang sila sa gusto nila sunud sunuran sa mga plano nila at tahimik na nagdarasal na sana umuubra ito kay Yhnna.

"Pare huwag kang magulo mas gusto ng mga babae ang mga drummers! Kita mo naman paano ako pagka guluhan ng mga babae" sabi ni Anthony

"Wala pa ring tatalo sa mga vocalista" sabay na sabi ng kambal

"Bass guitarist talaga mga habulin ng chix kaya huwag kayong mga asumero mga pre" mayabang na sabi ni Luke

"Paano naman ang mga pianista mga brad?" Sabi naman ni Gio

"Sila yung nakikisawsaw sa kasikatan naming mga vocalista" sabi naman ni Joseph

"Mga pampagulo lang" sabat naman ni Luke

"Ka antok pa" dagdag pang i inis pa ni Anthony

"Edi Wow!" Sabi nalang niya at nagsimula na silang mag asaran.

Kami ng mga kaibigan ko ay dating mga miyembro ng mga banda. Sina Jonas at Joseph ay mga bokalista sa dati nilang skwelahan sina Luke at Anthony ay may sarili ding banda noong high school sila at si Gio ay nag aral naman mag Piano dahil yun ang gusto ng magulang niya, sumasama sama din ito sa mga banda pero hindi naman ito nagtagal. Ako naman ay Lead Vocalist at Lead guitarist ng dating banda ko dito sa MU noong high school. Tumigil nalang ako sa pagtugtog nung pagbawalan ako ni Dad noong 1st year college na ako. Ngayon may kanya kanyang banda na din ang mga dating kasamahan ko.

Mag a alasais na ng matapos kami sa pagtugtog ang sabi sa sabado nalang daw kami ulit mag re rehearsed kahit mga luko luko kasi itong mga kaibigan ko ay matino naman pag dating sa pag aaral nila. Nag hiwa hiwalay na kami pagdating namin sa may parking lot ng school.

Pagdating ko sa condo ay agad akong naligo at ng matapos ako ay lumabas ulit ako ng condo at naghanap ng mabibilhan ng dinner ko. Naalala ko naman ang isdang may kamatis at itlog na niluto ni Yhnna na binaon niya. Itinigil ko muna ang aking sasakyan sa may gilid at nag desisyong pumunta sa bahay nila.

Sarado na ang gate nilang gawa sa kawayan ng dumating ako. Wala na ding ilaw sa harapan ng bahay nila pero bukas pa ang ilaw sa loob ng bahay nila. Lumabas ako sa sasakyan ko sumandal sa kotse at tinignan ang bintana sa itaas ng bahay nila. Alam kong doon ang kwarto ni Yhnna dahil doon ko siya nakita noong huling punta ko sa kanila. Ilang oras din ang hinintay ko bago bumukas ang ilaw mula sa kwarto ni Yhnna napatawid ako ng upo ng makita kong binuksan ni Yhnna ang bintana niya at nagsalubong ang tingin namin dalawa.

Tahimik lang akong naka tingin sa kanya at hindi hinihiwalayan ang mga mata niya, gusto ko siyang hawakan gusto ko siyang makausap pero gaya ng sabi ng mga kaibigan ko mag tiis muna ako sa pag titig sa kanya sa malayo. Pumasok na ako sa sasakyan at pinaandar iyon sumulyap ulit ako sa bintana ng kwarto niya na hanggang ngayon ay naroon siya at nakatanaw sa akin. Mabilis kong pinaandar ang kotse ko habang kaya ko pang mag tiis.

Yhnna's POV

Nag uunahang tumulo ang mga luha ko at gusto ko sana siyang babain ng nakita kong pumasok sa sasakyan niya si Stephen rinig ko ang pag start ng kotse nito kasabay ng panginginig ko. Mabilis na pinaharurot nito paalis ang kotse niya at mabilis din akong bumaba at lumabas ng bahay, ngunit kahit anino ng sasakyan niya ay hindi ko na makita napa upo ako sa kalsada at umiyak nalang.

Magdamag akong umiyak at hindi alam kung anong oras na ako nakatulog kaya maga at parang kinagat ng ipis ang mga mata ko.

"Good Morning Yhnna" sabi ng kaibigan ni Stephen na pinaka matangkad sa kanila narinig ko naman tinawag siya nung isang kasama niya na kulot ang buhok na Luke.

"Good Morning Sesa" sabi naman ng kulot sa akin na ikina kunot ng noo ko,

"Good Morning din" sagot ko nalang sa kanilang dalawa.

Iniabot naman ni Luke sa akin ang isang sandwich at isang kape nahihiyang kinuha ko naman ito para hindi siya mapahiya.

"Mauna na kami ha? Baka hinihintay na nila mga almusal nila" sabi naman nung kulot na buhok na tumawag ng sesa sa akin at naka ngiti. Tumango nalang ako bilang tugon at ngumiti sa kanya pabalik.

"Yhnna kita nalang ulit tayo mamaya" sabi naman ni Luke na ikina kunot ulit ng noo ko. Pero sumagot naman ako sa kanya ng sige at Thank you dito sabi ko na tinutukoy ang sandwich at kape.

Naglakad na din ako papunta sa classroom namin umupo ako sa upuan ko at para akong naninibago dahil walang Stephen na nangungulit sa akin. Napahawak naman ako sa sarili kong kamay at umubob sa desk ko.

"Pahingi ng coffee mo bessy ha?" Sabi ni Samantha na umupo sa tabi ko

"Sige bessy" sabi ko na umayos ng upo at ngumiti sa kanya

"Ohemji! Umiyak kaba buong gabi?!" Iskandalosang sigaw niya na ikina tingin ng mga kaklase namin na narito na.

Ikinuwento ko sa kanya lahat ang nangyari kahapon pati na ang pag uusap namin ni Stephen sa may locker room at yung pag punta niya kagabi sa bahay.

"Bessy anong balak mo ngayon?" Tanong niya

"Sa totoo lang bessy hindi ko rin alam" sagot ko

"Hindi ka ba naniniwala kay kuya na wala silang relasyon nung Kim at hindi siya ang humalik dito?" Tanong ulit niya

"Gusto kong maniwala sa kanya pero parang may pumipigil sa akin, nung napanood ko yung video na isinend mo sa akin ay handa na ako tanggapin siya sa buhay ko pero parang sinampal ako ng katotohanan nung makita ko siyang may kahalikan" naiiyak nanamang sabi ko

"Bessy, kung mahal mo si kuya ipaglaban mo ang nararamdaman mo para sa kanya. Kasi bessy hanggat hindi mo tinatanggal ang takot na lumulukob sa puso mo hindi ka magiging masaya, pareho kayong mag durusa ni kuya" sabi niya.

"Bessy mahal ka ng pinsan ko at sigurado ako doon, hindi dahil pinsan ko siya kaya gusto ko siya para sayo kundi dahil sigurado ako na hindi niya sasaktan ang bestfriend ko. Kaya sana bessy huwag yung takot ang ipairal mo hayaan mo naman makita ko na masaya ka kasama si kuya" dagdag pa ni bessy

Pinunasan ni bessy gamit ang kanyang panyo ang ang mga mumunting butil na tumulo mula sa mata ko. Niyakap niya ako at hinimas ang likod bago siya nag paalam na lalabas na. Ngayon na kasi ang huling araw ng pag co comunity service nilang dalawa ni Stephen.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height