Ang Boyfriend Kong Manyak/C21 Kaibigan (2)
+ Add to Library
Ang Boyfriend Kong Manyak/C21 Kaibigan (2)
+ Add to Library

C21 Kaibigan (2)

Yhnna's POV

Kasama ko ngayon si bessy at naglalakad kami papuntang canteen may kinukwento siya sa akin na may bago daw siyang crush 2nd year daw at engineering ang course niya.

Umupo kami sa may dulo ng canteen at nag volunteer siya na siya nalang daw bibili ng foods namin ayaw din niyang tanggapin yung cash na binibigay ko sa kanya ililibre nalang daw niya ako at maghintay nalang sa kanya doon. Tumango nalang ako kay bessy at nagpasalamat.

"Hi Yhnna" sabi ni Luke na may dalang cheesecake at pineapple juice. Ibinaba niya sa harapan ko ang dala dala niyang pagkain at umupo sa harapan ko

"Hello" sabi ko naman at kiming ngumiti sa kanya

"Nakita ko si Samantha sa may pila siya ba ang kasama mo? By the way para sayo talaga yan" sabi niya na itinuro ang pagkain na dala niya.

"Oo eh siya nalang daw bibili ng foods namin" nakangiting sabi ko sa kanya "kanina pa almusal ang binigay mo ngayon naman pa meryenda nakakahiya naman sayo" sabi ko pa.

Tumunog ang cellphone niya at binasa ang text dito. Tumingin ulit siya sa akin at ngumiti.

"Okay lang yan hintayin mo lang yung pa lunch ko sayo mamaya" sabi pa niya

"Ay! Ano ka ba nahihiya na nga akong tanggapin mga to tapos may pa lunch ka pang nalalaman" sabi ko na matamis na ngumiti sa kanya bago sumubo ng Cake

"Okay lang naman saan ka ba mag la lunch mamaya? Gusto mo sa Rooftop? Siyanga pala, may favor sana ako" sabi niya

"Hindi ko din kasi alam kung saan ako mag la lunch hindi pa namin napag usapan ni bessy. Kaya pala nanlilibre ka kasi may favor ka" sabi ko na nakangiti sa kanya "Ano ba yong?" Dagdag ko

"Hindi, gusto ko lang i libre ka talaga masyado kasi akong mabait" sabi pa niya na tumatawa. "Gusto ko lang sanang sabihin na kung pwede huwag kang ngingiti sa mga ibang lalaki kahit pa sa akin" sabi niya.

Nagulat at namula ako sa sinabi niya tumango nalang ako bilang tugon sa kanya. Dumating na si bessy at umupo sa tabi ko.

"Hoy Luke nasaan si Kuya? Bakit nag iisa ka?" Tanong ni bessy kay Luke na pakamot kamot sa ulo.

"Nandiyan lang yon sa tabi tabi may binabakuran eh" sabi niya. Para akong nanigas sa kinakaupuan ko ng marinig kong sinabi niya na may binabakuran si Stephen.

"Ang galing naman may binabakuran na pala siya" mahinang sabi ko pero nadinig naman nila bessy.

"Grabe bessy ang nega mo, malay mo ikaw pala binabakuran ni kuya kaya nandito mokong na to" sabi naman ni bessy "sino ba tinutukoy mo ha?!" Mataray na sabi ni bessy

"Una na ako" sagot ni Luke pero hinila siya ni bessy paupo ulit ng magtangka itong tumayo.

"Malilintikan ka sa aking poste ka kapag hindi ka sumagot ng maayos!" Sabi ni bessy

"Pasensiya na Sam pero mas takot ako sa pinsan mo" sabi niya "pero Yhnna ito lang masasabi ko mahal na mahal ka ng kaibigan ko at tama si Sam kanina kaya kung pwede iwasan mong mag isip ng mga negatibong bagay" sabi pa niya bago ito tumayo at naglakad paalis.

Sinundan namin ng tingin ang papalayong si Luke at nakita kong huminto ito sa may labasan at tumayo mula doon ang mga kaibigan niya kasama si Stephen. Nakita ko pa ng bahagyang suntukin siya ni Stephen sa may tagiliran bago sila tuluyang lumabas.

"Ohemji bessy! Kasama niya sina kuya! So ibig sabihin ikaw yung sinasabi ni Luke na binabakuran niya! Waaaah! My cousin is so sweet pala!" Sabi ni bessy

Napangiti naman ako sa isiping iyon yumuko nalang ako para itago ang nag iinit na pisngi ko.

Nang matapos kaming kumain ni bessy ay naglakad kami papunta sa may bench kung saan lagi kaming umuupo. Nangingiti ako sa mga pinagsasabi niya habang naglalakad kami, nang liliko na kami ay nagka banggaan ang tingin naming dalawa ni Stephen na naglalakad papunta sa direksyon namin. Napahinto ako at sinalubong ang mga tingin niya nang malapit na sila ng mga kaibigan niya ay magsasalita sana ako pero iniwas niya ang tingin niya at dire diretyong naglakad at nilagpasan kami ni bessy. Marahas naman akong lumingon at tinignan siya na naglalakad papalayo, nakita ko si Luke na tinapik ng dalawang beses ang balikat niya bago ito tuluyang umakbay.

Para akong nanigas mula sa kinatatayuan ko at hindi na malayang nag uunahan nanaman sa pagtulo ang mga luha ko. Akala ko ay naubos na lahat ng luhang yon kagabi pero heto ang bigat nanaman ng mga mata ko at tuluyang kumawala at hindi na napigilan ang pagbuhos ng mga ito.

Inalalayan ako ni bessy paupo sa bench at pinahiran ulit ang mga luha ko.

"Bessy tama na" sabi ni Sam

"Sorry bessy ako din gusto ng tumigil sila pero kusa silang lumalabas at hindi ko na din alam paano sila patigilin" sabi ko. Niyakap ako ni bessy at pilit pinapatahan. Nakita ko namang may papalapit na babae sa amin, umupo ako ng maayos at pinahiran ang mga luha ko.

"Yhnna.. pwede ba tayong mag usap? May gusto kasi akong sabihin sayo" sabi ng babae na si Kim pala. Umikli kasi ang buhok nito kaya hindi ko agad siya nakilala.

"Sige" sabi ko at bahagyang ngumiti sa kanya.

"Gusto mo bang umalis muna ako para makapag usap kayo? Tanong naman ni Sam

"No, no need Samantha okay lang na nandiyan ka" sabi ni Kim na naka yuko at parang naiiyak na.

"Okay pero doon na muna ako sa kabilang bench para makapag usap kayo ng maayos" sabi naman ni bessy

"Thank you bessy" sabi ko tumango lang ito at umupo sa kabilang bench. Umupo naman si Kim sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.

"Yhnna I'm sorry" sabi niya agad na umiiyak. "Masyado akong nilamon ng inggit sayo dahil sa tagal ko ng may crush kay Stephen ay ikaw pa na bago palang niyang nakilala ang nagustuhan niya. Ang totoo akala ko true love na ang nararamdaman ko sa kanya pero ipinamukha ni Jonas sa akin ang katotohanan. Na ikaw ang mahal ni Stephen at walang gusto si Stephen sa akin kahit katiting lang. Wala kaming relasyon ni Stephen maliban sa mag kaklase lang kami. Nung makita kong umiiyak ka kahapon ay gusto ko na agad magpaliwanag sayo pero pinigilan ako ni Jonas at sinabi na ngayon na nga lang daw kita kausapin. Na guilty ako kasi nasira ko kayong dalawa ni Stephen nagtalo kayo ng dahil sa kagagahan ko. Sorry talaga. Hindi ko naisip ang mararamdaman mo mas inisip ko ang sarili ko na nasasaktan kahit wala naman akong karapatan. Napaisip din ako bakit dinadamay kita sa sakit na nararamdaman ko samantalang wala ka naman ginagawang mali sa akin" mahabang paliwanag ni Kim na umiiyak pero pilit tinapos ang gusto niyang sabihin.

"Tapos na yon kalimutan na natin, mag simula ulit tayo na parang hindi nangyari ang lahat ng to. Huwag kang mag alala naiintindihan naman kita lalo na't ipinaliwanag mo naman ang lahat at nag sorry ka" sabi ko na pina pahid ang mga luha niya.

"Thank you Yhnna lumuwag ang pakiramdam ko dahil sa sinabi mo sana maging mag kaibigan tayo" sabi pa niya

"Oo naman walang problema basta ba matanggap mo ako bilang ako" sabi ko naman na nakangiti sa kanya. Tumango ito at niyakap ako ng mahigpit.

"Okay na ba kayo ni Stephen?" Tanong niya

"O-okay naman kami, nagka usap na kami kahapon" sabi ko

"Mabuti naman kung ganon" nakangiting sabi niya. "Puntahan ko muna si Jonas sasabihin ko na pinatawad mo na ako" Masayang sabi niya. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango.

"Ganon lang yon bessy?" Agad na sabi ni Samantha ng maka alis na si Kim

"Bessy nag sorry na yung tao at ramdam ko naman na sincere siya" sabi ko naman

"Kahit na bessy dapat tinaray tarayan mo muna!" Sabi niya

"Sira ka talaga, mauna na ako bessy baka ma late ako" sabi ko

"Sige sabay tayo mag lunch mamaya ha?" Sabi niya

"Okay bessy bye na" nakangiting sabi ko at nag wave pa sa kanya bago umalis.

*************

Stephen's POV

Gusto kong sapakin si Luke kanina mula sa pag upo niya sa canteen todo ngiti kasi si Yhnna sa kanya habang kausap siya. Kaninang umaga ay inutusan ko siyang bumili ng almusal namin pero nung pagbalik niya kulang ng kape at sandwich mga dala niya. Sabi ni Gio nadaanan daw nila si Yhnna sa baba at ibinigay ang coffee at sandwich ko sa kanya.

*kanina*

"Mukhang magdamag umiyak pre namamaga ang mga mata" sabi naman ni Luke na umiinom ng kape. Mabilis akong tumayo at nagtangkang lumabas pero agad na humarang si Jonas at Gio sa pintuan.

"Saan mo balak pumunta?" Tanong ni Jonas

"Bibili ako ng kape" sabi ko

"Hoy Luke! Bumalik ka sa baba ibili mo ng kape si Stephen" utos ni Jonas

"Bakit ba ako nalang lagi niyong inuutusan?" Angal naman nito.

"Sino gusto mong utusan namin?" Tanong naman ni Gio. Tumingin naman sa paligid si Luke at nakita si Anthony na nagbabasa ng libro si Joseph naman ay masamang naka tingin sa kanya.

"Sabi ko nga ako nalang" sabi nalang niya at lumabas ng pintuan.

Alam kong oras na ng Vacant nila Yhnna kaya nag aya akong pumunta sa canteen, hindi naman ako nagkamali dahil nakita ko siya kasama si Samantha na naglalakad papalapit sa amin. Napa tiim bagang ako ng makita kong namamaga nga ang mga mata nito agad kong inutusan si Luke na dalhan ng snacks si Yhnna agad naman itong sumunod sa akin.

Umupo si Luke paharap kay Yhnna at nakita kong ngumiti ito ng kaunti pero habang humahaba ang usapan nila ay mas lumalawak ang ngiti ni Yhnna dito kaya naisipan ko siyang i text at sinabing ayokong makitang ngumingiti si Yhnna sa kanya.

Ilang sandali lang ay dumating si Samantha at hinila si Luke paupo at parang may tinatanong na ayaw sagutin ni Luke. Nang makasagot na ito ay tumayo na si Luke at lumapit sa amin. Pigil ang lakas ay sinuntok ko siya sa tagiliran at bumulong na sa susunod na makitang nakangiti ng ganoon si Yhnna sa kanya papatayin ko siya.

Naglalakad kami sa corridor nang makita ko ang dalaga agad na bumulong si Anthony na diretyo lang ang lakad. Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad hanggang sa iniwas ko ang tingin ko sa kanya at naglakad ng diretyo. Nanginginig ang buong katawan ko habang nakasarado ang mga kamao ng tapikin ni Luke ang balikat ko at inakbayan.

Gustong gusto kong hilahin si Yhnna kanina at yakapin pero alam kong hindi pa siya handa siguradong sasabihin niyang tigilan ko na siya na hindi ko naman kaya. Kaya magtitiis na muna ako at hihintayin yung araw na pinag usapan namin ng mga kaibigan ko.

Inutusan ko kanina si Gio na bilhan si Yhnna ng lunch. Hindi naman ako nabigo dahil pagbalik niya ay dala dala niya ang baon ng dalaga na pinilit pa daw niya na magpalit sila. Tinanggal ko naman ang suot kong limited edition na g-shock at hinagis yon sa kanya. Naghiyawan naman lahat ng mga kaibigan ko at nagsabi pa si Gio na manlilibre siya mamaya.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height