+ Add to Library
+ Add to Library

C22 Long sleeve

Yhnna's POV

Pagdating ko sa bahay ay agad akong humiga sa kama hindi ko na inabalang tanggalin ang uniporme ko at padapa akong nahiga para bang napaka daming nangyari sa araw na to.

Dinukot ko mula sa bulsa ang cellphone ko, kanina ko pa ito tinitignan pero kahit isang mensahe ay wala akong natatanggap. Tinignan ko ang mga contacts ko at tinigil sa pangalan ni Stephen. Nag type ako ng mensahe pero sa huli ay binura ko nalang ulit ito.

"Ate pa tulong naman ako sa project ko kailangan ko na kasi itong ipasa sa lunes pero hanggang ngayon hindi ko pa na sisimulan baka ibagsak ako ng T.H.E teacher ko kapag hindi ko napasa sa lunes to" sabi ni Yael

"Ano ba yan?" Tanong ko

"Kailangan kasi naming gumawa ng punda ng unan gamit ang ibat ibang klaseng pananahi gamit ang kamay" sabi niya

"Puro ka kasi laro may project ka pala pero puro laro ang inaatupag mo, malay ko paano gumawa niyan?" Masungit na sabi ko

"Sige na ate tulungan mo na ako ma babagsak ako nito eh" sabi pa niya

"Paano ba yan? Akin na nga!" Sabi ko

"Dapat maging ganito siya tulad ng nasa picture" turo niya sa papel.

Kinuha ko kay Yael ang mga gamit niya at tinignan yung papel na may larawan. May patern naman ito at mukhang madali namang gawin.

"Sige iwan mo nalang diyan pero tumulong ka kay mama sa paglinis sa baba kung gusto mong gawin ko to" sabi ko

"Yes! Sige ate tutulungan ko si mama promise! Gandahan mo ate ha? Para mataas ibigay na grades sa akin ni Mam" sabi niya

"Oo na bumaba kana doon at tulungan si mama!" Sabi ko

Naghintay pa ako ng ilang minuto bago ako tumayo at naligo pagkatapos ko ay dinala ko ang project ni Yael sa sala at doon sinimulang gawin. May pagka kumplikado ang project niya pero dahil sa may patern naman madali ko naman itong na susundan. Naaliw ako at pansamantalang nakalimutan ko ang mga iniisip ko, pag tingin ko sa oras ay ala sais y medya na kaya iniwan ko muna ang ginagawa ko at pumunta sa kusina para magluto ng hotdog na uulamin namin. Maaga daw kasing naubos kanina ang lutong ulam na tinda ni mama at walang natira kahit pang ulam namin ngayong gabi.

"Kumusta naman pag aaral niyo?" Tanong ni papa habang kumakain kami

"Maayos naman po pa" sagot ko

"Ikaw Yael kumusta pag aaral mo? Gumaya ka dito sa ate mo na masipag mag aral at huwag puro laro ginagawa mo" sabi naman ni mama

"Nag aaral naman po ako ng mabuti" sagot ni Yael

"Kaya pala sa akin mo pinapagawa yung project mo" sabi ko naman

"Hindi kasi ako marunong mag tahi ate tsaka hindi naman ako nag aaral para mag tahi gusto kong maging pulis pag laki ko" sabi naman niya

"Kung ganon mag aral ka ng mabuti susuportahan kita kung yan ang gusto mo" sabi naman ni papa

Kung saan saan pa umabot ang pag uusap at kwentuhan naming pamilya habang kumakain. Pagkatapos kong linisin ang mga pinag kainan namin ay umakyat na ako sa kwarto namin ni Yael. Naabutan ko siya na naglalaro sa cellphone ko at nakahiga sa kama ko.

"Lalagyan ko na talaga ng password yan para hindi mo ma pakialaman" sabi ko sabay agaw sa cellphone ko

"Alis ka nga diyan amoy araw ka bakit hindi ka muna maligo bago ka matulog?" Dagdag ko pang sabi

"Para nanghihiram lang naman" bulong niya habang humihiga sa kama niya.

"Hoy maligo ka muna!" Sabi ko

"Ayoko malamig inaantok na ako" sagot niya.

Nakita ko ang bintana na nakabukas, nanlaki ang mga mata ko at mabilis na pumunta sa bintana nagbabaka sakali na nandoon si Stephen at hinihintay ako. Nang makalapit ako'y agad kong hinanap si Stephen pero wala ito. Nag hintay pa ako ng ilang sandali bago nagpasyang i sarado ang bintana at matulog na.

*kinabukasan*

Maaga akong tumayo at nag linis ng buong bahay ayoko kasing si mama pa ang gagawa ng mga gawaing bahay kung wala din namang pasok.

"Yhnna! Halika nga muna sa labas nandito mga kaibigan mo!" Sigaw ni mama

Pinatay ko ang radyo at iniwan muna saglit ang ginagawa kong project ni Yael. Pagbaba ko ay nakita ko ang 6 na sasakyan sa harapan ng bahay namin. Nakita ko naman mga nagkumpulan na kapitbahay namin na nakatingin sa amin.

"Halika muna estimahin mo muna mga kaibigan mo gusto daw nila mag almusal dito" sabi ni mama

"Hello Yhnna Good Morning" sabi ni Gio na kumakaway pa sa akin

"Good Morning Yhnna" sabi pa ng iba.

Ngumiti naman ako sa kanila at hinanap ng mata ko si Stephen na ngayon ay naka talikod sa akin habang nakalagay ang mga kamay sa bulsa.

"Halikayo pasok" sabi ko at inaya sila sa loob at pina upo sa may mahabang mesa.

"Buti napasyal kayo dito sa amin?" Sabi ko ng maka upo na sila "ano gusto niyong kainin?" Sabi ko na nakangiti. Nakita ko naman si Stephen na matalim na naka tingin sa akin. Iniwasan ko nalang siya ng tingin.

"Gusto ko ng Goto" sabi ni Jonas

"Gawin mo nalang Goto lahat Yhnna" sabi naman ni Luke

"Okay sige ihahanda ko lang" sabi ko bago tumalikod sa kanila. Lumapit si mama sa kanila at nakipag kwentuhan, tinignan ko naman si Stephen na todo ngiti kay mama at mukhang naaaliw sa mga sinasabi ni mama. Nagkasalubong naman ulit kami ng tingin at masamang tingin na naman isinukli niya sa akin. Tinapos ko nalang mga ginagawa ko at nagpatulong kay Ate Marissa na mag serve sa kanila. Dahil sa alam kong hindi sila umiinom ng tubig galing sa gripo pinag dala ko na din sila ng tig iisang mineral water.

"Nakakatuwa naman ang mga kaibigan mo nak, lalo na itong kulot" sabi ni mama at tinuturo si Gio. Ngumiti nalang ako kay mama at inilagay na sa harapan nila mga Goto nila.

"Ako nga po pala si Gio, ito naman po si Joseph kambal po niya si Jonas yung nasa dulo tapos ito naman po si Anthony at Luke at yun naman pong gwapo don Stephen naman po ang pangalan niya" pakilala ni Gio sa lahat

"Natatandaan ko siya, siya yung pinsan ni Samantha diba? Napaka gwapong bata nga at napaka galang pa" sabi naman ni mama. Tumingin naman ako kay Stephen na mayabang na nakangisi.

"Salamat po" dinig kong sabi niya

"Hala sige na't kumain na kayo baka lumamig pa ang pagkain niyo, hindi na yan masarap kapag malamig" sabi ni mama na tumayo na.

"Sabayan mo na kami Yhnna" sabi naman ng kambal ni Jonas

"Sige tapos na ako, tawagan niyo nalang ako kapag may gusto pa kayo" sabi ko bago tumalikod sa kanila.

"Ka gwapong mga bata ka ganda ng mga kutis ang puputi" sabi naman ni Ate Marissa kay Mama habang nanghihiwa ng mga karne.

"Kung kasing yaman mo din sila sigurado namang gaganda ang kutis mo at puputi pa" sabi naman ni Mama

"Nakita ko si Ate Josie at Lorna kanina todo haba mga leeg nila at parang may gustong ipalaganap nanaman sa buong baranggay na tsismis" sabi ni Ate Marissa

"Hayaan mo sila mga inggit lang mga yan mga walang magawang maganda sa buhay kaya puro tsismis ang libangan. Pero ako'y bilib sa mga kaibigan nitong si Yhnna mabuti nalang at sa MU namin siya pinag aral puro matitinong tao mga kaibigan niya" dinig ko pang sabi ni mama habang hinuhugasan ko ang mga plato na naipon sa may lababo.

"Oo nga ate saan ka makakakita ng mayaman na dumadayo pa sa bahay ng kaibigan nila para kumain ng Goto diba? Silipin mo sila mga walang ka arte arte sa pagkain mukang ngayon nga lang sila naka tikim ng Goto" sabi naman ni Ate Marissa na ikinalingon ko at ni Mama.

Napangiti ako habang nakatingin sa kanila habang kumakain ng Goto mukhang nasarapan nga si Gio dahil kumukuha pa ito ng lugaw sa mangkok ni Anthony na katabi lang niya. May pumasok na matandang customer yung laging bumibili ng pansit palabok at agad na lumapit sa kinaroroonan ko.

"Good Morning po" nakangiting sabi ko

"Nagiging Good talaga ang Umaga kapag ikaw at ang mukha mo ang aking nakikita" pambobola pa sa akin ng matanda.

"Kaw talaga, ilang palabok po ang o orderin niyo?" Tanong ko

"Bigyan mo nalang ako ng dalawa, paki balot ulit ganda ha?" Sabi pa niya

"Yes Sir!" Sabi ko na sumaludo pa sa kanya. Nakita ko namang tumayo si Mama at pumunta sa pwesto nina Gio

"Ako nalang po, mabigat" dinig kong sabi ni Stephen

"Naku ikaw talaga, kayang kaya ko na ito" sabi naman ni mama. Inabot ko na ang order ng matanda at kinuha ang 60 pesos na bayad nito.

"Tulungan ko na po kayo" pilit ni Stephen kay mama

"Huwag na madudumihan pa yang long sleeve mo" tanggi ni mama sa kanya. Lumapit ako para ako nalang sana ang tutulong kay mama.

"Hindi po Okay lang po" pilit pa ni Stephen.

Tinanggal ni Stephen ang pagkakatupi ng long sleeve niya at tuluyang hinubad ito. Literal akong napa nganga ng makitang puting fitted sando nalang ang suot nito nagbubukulan tuloy ang mga muscles niya.

"Isuot mo" bulong niya sa akin ng sinampay niya sa balikat ko ang long sleeve shirt niya na kulay brown at may design ng mukha ni Taz bago tuluyang tumulong kay mama. Sinundan ko nalang siya ng tingin habang nasa may pinaka kusina ng tindahan namin at hinuhugasan ang mga pinagkainan nila.

"Yhnna upo ka muna" sabi ni Luke na ikinalingon ko sa kanya. Lumapit naman ako at umupo sa kabilang mesa.

"Buti dito niyo naisipang mag almusal? Ang aga niyo magkakasama ha" sabi ko sa kanila habang tinutupi ang long sleeve ni Stephen.

"May gagawin kasi kami tapos habang papunta sa school nagka yayaan na mag almusal, naisip naman namin agad itong kainan niyo kaya dito nalang kami nagpunta" sabi ni Joseph na pinupunasan ang salamin.

"Anong gagawin niyo sa school?" Interesadong tanong ko

"May project kasi kami ni Stephen nagpatulong nalang kami sa iba wala naman silang gagawin kaya pumayag sila" sabi naman ni Luke

"Mag kaklase nga pala kayo no? Sigurado marami siyang na missed na subject dahil sa pagkaka suspended niya" sabi ko

"Huwag kang mag alala ikaw lang miss non" biglang sabat ni Gio kaya nabatukan siya ni Anthony

"Huwag mo nalang pansinin to naubusan kasi ng gamot pero di diretyo kami ng mental ipa pa confine na namin siya" sabi ni Anthony. Natawa naman ako sa kanya at nakipag kwentuhan sa kanila. Nahinto lang pag uusap namin ng may pumasok na dalawang customer na babae. May pakiramdam ako na hindi naman talaga sa palabok na order nila gustong mabusog kundi sa mga kaibigan ni Stephen.

Masamang tingin ang nadasnan ko ng magka salubong ulit tingin namin ni Stephen inirapan ko nalang siya at inilagay damit niya sa may upuan. Agad ko namang ibinigay ang order ng dalawang babae habang malanding pasulyap sulyap sa pwesto ng mga kaibigan ni Stephen.

Lumapit si Stephen sa pwesto ko at kinuha ang long sleeve niya. Itinali niya ang manggas ng damit niya sa may leeg ko at masamang tinignan ulit bago tuluyang lumabas sa counter at pumunta sa mga kaibigan niya.

Problema non? Tanong ko sa sarili ko at sumimangot. Lumapit si mama sa kanila at nag thank you. Palabas na sila ng habulin ko sila dahil nakalimutan ni Stephen ang damit niya. Pero may sinabi si Stephen kay Anthony at dire diretyo na itong naglakad palabas papunta sa mga naka paradang sasakyan nila. Sayo nalang daw yan sabi ni Anthony sa akun bago siya umalis.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height