Ang Boyfriend Kong Manyak/C23 Al foundation
+ Add to Library
Ang Boyfriend Kong Manyak/C23 Al foundation
+ Add to Library

C23 Al foundation

Stephen's POV

Masarap na ang tulog ni Anthony at hindi na kayang umuwi nito dahil sa kalasingan pagkatapos kasi namin mag rehearse sa school nag aya ito na mag inom at imbes sa bar kami mag punta ay dito nalang sa condo ko. Ala una na umuwi ang iba at kaming dalawa nalang ni Anthony natira dito sa condo gusto ko sana malasing kaya hindi ko kinontrol pag inom ko ang kaso'y hindi ako malasing lasing.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa may lapag sa sala at pinatay ang tv. Iniligpit ko ang mga mga bote ng alak na nagkalat sa sala at inilagay sa isang plastik bag. Hinayaan ko na ang mga ibang naka kalat na pinag lagyan namin ng kung ano anong pulutan sa mesa. Ini ayos ko din ng higa si Anthony sa may sofa at hinayaan na din siyang matulog doon.

Pumasok na ako sa kwarto at kumuha na ng damit pampalit pagkatapos kong maligo. Habang naliligo ay hindi ko naman maiwasan isipin si Yhnna at ang hitsura nito kanina. Naka puting t-shirt na maluwang ito kanina at cotton short na maikli kulang nalang ay suntukin ko lahat ang mga lalaking nakatingin sa kanya dahil sa inis. Napansin ko din ang hagod ng tingin nung matandang costumer nila kanina sa kanya kulang nalang ay hubaran siya nito pero siya naman ay todo ngiti pa. Ayoko din yung ginawa niyang paglapit kanina sa mga kaibigan ko kaya nung pagdating namin sa MU ay sinikmurahan ko lahat sila.

Pagkatapos kong magbihis ay humiga agad ako sa kama, alas tres na ng madaling araw at kailangan kong magising ng alas siyete. May isang foundation kasi kaming regular na pinupuntahan ni Dad mga Cancer patients ang mga naroon at tuwing huling linggo ng buwan kami pumupunta. Napalapit na sa akin ang mga pasyenteng nandoon lalo na ang mga bata na pilit lumalaban sa sakit nila.

Pag gising ko ay agad akong naligo at nag bihis, nakita ko si Anthony sa lapag ng sala at mahimbing pa rin natutulog kahit nahulog na ito sa sofa. Nagsulat nalang ako ng note at nagsabing bago siya umalis ay maglinis muna at idinikit iyon sa ref.

Dumaan muna ako sa bahay namin at tinignan ang mga supplies na dadalhin namin sa foundation. Ang sabi ng secretary ni Dad ay nandoon na ang mga caterers na regular na inu upahan namin at ihahatid na din ang mga gamit na kailangan ng mga cancer patient.

"Pupunta ba si Dad?" Tanong ko

"Nasa Cebu po kasi Sir kasama si Sec. Rosales at bukas pa po ang uwi nila, hinabilin nalang po niya sa akin ang pag punta sa ALFoundation" Paliwanag niya

"Okay. Sige" sabi ko nalang bago lumabas ng bahay.

Umabot ng dalawang oras ang biyahe ko bago ako nakarating sa foundation na itinayo ng kaibigan ng Dad ko. Agad naman akong sinalubong ni Mica at nagmano sa akin siya ay anim na taong gulang palang at may sakit siyang leukemia.

"Kuya James! Na miss po kita" agad na sabi niya. Binuhat ko ito at hinalikan siya sa pisngi.

"Kumusta naman yung bunso namin?" Tanong ko sa kanya.

"Sabi po ni mama at papa ko parang kagat lang ng langgam kapag in injection nila ako pero hindi naman sobrang sakit kaya" sumbong niya sa akin

"Isipin mo nalang na parang kagat lang ng langgam para hindi ganon ka sakit kailangan mo kasi yon para gumaling kana agad" sabi ko sa bata nung ibaba ko siya sa kama niya.

"Asan na po yung promise mo po sa akin?" Tanong niya na naka ngiti habang nakatingin sa may plastik bag na bitbit ko. Bibiruin ko sana siya na nakalimutan ko kaso naalala ko ng huling biniro ko siya ay umiyak ito at ayaw ng lumapit sa akin. Kaya agad ko namang inilabas ang buhok na ni re request niya. Agad naman sumilay sa mukha niya ang matamis na ngiti at agad na yumakap sa akin. Nag ki chemotherapy na kasi siya at unti unting nalalagas mga buhok niya, nahihiya daw itong lumabas kasi kalbo siya. Inabot ko naman sa isang attendant doon ang ibang wig na dala ko at binigyan din ang ibang mga bata.

Tinignan ko ang oras malapit ng mag ala una, kailangan kong makapunta sa MU ng alas tres para mag rehearse. Tinext ko lahat ang mga kaibigan ko at tinanong kung ok naba lahat. Tumawag naman si Luke sa akin at kasama daw niya si Joseph ngayon at nasa MU na sila.

Nagpaalam na ako sa mga bata at naghabilin sa secretary ni Dad na alamin ang ibang kailangan ng mga bata. Ayaw pa nila akong paalisin pero sinabi ko nalang na may importante akong lakad ngayon kaya pumayag na sila at sinabing mag ingat ako. Nangako naman ako na babalik ako sa susunod na buwan at magdadala ng maraming pasalubong.

*MONTREAL UNIVERSITY *

Pagka park ko sa kotse ko ay agad akong nagtungo sa Football field kung saan itinayo ang stage na pagtutugtugan namin bukas. Malayo pa ako pero dinig ko na ang ingay mula sa mga instrumentong naroon, si Luke ang nag suggest na dito sa Football field kami tutugtog imbes na sa Gymnasium dahil kita daw kasi mula dito ang bintana ni Yhnna sa Aurellia Hall. Kung sa Gym daw kasi baka hindi pumunta si Yhnna at masayang lang ang effort ng lahat kaya dito sa open field nalang gagawin. Ipina ubaya ko na sa mga kaibigan ko ang lahat ng gagawin dahil wala akong ideya talaga kung ano ang dapat kong gawin mapatunayan lang kay Yhnna na seryoso ako sa kanya.

"Pre may nagbago sa plano" sabi agad ni Luke sa akin

"Bakit may mali ba?" Tanong ko

"Hindi pre naisip lang namin na kami muna maunang kumanta hanggat wala pa si Yhnna para hindi mainip mga tao at para na din masabi natin sakanila na para yon kay Yhnna at kung pwede sanang maging kasabwat sila" sabi ni Luke

"Kayo kung ano ang palagay niyong mas okay edi yun nalang" sabi ko.

"Hellooo!" Sabi ni Samantha na kararating lang

"Bat ka nandito?" Agad kong tanong

"Haler! Heto kayang si Gio tumawag sa akin pinapapunta ako dito" sabi niya

"Kailangan kasi natin tulong niya pre" sabi ni Gio

"Ano namang magagawa niya?" Tanong ko

"Mas maganda kasi kung may susundo kay Yhnna sa bahay nila at ng diretyong maihatid dito. Baka kasi sa ibang gate siya dumaan at pag nalaman niya ginagawa natin dito hindi siya pumunta. Kay Samantha makaka sigurado tayo na maihahatid niya talaga si Yhnna dito" sagot sa akin ni Joseph

"Rinig mo kuya? Kailangan niyo ako kaya kasali dapat ako sa plano niyo" sabi naman ni Samantha

"Sige na sige na 'di ka naman din titigil sa pangungulit lalo't alam mo na ang balak namin" sabi ko

"Ohemji kuya! Siguradong bibigay yon! Ikaw ba naman haranahin waaahhh! Naiinggit tuloy ako kay bessy!" Sabi ni Samantha

Nagsimula na kaming mag praktis habang ang tinawagan naman nina Luke na organizer ay inaayos na din ang buong paligid.

Yhnna's POV

Kanina pa ako kinakabahan at bigla kong naisip si Stephen, tumingin ako sa bintana umaasang nandon siya pero walang Stephen na nandoon. Hawak ko ang phone ko at hinanap ang pangalan niya, pero anong sasabihin ko kapag sumagot siya? Tanong ko sa isip ko. Umupo ako sa kama ko at nakita doon ang damit ni Stephen para akong nanalo sa lotto sa tuwa at pinindot ang call button.

Sorry the number you have dialed is not available sabi ng operator sa kabilang linya. Lalo naman akong kinabahan dahil sa hindi ko siya makontak. Naisip ko si bessy baka kasi may alam siya kung may masamang nangyari sa pinsan niya. Agad kong hinanap ang pangalan niya at tinawagan. Puro ring lang galing sa phone niya ang naririnig ko kaya naisip ko na baka may nangyari ngang masama kay Stephen. Imposible kasing tulog na siya kasi alas siyete pa lang, tinawagan ko ulit ang phone niya at pagkatapos ng 6 na subok pa sinagot na niya ito.

"Hello bessy" bungad niya

"Hello Bessy? Nasaan ka bakit ang ingay?" Sabi ko

"Bessy hindi kita maintindihan ano sabi mo?" Sabi niya. Para siyang nasa bar at gumigimik dahil sa ingay.

"Sige bessy bukas nalang nasa gimikan ka yata pasensiya na sa istorbo" sabi ko

"Bessy hindi talaga kita maintindihan text nalang kita ha?" Sabi niya bago siya mawala sa linya. Wala pang isang minuto ay tumunog ang message tone ng phone ko.

Bessy: bessy pasensiya kana hindi kc kita maintindihan kaya pinatay ko tawag mo

Me: okay lang :) pasensiya kana sa istorbo ha? May itatanong lang kasi sana ako

Bessy: sige ano yon?

Me: itatanong ko lang sana si Stephen bigla kasi akong kinabahan tapos naisip ko siya

Bessy: sus! Okay lang siya kasama ko ngayon, gusto mo siyang makausap?

Me: buti nalang okay lang siya, hindi wag na. Huwag no nalang sabihin na tinanong ko siya sayo

Bessy: sunduin pala kita bukas ha?

Me: bakit?

Bessy: gusto ko kasi mag breakfast sa inyo

Me: okay sige hintayin nalang kita. Night.

Bessy: nanight bessy :*

Nakahinga ako ng maluwang ng malaman kong okay lang si Stephen at kasama niya si Bessy ngayon, parang bigla akong napagod pero gumaan ang pakiramdam. I binagsak ko ang sarili ko patihaya sa kama at tuluyan ng nakatulog.

*****************

"Good Morning bessy!" Masayang bati ni Samantha

"Good Morning din bessy" Masiglang bati ko naman sa kanya

"Halina't mag almusal muna kayo, ang aga mo naman yata Samantha?" Sabi naman ni mama

"Dito ko po kasi balak mag breakfast nakakatamad po kasing kumain sa bahay lagi akong mag isa kung kumain" sagot naman ni bessy

"Kung gusto mo eh dito ka nalang lagi mag almusal yun nga lang hindi kami nag luluto ng Bacon at ham dito sa amin" Pabirong sabi naman ni mama

"Sure po kayo ha? Baka pag inaraw araw ko kayo dito ay magsawa kayo sa pagmumukha ko" sagot naman ni bessy

"Bessy palabok ba ang gusto mo? May nilutong sopas at champorado si mama" sabi ko

"Meron pa ba kayo nung kinain nina kuya? Binibida kasi nila sa akin yon kahapon" sabi ni bessy

"Naku! Yung gwapong kuya mo ay tinulungan pa ako sa paghuhugas ng mga plato napaka bait at galang na bata pa. O saglit lang ipag kukuha ko lang kayo ng Goto" sabi naman ni mama

"Sila ang kasama mo kagabi?" Sabi ko

"Oo eh, ang kulit kulit nga nila lalo na si Gio na kung ano ano ang kinukwento" sabi niya. "Bakit ka nga pala na patawag kagabi?" Tanong pa niya

"Ahh, ehh, wala, nakalimutan ko na" nasabi ko nalang. Pagkatapos naming mag almusal ay sumakay na kami sa sasakyan niya para pumasok sa school.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height