+ Add to Library
+ Add to Library

C24 Harana

Yhnna's POV

Mula nung pumasok kami sa sasakyan ay sobrang lapad na ang ngiti ni bessy, kanina pa siya may katxt at para bang kinikilig. Hinayaan ko nalang siya dahil baka yung sinasabi niyang crush niya na engineering student ang katxt niya.

Heto na naman ang kaba ko at bigla na naman pumasok sa isip ko si Stephen, tumingin ako sa labas ng bintana at sa madilim na langit. Bumuntong hininga ako, ganito ding panahon nung halikan ako ni manyak kaya siguro na aalala ko siya. Buti nalang may folded umbrella akong dala dahil mukhang malakas ang ulan mamya.

Pagbukas ko palang sa pintuan ng sasakyan ay may pakiramdam na akong may kakaiba at nung pagtapak ko palang sa labas ng kotse ay dinig ko na ang hiyawan ng mga estudyanteng nasa loob ng MU. Ang weird din ni bessy na sobrang lapad ng ngiti habang naka yakap sa braso ko at naglalakad.

"Bessy anong meron?" Tanong ko sa kanya ng paglampas kasi namin sa Guard House ay Red Carpet na ang nilalakaran namin at puno ng petals ng iba't ibang kulay ng mga rosas ang nagkalat dito.

"Sshh.. okay lang yan bessy, go with the flow ka nalang" sabi niya

Habang naglalakad ako ay pabilis ng pabilis ang pag tibok ng puso ko kasabay sa pag iingay ng banda na naririnig kong tumutugtog ngayon. Hindi ko alam na may concert o battle of the bands sa school namin ngayon pero ang mas ikinabigla ko ay ang paglapit sa akin ng iba't ibang estudyante at binibigyan ako ng pulang rosas.

"Bessy anong nangyayari?" Kinakabahang tanong ko

"Bessy ok lang yan, tanggapin mo nalang" sabi niya at tinanggap ko naman ang pang 20 na yatang oras.

Tumingin sa aking mata

Magtapat ng nadarama

'Di gustong ika'y mawala

Dahil handa akong ibigin ka

Kung maging tayo (kung maging tayo)

Kung maging tayo (kung maging tayo)

Sa'yo na ang puso ko

Nakatayo kami ngayon ni bessy sa may gitna ng football field kasama ang ilang estudyante na sumasabay sa pagkanta ni Jonas. Hinanap naman ng tingin ko ang nawawalang si Stephen sa grupo nila dahil lima lang ang naroon. Nagsalita si Jonas at sinabing maraming salamat sa pakikinig pero mukhang ito na ang huling kantang kakantahin ko ngayon sabi niya. Hiyawan naman ang tao at iba't iba ang sinasabi may more more more pa silang isinisigaw, nakisigaw din si bessy ng more kaya gumaya nalang din ako. Nakita kong umakyat naman sa stage si Stephen na may suot ng gitara at tumango sa mga kasamahan, tumingin din ito ng diretyo sa akin at kinindatan. Literal naman akong napa nganga sa ginawa niya at nag init ang pisngi.

"Orayt! Dahil gusto niyo pa edi isa pa!" Sigaw naman ni Jonas at hiyawan naman ang lahat

Matagal ko ng gustong malaman mo

Matagal ko ng itinatago-tago 'to

Nahihiyang magsalita at umuurong aking dila

Panimula ni Jonas sa kanta at sinundan naman ng kambal niyang si Joseph

Pwede bang bukas na

Ipagpaliban muna natin to

Dahil kumukuha lang ng tyempo

Upang sabihin sa ito

Mahal kita pero di mo lang alam

Mahal kita pero di mo lang ramdam

Mahal kita kahit di mo na ako tinitignan

Mahal kita pero di mo lang alam

Hiyawan ang lahat ng estudyante habang sumasabay sa kanta lalo na nung pagdating sa chorus nung kanta. Tinanggal naman ni Jonas ang mikropono niya mula sa stand nito at nagsimula ulit kumanta

Matagal ko ng gustong sabihin to

Matagal ko ng gustong aminin sayo

Sandali, eto na, at sasabihin ko na nga

Ngayon na, mamaya, o baka pwedeng bukas na

Dahil kumukuha lang ng tyempo

Upang sabihin sa iyo

Hiyawan ulit ang mga tao at hindi umaalis sa field kahit umaambon na. Tumingin naman ako kay Stephen na seryosong nakatingin sa akin binitiwan niya ang gitara niyang nakasabit sa leeg niya at inagaw ang mike mula kay Jonas. Itinuro niya ako at tumahimik ang lahat at nakinig sa kanya.

Mahal kita pero hindi mo lang alam

Hindi mo alam kasi hindi mo naman ako tinitignan

Ayaw mo namang itanong sa akin

Kasi baka nga naman hindi naman ikaw

At hindi ko rin naman sayo sasabihin

Kasi ayoko pa sana ngayon na manligaw

Hindi halata kasi wala naman akong ginagawa

Halos mapunit ang mukha ko sa pag ngiti habang nakatingin din sa kanya na patuloy ang pag ra rap habang diretyo pa ding nakatingin sa akin.

Hindi ako kumikibo, hindi ako nagsasalita, wala!

Pero hindi ako torpe

Hindi ko lang talaga masabi sayo ng harapan

Mahal kita pero dehins mo pa rin ramdam

Hindi mo ko titignan, hindi rin kita titignan

Lagi mo nalang akong pakikiramdaman

Lagi rin kitang pakikiramdaman

At araw araw tayong magdededmahan

Hanggang sa tayo ay magkabistuhan

Pero ngayong malapit ng matapos ang kanta ko

Nais kong magka alamanan na

Nais kong ako na rin magsabi sayo ng harapan

Kasi alam kong dun din naman ang tuloy niyan

At dalawa rin lang naman ang posibleng sagot diyan, oo o hindi

Kaya heto na sasabihin ko na para matapos na

At hindi na magka tsismisan pa

Sasabihin ko na para wala ng problema

At para hindi na rin kayo lahat mabitin pa

Sabi niya na Pasigaw sa huling pangungusap bago nito binalik kay Jonas ang mike at bumaba ng stage. May mga lalaki naman na pumunta malapit sa akin na may mga dalang lobo na nakatali sa isang tarpaulin at pina lipad ito sa harapan ko

"Yhnna, bati na tayo please?" Basa ko sa tarpaulin na unti unting umaangat ngayon sa mukha ko. Hindi ko naman mapigilan ang mapa ngiti dito, nakaluhod na Stephen na may hawak na bouquet ng mga bulaklak ang nabungaran ko pagbaba ko ng tingin. Agad naman akong ngumiti dito at kinuha ang mga bulaklak na binibigay niya.

"Bati na tayo ha? Miss na miss na kita" sabi niya bago ito tumayo nung tumango ako at ngumiti sa kanya. Malapad na ngiti naman ang isinukli niya sa akin habang pa atras na naglalakad pabalik sa may stage. Napasuntok pa ito sa ere sa sobrang tuwa at itinaas pa ang kamay habang nakasiklop ang kamao. Yung kanina'y ambon ngayon ay mahinang ulan na ngunit wala ni isang estudyanteng umalis sa kinatatayuan nila.

I'm crazy for you

Touch me once and you'll know it's true

I never wanted anyone like this

It's all brand new, you'll feel it in my kiss

I'm crazy for you

It's all brand new, I'm crazy for you

And you know it's true

I'm crazy for you

Pagtatapos ni Joseph sa kanta bago ito nagsalita na ang susunod na kakanta ay si Stephen. Tumayo si Stephen kung saan nakatayo kanina si Jonas habang binabalik sa stand ang mike na kanina'y hawak ni Jonas.

"Yhnna para sayo to" sabi niya sa mike at kinindatan ako. Hiyawan na naman ulit ang mga tao si bessy naman ay sinusundot sundot ako sa tagiliran.

There are no words, to paint a picture of you girl

Your eyes and those curves, it's like

you're from some other world

You walk my way, oh God it's so frustrating.

So why do I disappear when you come near,

It makes me feel so small,

Why do I blow my lines, most every time,

Like I got no chance at all,

Nakangiti itong kumakanta habang naka tingin sa akin na para bang ako lang ang nakikita niya. Hindi ko naman maiwasan ang hindi ngumiti sa kanya at pamulahan ng mukha.

If i could be your superman,

I'd fly you to the stars and back again.

Cuz every time you touched my hand,

You feel my powers runnin' through your veins.

But i can only write this song

And tell you that I'm not that strong

Cuz I'm no superman, I hope you like me as I am.

Para akong matutunaw sa mga tingin at ngiting ibinibigay niya sa akin. Jusko parang kinikiliti ang puso ko sabi ko sa sarili ko habang todo ngiti kay Stephen.

I ain't no lie, I have to tell you how I feel

But each time, I try it gets a little more unreal,

You said my name, oh God I can't stop shaking,

So why do I disappear when you come near,

It makes me feel so small,

If I could read your mind,

Girl would I find, any traces of me at all

Bumaba siya ng stage at lumapit siya sa kinatatayuan ko habang patuloy pa ring kumakanta at nag gigitara. Itinuloy naman ni Jonas ang pag kanta sa stage habang si Stephen naman ay nandito sa harapan ko at kinakantahan ako. Bumuhos ang malakas na ulan pero hindi pa rin humihinto sa pagkanta ang mga ito. May bubong naman kasi yung stage kaya hindi mababasa ang mga ito. Ang maraming tao kanina na nandito sa field ay wala na maging si bessy ay wala na din sa tabi ko. Hinubad ni Stephen ang jacket na suot niya at inilagay yon sa may ulo ko. Hindi ko na narinig ang sinabi niya at tumakbo na din ako dahil masyado ng malakas ang ulan at wala akong dalang pampalit.

Pumunta ako sa classroom at nadatnan doon si bessy na tinutukso ako, umupo ako sa upuan at tinanggal ang jacket ni Stephen na pina suot niya sa akin. Nandoon na din si Sir Damian na nagsusulat sa may white board.

"O my!" Malakas na sabi ni bessy na ikinalingon namin lahat sa kanya

"Bakit?" Tanong ko

"Bessy si Kuya oh!" Sabi niya na tumayo at lumapit sa bintana

Tumingin naman ako sa bintana at nakita ko si Stephen doon na naka Indian seat sa may field habang malakas ang ulan. Nagsilapitan naman lahat ng mga kaklase namin sa bintana at tinignan din si Stephen.

"Grabe ka bessy binasted mo ba si kuya?" Sabi ni Samantha

"Ahh? Hindi.. Hindi ko nga alam kung bakit yan nandiyan" sabi ko

"Ano nanaman pakulo niya? Kainis ha! Akala ko alam ko na lahat ng plano nila pero meron pa palang ganito!" Inis na sabi ni bessy

"Anong planong sinasabi mo?" Tanong ko

"Yung pagkanta para magka bati kayo alam ko yon ako din ang inutusan sunduin ka sa bahay para sure na makakapasok ka at sa gate 3 ka talaga dadaan" sabi ni bessy

"Grabe kaya pag titiis ang ginawa ni kuya para hindi ka lang lapitan nung mga nakaraang araw, masama nga pakiramdam niyan kagabi kaya hindi siya sumali mag inom kina Gio at dumiretyo nalang sa condo niya" sabi pa ni bessy

"Eh bakit siya nag papa ulan ngayon?" Tanong ko

"Yun ang hindi ko alam" sagot niya.

Kanina pa ako tingin ng tingin sa may labas ng bintana pero hindi pa rin ito umaalis sa pagkaka upo don. Nakita ko na din lumapit mga kaibigan niya na may dalang payong at binibigyan siya ng payong pero tumatanggi siya. Hindi ako mapakali, gusto ko siyang labasan pero hindi pa tapos si Mam Francisco sa pagtuturo.

Pag dating ng Vacant ay agad akong tumayo kinuha sa bag ang payong ko at dinala ang jacket ni Stephen na pina suot niya sa akin kanina.

"Pre tayo na diyan" sabi ni Luke habang nasa likuran niya ako

"Hihintayin ko si Yhnna mauna ka na" sabi niya

Lumabas ako mula sa likuran niya at binatukan siya ng malakas.

"Magpapakamatay ka ba?!" Galit kong sabi sa kanya. Para siyang basang sisiw na basang basa pinayungan siya ni Luke at tinulungan siyang tumayo.

"Salamat pre, sige mauna ka na" sabi ni Stephen. Tinapik naman nito ang balikat ni Stephen at tumalikod na sa amin.

Pinahawak ko sa kanya ang payong ko at ipina suot sa kanya ang jacket niya. Pinunasan ko ang mukha niya gamit ang panyo ko at tinitigan siya. Tumutulo pa ang buhok nito at sumimangot ako, nang punasan ko ang buhok niya ay naramdaman ko na mainit ang noo niya. Nanlaki naman ang mata ko at hindi napigilan pingutin ang tenga niya.

"Kainis ka!" Gigil kong sabi habang pinipingot siya. Dumaing naman ito sa sakit kaya agad ko ding binitawan.

"Punta tayo sa clinic ang init mo" sabi ko

"Nandiyan ka kasi kaya nag iinit ako" sabi niya. Pinalo ko naman ang braso niya at hinila siya papunta sa clinic.

"Manyak ka talaga! May sakit kana kung ano ano pa nasa isip mo!" Sabi ko

Pumasok kami sa clinic at agad siyang nilampatan ng lunas ng Nurse. Kinuha ko ang number ni Luke sa kanya at tinext ito, pinapag dala ko ito ng pampalit ni Stephen. Ang dami pa nga niyang tanong at ayaw ibigay ang number ni Luke pero hindi naman siya naubra sa akin.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height