+ Add to Library
+ Add to Library

C25 Sick

Yhnna's POV

"Bessy nag text si Gio nasa condo daw sila ni Kuya, nag pauwi pala siya nung pagka alis mo sa clinic pagka tapos niyong kumain" sabi ni bessy habang nagka klase kami.

"Ano?" Sabi ko nalang at nang gigigil na tinext si Stephen.

Me: BAKIT KA UMALIS NG CLINIC?!

Manyak: Gusto ko kasing matulog ang ingay nila Gio kaya nagpahatid ako sa kanila kanina.

Me: BAKIT ANONG PINAGKAIBA NG CLINIC AT CONDO KUNG NANDIYAN DIN SILA AT NAG IINGAY?! MAS MABUTING NASA CLINIC KA DAHIL MAY MAG AALAGA SAYO DOON!

"Bessy, basahin mo text ni Gio" sabi ni Sam at ipinakita ang text ni Gio sa akin

Manyak: Ayoko yung amoy sa clinic at wala ka naman doon kaya hindi rin ako gagaling kung nandon ako

Me: KUMAIN KA! PINAGLUTO KA RAW NI GIO PERO AYAW MONG KAININ!!! KUMAIN KA PARA MAKA INOM KA NG GAMOT!

Manyak: Pinagluto nga niya ako ng lugaw pero hindi ko naman makain dahil parang kaning baboy. Ang daming tubig ng lugaw niya at buo buo pa yung bigas, sino naman maka kakain non?

"Bessy, basahin mo ulit" sabi ni Samantha. Paki sabi kay Yhnna pumunta siya dito, papunta na si Anthony diyan para sunduin siya. Kanina pa kami unti unting pinapatay ni Stephen dito. Ayaw niyang kumain at ayaw ding magpahawak, nag lock pa nga ng pinto sa kwarto niya lumalabas lang siya para batukan ako. Basa ko sa text ni Gio.

Me: HUMANDA KA SA AKIN PAG DATING KO DIYAN.

Manyak: talaga? Pupuntahan mo ko? ^___^

Me: Oo!

Manyak: Anong oras? para maipag luto kita. ^_^

Hindi ko na siya ni replayan dahil kumatok si Anthony at in excuse ako, pinapatawag daw ako sa guidance office. Kinuha ko ang bag ko at nagpa alam kay bessy at sinabing babalik din ako agad.

*Condo*

"Mabuti naman nandito ka na" salubong sa akin ni Anthony

"Kumain na ba siya?" Tanong ko

"Hindi, ayaw niya yung niluto ko" sagot niya

"Nasan ba siya?" Tanong ko at itinuro niya ang kwarto

"Hayaan muna natin siyang magpahinga tulungan mo nalang ako sa kusina ng maipag luto ko siya" sabi ko.

"Anong iluluto mo? Pwedeng makatikim?" Tanong ni Anthony

"Pang sopas lang kasi meron sa stock niya kaya sopas nalang iluluto ko" nakangiting sabi ko

"Tulungan kana namin" sabi pa nila

Habang nagluluto ay marami akong nalaman tungkol kay Stephen, limang taon pa lang daw ito ng mamatay ang Mommy niya dahil sa sakit na Lung Cancer at sa kanila daw ang Montreal University may naririnig akong sila daw may ari ng MU pero ngayon lang ako naniwala. Sinabi din nila na takot ito sa gagamba at nanginginig na pag may nakita itong agiw.

Nagsalin ako ng sopas sa 3 mangkok at inilagay sa tray ang isa kumuha ako ng pitchel at baso at inilabas ang isang banig na biogesic na binili namin ni Anthony kanina. Kinuha sa akin ni Gio ang tray at nangunang maglakad papunta sa kwarto ni Stephen.

Knock Knock

"Pre, kumain ka muna" sabi ni Gio. Pero hindi naman sumagot si Stephen sa loob. Kumatok ulit ito pero ayaw talaga niyang buksan ang pinto.

Pinihit ko ang door knob pero naka lock talaga ito, kumatok ako ng tatlong ulit pero sabi niya ayokong kumain umuwi na kayo.

"Bubuksan mo ba ito o wawasakin ko ang pintuan mo?!" Pasigaw kong sabi. Narinig ko naman may kumalabog sa loob ng kwarto niya at ang pag click ng lock pinto niya.

"Sesa" sabi niya na todo ngiti. Kinuha ko ang tray kay Gio at nagpasalamat. Sinabi naman nito na nasa kusina lang sila at sumigaw lang daw ako kapag may ginawa si Stephen sa akin ng masama. Agad naman siyang binatukan ni Stephen at sinarado ang pinto.

"Kumusta pakiramdam mo?" Tanong ko. Umupo ito sa kama niya at sinabing okay na siya. Dinama ko naman ang noo niya at sinabi na hindi pa siya okay at pinahiga ko ulit siya. Hinawakan naman nito ang kamay kong nasa noo niya at ngumiti ito sa akin at sinabing na miss niya ako. Ngumiti naman ako sa kanya pabalik at tinulak ang noo niya.

"Kumain ka muna, pinagluto kita ng sopas" sabi ko

"Subukan mo lang pintasan ang niluto ko ibubuhos ko ito sa ulo mo" dagdag ko pang sabi habang hinihihipan ang sopas at umuupo siya.

"Ang swerte ko may prinsesa na ako may cook at may nurse pa" sabi niya bago isinubo ang sopas.

"Swerte mo no? Parang instant coffee na 3in1 lang just add water at okay na, ayaw mong gawin nating 4in1" sarcastic kong sabi

"Parang mas ok nga ang 4in1 ano ba yung isa pa?" Tanong niya

"Naisip ko lang baka kailangan mo ng taga batok sayo libre ang dalawang kamay ko" nakangisi kong sabi

"Good idea" nakangiting sabi niya. "Ma subukan nga" sabi niya na umayos ang upo at ngumiti sa akin. Pinaningkitan ko naman siya ng mata at binatukan. Hinuli naman niya ang kamay ko at inilagay sa batok niya "sabi mo dalawang kamay diba?" Sabi niya habang nakatingin sa mga labi ko, napakagat ako ng labi ng hawakan niya ang isa kong kamay at ilagay din sa batok niya. Hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko at dahan dahang inilapit ang mukha niya sa akin. Humigpit ang kapit ko sa batok niya at pumikit ramdam ko ang ilong niya na tumama sa kanang pisngi ko at hinintay ang labi niya.

"Yhnna amin nalang yung niluto m-" sabi ni Anthony na hindi na tinapos ang sasabihin sa posisyon namin ni Stephen naka kawit pa ang kamay ko sa batok ni Stephen at hawak pa din ni Stephen ang pisngi ko habang magkalapit ang mukha namin.

"Sorry" sabi nalang niya at biglang sinara ang pinto. Bigla naman akong napabitiw kay Stephen at nag iwas ng tingin. Ramdam ko din ang pag ayos ng upo nito at ang pag hilamos sa mukha niya.

"Diyan ka lang at huwag ka munang lalabas" sabi niya bago tumayo at lumabas ng kwarto. Malakas na daing naman mula kay Anthony ang sunod kong narinig kaya napatayo ako sa upuan ko at agad lumabas ng kwarto.

Pumunta ako sa may kusina kung saan ko narinig na tumatawa si Gio. Nang makita nila ako ay agad tumigil ang mga ito, si Anthony na kanina'y narinig kong dumadaing sa sakit at hawak ang sikmura ngayon ay diretyo itong nakatayo at todo ngiti sa akin habang si Stephen naman ay naka akbay kay Anthony.

"Aalis na daw sila" sabi ni Stephen sa akin

"Ahh, ganoon ba, okay sige ingat kayo" sabi ko na lumapit sa kanila.

"Sige Yhnna una na kami" sabi naman ni Gio na umakbay kay Anthony at naglakad na paalis. Inakbayan naman ako ni Stephen at inihatid namin ang dalawa sa may pintuan.

"Sige pre ingat kayo" sabi pa ni Stephen na sobra kung maka ngiti sa kanila

"Ang mabuti pa tapusin mo na yung pagkain mo sa kwarto malamig na yon, at ng maka inom ka ng gamot" sabi ko

"Samahan mo ko" malambing na sabi niya

"Ayoko ang tono ng pananalita mo kamahalan para bang may binabalak kang masama" sabi ko na pinaningkitan ko siya ng mata.

"Ikaw yata may iniisip ng di kaaya aya kaya ayaw mo kong samahan" sabi pa niya

"Tigilan mo ko ha! Tingin ka nga sa paligid mo ang daming kalat!" Sabi ko

"Hayaan mo na yan ako na bahala diyan" sabi naman niya

"Ay grabe ka kuya! Hihintayin mong ipisin at dagsain ka ng daga bago ka maglinis?" Sabi ko

"May naglilinis naman dito kada biyernes kaya ok lang" sabi niya at itinukod ang baba niya sa ulo ko at niyakap. Gumanti naman ako ng yakap dito at pinahinga ang ulo ko sa may bisig niya. Naramdaman ko naman ang paghaplos niya sa buhok ko at pag halik sa ulo ko. Itinulak ko siya ng bahagya at sinabing wag siyang makulit at maglilinis muna ako kaya kumain na muna siya.

Pumasok ito sa kwarto niya at lumabas din agad bitbit ang tray na may lamang pagkain. Ibinaba niya ito sa may center table at sa sala na siya kumain.

Nang matapos akong magligpit ng kalat ay kumuha ako ng Potato chips sa may cabinet niya sa kusina at pumunta sa may sala kung saan nanonood ng movie si Stephen, umupo ako sa may dulo ng sofa at sinimangutan naman niya ako.

"Problema mo?" Mataray kong sabi

"Ikaw ang problema ko" sabi niya at umusog sa akin

"Ginawa ko sayo?" Tanong ko. Humilig ito sa balikat ko at isiniksik pa ang sarili. Dinama ko naman ang noo nito at napaka init niya.

"Yun nga problema ko wala kang ginagawa sa akin pero nababaliw ako sayo" mahinang sabi niya. Tinignan ko siya at nakitang naka pikit ito.

"Nilalamig ka ba? Bumalik kana sa kwarto mo ng makapag pahinga ka, akala ko ba'y gusto mong matulog" sabi ko

" Okay lang ako sesa, ayokong matulog baka mawala ka" sabi niya habang naka pikit pa din at nakahilig sakin.

"Nandito lang kaya ako, saglit kukuha kita ng kumot para hindi ka lamigin" sabi ko

"Huwag na, okay lang ako" sabi niya habang niyakap ang bewang ko at siniksik ang sarili

"Hindi pwede nanginginig ka sa lamig eh kukuha lang ako saglit sa kwarto mo ng kumot" hindi ko na siya hinintay sumagot at agad akong tumayo at kumuha ng kumot sa kwarto niya. Naabutan ko naman itong naka simangot habang nakatingin sa akin.

"Bat nanghahaba nguso mo?" Sabi ko habang kinukumutan siya. Umupo naman ako sa tabi niya habang inaayos ang kumot niya.

"Ayoko nito" sabi niya at tinanggal ang kumot niya

"Para kang bata" sabi ko "mag kumot ka kung ayaw mong iwanan kita dito!" Dagdag ko pa. Agad naman niyang inayos ang kumot at pati ako ay kinumot niya. Siniksik ulit niya ang katawan niya sa akin at niyakap ulit ang baywang ko.

"Dito ka lang, mag promise ka" sabi niya

"Opo promise dito lang ako" sabi ko "Ano ba kasi pumasok sa kukote mo at nagpaulan ka don? Made in China ka lang pala pero lakas ng loob mo magpaulan yan tuloy ni lagnat ka"

"Hindi ako made in china na sa konting ulan lang magkakasakit na, nila lagnat na ako kagabi pa at isa pa hindi naman ako magpapaulan sa football field kung hindi mo ako iniwan" sabi niya na nag ayos ng upo.

"Malay ko bang magpapaiwan ka don? Ang lakas kaya ng ulan! At anong ka dramahan pa ginawa mo? Dalawang oras ka kaya nakaupo sa field at ayaw umalis kahit nanginginig ka na sa ginaw! Para ka talagang bata" sabi ko at tinignan siya ng masama

"Sino kayang aalis don kung yung sinabihan mo ng mahal kita biglang tumakbo at iniwan ka?" Sabi pa niya

"Hoy míster! Wala kang sinabi! Mga palusot mo eh no?" Sabi ko at itinulak ang noo niya gamit ang hintuturong daliri ko

"May sinabi ako tapos tinakbuhan mo ako! Para kaya akong tinuklaw ng ahas don, parang naparalisa buong katawan ko ng iwan mo ko at binitin sa sagot mo " sabi naman niya na

"Hanep naman! Wala nga akong narinig! Edi sinagot sana kita kung narinig ko" Pagmamatigas kong sabi

"Wala naman problema edi sasabihin ko nalang ng malakas dito na mahal kita! O hayan narinig mo na siguro anong sagot mo?!" Sabi naman niya

"Eh baliw ka pala eh! Anong ibig mong palabasin na bingi ako?! Sinasabihan mo akong mahal moko pero imbes na suyuin ako inaaway mo?! Paano ko sasabihing mahal din kita kung ganyan ang ugali mo?!" Inis na sabi ko

"Bakit mahal mo rin ba ako?" Sabi niya sa mahinahon at malambing na boses

"At ngayon naman para kang mabait na tupa? Manigas ka diyan!" Sabi ko

"May sopas pa sa kusina initin mo nalang at yung gamot mo huwag mong kalimutang inumin uuwi na ako!" Sabi ko at tumayo na. Pinigilan naman niya ang kamay ko

"Sorry na.. huwag ka munang umalis hatid nalang kita sa inyo mamaya" sabi niya

"Paano mo po ako maihahatid eh may sakit ka, mabuti pa magpahinga ka na" -ako

"Kaya ko" sabi niya na biglang tumayo pero napahawak naman sa ulo

"Kaya pala ha?" Sabi ko at inalalayan siya papasok sa kanyang kwarto at pinahiga. "Matulog ka muna para mabawasan sakit ng ulo mo" sabi ko

"Okay, pero dito ka lang pag nakatulog na ako tsaka kana umalis" sabi niya

"Okay sige, dito muna ako hanggang sa makatulog ka" sabi ko at hinaplos ang mukha niya. Hinawakan naman nito ang isa kong kamay bago pumikit.

Pinagmamasdan ko si Stephen na mahimbing na natutulog habang hawak ang isang kamay ko. Hinawi ko ang buhok niya pataas at hinaplos ang gwapong mukha niya, hindi ko naman mapigilan ang hindi mapangiti habang minamasdan siya sa pagtulog. Nasa kalahating oras na din mula ng makatulog siya pero hindi pa rin ako umalis sa pagkakaupo sa kama niya. Dahil nangangawit na ako sa pwesto ko minabuti kong humiga na nakatagilid paharap sa kanya. Inayos ko ang kamay kong hawak niya at pinagsiklop yon.

Pinagsawa kong tinignan ang mukha niya at ni laro laro ang tungki ng ilong nito, kapag gumalaw at kinakamot naman niya ito ay siya namang pag hinto ko. Nag e enjoy din ako sa pag tusok tusok ng kanang pisngi niya na kung saan naroon ang dimple niya. Hindi ko na din namalayan na nakatulog din ako sa tabi niya.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height