Ang Boyfriend Kong Manyak/C26 Officially his girlfriend
+ Add to Library
Ang Boyfriend Kong Manyak/C26 Officially his girlfriend
+ Add to Library

C26 Officially his girlfriend

Stephen's POV

Jesus, kung nananaginip pa rin ako huwag niyo muna akong gisingin piping dasal ko habang nakatingin kay Yhnna na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Nagising ako na magka yakap kaming dalawa, nagulat pa nga ako noong una pero ng makita kong si Yhnna ang naka siksik sa katawan ko ay mas hinigpitan ko pa ang yakap. Malapad ang ngiti ko at hinayaan ko nalang makatulog ako ulit.

"Manyak! Manyak! Manyak!" Sigaw ni Yhnna habang hinahampas ako ng unan

"Bakit?" Tanong ko at tumingin sa night table at tinignan ang oras sa digital clock 7:30pm na pala

"Anong bakit?! Anong ginawa mo sa akin?!" Galit na sabi niya habang yakap yakap ang sarili

"Huminahon ka muna, ano bang ginawa ko sayo?" Pa inosenteng tanong ko, mukhang nagising kasi siyang magka yakap kaming dalawa

"Bakit ka naka yakap sa akin habang natutulog?!" Sabi niya. Sabi ko na nga ba yun ang dahilan

Tumayo ako at lumapit sa kinatatayuan niya at umupo sa kama paharap sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya at tumingala sa kanya diretyo tingin sa kanyang mga mata.

"Sesa wala akong ginawa sayo, hindi ko rin alam sinasabi mo" sabi ko na umiwas ng tingin sa kanya. Binawi naman niya ang kamay niya sa akin

"Nagsisinungaling ka! Hindi ka maka tingin sa akin tignan mo!" Sabi niya na lumayo pa sa akin

"O sige aaminin ko na, niyakap kita habang natutulog ka kasi naka yakap ka sa akin" sabi ko na pinipigilan ang tawa

"Walanghiya ka talaga manyak! Manyak! Napaka manyak mo talaga!" Sabi niya sa akin habang sina sabunot ang ko konting buhok ko nag arte naman akong nahihilo kaya tumigil ito. Binagsak ko ang katawan ko sa kama at nag kunwaring sumakit ang ulo ko agad naman itong lumapit sa akin at ini ayos ako sa pag higa. Kagat labi naman siyang nag so sorry sa akin at natataranta pa nga sa paghimas ng ulo ko. Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti habang nasa harapan ko siya at alalang alala sa akin hinawakan ko ang kamay niya at sinabing okay na ako.

Bigla itong umiyak at yumakap sa akin at hingi ng hingi ng sorry

"Sshh.. tahan na" sabi ko habang hinahagod ang likod niya "ako dapat mag sorry kasi sinamantala ko pagtulog mo sa tabi ko, wala naman akong ibang ginawa kundi ang yakapin ka din sorry na ha?" Sabi ko

Basang basa na ng luha ang tshirt na suot ko pero hindi pa din siya tumitigil sa pag iyak.

"Gusto mo kantahan kita?" Tanong ko. Iniangat naman niya ang tingin niya sa akin at pigil ang tawang tumango siya. Pinisil ko muna ang ilong niya bago ako umupo sa kama at sumandal sa headboard nito. Umupo naman siya sa kama at hinila ko siya palapit sa akin at niyakap siya mula sa likuran niya bago ako kumanta.

Crazy cuz I'm falling in love

Falling deeply in love with you

Yeah it's so damn true

Friends say I'm outta my mind

That I shouldn't be with you

But they don't understand

The way I've feel for you

It's unlike any other things I ever felt before

But they don't understand

Humarap si Yhnna sa akin habang hawak ang kamay kong nakayapos sa baywang niya at pinanood ako habang kinakantahan siya

That I'm not crazy

I'm just a man

Searching for reasons to find you

Over and over again

I'm not crazy I'm just a man

I'm doing anything that I can

Ngumiti ako sa kanya habang pinipisil ang ilong niya bago ko itinuloy ang pagkanta. Pinadaan naman ng mga daliri niya ang buong mukha ko hanggang huminto yon sa may kanang pisngi ko at sinapo ng kamay niya.

Crazy cuz I'm telling the truth

There's no where to run

They're telling me that I should find another one

They can say I'm outta my mind

I still be your man

They still won't understand

That I'm not crazy I'm just a man..

I'm doing anything that I can...

"Tanungin mo ulit ako" sabi niya habang seryosong nakatingin sa mata ko. Na guluhan naman ako sa sinabi niya at imbes na tanungin siya kung ano ang itatanong ko sa kanya ay napatingin nalang ako sa labi niya na natural ang pagka pula at medyo nakabukas.

"Mahal na mahal kita Yhnna" sabi ko ng ibalik ko ulit ang tingin ko sa mata niya

Nakita ko tong ngumiti bago niya ako mabilis na hinalikan sa labi. Tumagal lang ng tatlong segundo magka dikit ang labi namin, nung makabawi kasi ako sa gulat at tutugon na sa labi niyang nakadikit sa labi ko ay bigla naman itong lumayo at kagat labing tumayo at lumabas sa kwarto.

Wow! Sabi ko at hindi mapigilan ang pag ngiti, lumabas ako sa kwarto at naabutan siyang nasa kusina at iniinit ang sopas. Lumapit ako sa kanya at umupo sa Island at todo ngiting inilapit ang mukha ko sa kanya, pigil din ang pag ngiti nito tinulak niya ang mukha ko gamit ang kamay niya at malakas na tumawa.

"Wala na kasing pwedeng iluto sa ref mo kaya pag tyagaan mo na muna to" sabi niya habang sinasalin niya ang sopas sa mangkok.

"Mag go grocery ako bukas, ano bang bibilhin ko?" Tanong ko sa kanya

"Bumili ka ng meat at gulay pati na ibang seasonings mo dito huwag puro alak" sabi niya. "At bibili ka lang pag okay na pakiramdam mo" dagdag pa niya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod

"Okay na okay na ako" sabi ko at lumingon naman ito sa akin at kinapa ang noo ko

"Mainit ka pa! Huwag kang makulit! Pagka tapos mong kumain matulog ka na ulit" sabi niya. Hinawakan ko naman ang kamay niya at inilagay sa batok ko. Tumunog ang phone niya at sinagot iyon, lumayo pa siya ng konti sa akin at kinausap ang nasa kabilang linya.

"Nasa bahay po ng kaibigan ko may project po kasi kami" dinig kong sabi niya

"Opo, pauwi na rin naman po ako"

"Meron po, yun lang po ba?"

"Sige po bye"

Tumingin ito sa akin at ngumiti kinuha nito ang mangkok ng sopas at dinala sa may sala, sumunod ako sa kanya at umupo sa may sofa.

"Pagkatapos mong kumain uuwi na ako ha?" Sabi niya abang sinusubuan ako

"Ihahatid kita sa inyo" balewalang sabi ko at isinubo ang sopas

"Huwag na nga kapag magaling kana lang" sabi ulit niya at sinubuan ulit ako

Kinuha ko ang kutchara na hawak niya at ipinasubo sa kanya ang pinapasubo sa akin.

"Gusto mong mag order ako ng dinner natin sa baba?" Tanong ko sa kanya

"Okay lang ako sa bahay nalang ako kakain busog pa din naman ako, pero kung ayaw mo ang niluto ko sige" sagot niya

"Kahit bigyan mo pa ako ng isang kaserola ng niluto mo paniguradong magugustuhan at mauubos ko" tumatawa ng sabi ko at sumandal sa may sofa habang todo ngiti sa kanya.Pinaningkitan naman niya ako ng mata at sinubuan niya ulit ako. Salitan kaming dalawa pag katapos niya akong subuan siya naman susubuan ko. Nang maubos ang pagkain namin ay pinainom na niya ako ng gamot.

Kinindatan ko siya at binigyan ng pamatay kong ngiti habang naka tingin sa mata niya. Pigil pigil naman ang tawa niya at binato ako ng throw pillow sa mukha.

"Ahh ganyanan pala ha!" Sabi ko at hinila siya sa paa at kiniliti siya napahiga naman ito at pinagsisipa ako, ng maka alis ito sa sofa ay pinaulanan ulit niya ako ng mga throw pillow sa mukha. Habang iniiwas ko ang mukha ko na tamaan niya ay di ko na malayang nakalapit na siya sa akin at sinimulang kilitiin ako sa tiyan. Hindi ko naman maiwasan ang di mapahiga dahil sa tiyan ako may malakas ang kiliti. Pilit akong umaalis sa pwesto ko pero ng malaman niya ang binabalak ko ay umupo pa ito sa sofa at hindi ako tinigilan hangga't hindi ko sinasabi na suko na ako at hindi ko na kaya. Pareho kaming hinihingal sa kakatawa at hinila siya sa dibdib ko para yakapin, hindi naman ito umangal at tumawa pa. Nang mag angat siya ng ulo ay naka ngiting mukha niya ang sumalubong sa mga mata ko. Hindi ko naman naiwasan hindi haplusin ang mukha niya.

"I love you Yhnna" diretyong sabi ko habang naka tingin sa kanyang naka ngiting mata.

"I love you too Stephen James Montreal" dinig kong sabi niya na nag patalon yata sa puso ko palabas sa rib cage nito. Literal akong napa nganga sa sinabi niya bago ko siya niyakap at binuhat patayo at inikot.

"Ibaba mo ko nahihilo na ako" sabi ni Yhnna na tumatawa. Ibinaba ko naman ito at niyakap ng mahigpit, para kaming sumasayaw habang magka yakap kahit wala namang music.

"I love you Yhnna you just don't know how happy I am now" bulong ko sa tenga niya habang hinahalikan ang ulo nito. Lumuwang ang pag yakap niya sa akin hanggang sa tuluyan ng tinanggal ang kamay niya sa likuran ko at lumipat yon sa mukha ko.

"Thank you Stephen, thank you for loving me. Sobrang saya ko alam mo ba yon? Sana hindi ka magbago, sana hindi dumating yung araw na kinakatakutan ko. Sana ikaw at ako na nga talaga kasi, baka hindi ko kayanin mawala ka pa sa buhay ko lalo na ngayong inamin ko na na mahal kita at buong pusong tinatanggap ka na sa buhay ko. Please huwag mo akong iiwan at igaya sa mga nakalipas mo na, kasi, kasi baka hindi ko kayanin" sabi niya na tumutulo ang luha.

Pinahid ko ang mga luhang tumutulo sa mga mata ni Yhnna at hinalikan ang mga mata niya. Hindi ko gagawin yon, mahal na mahal kita.. walang makakapag hiwalay sa ating dalawa kaya huwag kang mag iisip ng ganon. Mahinang sabi ko pero alam kong narinig niya dahil tumango ito.

Hinawakan ko ang baba niya at itinaas para makita ang mukha niya, sinalubong naman niya ang tingin ko habang kagat kagat ang labi niya. Hindi ko naman maiwasang mapangiti habang tinitignan siya. You're mine for real sabi ko sa kanya na napangiti sa kanya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at siniil ko siya ng halik sa labi naramdaman ko naman ang kamay niyang kumapit sa batok ko at ang pag tugon niya sa halik ko kaya mas naging mapusok ako. Bahagya kong kinagat ang kanyang ibabang labi at ipinasok ang dila ko sa bibig nito. Pero tulad ng dati may nang istorbo sa amin na nagpatigil sa pag hahalikan namin. Pilit ko pa ding hinahabol ang labi niya nung lumalayo ito para sagutin ang tumatawag sa kanya sa phone. Tuluyang naghiwalay ang labi namin at sinagot ang tawag ng papa niya. Umupo ako sa may sofa habang nakatingin sa kanya.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height