+ Add to Library
+ Add to Library

C27 Miss

Yhnna's POV

"Natapos niyo ba ang project niyo?" Salubong sa akin ni mama

"Opo ma" nakangiting sabi ko habang tinatanggal ang sapatos

"Mabuti naman kung ganon, kumain ka naba?" Tanong pa niya

"Kumain na po ako, kayo po kumain na ba kayo?" - ako

"Kanina pa, gusto ka ngang ipahintay ng papa mo at sabay sabay tayong kumain sinabi ko nalang na siguradong pa kakainin ka na ng mga kaklase mo" sabi niya at tumabi kay Yael na nanonood ng descendants of the sun.

Napakagat naman ako ng labi at na guilty dahil sa pag si sinungaling. Pinagitnaan namin si mama ni Yael at niyakap ko ito. Inakbayan naman ako nito at hinagod pa ang buhok ko.

"Mukhang napagod ang dalaga ko ha?" Tanong ni mama

"Hindi naman po okay lang po ako" sabi ko

"Ang mabuti pa umakyat kana at mag pahinga" sabi ni mama

"Si papa po bakit wala?" Tanong ko

"Tinawag ni Paring Simon nagpa service sa kabilang bayan, baka magtagal pa yon kaya huwag mo ng hintayin" sabi pa ni mama

"Ganon po ba, a akyat na po ako ma ng makapag palit na" sabi ko

"Mabuti pa nga, ikaw din Yael sumunod kana din sa Ate mo pagkatapos niyan" sabi ni mama

Umakyat na ako sa kwarto at kumuha ng damit pantulog, bitbit ang twalya ay pumunta ako sa banyo at nag hilamos. Agad akong humiga sa kama at tinext si Stephen at sinabing nasa bahay na ako. Pagkalipas lang ng limang segundo ay tumawag ito, agad ko naman itong sinagot.

"Kadarating mo lang ba?" Bungad na tanong niya

"Mga fifteen minutes na siguro, kinausap ko pa kasi si mama" sagot ko

"Nagalit ba sila dahil late ka ng naka uwi? Dapat kasi hinayaan mo nalang akong hinatid kita" sabi niya

"Hindi naman sila galit yun nga lang nagi guilty ako dahil nag sinungaling ako sa kanila, sinabi ko kasi na nasa bahay ako ng classmate ko at gumagawa ng project" sabi ko

Dinig ko naman ang pagtawa niya bago ito nagsalita ulit.

"Susunduin nalang kita bukas sabay na tayong pumasok, sasabihin ko na din sa magulang mo na tayo na" sabi niya

"Huwag! Huwag muna!" Sabi ko na biglang na paupo sa kama

"Bakit? Strict ba parents mo?" Tanong niya

"Hindi naman sa ganon, kaso baka kasi magalit sila.. hindi ka naman kasi nila kilala at hindi ka pa naman pumanhik ng bahay para manligaw" sabi ko

"Edi liligawan kita sa inyo" natatawang sabi niya

"Sigurado ka? Marunong ka?" Alinlangan kong sabi

"Ano naman akala mo sa akin? Basta ba huwag mo akong pahirapan" tatawa tawa pang sabi niya

"Seryoso nga kasi ako! Ayusin mo ha? Nakakainis ka!" Inis kong sabi

"Opo sesa, ako bahala" sabi niya na ikina hinga ko ng maluwang

"Ang mabuti pa matulog ka na, magpa hinga ka na baka lumala pa yang sakit mo" sabi ko

"Mamaya na, hindi mo ba ako na miss?" Tanong niya

"Wala pang isang oras mula ng magkahiwalay tayo, magkikita naman tayo bukas sa school kaya magpagaling kana " -ako

"Ibig sabihin ba niyan hindi mo ako na mimiss?" Malungkot na sabi niya

"Syempre na mimiss.. magpagaling ka na para makapasok ka bukas" sabi ko

"Kung nami miss mo talaga ako tingin ka sa may bintana ng kwarto mo" sabi niya. Agad naman akong napatayo at dumungaw sa may bintana. Agad ko naman siyang nakita na naka tayo at naka sandal sa may kotse niya.

"Bakit ka nandito?! Umuwi ka na nga! Baka maambunan ka pa at lumala yang lagnat mo!" Pagalit kong sabi habang naka tingin sa kanya at kausap sa phone

"Hindi kasi ako mapakali kanina hangga't hindi ako nakakasiguradong naka uwi ka ng maayos kaya sumunod ako" sabi niya habang nakatingin sa akin

"Okay naman ako pwede ka ng umuwi" sabi ko

"I miss you" malambing na sabi niya

"I miss you too.. sige na umuwi ka na" sabi ko

"Opo, pinagtatabuyan mo na ako eh ang kapal naman ng mukha ko kung tatambay pa ako dito. Gusto ko lang naman kasing makita at malaman na safe naka uwi ang girlfriend ko sa kanila" sabi niya

"Tulad po ng nakikita niyo maayos po naka uwi ang girlfriend mo kaya pwede ka na pong umuwi at pina pasabi ng girlfriend mo na mag ingat ka sa pag drive" sabi ko

"Paki sabi nalang po sa girlfriend ko na i love you" sagot naman niya.

"Sabi po ng girlfriend mo i love you too" nakangiting sabi ko habang nakatingin sa kanya. Nakangiti din naman siyang nakatingin sa akin habang binubuksan ang pinto ng kotse niya.

"Mahal na mahal kita sesa" sabi pa niya

"Mahal na mahal din po kita kamahalan" sabi ko naman "mag ingat ka sa pag drive at mag txt ka sa akin pag dating mo sa Condo mo" dagdag ko pang sabi

"Para sayo mag iingat ako I love you Yhnna" sabi niya habang nakatingin sa may bintana ng sasakyan niya

"I love you too Stephen mag ingat sa pag drive. Bye" sabi ko at pinutol na ang tawag. Nakita ko namang kumaway ito kaya kinawayan ko din siya at tuluyan na siyang umalis.

Bumalik ako sa pag higa sa kama at siya namang pasok ni Yael. Pumikit ako at nag kunwaring natutulog na pinatay na niya ang ilaw at nahiga na din siya sa kanyang kama. Habang hinihintay ang txt ni Stephen ay hindi ko maiwasan alalahanin ang mga nangyari kanina. Napangiti ako ng maalala yung pagkanta niya hindi ko alam na may talento pala siya sa pagkanta akala ko kasi puro kamanyakan ang alam niya. Speaking of kamanyakan hindi ko din mapigilan ang mapakagat sa labi at hawakan iyon habang inaalala ang mga nangyari. Napaka lambot ng labi niya at kahit hindi ako marunong humalik ay kusang tumugon ang labi ko at ginaya kung papano ang ginagawa niya para akong kakapusin na ng hininga kanina pero ramdam ko sa sarili ko na ayaw ko pa ring maghiwalay ang mga labi namin.

Natawa ako sa sarili ko habang naiisip si Stephen na hinahabol ang labi ko nung tumawag si papa at yung mukha niyang naka kunot ang noo habang nakatingin sa akin habang kausap ko si papa. Naka tulugan ko ang pag iisip non at hindi ko na nahintay pa ang text ni Stephen.

***************************

"Good Morning Ma! Good Morning Ate Marissa!" Masiglang bati ko sa kanila

"Good Morning din Yhnna mukhang maganda tulog mo ha?" Sabi naman ni Ate Marissa

"May napanaginipan lang po akong maganda" nakangiting sabi ko habang nagtitimpla ng kape

"Anong maganda naman napanaginipan mo nak?" Tanong naman ni Mama habang busy sa paghalo ng Goto

"Isa daw po akong prinsesa" tumatawang sabi ko

"Matagal ka ng princesa namin ni papa mo kaya sa susunod na managinip ka dapat reyna ka na" Pabirong sabi naman ni mama

"Good Morning po" sabi ng kambal at ni Stephen na todo maka ngiti ngayon. Pinanlakihan ko naman ng mata si Stephen na ikinasimangot niya. Nahihiyang ngiti naman binigay ko sa kambal.

"Good Morning halikayo tuloy" Masiglang sabi naman ni Mama

"Good Morning Yhnna" sabay na sabi naman ng kambal. Samantalang si Stephen naman ay masama nanaman ang tingin sa akin.

"Good morning" sabi ko

"Bakit ang aga niyo? Tanong ni Mama sa kanila

"Wala po kasing pagkain sa Condo ni Stephen, nagising kaming gutom kaya naisipan niya na dito nalang kami mag almusal at isabay nalang din si Yhnna pagpasok" sabi naman ni Joseph

"Ganoon ba, ang bait niyo naman at naisipan niyo pang isabay itong anak ko. Ano nga palang gusto niyo? Gusto niyo subukan ang mami ko? Sigurado akong hindi mapapahiya sa lasa nito" alok ni mama

"Sige po yun nalang po" nakangiting sabi ni Stephen

"Yhnna estimahin mo muna mga kaibigan mo at ipagluluto ko muna sila ng mami" tawag sa akin ni mama

"Sige po" sabi habang lumalapit kina Stephen

"Wala ba akong Good Morning diyan?" Tanong ni Stephen ng maka upo ako.

"Totoo ba sinabi ng mayabang na to Yhnna?" May kalakalang sabi ni Jonas. Sinipa ko naman ang paa nito na pinanlakihan ng mata. Sige i lakas mo pa! Mahinang sabi ko na nanggigigil

"Sorry" mahinang sabi naman niya

"At ikaw hindi ka makapag antay magkita tayo sa school?!" Mahina pa ring sabi ko na nakatingin kay Stephen

"Hindi.. kaya nga nandito ako diba? Sinama ko naman ang kambal sila lang naman kasi maagang nagising kanina" balewalang sabi niya habang tinitignan ako.

"Ganon? Humanda ka talaga sa akin mamaya!" Gigil kong sabi habang siya naman ay nakangisi sa akin

"Mabuti pa maligo ka na, isasabay kana namin sa pag pasok" sabi pa niya

"Maaga pa, tutulong muna ako kay mama" sabi ko

"Ako nalang ang tutulong kay mama maligo ka na" sabi ulit niya

"Mama daw oh!" Sabi naman ni Jonas nabatukan tuloy ito ni Stephen

"Hindi naman ako sasabay sa inyo kaya mamaya na" sabi ko

"Sasabay ka sa akin kaya maligo ka na" sabi ulit niya

"Hindi nga ako sasabay sayo kulit mo" sabi ko

"Makulit talaga ako kaya masanay ka na, maliligo ka ba o bubuhatin kita diyan pa akyat sa inyo at sasabihin ko sa lahat na girlfriend kita?" Sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko. Sakto naman palapit si mama dala ang order nila.

"Tikman niyo ang mami ko dinadayo pa yan ng kabilang baranggay para matikman" sabi naman ni mama

"Tita, pwede po bang sumabay sa amin sa pagpasok si Yhnna? Yung project po kasing ginawa nila kagabi ng pinsan ko medyo nahihirapan yata paano i explain" sabi ni Stephen kay mama na nakangiti lumabas tuloy yung biloy niya.

"Ahh sige wala namang problema, ikaw Yhnna maligo ka na at hinihintay ka pala ng mga kaibigan mo dito" sabi ni mama. Tinignan ko naman ng masama si Stephen bago lumabas sa kainan at pasok naman sa loob ng bahay.

Mabilis akong naligo at nag ayos dahil baka kung anong pinagsasabing kalokohan don ni Stephen. Kinakabahan akong bumaba at agad na pumunta sa may kainan. Nasa loob pa rin ang kambal at nakaupo kung saan ko sila iniwanan kanina samantalang nakatayo naman si Stephen at naka hubad ang coat niya na school uniform namin at nag se serve sa mga customer. Tinignan ko naman si mama na nakatayo at nakamasid kay Stephen habang naka ngiti. Umupo sa tabi ng kambal at kinuha ang coat ni Stephen sa upuan.

"Mukha namang hindi mahihirapan si Stephen mapapayag ang mama mo sa relasyon niyo" baling sa akin ni Joseph

"Magdilang anghel ka sana" nakangiting tugon ko naman sa kanya. Sabay kaming tumingin kay Stephen na parang gustong gusto ang ginagawa at tinotoo talaga na siya ang tutulong kay mama. Hindi na siya pinayagan ni mama na maglinis ng plato kahit tinupi na niya ang long sleeve niya hanggang sa siko.

Pumasok si papa na mukhang kakatapos lang din maligo at agad naman akong tumayo at pinakilala ang kambal tinanong ko siya kung gusto niya ng kape at tumango naman ito. Agad akong lumapit sa pwesto nina mama na naghuhugas ngayon ng plato at si Stephen naman na nagpuputol ng sitaw.

"Ma, igagawa ko lang ng kape si papa" sabi ko at tumingin ako kay Stephen

"O sige nak, tapos na pala itong si Yhnna tumayo kana diyan Stephen at si Marissa nalang ang magtutuloy niyan pag dating niya" sabi naman ni mama.

"Opo Tita" sagot naman nito at tumayo. Dahil nakatalikod naman si mama ay mabilis niya akong ninakawan ng halik sa pisngi at parang walang nangyaring tumabi siya kay mama at naghugas ng kamay.

Nung sumulyap siya sa akin ay pinaningkitan ko siya ng mata kinuha niya sa akin ang isang tasa ng kape at sabay na kaming nagpunta kung nasaan si papa. Kausap ni papa ang kambal na tawa ng tawa sa mga jokes ni papa, mukhang nagkasundo agad ang mga ito. Napatingin naman sa amin si papa at ibinigay ni Stephen ang kape niya.

"Stephen siya ang poging poging papa ko" sabi ko na medyo na iilang pero pinasigla pa din ang boses

"Hello po Sir" sabi ni Stephen at kinamayan si papa

"Pa, si Stephen pinsan siya ni Samantha yung sinasabi ni mama sa inyo nung isang araw?" Sabi ko na tabinging naka ngiti.

"Umupo ka hijo" sabi ni papa at binitawan ang kamay ni Stephen. Kinuha ko naman ang uniporme ni Stephen sa kabilang upuan at pina suot yon sa kanya.

"Mahal mo ba ang anak ko?" Diretyong sabi ni papa pagkasuot ng uniporme niya at umupo

"Opo" matigas na sabi ni Stephen na ikinagulat ko. Hinawakan nito ang kamay ko at pinagsiklop ang daliri namin.

Napatingin naman si papa sa magka siklop na kamay namin at seryosong napa tingin sa amin.

"Kailan pa?" Tanong niya na diretyo ang tingin sa akin

"Pa, ano kasi-

"Kagabi lang po niya ako sinagot Sir" sabi naman ni Stephen kay papa na seryosong nakatingin dito

"Pamilyar sa akin ang isang kotse na naka park sa labas, ikaw yung lalaking nakita kong nakatayo sa harapan ng bahay ko kagabi?" Sabi ni papa na humigop ng kape

"Sir opo sir" sabi niya

"Bakit hindi ka pumasok sa bahay?" Tanong ni papa at tumabi na si mama sa kanya na nakatingin din sa amin

"Pa, ayoko po kasi, gusto niya na hinatid ako kagabi kaso nagpilit ako na huwag muna" sabi ko

"Pasensiya na po sir kung hindi ko po sa bahay niyo niligawan si Yhnna pero patutunayan ko po sa inyo na mahal ko ang anak niyo" sabi ni Stephen

"Sa paanong paraan mo patutunayan? Sa kita ko sayo anak mayaman ka, sa uri pa lang ng sasakyan mo masasabi kong galing ka sa hindi basta bastang mayaman na pamilya. Paano kung tumutol ang pamilya mo sa anak ko? Wala kaming katiting na yaman na pwedeng ipag malaki sa inyo." Sabi naman ni papa na pinangininig ng katawan ko. Tinignan naman ako ni Stephen na nakangiti at hinawakan ng mas mahigpit ang kamay ko at parang pinahihiwatig na okay lang ang lahat at huwag akong matakot. At tumingin ulit sa magulang ko na nasa harapan namin.

"Kilala po ng pamilya ko si Yhnna, gusto siya ng Dad ko at kaibigan niya ang nag iisang kapatid ko kaya hindi niyo po kailangang mag alala sa pamilya ko. Hindi naman po isyu sa pamilya ko ang yaman dahil ang lola ko ay galing din po sa mahirap na pamilya. At kung sakali na pagpiliin ako kung si Yhnna at ang mana ko, sinisigurado ko po sa inyong hindi ko iiwan ang anak niyo kapalit ng mamanahin ko" seryosong sabi ni Stephen na nakatingin kay papa. Si mama naman ay nakatingin sa akin at naluluha.

"Mahal mo ba siya?" Biglang tanong sa akin ni papa

"O-opo" agad ko namang sagot at nakangiting Stephen ang nakita ko nung tignan ko ito.

"Pareho niyo naman pala mahal ang isa't isa sino ba kami ng mama niyo para tutulan kayo?" Nakangiting sabi ni papa sa amin. Napangiti naman ako sa sinabi niya at niyakap ko siya.

"Papa Thank you" sabi ko. Niyakap naman ako nito "bakit ko naman hahadlangan ang kasiyahan ng princesa namin? Basta kung saan ka masaya susuportahan ka namin ni mama mo" sabi naman niya.

Tumayo si papa at kinamayan si Stephen "alagaan mo ang anak ko at huwag mong sasaktan" sabi ni papa. "Makaka asa po kayo Sir" sabi naman ni Stephen.

Magkahawak kamay kaming lumabas ni Stephen kasunod ang kambal sa likod namin na masaya. Pagka pasok ko sa kotse niya ay agad niya akong hinalikan sa labi. Naitulak ko pa nga siya dahil nakita kong nakatayo si mama sa may labas at nakatingin sa amin. Tumawa ito at sinabi sa akin na tinted daw ang salamin ng kotse niya at hindi daw kami makikita ni mama. Binaba nito ang salamin ng kotse niya at kumaway kay mama at sinabing mauuna na kami. Nakangiti namang tumingin at kumaway sa amin si mama.

*************************

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height