+ Add to Library
+ Add to Library

C28 Quits

Yhnna's POV

"Totoo na ba talaga yan?" Sabi ni Luke na biglang dumaan sa gitna namin ni Stephen galing sa likuran napahiwalay tuloy ang magka hawak kamay namin. Tawanan naman ang ibang kaibigan nila na nandito na rin sa school.

"Ang makahuli kay Luke may pabuya" sabi ni Stephen sa mga kaibigan. Nanlaki naman ang mata ni Luke at mabilis na tumakbo hinabol naman siya ng mga kaibigan niya.

"Bakit mo pinapahuli? Ano namang pabuya?" Tanong ko kay Stephen

"Wala yon hayaan mo silang mapagod" sabi niya at kinuha ulit ang kamay ko at inilagay sa may baywang niya at inakbayan naman niya ako.

"Napaka PDA mo talaga" sabi ko na tinatanggal ang kamay ko na nasa baywang niya. Hindi ko naman matanggal dahil hawak niya. Wala siyang pakialam sa mga nakatingin sa amin at nagpatuloy nalang kami sa paglalakad.

Umupo kami sa bench kung saan kami unang nagkita, doon sa lugar na pinagtatambayan namin ni bessy kung saan tumalon siya sa puno.

"May sasabihin ako" sabi niya

"Hmm sige ano yon?" Sabi ko

"Alam mo bang dito kita unang nakita?" Simula niya

"Oo, tumalon ka kaya sa punong yan tapos kinuha mo yung sandwich ko" sabi ko

"Hindi pa yon, una kitang nakita nung kasama mo si Samantha dito. Nasa taas ako ng puno at kakagising ko lang nung marinig ko kayong nag uusap ni Samantha. Aalis na sana ako noon ang kaso bigla akong napatigil nung marinig ko ang boses mo at yung kwento sa kanya. Alam ko naman na hindi magandang ugali ang makinig sa usapan ng may usapan lalo na't sikreto yon kaso hindi ko mapigil ang hindi makinig" nakangiting sabi niya habang akbay niya pa rin ako kahit nakaupo na kami.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at hindi mapigilang mahampas ang dibdib niya hinuli naman nito ang kamay ko at hinalikan niya.

"Ang PDA mo grabe!" Sabi ko na binawi ang kamay ko

"Sa susunod huwag kang makinig sa usapan ng may usapan napaka tsismoso mo" dagdag ko pang sabi

"Hindi ko naman kasi sinasadya madinig yon, sa susunod kasi siguraduhin niyo na walang tao sa paligid niyo" sabi pa niya

"Dapat kasi nung una palang sinabi mo na na may tao sa taas ng puno diba?!" -ako

"Bakit ba kasi doon kayo nag uusap ng mga personal na bagay? Pano ko sasabihin na hoy Samantha nandito ako naririnig ko kayo! Kung dire diretyo ang pag kwento mo habang seryoso naman yung isa sa pakikinig sayo?" Sabi pa niya

"Wala naman kasing tao don nung nag usap kami!" Sabi ko

"Bakit ko napakinggan yon kung walang tao pala don gaya ng sinasabi mo?" -siya

"Aba malay ko sayo! Bakit tao ka ba? Sabi ko tao hindi unggoy na tsismoso na manyak pa!" Mataray kong sabi

"Kung unggoy ako ano ka naman?" Sabi niya na cool na sumandal sa bench

"Isa akong dyosa!" Sabi ko na binelatan siya. Tumawa naman ito ng nakakaloko kaya hinampas ko ulit siya pero hindi pa din ito tumitigil.

"May dyosa palang baboy?" Sabi niya na hindi na tumitigil sa pagtawa. Tumayo ako sa pagkaka upo at pinag ha hampas siya ng bag ko.

"Baboy pala ha?! Baboy?! Sige bahala ka diyan! Unggoy!" Sabi ko na nag walk out at pumasok na sa classroom.

"Oh bakit busangot mukha mo?" Tanong ni bessy na kakapasok lang

"Yung pinsan mo kasi k aasar!" Sabi ko

"Ano nanaman drama niyong dalawa? Kagabi lang ang saya niya at tinawagan pa ako at sinabing kayo na daw, nangyari nanaman sa inyo? Grabe bessy nakakaloka na kayo" sabi niya

"Eh kasi siya tinawag akong baboy! Kainis!" Gigil kong sabi

"Nilalambing ka lang non, hindi ka naman mataba eh" sabi niya

"Bessy naman! Lambing niya baboy?! Tapos hindi pa siya tumitigil sa pag tawa lambing paba yon?! Tapos hindi man lang ako sinundan nung umalis ako!" Padabog kong sabi

"Hala! Bessy seriously? Ang liit na bagay huwag mong sabihing pag aawayan niyo pa?" Tanong niya

"Eh kasi naman siya eh!" Sabi ko

"Malala kana girl" sabi pa ni bessy

*********************

*Vacant*

"Kuya naman lubayan mo muna ang bestfriend ko pwede? Hindi naman siya mawawala hayaan mo naman makasama ko siya kahit Vacant time lang" sabi ni bessy nung maabutan namin si Stephen kasama si Gio na nakatayo sa may labas ng classroom namin.

"Swerte mo nga maghapon kayong magkasama at mag katabi sa upuan kaya akin muna siya" sabi niya na umakbay sa akin.

"Bitawan mo nga ako" inis kong sabi at tinanggal ang kamay niya

"Akala mo siguro nakalimutan ko na pagtawag mong baboy sakin kanina!" Sabi ko pa at tumawa na naman ang walanghiya.

Hinila ko si bessy at iniwan doon si Stephen na tumatawa. Kinalabit naman ako ni Gio sa likod ko na sinundan kami.

"Bakit?" Tanong ko

"May pizza ako sa taas doon nalang kayo mag snacks" sabi niya

"Anong flavor?" Tanong agad ni bessy na nag ni ningning ang mga mata

"Apat kasi yong pina order ni Stephen, dalawang double cheese pizza, smokey maple bacon at mega pepperoni and mushrooms pizza" sagot naman ni Gio

"Ohemji! Sige sige sige! Bibili nalang kami ng drinks!" Sabi naman ni bessy

"Meron na don bumili na kami kanina ni Stephen" sabi ni Gio

"Sige Tara na!" Masayang sabi ni bessy at hinila ako.

Naabutan pa namin si Stephen sa pinagiwanan namin sa kanya kanina habang naka sandal sa may pader at naka pamulsa ang dalawang kamay naka ngisi pa itong naka tingin sa akin.

Waaahhh!!! Bakit ba kahit naka ngisi ang gwapo pa din niya? Hustisya naman T____T sigaw ko sa isip ko at nag pout. Nang makalapit na kami sa pwesto niya ay binitiwan ako ni bessy at kay Gio kumapit. Pinulupot naman ni Stephen ang kamay niya sa baywang ko at naglakad kasunod nina bessy.

Inabutan namin si Joseph na kumakain ng Pizza habang nanonood ng tv.

"Kain tayo" aya pa niya sa amin. Para naman akong nag laway sa pizza na kinakain niya na punong puno ng cheese.

"Penge ako!" Agad kong sabi kay Joseph at tumabi sa kanya

"Here, help yourself" sabi naman niya. Ngumiti naman ako sa kanya at kumuha ng isang slice. Tumingin naman ako sa naka kunot noong si Stephen at binelatan ito.

"Usog!" Ma awtoridad niyang sabi kay Joseph na mas lalong dumikit sa akin.

Tumawa naman si Gio at bessy na ikina tingin namin.

"Pare kung ayaw mong tumilapon palabas lumayo ka kay sesa dahil si sipe ay nag seselos" sabi naman ni Gio. Tumingin naman ako kay Joseph na nakadikit nga sa akin at biglang lumayo. Tawanan na naman sina bessy at Gio at maging pati ako ay nakitawa na din.

"Walang nakakatawa" sabi naman ni Stephen na tumabi sa akin na naka simangot at inakbayan ako. Parang wala naman ako sa sarili at bigla ko siyang dinampihan ng mabilis na halik sa labi.

"Yun oh!" Sabay sabay naman nilang sabi. Tinignan ko naman si Stephen na abot tenga ang ngiti. Napakagat labi nalang ako at isiniksik ang mukha ko sa may leeg niya sa sobrang kahihiyan. Niyakap naman ako nito at hinalikan sa may ulo.

"Hello! May bitter po dito! Tama na yan lalo lang akong nabibitter sa inyo" sabi ni bessy na lumapit pa sa amin at umupo sa gitna namin ni Stephen. Mahinang batok naman ang ibinigay ni Stephen sa kanya.

"Kuya naman eh!" Maktol niya "akin lang si bessy" sabi pa niya at niyakap ako.

Tinanggal naman ni Stephen ang kamay ni bessy sa akin at binuhat siya , inupo niya ito sa single seater na sofa. "Baka mahawahan mo pa si Yhnna" sabi pa niya at inakbayan ulit ako.

"Edi Wow! Kayo na! Ako na nag iisa" reklamo niya at kumuha din ng pizza

Lumapit naman si Gio kay bessy at inabutan siya ng pineapple juice, umupo ito sa armrest ng inuupuan niya.

"Anong gusto niyong lunch mamaya?" Tanong ni Gio na naka tingin kay Samantha

"Kahit ano na lang, tinatamad din naman akong umuwi kaya kayo na bahala" sagot ni bessy kay Gio.

"Ikaw sesa anong gusto mo mamaya na Lunch?" Tanong sa akin ni Stephen

"May baon ako, kayo na bahala kung anong gusto niyo" sabi ko

"Okay" sabi naman niya at sinubuan ako ng pizza. Inabot naman niya ang isang pineapple juice at binuksan iyon, nilagyan niya ang straw at itinapat sa bibig ko. Kinuha ko ang hawak niyang juice at uminom doon, sinubuan ko din siya ng pizza at pinainom din sa binigay niyang juice! Natamaan ako sa ulo sa throw pillow na binato ni bessy sa amin.

"Hellooo! Nandito po kami baka gusto niyong mahiya sa amin?" Sigaw ni bessy sa amin ni Stephen. Binato din ni Stephen pabalik kay bessy yung throw pillow na binato nito sa amin, sinangga naman ni Gio yon.

"Ehem, mukhang kailangan ko ng lumabas" biglang sabi ni Joseph

"May pupuntahan ka pre?" Tanong ni Gio sa kanya.

"Wala nga eh pero para akong others dito" sabi ni Joseph

"Hindi lang kaya ikaw, i feel you" sabat naman ni bessy

"Huwag nga tayong maglokohan, ako lang talaga ang others dito. Si Stephen may Yhnna si Gio may Samantha" tatawa tawang sabi pa niya bago kumuha ulit ng pizza at nag Indian seat sa sarap lapag at nanood ng documentary program sa tv.

"Hoy hoy! Anong si Gio may Samantha?!" Pasigaw na reaksyon ni bessy. Si Stephen naman ay walang pake sa nangyayari sa paligid niya at sinusubuan lang niya ako.

"Nasa in denial stage ka pa pala? Si Gio mukhang hindi na" sagot naman ni Joseph kay bessy.

"Anong pinagsasasabi nito?" Tanong naman ni bessy kay Gio na parang balewala lang din sinabi ni Joseph tungkol sa kanila.

"Ewan" tipid na sagot din niya at itinaas pa ang dalawang braso at pinagpatuloy din ang panonood.

"Aist! Ewan ko sa inyo!" Sabi naman ni bessy at nakinood na din habang kumakain. Kinalabit ko naman si Stephen na nanonood din at itinuro si Gio na wagas kung maka tingin kay bessy. Ngumisi naman ito nung makita ang tingin ni Gio sa pinsan niya at tumingin din sa akin at mabilis din akong hinalikan sa labi sabay sabing 'quits'.

****************

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height