Ang Boyfriend Kong Manyak/C29 Sinetch itey?
+ Add to Library
Ang Boyfriend Kong Manyak/C29 Sinetch itey?
+ Add to Library

C29 Sinetch itey?

Yhnna's POV

"Marunong naman akong umuwi, hindi mo naman ako kailangan ihatid araw araw" sabi ko kay Stephen na naka akbay sa akin habang naglalakad papuntang parking lot.

"Wala naman akong ginagawa at gusto kong ihatid at sunduin ka sa inyo kaya huwag ka ng kumontra" sabi niya na pinag buksan ako ng kotse niya at pinapasok sa loob.

Pagkapasok niya sa loob ng kotse ay agad niya akong dinampihan ng halik sa labi. Mag iisang buwan na mula ng maging kami ni Stephen at araw araw niya akong sinusundo sa bahay at hinihahatid. Tuwing Sabado at Linggo ay lagi rin siyang dumadalaw sa bahay at lagi rin siyang tumutulong sa karinderya ni mama.

"Anong flavor kaya ang gusto ni Yael?" Tanong niya habang naka tingin sa daan at pinapark sa parking space ng Pizza Hut.

"Masyado mong sinasanay ang kapatid ko sa pasalubong mo baka hanap hanapin niya, next time ka nalang bumili" sabi ko kahit alam kong hindi rin naman siya susunod.

"Edi masanay siya maliit na bagay lang naman to" sabi niya. Ilang ulit ko na bang narinig sa kanya yon? Halos araw araw na laging pinagtatalunan namin ang pagbili niya ng kung ano ano na pasalubong araw araw. Kaya hinayaan ko nalang siya at sumama sa kanya papasok sa Pizza Hut.

"Gusto mo ba ng Super Supreme?" Tanong niya sa akin habang naka yapos sa baywang ko. Tumango ako at ngumiti sa kanya.

"Dalawang Super Supreme at dalawang Hawaiian Supreme Pizza at anim din ng Spaghetti bolognese with meatballs" sabi niya sa service crew na nasa counter.

"Chicken you like?" Tanong pa niya sa akin. Agad naman akong umiling

"Sobrang dami na kaya niyan okay na yan" sabi ko sa kanya

"Iniisip ko lang kasi baka maubos mo at hindi mo kami tirhan ni Yael" nakangising sabi niya. Pinaningkitan ko naman siya ng mata

"Humanda ka sakin mamaya" mahinang sabi ko habang siya naman ay kinurot ang ang maliit na bilbil ko sa tiyan.

Pagpasok namin sa kotse ay agad ko siyang pinagkukurot sa may tiyan, todo iwas naman ito at hinuhuli ang kamay ko.

"Tama na tama na" sabi niya na tumatawa dahil nakikiliti. Lumapit naman ako sa kanya at mas kiniliti ito.

"Ikaw kaya ang hindi tumitigil sa pang tutukso sa akin!" Sabi ko na kinikiliti pa rin siya.

"Hindi naman kita tinutukso totoo naman sinasabi ko baka pag tinukso kita diyan magalit ka" sabi pa niya.

"Napaka bully mo talaga! Unggoy!" Sabi ko at hinampas siya sa braso

"Gusto mo talagang tuksuhin kita no?" Naka ngising sabi niya sabay hila sa akin sa katawan niya.

Agad naman akong pumikit ng lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Ilang segundo din akong naka pikit ng magpasyang imulat ang mata ko dahil sa hindi ko naramdaman ang labi niya sa labi ko. Pag mulat ko ng mata ay isang Stephen na todo ngiti ang nabungaran ko sa harap ko.

"Bakit naka pikit ka? Gusto mong halikan kita?" Sabi niya na hindi napigilan ang pagtawa. "Okay ba akong manukso?" Dagdag pa niya na tumatawa.

Ngumiti naman ako ng matamis sa kanya at umayos ng upo sa hita niya. Hinawakan ko ang mukha niya at pina daanan ang hintuturong daliri ko sa jawline niya. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at unti unting inilapit ang mukha ko sa kanya. Bahagya kong binuka ang mga labi ko at pinag tama ang ilong namin. Nung maramdaman ko ang pagyakap niya sa katawan ko at pag pikit niya ay agad kong tinulak ang noo niya at tumawa ng tumawa.

"Oh! Ano ka ngayon?!" Sabi ko na tawa lang din ng tawa habang siya naman ay naniningkit ang mata.

"Ganyanan pala ha?" Sabi niya na nakangisi sa akin

"Ikaw kaya nagsimula! Buti nga sayo!" Sabi ko at binelatan siya. Uupo na sana ako sa upuan ko ng hilahin niya ulit ako at hinawakan ang dalawang pisngi ko at hinalikan ang labi ko. Sa una'y nabigla ako pero pagkatapos ng ilang segundo ay kusang humawak ang kamay ko sa pisngi niya at hinalikan siya pabalik.

***********

Bahay

"Kuya Stephen!" Sigaw ni Yael na mabilis lumabas ng bahay at sinalubong si Stephen.

"Parang isang taon kayong hindi nagkita ha? Kaninang umaga lang magkasabay pa kayong nag almusal" sabi ko

"Selos ka naman ate? Kasi hindi ikaw kasabay ni kuya mag almusal kanina?" Kantyaw naman niya. Habang si Stephen naman ay tawa ng tawa habang ginugulo ang buhok ni Yael

"Halina nga kayo magsipasok sa loob" sabi naman ni Mama

Nauna akong pumasok sa loob habang naka sunod naman sa likuran ko sina Stephen at Yael na bitbit ang mga pizza at pasta.

"Kuya matagal ko ng gustong itanong to sayo eh" sabi ni Yael habang nginunguya ang spaghetti sa bibig niya.

"Ano yon?" Tanong naman ni Stephen iniinom ang tubig na binigay ko

"Bakit mo nagustuhan ang ate ko? Hindi naman kami mayaman at mas lalong hindi naman siya maganda at sexy" sabi ni Yael na parang wala lang ako sa harapan niya. Binatukan ko tuloy siya at si Stephen naman ay tawa ng tawa.

"Hindi ko nga rin alam eh may palagay din akong ginayuma ako ng ate mo" sagot naman ni Stephen.

"Mga batang ito, ikaw Yael kung ano ano pinagsasasabi mo sa kuya mo baka hiwalayan niya ang ate mo at hindi kana makatikim ng kinakain mo ngayon" sabi naman ni mama na kumuha din ng pizza at tumabi kay Yael.

"Nag jojoke lang kaya ako, ang ganda kaya ni ate at ang sexy pa. Crush nga siya ni Adrian eh!" Sabi naman ni Yael

"At hindi ko din naman po hahayaan na magkaroon ng tsansa yung Adrian na tinutukoy ni Yael na ligawan si Yhnna dahil wala po akong balak na hiwalayan si Yhnna" sabi naman ni Stephen.

"Oo nalang ako" sabi ko at umupo sa tabi ni Stephen. Bumulong naman ito sa akin at sinabing akin ka lang.

******************

Stephen's POV

Nag da drive ako pauwi sa condo ng paulit ulit na bumabalik sa akin ang sinabi ni Yael kanina na may crush daw kay sesa yung Adrian. Agad kong itinabi ang sasakyan ko at hininto ito sa may poste at agad na tinawagan si Yhnna.

"Hello?" Sagot niya sa kabilang linya

"I love you so much" sabi ko

"I love you too po nasa condo mo na ikaw? Ang bilis mo yata? Diba sinabi ko na sayo na wag mabilis sa pag drive?" Nag aalalang sabi niya

"Hindi, wala pa sesa.. pero malapit na, gusto ko lang marinig ang boses mo" sabi ko

"Kakahiwalay lang natin ha, sabi ko sayo na huwag kang tatawag habang nag da drive diba? Patayin ko na to tumawag ka nalang pag naka uwi kana" sabi niya

"Nakahinto ako, huwag ka ng lalabas ha? Gabi na" sabi ko

"Saan naman ako pupunta? Sige na uwi na maliligo na ako. Mag ingat ka sa pagdadrive" sabi niya

"Okay, I love you Yhnna Lopez" sabi ko

"I love you too Stephen James Montreal babye ingat sa pag drive okay? Love you kamahalan" dinig ko pang sabi niya bago naputol ang linya.

Maluwang naman akong nakahinga at nag drive na ulit pauwi sa condo.

*****************

"Good Morning Tita" Bati ko sa mama ni Yhnna

"Good Morning din halika na muna at ng makapag almusal" sabi naman niya

"Sige po salamat" sagot ko at tuluyan ng pumasok at lumapit kay Yhnna na naglalakad din palapit sa akin.

"Good Morning Sesa" Bati ko kay Yhnna at hinawakan sandali ang kamay.

"Good Morning kamahalan tara breakfast muna tayo, nagluto ako ng tocino at sinangag" sabi niya

"May kamatis ba?" Nakangiting tanong ko. Tumango naman ito at nagsabi na with tuyo pa at kinindatan ako. Ayos! Sabi ko naman at sumunod sa kanya.

***************

"Hindi na naman kayo mapaghiwalay" sabi ni Samantha

"Wala naman kasi kaming balak maghiwalay" sabi ko sa kanya at mas hinigit si Yhnna sa katawan ko.

"Ano ba! Kulang nalang isubsob mo ako sa katawan mo ha!" Angil naman niya

"Hayan na naman kayo maka alis na nga at na bi bitter ako sa inyo" sabi naman ni Samantha

"Bessy hintay! sabay na ako sayo" sabi ni Yhnna na tinanggal ang kamay ko mula sa pagkaka akbay sa kanya.

"May quiz kasi kami ngayon mag re review muna ako" sabi niya at mabilis akong hinalikan sa pisngi at sumama sa naka simangot na Samantha.

Tinitigan ko lang si Yhnna at Samantha na naglalakad palayo sa akin, lumingon pa nga si Yhnna ngumiti at kinawayan ako. Kinawayan ko naman siya pabalik at naglakad na din ako papunta naman sa klase ko.

"Maaga ka yata ngayon? May LQ ba kayo ni Yhnna?" Tanong ni Luke sa akin

"Mag re review siya may quiz daw sila ngayon" balewalang sabi ko

"Akala ko naghiwalay na kayo" sabi pa niya

"Asa ka pa gago" sabi ko at sinuntok ang braso niya

Third Person's POV

Magsaya na kayo ngayon hanggat may oras pa kayo dahil sinisiguro ko na bilang na mga masasayang araw niyo sabi ko sa isip habang nakatingin sa masayang sina Stephen at Yhnna na naglalakad na magka akbay papasok sa Montreal University.

Yhnna Lopez maghanda ka na dahil ikaw ang uunahin ko, magdasal ka na hindi ka malalayo sa iyong munting prinsipe. Magdasal ka na huwag akong mabigyan ng pagkakataon para gawin ang binabalak ko sayo.

At para sayo mahal na prinsipe maghintay ka lang at may pag lalagyan ka din.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height