+ Add to Library
+ Add to Library

C3 Best friend

Samantha's POV

Unang kita ko palang kay Yhnna ay alam kong may kakaiba sa kanya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa umupo sa may pinaka likod ng classroom namin sa may tabing bintana. Nasa sampung minuto ko na din siguro siya pinagmamasdan mula ng pumasok siya kasama yung terror teacher na si Mrs.Rivera. Kasalukuyan siyang naka dungaw ngayon sa bintana.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at pinaswitan.

"Pssst.." Sabi ko. Tumingin siya sakin at ngumiti ako. "Hi!" Sabi ko

"Hello" mahinang sabi niya at ngumiti sa akin.

"Ako pala si Samantha" sabi ko at iniabot ang kamay ko para makipag shake hands.

"Yhnna" simpleng sagot niya at kinuha ang kamay ko at nakipag shake hands.

"Friends na tayo ha? Wala pa kasi akong friends sa school. Pretty please??" Sabi ko na pina andar ang pagiging cute ko. Hakhak. Kita ko naman tumalab ang cuteness ko kaya sinundot ko siya sa tagiliran.

"Yehey! Friends na kami" sabi ko

"Sige, ako din naman eh wala akong kakilala dito" sabi niya

Nagkwentuhan pa kami sandali hanggang sa dumating si Sir Bernard.

*kinabukasan*

Naglalaro ako sa phone ko ng Clash of Clans tuwang tuwa ako kasi pagkatapos ng ilang lingo natapos na din ang pag upgrade ko at Th10 na ako ngayon. Seryoso akong naglalaro dahil uma attack ako ngayon sa Clan War namin, napangisi ako dahil ang weak ng kalaban ko. Hohoho

Naramdaman ko ang pag upo ni bessy sa tabi ko. Paano ko nalaman? Eh kasi naman naamoy ko sakanya yung downy passion na ginagamit ni yaya perla sa mga comforter ko sa bahay. Yun din kc ang na amoy ko sa kanya kahapon nung humilig ako sa balikat niya at natulog. Haba nga ng tulog ko feeling ko nasa bahay lang ako. Hohoho

"Good morning bessy!" Masayang sabi ko

"Good morning Sam" nakangiting sabi naman niya.

"Mukhang busy ka ha?" Tanong pa niya.

"Nope! Naglalaro lang ako ng games, look bessy oh! Th10 na ako" Masayang sabi ko. "Naglalaro ka rin ba nito?" Tanong ko tapos pinakita ko sa kanya ang phone ko. Dahil na din sa naka open ang COC ko kinuha ko na muna ang mga elixir bago ko ulit pinatay ang phone ko. "Hindi eh" dinig kong sabi niya. "Try mo siyang i download maganda siyang libangan, nakaka adik nga eh" dagdag ko pa. "Pwede ba yang i download dito?" Sabi niya sabay kuha sa bulsa ng uniform niya sa cp niya.

"Oemji!" Sabi ko at kinuha sa kamay niya yung phone niya. Mabilis naman niyang na agaw sa akin yon at itinago agad sa likuran niya.

"Bessy seriously? Yan talaga ginagamit mo?" Pabulong na tanong ko

"Yep! 2 years na din sakin to, hindi naman kasi kami mayaman gaya niyo. Tricycle driver lang ang papa ko at ang mama ko naman nagtitinda lang ng almusal at tanghalihan sa harapan ng bahay namin" sabi niya na bahagyang nakangiti.

Me like WTF! Diba? Yeah, unang kita ko palang sa kanya napansin ko na agad yung relos niya na mukhang mumurahin lang, yung pearl earrings niya na halata naman na fake at yung ipit niya na may design na spongebob i find it weird talaga. Pero yung fact na dito siya sa Montreal nag aaral ibig sabihin hindi siya ganoon kahirap, maliban nalang kung scholar siya.

"Hindi naman siguro ganon kahirap kayo bessy kasi dito ka nag aaral, at di ka naman mukhang mahirap." Sabi ko.

Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko para ma comfort siya o kung ano, at kung mukha lang naman titignan siguradong tumba ng bessy ko ang fezlak ni Veronica.

"Dito na si Sir, kwento ko lahat sayo sa vacant natin" pabulong na sabi niya.

Nakatingin ako sa prof namin habang nag di discuss siya pero yung utak ko asa langit yata lumilipad. Dalawang subject pa ang dapat naming tapusin bago vacant period namin. Sumulyap ako sa bessy ko na seryosong nakikinig sa prof namin, siguro scholar siya, sabi ko sa isip ko. Waaaaaaahhhhhh!!!! Ibig sabihin non matalino bessy ko!!! Sigaw ko sa utak ko.

Inip na inip na ako, gusto kong marinig kwento ni bessy pero 30 minutes pa bago matapos ang ComArts subject na namin. Sumulyap ulit ako sa kanya at gaya kanina busy na busy pa rin siya, kung kanina busy siya sa pakikinig ngayon naman busy siya pag susulat. At ako? Nganga! Tamad ko kayang magsulat! Hohoho

"Okay class see you tomorrow" nang marinig ko yon agad akong tumayo sa upuan at hinatak si bessy sa kinauupuan niya.

"Bessy dun tayo!" Sabi ko sabay turo sa sa puno ng mangga. Sabay kaming umupo sa bench na nandoon at humarap ako sa kanya. "Mag kwento ka na" agad na sabi ko.

Habang kinukwento niya yung talambuhay niya at kung anong dahilan kung bakit dito siya nag aaral ay di ko maiwasang isipin kung anong lagay nila sa buhay, naaawa ako sa bessy ko pero bilib din dahil hindi sila sumusuko ng pamilya niya.

Naalala ko tuloy parents ko, pareho silang busy sa trabaho. Nasa Japan ngayon si Dad para kausapin mga investor ng company namin. Si Mommy naman nasa Paris ngayon kasama mga amiga niya, tumawag nga siya sakin para itanong kung anong gusto kong pasalubong. Si Kuya naman siya namamahala sa ibang business namin dito. Ako naman heto, lahat ng gustuhin ko ibinibigay nila. Well, kahit nga mga di ko gusto o pinapabili binibigay nila. Kaya di ko din maiwasan hindi mainggit kay bessy na kahit mahirap sila sama sama at nag susuportahan sila ng pamilya niya.

Alas tres pa lang pero pauwi na kami, hindi kasi pumasok si Mrs.Pineda na last subject namin. Maingay na lumalabas mga classmate ko sa classroom namin.

"OMG kailangan ko nga palang bumili ng Kylie lipstick! Tara sa mall!" -Veronica

"O My Gee! Me too! I need to buy new dresses din! Maarteng sabi naman ng kasama niya. Classmate ko din pero di ko siya kilala.

Nagkatinginan lang kaming dalawa ni bessy at nagngitian.

"Bessy may pupuntahan ka?" Tanong ko

"Diretyo na akong uwi bakit?" Tanong niya

"Maaga pa naman tara mall tayo" sabi ko na binigyan siyang matamis na ngiti.

"Ay! Kung gusto mo tulungan nalang kita" sabi niya.

"Okay, tara na?" Sabi ko na ngumiti ng malapad. ^__________^

Nag taxi nalang kami papunta sa mall, wala pa kasi yung driver namin at alam non 4:30 pm pa uwian namin. Agad kaming pumasok sa loob dumiretyo agad kami sa Forever 21 dito kasi ako madalas bumili. Nag sukat ako ng mga damit na pinili ko at tinatanong si bessy kung bagay ba sa akin.

"Lahat naman bagay sayo, pero bessy sure ka bibilhin mo lahat to?" Tanong niya habang turo sa mga sinukat kong damit.

"Yep! Sabi ko sabay pasok ulit sa fitting room at sinukat yung crop tank na kulay baby pink. Hinubad ko agad yon at lumabas na, kahit hate ko ang pink sinama ko na din sa bibilhin ko. Inasist kami ni Ateng saleslady hanggang sa may counter, walong piraso din pala yon. Iniabot ko ang Credit card ko sa kanya at tumingin kay bessy na may tinitignan blusa. Ganon naba ako ka insensitive? Di ko man lang tinanong kung may gusto siyang bilhin.

"Bessy gusto mo ba yan?" Tanong ko sa kanya habang tinitignan niya yung price tag na nakasabit sa damit.

"Hindi hindi, tumitingin tingin lang ako. Ok naba pinamili mo?" Tanong niya.

"Yeah, hinihintay ko nalang si Ms. Ganda" tukoy ko dun sa saleslady.

"Kinuha ko yung damit na tinitignan ni bessy kanina kulay dilaw yon at may design na 'spongebob' dinala ko din yon sa counter para mabayaran na din.

Kung saang saang boutique pa kami nag punta ang last stop namin ay ang Starbucks. Ayaw pumili ni bessy ng o orderin kaya ako nalang nag desisyon kung ano kakainin namin. Umorder ako ng 2 venti size na caramel java chip frap at 2 cheesecake overload.

Habang nag hihintay sa inorder ko ay nag text ako sa driver namin na sunduin kami sa mall ngayon.

"Bessy sabay kana sakin ha?" Sabi ko na bago sumubo ng Cheesecake.

"Ha? Bessy baka mapalayo pa kayo, mag je jeep nalang ako" sagot niya.

"No way! Ako nag aya sayo kaya ihahatid kita sa inyo" sabi ko

"Okay lang talaga talaga, gusto ko din naman samahan ka. Ngayon na nga lang ulit ako bumisita sa mall" dagdag niya.

"I insist. Magtatampo ako pag hindi ka nagpahatid sakin" pangungunsensiya ko.

"Okay sige, ikaw bahala" sumusukong sambit niya. Nag text na si Mang Dado nasa parking lot na daw siya, mag text nalang daw ako kung palabas na kami. Nag reply naman ako kung nasaan kami at sinabing lalabas na kami.

Habang nasa sasakyan ay nag kukwentuhan kami ni bessy ng kung ano ano, sinabi ko sa kanya mga hilig ko at nalaman ko din na kpop fan din siya.

"Waaahhh! Akin lang si V! Asawa ko siya!" Sabi ko

"Kabit ka lang, ako ang legal wife!" Di nagpapatalong sabi niya.

"The abs! Waaaahhhh!!!!" Sabi ko habang iniimagine ang abs ni v ng bts.

"Kyaaahhh!" Sabi naman niya. "Akin lang ang pandesal ng asawa ko!" Sabi ulit niya.

Buong biyahe namin ay tungkol sa mga bias lang namin sa kpop world ang pinag uusapan namin. Nang makarating kami sa kanila inaya niya kaming pumasok ng bahay nila. Gusto ko sana pero tumawag kasi si kuya sinabing uuwi siya ng maaga kasama mga kaibigan niya. Bago siya bumaba ng sasakyan inabot ko sa kanya ang 2 paper bag na may lamang damit. Ayaw nga niya itong tanggapin, pero nung sabihin ko na pag di niya tinanggap itatapon ko nalang kaya kinuha na niya mga to at nagpasalamat. Tinignan ko nalang ang si bessy paakyat sa bahay nila, nakita ko din ang maliit na karinderya na tinutukoy niya, may nakalagay don na Coca cola sign board at nakasulat na Yhnna Yael's Store.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height